Magpakita ng “Buong Kahinahunan sa Lahat ng Tao”
Magpakita ng “Buong Kahinahunan sa Lahat ng Tao”
“Patuloy mo silang paalalahanan na . . . maging makatuwiran, nagpapakita ng buong kahinahunan sa lahat ng tao.”—TITO 3:1, 2.
1. Bakit hindi laging madali na magpamalas ng kahinahunan?
“MAGING mga tagatulad kayo sa akin,” ang sulat ni apostol Pablo, “gaya ko naman kay Kristo.” (1 Corinto 11:1) Ang lahat ng lingkod ng Diyos sa ngayon ay nagsisikap na sundin ang paalaalang ito. Totoo, hindi ito madali, sapagkat namana natin mula sa ating unang mga magulang ang sakim na mga hangarin at disposisyon na hindi kasuwato ng halimbawa ni Kristo. (Roma 3:23; 7:21-25) Gayunman, kung tungkol sa pagpapamalas ng kahinahunan, tayong lahat ay magtatagumpay kung magsisikap tayo. Ngunit hindi sapat na basta umasa na lamang sa determinasyon. Ano pa ang kailangan?
2. Paano tayo makapagpapakita ng “buong kahinahunan sa lahat ng tao”?
2 Ang makadiyos na kahinahunan ay isa sa mga bunga ng banal na espiritu. Habang sinusunod natin ang mga pag-akay ng aktibong puwersa ng Diyos, lalo namang makikita sa atin ang mga bunga nito. Kapag nangyari iyon, saka lamang tayo makapagpapakita ng “buong kahinahunan” sa lahat ng tao. (Tito 3:2) Suriin natin kung paano natin matutularan ang halimbawa ni Jesus at magagawa na ‘makasumpong ng kaginhawahan’ ang mga nakakasama natin.—Mateo 11:29; Galacia 5:22, 23.
Sa Pamilya
3. Anong situwasyon sa pamilya ang pagkakakilanlan ng espiritu ng sanlibutan?
3 Ang isang dako kung saan mahalaga ang kahinahunan ay sa loob ng pamilya. Tinataya ng World Health Organization na ang karahasan sa pamilya ay higit na nagsasapanganib sa kalusugan ng mga babae kaysa sa pinagsamang panganib na dulot ng mga aksidente sa sasakyan at malarya. Halimbawa, sa London, Inglatera, ang sangkapat ng lahat ng iniulat na marahas na krimen ay naganap sa tahanan. Malimit na napapaharap ang mga pulis sa mga taong nagbubulalas ng kanilang damdamin sa pamamagitan ng “paghiyaw at mapang-abusong pananalita.” Mas malala pa, hinayaan ng ilang mag-asawa na makaapekto sa kanilang pagsasama ang “mapait na saloobin.” Ang lahat ng ito ay isang malungkot na pagkakakilanlan ng “espiritu ng sanlibutan” at ang gayong paggawi ay walang dako sa mga pamilyang Kristiyano.—Efeso 4:31; 1 Corinto 2:12.
4. Anong epekto ang maidudulot ng kahinahunan sa pamilya?
4 Upang malabanan ang makasanlibutang mga tendensiya, kailangan natin ang espiritu ng Diyos. “Kung nasaan ang espiritu ni Jehova, doon ay may kalayaan.” (2 Corinto 3:17) Pinatitibay ng pag-ibig, kabaitan, pagpipigil sa sarili, at mahabang pagtitiis ang pagkakaisa ng di-sakdal na mga asawang lalaki at mga asawang babae. (Efeso 5:33) Ang mahinahong kalooban ay nagpapaaliwalas sa kapaligiran sa tahanan at nagdudulot ng kalugud-lugod na kaibahan sa pagtataltalan at pagtatalo na sumisira sa maraming pamilya. Mahalaga ang sinasabi ng isang tao, ngunit ang paraan ng kaniyang pagsasabi nito ang nagpapahiwatig sa saloobing nasa likod ng mga salita. Ang mga álalahanín at kabalisahang ipinahahayag nang mahinahon ay nagpapahupa ng kaigtingan. Sumulat ang marunong na si Haring Solomon: “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit, ngunit ang salitang nakasasakit ay pumupukaw ng galit.”—Kawikaan 15:1.
5. Paano makatutulong ang kahinahunan sa tahanang nababahagi dahil sa relihiyon?
5 Lalo nang mahalaga ang kahinahunan sa tahanang nababahagi dahil sa relihiyon. Kung lalakipan ng mga gawa ng kabaitan, makatutulong ito upang mawagi tungo sa panig ni Jehova ang mga hindi nakahilig sa mabuti. Pinayuhan ni Pedro ang mga Kristiyanong asawang babae: “Magpasakop kayo sa inyu-inyong asawang lalaki, upang, kung ang sinuman ay hindi masunurin sa salita, mawagi sila nang walang salita sa pamamagitan ng paggawi ng kani-kanilang asawang babae, dahil sa pagiging mga saksi sa inyong malinis na paggawi na may kalakip na matinding paggalang. At ang inyong kagayakan ay huwag yaong panlabas na pagtitirintas ng buhok at ang pagsusuot ng mga gintong palamuti o ang pagbibihis ng mga panlabas na kasuutan, kundi ang lihim na pagkatao ng puso sa walang-kasiraang kasuutan ng tahimik at mahinahong espiritu, na malaki ang halaga sa paningin ng Diyos.”—1 Pedro 3:1-4.
6. Paano nakapagpapatibay ng buklod ng mga magulang at mga anak ang pagpapamalas ng kahinahunan?
6 Ang ugnayan ng mga magulang at mga anak ay maaaring umigting, lalo na kung wala ang pag-ibig kay Jehova. Ngunit sa lahat ng sambahayang Kristiyano, kailangang maipakita ang kahinahunan. Pinayuhan ni Pablo ang mga ama: “Huwag ninyong inisin ang inyong mga anak, kundi patuloy na palakihin sila sa disiplina at pangkaisipang patnubay ni Jehova.” (Efeso 6:4) Kapag nangingibabaw ang kahinahunan sa isang pamilya, tumitibay ang matalik na buklod ng mga magulang at mga anak. Nagunita ni Dean, isa sa limang anak, ang tungkol sa kaniyang ama: “Si Itay ay may mahinahong kalooban. Wala akong maalaala na nakipagtalo ako sa kaniya—kahit na noong ako ay tin-edyer pa. Lagi siyang napakahinahon, kahit na galít siya. Kung minsan ay hindi niya ako pinalalabas sa aking kuwarto o inaalisan niya ako ng mga pribilehiyo, pero hindi kami nagtalo kailanman. Hindi lamang siya naging ama sa amin. Kaibigan din namin siya, at ayaw namin siyang biguin.” Tunay ngang nakatutulong ang kahinahunan upang mapatibay ang buklod ng mga magulang at mga anak.
Sa Ating Ministeryo
7, 8. Bakit mahalaga ang pagpapamalas ng kahinahunan sa ministeryo sa larangan?
7 Ang isa pang dako na doo’y mahalaga ang kahinahunan ay sa ministeryo sa larangan. Habang ibinabahagi natin sa iba ang mabuting balita ng Kaharian, nakakausap natin ang mga taong may iba’t ibang disposisyon. Ang ilan ay malugod na nakikinig sa dala nating mensahe ng pag-asa. Ang iba naman, dahil sa iba’t ibang kadahilanan, ay baka tumugon nang di-maganda. Dito nakatutulong nang malaki sa atin ang katangian ng kahinahunan sa pagtupad sa ating atas na maging mga saksi sa pinakamalayong bahagi ng lupa.—Gawa 1:8; 2 Timoteo 4:5.
8 Sumulat si apostol Pedro: “Pabanalin ang Kristo bilang Panginoon sa inyong mga puso, na laging handang gumawa ng pagtatanggol sa harap ng bawat isa na humihingi sa inyo ng katuwiran para sa pag-asa na nasa inyo, ngunit ginagawa iyon taglay ang mahinahong kalooban at matinding paggalang.” (1 Pedro 3:15) Dahil taos-puso nating kinikilala si Kristo bilang Huwaran natin, pinagsisikapan nating ipamalas kapuwa ang kahinahunan at paggalang kapag nagpapatotoo tayo sa mga nagsasalita nang may kabagsikan. Ang ganitong paggawi ay kadalasan nang nagbubunga ng kamangha-manghang mga resulta.
9, 10. Ilahad ang isang karanasan na nagpapakita ng kahalagahan ng kahinahunan sa ministeryo sa larangan.
9 Nang pagbuksan ng kaniyang asawa ang kumakatok sa pinto ng kanilang apartment, nagmasid lamang si Keith sa di-kalayuan. Nang malaman na isang Saksi ni Jehova ang kanilang bisita, pagalit na inakusahan ng asawa ni Keith ang mga Saksi na sila ay malulupit sa mga bata. Nanatiling kalmado ang kapatid na lalaki. Sa mahinahong paraan, tumugon siya: “Ikinalulungkot ko pong ganiyan ang inyong nadarama. Puwede ko po bang ipakita sa inyo kung ano ang pinaniniwalaan ng mga Saksi ni Jehova?” Matagal-tagal nang nakikinig si Keith sa pag-uusap na iyon at sa pagkakataong ito ay lumapit na siya sa may pintuan upang tapusin na ang pagdalaw ng kapatid.
10 Pagkaraan, pinagsisihan ng mag-asawa ang mabagsik na pagtrato nila sa kanilang bisita. Ang mahinahong paggawi niya ay nakaantig sa kanilang damdamin. Laking gulat nila nang bumalik ang kapatid na lalaki pagkaraan ng isang linggo, at
hinayaan ni Keith at ng kaniyang asawa na ipaliwanag niya ang maka-Kasulatang saligan ng kaniyang paniniwala. “Sa loob ng sumunod na dalawang taon, palagi na kaming nakikinig sa sinasabi ng iba pang mga Saksi,” ang komento nila nang dakong huli. Sumang-ayon silang makipag-aral ng Bibliya, at sa dakong huli ay nabautismuhan silang dalawa bilang sagisag ng kanilang pag-aalay kay Jehova. Napakalaking bagay nito para sa Saksing iyon na unang dumalaw kay Keith at sa kaniyang asawa! Pagkalipas ng ilang taon, nakatagpo ng Saksi ang mag-asawa at nalaman niya na sila ngayon ay mga kapatid na niya sa espirituwal. Nagtagumpay ang kahinahunan.11. Paano maaaring buksan ng kahinahunan ang daan para tumanggap ng katotohanang Kristiyano ang isang tao?
11 Ang mga karanasan ni Harold bilang isang sundalo ang dahilan kung bakit siya naging magagalitin at mapag-alinlangan sa pag-iral ng Diyos. Lalo pang nadagdagan ang problema ni Harold nang maging baldado siya dahil sa isang aksidente sa sasakyan na kagagawan ng isang lasing na drayber. Nang dumalaw sa kaniya ang mga Saksi ni Jehova, pautos na sinabi ni Harold na huwag na nila siyang dalawin. Ngunit isang araw, isang Saksi na nagngangalang Bill ang nagtakdang dumalaw sa isang interesadong tao na nakatira sa ikalawang pinto mula sa tirahan ni Harold. Dahil sa pagkakamali, nakatok ni Bill ang pinto ni Harold. Nang ang pinto ay buksan ni Harold, na may dalawang saklay, agad na humingi ng paumanhin si Bill, anupat ipinaliwanag na ang talagang dadalawin niya ay ang karatig na tirahan. Paano tumugon si Harold? Lingid kay Bill, napanood pala ni Harold sa isang balita sa telebisyon ang sama-samang pagtatrabaho ng mga Saksi upang magtayo ng isang bagong Kingdom Hall sa loob ng napakaikling panahon. Palibhasa’y humanga nang makita ang napakaraming tao na nagkakaisang nagtatrabaho, nagbago ang kaniyang saloobin sa mga Saksi. Palibhasa’y naantig sa mabait na paghingi ni Bill ng paumanhin at sa maganda at mahinahong paggawi nito, ipinasiya ni Harold na tanggapin ang mga pagdalaw ng mga Saksi. Nag-aral siya ng Bibliya, sumulong, at naging isang bautisadong lingkod ni Jehova.
Sa Kongregasyon
12. Anong makasanlibutang mga paggawi ang dapat labanan ng mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano?
12 Ang ikatlong dako kung saan mahalaga ang kahinahunan ay sa loob ng kongregasyong Kristiyano. Karaniwan na sa ngayon ang awayan sa lipunan. Nakaugalian na ng mga may makalamang pangmalas sa buhay ang pagdedebate, pagtatalo, at pagbabangayan. Paminsan-minsan, ang gayong makasanlibutang mga paggawi ay nakapapasok sa kongregasyong Kristiyano at nagiging dahilan ng berbalang pagtatalo at pag-aaway. Nalulungkot ang responsableng mga kapatid na lalaki kapag kailangan nilang humarap sa ganitong mga situwasyon. Gayunpaman, ang pag-ibig kay Jehova at sa kanilang mga kapatid ang nag-uudyok sa kanila na sikaping mapanumbalik ang mga nagkasala.—Galacia 5:25, 26.
13, 14. Ano ang maaaring maging resulta ng ‘pagtuturo nang may kahinahunan doon sa mga hindi nakahilig sa mabuti’?
2 Timoteo 2:20, 21, 24, 25) Pansinin na iniuugnay ni Pablo sa kahinahunan ang pagkabanayad at pagpipigil.
13 Noong unang siglo, napaharap si Pablo at ang kaniyang kasamang si Timoteo sa mga problema mula sa ilang miyembro ng kongregasyon. Nagbabala si Pablo kay Timoteo na magbantay laban sa mga kapatid na tulad ng mga sisidlan para sa “isang layuning walang dangal.” “Ang alipin ng Panginoon ay hindi kailangang makipag-away,” ang katuwiran ni Pablo, “kundi kailangang maging banayad sa lahat, kuwalipikadong magturo, nagpipigil sa ilalim ng kasamaan, nagtuturo nang may kahinahunan doon sa mga hindi nakahilig sa mabuti.” Kapag napanatili natin ang mahinahong kalooban kahit na pinupukaw tayo sa galit, ang mga sumasalungat ay kadalasang nauudyukan na pag-aralan ang kanilang mga puna. Dahil dito, baka naman, gaya ng isinulat pa ni Pablo, “bigyan sila [ni Jehova] ng pagsisisi na umaakay sa isang tumpak na kaalaman sa katotohanan.” (14 Ikinapit ni Pablo ang kaniyang ipinangaral. Nang makitungo siya sa “ubod-galing na mga apostol” sa kongregasyon sa Corinto, hinimok niya ang mga kapatid: “Ngayon ako mismo, si Pablo, ay namamanhik sa inyo ayon sa kahinahunan at kabaitan ng Kristo, bagaman mababa ako sa kaanyuan sa gitna ninyo, samantalang kapag wala sa harap ninyo ay matapang ako sa inyo.” (2 Corinto 10:1; 11:5) Talagang tinularan ni Pablo si Kristo. Pansinin na namanhik siya sa mga kapatid na ito “ayon sa kahinahunan” ng Kristo. Sa gayon ay iniwasan niya ang arogante at makadiktador na saloobin. Walang alinlangan na ang kaniyang payo ay nagustuhan ng mga nasa kongregasyon na may pusong madaling tumugon. Pinahupa niya ang maiigting na ugnayan at inilatag ang saligan para sa kapayapaan at pagkakaisa sa kongregasyon. Hindi ba’t ito’y isang hakbangin na maaaring pagsikapang tularan nating lahat? Ang matatanda lalo na ang kailangang tumulad sa mga gawa ni Kristo at ni Pablo.
15. Bakit mahalaga ang kahinahunan kapag nagpapayo?
15 Ang pananagutang tumulong sa iba ay tiyak na hindi lamang sa panahong nanganganib ang kapayapaan at pagkakaisa ng kongregasyon. Matagal pa bago mangyari ang maiigting na ugnayan, kailangan na ng mga kapatid ang maibiging patnubay. “Mga kapatid, bagaman ang isang tao ay makagawa ng anumang maling hakbang bago niya mabatid ito, kayong may mga espirituwal na kuwalipikasyon ay magsikap na ibalik sa ayos ang gayong tao,” ang paghimok ni Pablo. Ngunit paano? “Sa espiritu ng kahinahunan, habang minamataan ng bawat isa ang kaniyang sarili, dahil baka matukso rin kayo.” (Galacia 6:1) Ang pagpapanatili ng “espiritu ng kahinahunan” ay hindi laging madali, lalo na’t ang lahat ng Kristiyano, pati na ang hinirang na mga lalaki, ay apektado ng makasalanang mga hilig. Gayunpaman, ang kahinahunan ang tutulong sa nagkasala upang madaling maikapit ang pagbabalik sa ayos.
16, 17. Ano ang maaaring tumulong upang mapigil ang anumang pag-aatubiling ikapit ang payo?
16 Sa orihinal na Griego, ang salitang isinalin na “ibalik sa ayos” ay maaari ring tumukoy sa muling pagtutuwid o pagbabalik sa nabaling mga buto, Kawikaan 25:15.
isang masakit na pamamaraan. Ang nakapagpapatibay-loob na doktor na umaayos sa nabaling buto ay positibo sa pagsasabi ng mga kapakinabangan ng ginagawang pamamaraan. Ang kaniyang kalmadong pamamaraan ay nakaaaliw. Ang ilang patiunang salita ay tumutulong upang maibsan ang pinakamatinding sakit. Gayundin naman, ang espirituwal na pagbabalik sa ayos ay maaaring masakit. Ngunit tutulong ang kahinahunan upang ito ay maging mas katanggap-tanggap, sa gayon ay naisasauli ang magagandang ugnayan at nabubuksan ang daan para baguhin ng nagkasala ang kaniyang landasin. Kahit na sa simula ay tanggihan ang payo, ang kahinahunan ng nagbibigay ng tulong ay maaaring pumigil sa anumang pag-aatubili na sundin ang magaling na payo ng Kasulatan.—17 Kapag tumutulong sa iba upang maibalik sila sa ayos, laging nariyan ang panganib na baka ituring ang pagpapayo bilang pamumuna. Ganito ang pagkasabi ng isang manunulat: “Wala nang iba pang pagkakataon na mas posibleng igiit natin ang ating sarili kundi sa panahong sumasaway tayo sa iba, kaya naman mas nangangailangan tayo ng kaamuan sa pagkakataong iyon.” Ang paglilinang ng kahinahunan na nagmumula sa kapakumbabaan ay tutulong sa tagapayong Kristiyano na maiwasan ang ganitong panganib.
“Sa Lahat ng Tao”
18, 19. (a) Bakit maaaring mahirapang magpakita ng kahinahunan ang mga Kristiyano sa pakikitungo sa sekular na mga awtoridad? (b) Ano ang tutulong sa mga Kristiyano na magpakita ng kahinahunan sa mga nasa awtoridad, at ano ang posibleng resulta nito?
18 Ang isang dako na doo’y nahihirapang magpakita ng kahinahunan ang marami ay kapag nakikitungo sila sa sekular na mga awtoridad. Totoo naman na ang paraan ng paggawi ng ilang nasa awtoridad ay kakikitaan ng kabagsikan at kawalan ng pakikipagkapuwa. (Eclesiastes 4:1; 8:9) Gayunman, ang pag-ibig natin kay Jehova ang tutulong sa atin na kilalanin ang kaniyang kataas-taasang awtoridad at iukol sa mga awtoridad ng pamahalaan ang relatibong pagpapasakop na karapat-dapat sa kanila. (Roma 13:1, 4; 1 Timoteo 2:1, 2) Kahit na sikaping limitahan ng mga nasa mataas na tungkulin ang pangmadlang pagpapahayag ng ating pagsamba kay Jehova, malugod tayong humahanap ng mga paraan na doo’y posible pa ring maihandog ang ating hain ng papuri.—Hebreo 13:15.
19 Kailanman ay hindi tayo babaling sa pakikipag-away. Sinisikap nating maging makatuwiran habang hindi kailanman ikinokompromiso ang mga matuwid na simulain. Sa ganitong paraan, nagtatagumpay ang ating mga kapatid sa pagtataguyod ng kanilang ministeryo sa 234 na lupain sa buong daigdig. Sinusunod natin ang payo ni Pablo na “magpasakop at maging masunurin sa mga pamahalaan at sa mga awtoridad bilang mga tagapamahala, na maging handa para sa bawat mabuting gawa, na huwag magsalita nang nakapipinsala tungkol sa kaninuman, huwag maging palaaway, maging makatuwiran, nagpapakita ng buong kahinahunan sa lahat ng tao.”—Tito 3:1, 2.
20. Anong mga gantimpala ang naghihintay sa mga nagpapakita ng kahinahunan?
20 Saganang pagpapala ang naghihintay sa lahat ng nagpapakita ng kahinahunan. “Maligaya ang mga mahinahong-loob,” ang sabi ni Jesus, “yamang mamanahin nila ang lupa.” (Mateo 5:5) Para sa pinahiran-ng-espiritung mga kapatid ni Kristo, ang pagpapanatili ng kahinahunan ay tumitiyak sa kanilang kaligayahan at pribilehiyong mamahala sa makalupang sakop ng Kaharian. Kung tungkol naman sa “malaking pulutong” ng “ibang mga tupa,” patuloy silang nagpapamalas ng kahinahunan at umaasam sa buhay sa Paraiso sa lupa. (Apocalipsis 7:9; Juan 10:16; Awit 37:11) Isa ngang kamangha-manghang pag-asa ang naghihintay! Kung gayon, huwag nawa nating kaligtaan kailanman ang paalaala ni Pablo sa mga Kristiyano sa Efeso: “Kaya nga, ako, na bilanggo sa Panginoon, ay namamanhik sa inyo na lumakad nang karapat-dapat sa pagtawag na itinawag sa inyo, na may buong kababaan ng pag-iisip at kahinahunan.”—Efeso 4:1, 2.
Bilang Repaso
• Anong mga pagpapala ang naidudulot ng pagpapamalas ng kahinahunan
• sa pamilya?
• sa ministeryo sa larangan?
• sa kongregasyon?
• Anong mga gantimpala ang ipinangangako sa mga may mahinahong kalooban?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 21]
Lalo nang mahalaga ang kahinahunan sa tahanang nababahagi dahil sa relihiyon
[Larawan sa pahina 21]
Pinatitibay ng kahinahunan ang buklod ng pamilya
[Larawan sa pahina 23]
Gumawa ng pagtatanggol taglay ang kahinahunan at matinding paggalang
[Larawan sa pahina 24]
Ang kahinahunan ng tagapayo ay maaaring tumulong sa isang nagkasala