Nagsalita si Kristo sa mga Kongregasyon
Nagsalita si Kristo sa mga Kongregasyon
“Ito ang mga bagay na sinasabi niya na may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay.”—APOCALIPSIS 2:1.
1, 2. Bakit tayo dapat maging interesado sa sinabi ni Kristo sa pitong kongregasyon sa Asia Minor?
ANG bugtong na Anak ni Jehova, si Jesu-Kristo, ang Ulo ng kongregasyong Kristiyano. Upang mapanatiling walang dungis ang kongregasyon ng kaniyang pinahirang mga tagasunod, ginagamit ni Kristo ang kaniyang pagkaulo sa pamamagitan ng pagpuri at pagtutuwid sa kanila. (Efeso 5:21-27) May ganitong mga halimbawa sa Apocalipsis kabanata 2 at 3, kung saan masusumpungan natin ang mapuwersa at maibiging mga mensahe ni Jesus para sa pitong kongregasyon sa Asia Minor.
2 Bago niya narinig ang mga salita ni Jesus sa pitong kongregasyon, ipinakita kay apostol Juan ang isang pangitain hinggil sa “araw ng Panginoon.” (Apocalipsis 1:10) Nagsimula ang “araw” na iyon nang maitatag ang Mesiyanikong Kaharian noong 1914. Kung gayon, ang sinabi ni Kristo sa mga kongregasyon ay napakahalaga sa mga huling araw na ito. Ang kaniyang pampatibay-loob at payo ay tutulong sa atin na harapin ang mga panahong mapanganib na ito.—2 Timoteo 3:1-5.
3. Ano ang makasagisag na kahulugan ng mga “bituin,” “anghel,” at ng mga “ginintuang kandelero” na nakita ni apostol Juan?
3 Nakita ni Juan ang niluwalhating si Jesu-Kristo, na “may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay” at “lumalakad sa gitna ng pitong ginintuang kandelero,” o kongregasyon. Ang mga “bituin” ay “mga anghel ng pitong kongregasyon.” (Apocalipsis 1:20; 2:1) Kung minsan, ang mga bituin ay sumasagisag sa espiritung mga nilalang na anghel, ngunit hindi gagamit si Kristo ng isang tao para sumulat ng mga mensahe para sa espiritung mga nilalang. Kaya, makatuwiran lamang na ang mga “bituin” na ito ay tumutukoy sa mga tagapangasiwa, o lupon ng matatanda, na pinahiran ng espiritu. Ang terminong “anghel” ay tumutukoy sa kanilang papel bilang mga mensahero. Dahil sa paglaki ng organisasyon ng Diyos, nag-atas din ang “tapat na katiwala” ng kuwalipikadong mga lalaki mula sa “ibang mga tupa” ni Jesus bilang mga tagapangasiwa.—Lucas 12:42-44; Juan 10:16.
4. Paano makikinabang ang matatanda sa pagbibigay-pansin sa sinabi ni Kristo sa mga kongregasyon?
4 Nasa kanang kamay ni Jesus ang mga “bituin”—nasa kaniyang kapangyarihan, kontrol, lingap, at proteksiyon. Kung gayon, sila ay magsusulit sa kaniya. Sa pamamagitan ng pakikinig sa kaniyang mga salita sa bawat isa sa pitong kongregasyon, makikita ng matatanda sa ngayon kung paano nila haharapin ang katulad na mga situwasyon. Siyempre pa, dapat makinig ang lahat ng Kristiyano sa Anak ng Diyos. (Marcos 9:7) Kaya ano ang matututuhan natin sa pagbibigay-pansin sa sinabi ni Kristo sa mga kongregasyon?
Sa Anghel sa Efeso
5. Anong uri ng lunsod ang Efeso?
5 Pinapurihan at sinaway ni Jesus ang kongregasyon sa Efeso. (Basahin ang Apocalipsis 2:1-7.) Ang malaking templo ng diyosang si Artemis ay masusumpungan sa mayamang sentrong ito ng komersiyo at relihiyon sa kanlurang baybayin ng Asia Minor. Bagaman ang Efeso ay punô ng imoralidad, huwad na relihiyon, at pagsasagawa ng mahika, pinagpala ng Diyos ang ministeryo ni apostol Pablo at ng iba pa sa lunsod na iyon.—Gawa, kabanata 19.
6. Paano katulad ng matatapat na Kristiyano sa ngayon ang mga nasa sinaunang Efeso?
6 Pinapurihan ni Kristo ang kongregasyon sa Efeso, na sinasabi: ‘Alam ko ang inyong mga gawa, at ang inyong pagpapagal at pagbabata, at na hindi ninyo matiis ang masasamang tao, at na inilagay ninyo sa pagsubok yaong mga nagsasabi na sila ay mga apostol, ngunit hindi sila gayon, at nasumpungan ninyong sila ay mga sinungaling.’ Sa ngayon, ang mga kongregasyon ng tunay na mga tagasunod ni Jesus ay may gayunding rekord ng mabubuting gawa, puspusang pagpapagal, at pagbabata. Hindi nila pinagtitiisan ang bulaang mga kapatid na nagnanais na ituring sila na mga apostol. (2 Corinto 11:13, 26) Tulad ng mga taga-Efeso, ‘hindi matiis ng matapat na mga Kristiyano sa ngayon ang masasamang tao.’ Kung gayon, upang mapanatili ang kadalisayan ng pagsamba kay Jehova at maipagsanggalang ang kongregasyon, hindi sila nakikisama sa di-nagsisising mga apostata.—Galacia 2:4, 5; 2 Juan 8-11.
7, 8. Anong malubhang problema ang umiral sa kongregasyon sa Efeso, at paano natin mahaharap ang gayunding situwasyon?
7 Gayunman, may malubhang problema ang mga Kristiyano sa Efeso. ‘Mayroon akong laban sa inyo,’ ang sabi ni Jesus, ‘na iniwan ninyo ang pag-ibig na taglay ninyo noong una.’ Kailangan na muling paningasin ng mga miyembro ng kongregasyon ang kanilang unang pag-ibig kay Jehova. (Marcos 12:28-30; Efeso 2:4; 5:1, 2) Tayo mismo ay dapat mag-ingat na huwag maiwala ang ating unang pag-ibig sa Diyos. (3 Juan 3) Subalit paano kung ang mga bagay na tulad ng paghahangad ng materyal na kayamanan o pagtataguyod ng kaluguran ay nagiging pangunahin na sa ating buhay? (1 Timoteo 4:8; 6:9, 10) Kung gayon, dapat na marubdob tayong manalangin ukol sa tulong ng Diyos upang mapalitan ang gayong mga hilig ng taimtim na pag-ibig kay Jehova at ng pasasalamat sa lahat ng ginawa niya at ng kaniyang Anak para sa atin.—1 Juan 4:10, 16.
8 Hinimok ni Kristo ang mga taga-Efeso: ‘Alalahanin ninyo kung mula sa ano kayo nahulog, at magsisi kayo at gawin ninyo ang mga gawa noong una.’ Paano kung hindi nila ito gawin? “Kung hindi,” ang sabi ni Jesus, ‘paririyan ako sa inyo, at aalisin ko ang inyong kandelero mula sa kinalalagyan nito.’ Kung maiwawala ng lahat ng tupa ang kanilang unang pag-ibig, ang “kandelero,” o kongregasyon, ay hindi na iiral. Samakatuwid, bilang masisigasig na Kristiyano, puspusan nawa tayong magsikap upang mapanatiling nagliliwanag sa espirituwal ang kongregasyon.—Mateo 5:14-16.
9. Paano dapat malasin ang sektaryanismo?
9 Kapuri-puri naman na kinapootan ng mga taga-Efeso “ang mga gawa ng sekta ni Nicolas.” Maliban sa sinabi sa Apocalipsis, wala nang iba pang nalalaman hinggil sa pinagmulan, turo, at mga kaugalian ng sektang ito. Gayunman, yamang hinatulan ni Jesus ang pagsunod sa mga tao, kailangang patuloy nating kapootan ang sektaryanismo, gaya ng ginawa ng mga Kristiyano sa Efeso.—Mateo 23:10.
10. Ano ang mararanasan ng mga nakikinig sa sinasabi ng espiritu?
10 “Ang may tainga ay makinig sa sinasabi ng espiritu sa mga kongregasyon,” ang sabi ni Kristo. Nang siya’y nasa lupa, si Jesus ay nagsalita sa ilalim ng patnubay ng espiritu ng Diyos. (Isaias 61:1; Lucas 4:16-21) Kaya dapat tayong magbigay-pansin sa sinasabi ng Diyos sa ngayon sa pamamagitan ni Jesus sa tulong ng banal na espiritu. Sa patnubay ng espiritu, nangako si Jesus: “Siya na nananaig ay pagkakalooban ko na kumain mula sa punungkahoy ng buhay, na nasa paraiso ng Diyos.” Para sa mga pinahiran na nakikinig sa sinasabi ng espiritu, ito ay nangangahulugan ng imortalidad sa makalangit na “paraiso ng Diyos,” o sa mismong presensiya ni Jehova. Ang “malaking pulutong,” na nakikinig din sa sinasabi ng espiritu, ay magtatamasa ng isang makalupang paraiso kung saan sila ay iinom mula sa “isang ilog ng tubig ng buhay” at makasusumpong ng pagpapagaling mula sa “mga dahon ng mga punungkahoy” sa tabi ng “ilog” na ito.—Apocalipsis 7:9; 22:1, 2; Lucas 23:43.
11. Paano natin maitataguyod ang pag-ibig kay Jehova?
11 Naiwala ng mga taga-Efeso ang kanilang unang pag-ibig, ngunit paano kung lumilitaw ang Juan 3:16; Roma 5:8) Kapag naaangkop, maaari nating banggitin ang pag-ibig ng Diyos sa mga komento at sa mga bahagi sa programa sa mga pulong. Maipakikita natin ang atin mismong pag-ibig kay Jehova sa pamamagitan ng pagpuri sa kaniyang pangalan sa ministeryong Kristiyano. (Awit 145:10-13) Oo, malaki ang magagawa ng ating mga salita at mga gawa upang muling mapaningas o mapatibay ang unang pag-ibig ng kongregasyon.
gayunding situwasyon sa isang kongregasyon sa ngayon? Itaguyod natin bilang indibiduwal ang pag-ibig kay Jehova sa pamamagitan ng pagsasalita hinggil sa kaniyang maibiging mga daan. Maipahahayag natin ang ating pasasalamat sa pag-ibig na ipinakita ng Diyos sa kaniyang paglalaan ng pantubos sa pamamagitan ng kaniyang mahal na Anak. (Sa Anghel sa Smirna
12. Ano ang isinisiwalat ng kasaysayan hinggil sa Smirna at sa relihiyosong mga kaugalian doon?
12 Ang kongregasyon sa Smirna ay pinapurihan ni Kristo, “ ‘ang Una at ang Huli,’ na namatay at muling nabuhay.” (Basahin ang Apocalipsis 2:8-11.) Ang Smirna (ngayo’y Izmir, Turkey) ay itinatag sa kanlurang baybayin ng Asia Minor. Naninirahan ang mga Griego sa lunsod na ito, ngunit winasak ito ng mga Lydiano noong humigit-kumulang 580 B.C.E. Muling itinayo ng mga humalili kay Alejandrong Dakila ang Smirna sa ibang lugar. Ito ay naging bahagi ng lalawigan ng Roma sa Asia at isang umuunlad na sentro ng komersiyo na kilala sa magagandang pampublikong gusali. Dahil sa templo ni Tiberio Cesar, naging sentro ito ng pagsamba sa emperador. Dapat na magsunog ang mga mananamba ng katiting na insenso at magsabing “si Cesar ay Panginoon.” Hindi maaaring sumunod ang mga Kristiyano rito dahil para sa kanila, “si Jesus ay Panginoon.” Kaya, dumanas sila ng kapighatian.—Roma 10:9.
13. Bagaman naghihirap sa materyal, sa anong diwa mayaman ang mga Kristiyano sa Smirna?
13 Bukod sa kapighatian, nagbatá rin ng karukhaan ang mga Kristiyano sa Smirna, na posibleng dumanas ng mga paghihigpit sa kabuhayan dahil hindi sila nakibahagi sa pagsamba sa emperador. Hindi libre ang makabagong-panahong mga lingkod ni Jehova sa gayunding mga pagsubok. (Apocalipsis 13:16, 17) Bagaman naghihirap sa materyal, yaong mga katulad ng mga Kristiyano sa Smirna ay mayaman sa espirituwal, at iyan ang tunay na mahalaga!—Kawikaan 10:22; 3 Juan 2.
14, 15. Anong kaaliwan ang makukuha ng mga pinahiran mula sa Apocalipsis 2:10?
14 Karamihan sa mga Judio sa Smirna ay “isang sinagoga ni Satanas” dahil nanghawakan sila sa di-makakasulatang mga tradisyon, itinakwil ang Anak ng Diyos, at namusong sa kaniyang inianak-sa-espiritung mga tagasunod. (Roma 2:28, 29) Gayunman, kaylaking kaaliwan ang makukuha ng mga pinahiran mula sa sumusunod na mga salita ni Kristo! Ganito ang sabi niya: ‘Huwag kayong matakot sa mga bagay na malapit na ninyong pagdusahan. Narito! Patuloy na itatapon ng Diyablo ang ilan sa inyo sa bilangguan upang lubos kayong mailagay sa pagsubok, at upang magkaroon kayo ng kapighatiang sampung araw. Patunayan ninyong tapat kayo maging hanggang sa kamatayan, at ibibigay ko sa inyo ang korona ng buhay.’—Apocalipsis 2:10.
15 Hindi natakot si Jesus na mamatay alang-alang sa pagtataguyod ng soberanya ni Jehova. (Filipos 2:5-8) Bagaman nakikipagdigma ngayon si Satanas sa pinahirang nalabi, hindi sila natatakot sa mga daranasin nila bilang isang grupo—kapighatian, pagkabilanggo, o marahas na kamatayan. (Apocalipsis ) Sila ay mananaig sa sanlibutan. At sa halip na isang kumukupas na putong ng mga bulaklak na isinusuot bilang korona ng mga nagtagumpay sa paganong mga palaro, ipinangangako ni Kristo sa binuhay-muling mga pinahiran “ang korona ng buhay” bilang imortal na mga nilalang sa langit. Tunay na isang di-matutumbasang kaloob! 12:17
16. Kung tayo ay kaugnay sa isang kongregasyong kagaya niyaong sa sinaunang Smirna, sa anong isyu dapat tayong magtuon ng pansin?
16 Paano kung tayo, makalangit man o makalupa ang ating pag-asa, ay kaugnay sa isang kongregasyong kagaya niyaong sa sinaunang Smirna? Kung gayon, tulungan natin ang ating mga kapananampalataya na magtuon ng pansin sa pangunahing dahilan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pag-uusig—ang isyu ng pansansinukob na soberanya. Ang bawat tapat na Saksi ni Jehova ay nagpapatunay na sinungaling si Satanas at nagpapakita na maging ang isang pinag-uusig na tao ay maaaring maging isang di-nag-uurong-sulong na tagapagtaguyod sa karapatan ng Diyos na mamahala bilang Soberano ng Sansinukob. (Kawikaan 27:11) Pasiglahin nawa natin ang iba pang mga Kristiyano na batahin ang pag-uusig at, bilang resulta, patuloy na taglayin ang “pribilehiyo ng walang-takot na pag-uukol ng sagradong paglilingkod [kay Jehova] taglay ang pagkamatapat at katuwiran sa harap niya sa lahat ng ating mga araw”—magpakailan-kailanman.—Lucas 1:68, 69, 74, 75.
Sa Anghel sa Pergamo
17, 18. Ang Pergamo ay sentro ng anong uri ng pagsamba, at ano ang maaaring idulot ng pagtangging makibahagi sa gayong idolatriya?
17 Kapuwa papuri at pagtutuwid ang ibinigay sa kongregasyon sa Pergamo. (Basahin ang Apocalipsis 2:12-17.) Ang Pergamo, na humigit-kumulang 80 kilometro ang layo mula sa hilaga ng Smirna, ay isang lunsod na talamak sa paganong relihiyon. Waring doon tumakas ang mga magong Caldeo (mga astrologo) mula sa Babilonya. Ang mga maysakit ay dumaragsa sa Pergamo sa kilalang templo ni Asclepius, ang huwad na diyos ng pagpapagaling at panggagamot. Ang Pergamo, kasama ang templo nitong inialay sa pagsamba kay Cesar Augusto, ay tinawag na “pinakasentro ng kulto ng emperador sa ilalim ng sinaunang imperyo.”—Encyclopædia Britannica, 1959, Tomo 17, pahina 507.
18 Sa Pergamo ay may isang altar na inialay kay Zeus. Ang lunsod ay sentro rin ng udyok-ng-Diyablong pagsamba sa mga tao. Hindi kataka-taka na ang kongregasyong naroroon ay sinasabing tumatahan sa kinaroroonan ng “trono ni Satanas”! Ang pagtangging sumamba sa emperador ay maaaring magdulot ng kamatayan para sa isang tagapagtaguyod ng soberanya ni Jehova. Ang sanlibutan ay nasa kapangyarihan pa rin ng Diyablo, at iniidolo na sa ngayon ang pambansang mga sagisag. (1 Juan 5:19) Mula noong unang siglo hanggang sa kasalukuyan, maraming tapat na mga Kristiyano ang naging mga martir, kagaya ng isa na tinawag ni Kristo na “Antipas, ang aking saksi, ang tapat, na pinatay sa inyong tabi.” Tiyak na naaalaala ng Diyos na Jehova at ni Jesu-Kristo ang gayong matatapat na lingkod.—1 Juan 5:21.
19. Ano ang ginawa ni Balaam, at laban sa ano dapat magbantay ang lahat ng Kristiyano?
19 Binanggit din ni Kristo ang hinggil sa “turo ni Balaam.” Palibhasa’y sakim sa materyal na pakinabang, sinikap ng bulaang propetang si Balaam na sumpain ang Israel. Nang gawin ng Diyos na pagpapala ang sumpa nito, nakipagtulungan si Balaam kay Haring Balak ng Moab at Bilang 22:1–25:15; 2 Pedro 2:15, 16; Judas 11) Sa katunayan, dapat magbantay ang lahat ng Kristiyano laban sa idolatriya at sa pagpasok ng seksuwal na imoralidad sa loob ng kongregasyon.—Judas 3, 4.
inakit ang maraming Israelita sa idolatriya at seksuwal na imoralidad. Dapat na maging matatag sa katuwiran ang Kristiyanong matatanda kagaya ni Pinehas, na kumilos laban sa mga gawa ni Balaam. (20. Kung may sinumang Kristiyano na nagsisimulang mag-isip ng apostatang mga pangmalas, ano ang dapat niyang gawin?
20 Ang kongregasyon sa Pergamo ay lubhang nanganganib dahil pinahintulutan nito sa gitna ng kongregasyon ang “mga nanghahawakang mahigpit sa turo ng sekta ni Nicolas.” Sinabi ni Kristo sa kongregasyon: ‘Magsisi kayo. Kung hindi, paririyan ako sa inyo nang madali, at makikipagdigma ako sa kanila sa pamamagitan ng mahabang tabak ng aking bibig.’ Gusto ng mga tagapagtaguyod ng mga sekta na ipahamak sa espirituwal ang mga Kristiyano, at yaong determinadong magtaguyod ng mga pagkakabaha-bahagi at mga sekta ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos. (Roma 16:17, 18; 1 Corinto 1:10; Galacia 5:19-21) Kung may sinumang Kristiyano na nagsisimulang mag-isip ng apostatang mga pangmalas at naghahangad na mapalaganap ito, dapat siyang makinig sa babala ni Kristo! Upang mailigtas ang kaniyang sarili mula sa kapahamakan, dapat siyang magsisi at humingi ng espirituwal na tulong sa matatanda sa kongregasyon. (Santiago 5:13-18) Kailangan ang kagyat na pagkilos dahil mabilis na dumarating si Jesus upang ipatupad ang hatol.
21, 22. Sino ang kakain ng “nakatagong manna,” at ano ang isinasagisag nito?
21 Hindi kailangang katakutan ng tapat na pinahirang mga Kristiyano at ng kanilang matapat na mga kasamahan ang dumarating na hatol. Mga pagpapala ang naghihintay sa lahat ng nakikinig sa payo ni Jesus na ibinigay sa pamamagitan ng patnubay ng banal na espiritu ng Diyos. Halimbawa, aanyayahan ang mga pinahirang dumaig sa sanlibutan na kumain ng bahagi ng “nakatagong manna” at bibigyan sila ng “isang maliit na batong puti” na nagtataglay ng “isang bagong pangalan.”
22 Naglaan ang Diyos ng manna upang tustusan ang mga Israelita sa kanilang 40-taóng paglalakbay sa ilang. Ang ilan sa mga “tinapay” na iyon ay itinago sa isang ginintuang banga sa loob ng kaban ng tipan at sa gayon ay nakatago sa Kabanal-banalang dako ng tabernakulo, kung saan may makahimalang liwanag na sumasagisag sa presensiya ni Jehova. (Exodo 16:14, 15, 23, 26, 33; 26:34; Hebreo 9:3, 4) Walang sinuman ang pinahihintulutang kumain ng nakatagong manna na iyon. Gayunman, sa kanilang pagkabuhay-muli, magbibihis ng imortalidad ang pinahirang mga tagasunod ni Jesus, na isinasagisag ng pagkain sa “nakatagong manna.”—1 Corinto 15:53-57.
23. Sa ano tumutukoy ang “batong puti” at ang “bagong pangalan”?
23 Sa mga hukuman ng Roma, ang maliit na batong itim ay nangangahulugan ng kahatulan, samantalang ang puti ay nangangahulugan ng pagiging walang-sala. Ang pagbibigay ni Jesus ng “isang maliit na batong puti” sa nanaig na pinahirang mga Kristiyano ay nagpapahiwatig na itinuturing niya silang walang-sala, dalisay, at malinis. Yamang ginagamit din ng mga Romano ang maliliit na bato upang makapasok sa mahahalagang okasyon, ang “batong puti” ay maaaring magpahiwatig ng pagtanggap sa isang pinahiran upang magkaroon ng isang dako sa langit sa kasal ng Kordero. (Apocalipsis 19:7-9) Ang “bagong pangalan” ay maliwanag na tumutukoy sa pribilehiyo na maging kaisa ni Jesus bilang kasamang tagapagmana sa makalangit na Kaharian. Tiyak na lahat ng ito ay nakapagpapasigla sa mga pinahiran at gayundin sa kanilang mga kasama sa paglilingkod kay Jehova, na umaasang mabuhay sa isang paraisong lupa!
24. Ano dapat ang paninindigan natin pagdating sa apostasya?
24 Isang katalinuhan na tandaan na ang kongregasyon Juan 8:32, 44; 3 Juan 4) Yamang ang mga bulaang guro o mga indibiduwal na may hilig sa apostasya ay nagpapasamâ sa buong kongregasyon, dapat nating panatilihin ang matatag na paninindigan laban sa apostasya, anupat hindi kailanman pinahihintulutan ang balakyot na panghihikayat na humadlang sa atin sa pagsunod sa katotohanan.—Galacia 5:7-12; 2 Juan 8-11.
ng Pergamo ay nanganganib dahil sa mga apostata. Kung isinasapanganib ng gayunding situwasyon ang espirituwal na kapakanan ng kongregasyong kinauugnayan natin, lubusan nating itakwil ang apostasya at patuloy na lumakad sa katotohanan. (25. Tatalakayin sa susunod na artikulo ang mga mensahe ni Kristo sa anu-anong kongregasyon?
25 Tunay na nakapupukaw-kaisipan ang tinalakay nating mga salita ng papuri at payo ng niluwalhating si Jesu-Kristo sa tatlo sa pitong kongregasyon sa Asia Minor! Gayunman, sa patnubay ng banal na espiritu, marami rin siyang sinabi sa apat na natitira pang kongregasyon. Ang mga mensaheng ito na para sa Tiatira, Sardis, Filadelfia, at Laodicea ay tatalakayin sa susunod na artikulo.
Paano Mo Tutugunin?
• Bakit tayo dapat magbigay-pansin sa sinabi ni Kristo sa mga kongregasyon?
• Paano tayo makatutulong upang muling mapaningas ang unang pag-ibig ng isang kongregasyon?
• Bakit masasabi na talagang mayaman ang mga Kristiyanong naghihirap sa materyal sa sinaunang Smirna?
• Sa pagbubulay-bulay sa situwasyon ng kongregasyon sa Pergamo, paano natin dapat malasin ang apostatang pag-iisip?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mapa sa pahina 10]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
GRESYA
ASIA MINOR
Efeso
Smirna
Pergamo
Tiatira
Sardis
Filadelfia
Laodicea
[Larawan sa pahina 12]
Tatamasahin ng “malaking pulutong” ang isang makalupang paraiso
[Mga larawan sa pahina 13]
Ang pinag-uusig na mga Kristiyano ay nananaig sa sanlibutan