Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Pagsisikap na Nagtataguyod ng Mabubuting Moral na Pamantayan

Mga Pagsisikap na Nagtataguyod ng Mabubuting Moral na Pamantayan

Mga Pagsisikap na Nagtataguyod ng Mabubuting Moral na Pamantayan

Noong huling bahagi ng 2001, napakinggan ng mga tagapakinig ng pambansang brodkast ng Radio Mozambique ang ganitong patalastas:

“Dinalaw ng presidente ng Republika ang mga pasilidad ng sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Maputo. Pinasigla niya ang relihiyosong kongregasyong ito na pag-ibayuhin ang kanilang mga pagsisikap sa pagtataguyod ng mabubuting moral na pamantayan sa mga pamilya at sa pagtuturo sa mga adulto sa pamamagitan ng kanilang mga programa sa pagbasa’t pagsulat. Mga 10,000 katao na ang nakinabang sa mga programang ito. Ayon kay Pangulong Chissano, dapat papurihan ang mga programang gaya nito, yamang ang mga ito ay mahalagang tulong sa lipunan sa paglutas ng mga problema sa edukasyon na kinakaharap pa rin ng bansang ito.”

Nagpatuloy ang patalastas na ito kasama ang sumunod na inirekord na bahagi ng talumpati ng pangulo: “Talagang nakapagpapasigla para sa amin na makitang maraming tao ang interesadong bumasa’t sumulat. Ipinakikita nito sa atin na ang ordinaryong mga mamamayan ay tutulong sa atin na pataasin ang bilang ng mga taong marunong bumasa’t sumulat. Kaya, nais ko lamang pasiglahin ang mga Saksi ni Jehova na pag-ibayuhin ang kanilang mga programa sa pagbasa’t pagsulat, sa anumang wika. Ang talagang mahalaga ay may mga taong marunong bumasa’t sumulat at mas madaling makipagtalastasan ang mga tao at sa hinaharap ay magkaroon ng mas malaking pakikibahagi sa edukasyon.”

Ang mga Saksi ni Jehova sa Mozambique ay nagdaraos ng mga klase sa pagbasa’t pagsulat sa 850 lugar sa buong bansa upang ang mga tao ay makabasa ng Salita ng Diyos sa ganang sarili nila. Bukod dito, nagdaraos sila ng mga 50,000 walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya linggu-linggo. Lahat ng ito ay bahagi ng isang pandaigdig na programa ng pagtuturo sa Bibliya na umaabot na ngayon sa 235 lupain. (Mateo 24:14) Maaari ka ring makinabang sa programang ito. Pakisuyong huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar.