“Huwag Kayong Matakot o Masindak Man”
“Huwag Kayong Matakot o Masindak Man”
“Huwag kayong matakot o masindak man. . . . Si Jehova ay sasainyo.”—2 CRONICA 20:17.
1. Ano ang epektong idinudulot ng terorismo sa mga tao, at bakit mauunawaan ang kanilang pagkatakot?
TERORISMO! Ang mismong salitang ito ay lumilikha na ng takot sa puso at pumupukaw ng damdamin ng kawalang-katiwasayan at kawalang-magagawa. Pumupukaw ito ng magkakahalong damdamin ng pagkagimbal, pamimighati, at galit. At inilalarawan ng salitang ito ang ikinatatakot ng marami na siyang sasalot sa sangkatauhan sa mga taóng darating. Ang bagay na kakaunting tagumpay lamang ang nakakamit ng ilang bansa sa pakikipaglaban sa terorismo sa maraming anyo nito sa loob ng maraming taon ay nagbibigay ng saligan para sa gayong pagkatakot.
2. Paano tumutugon ang mga Saksi ni Jehova sa suliranin ng terorismo, na umaakay sa anong mga tanong?
2 Gayunman, may tunay na dahilan para sa pag-asa. Kapansin-pansin, positibo ang pananaw ng mga Saksi ni Jehova na aktibong nangangaral sa 234 na lupain at teritoryo sa daigdig. Sa halip na matakot na hindi na kailanman maaalis ang terorismo, nagtitiwala sila na maaalis ito—at iyon ay malapit na. Makatotohanan ba na maging positibo kagaya nila? Sino ba ang makapagtatagumpay sa pag-aalis sa daigdig ng salot na ito, at paano ito mangyayari? Yamang lahat tayo ay maaaring naapektuhan na ng kahit isang uri ng karahasan, makabubuting suriin natin ang saligan ng gayong positibong pananaw.
3. Anong mga sanhi ng pagkatakot ang umiiral, at ano ang inihula hinggil sa ating panahon?
3 Sa ngayon, ang mga tao ay natatakot at nasisindak 2 Timoteo 3:1-3.
dulot ng iba’t ibang kadahilanan. Isip-isipin na lamang ang maraming tao na hindi na mapangalagaan ang kanilang sarili dahil sa katandaan, mga indibiduwal na namamayat dahil sa di-malunasang mga sakit, at mga pamilyang nagpupunyaging makaraos sa buhay. Sa katunayan, isip-isipin na lamang ang kawalang-katiyakan mismo ng buhay! Parang laging nakaabang ang biglang pagkamatay dahil sa aksidente o kasakunaan, na handang bigyang-wakas ang lahat ng bagay na mahal sa atin. Dahil sa gayong pagkatakot at pagkabalisa, pati na sa napakaraming personal na mga pakikipagpunyagi at mga pagkabigo, ang ating panahon ay naging katulad na katulad ng paglalarawan ni apostol Pablo: “Alamin mo ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, . . . mga walang likas na pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga maninirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan.”—4. Ano ang positibong aspekto sa mapanglaw na kalagayan na binanggit sa 2 Timoteo 3:1-3?
4 Bagaman inilalarawan ng kasulatang ito ang isang mapanglaw na kalagayan, may binabanggit naman itong pag-asa. Pansinin na ang mapanganib na mga panahon ay iiral “sa mga huling araw” ng kasalukuyang balakyot na sistema ng mga bagay ni Satanas. Nangangahulugan ito na malapit na ang kaginhawahan at ang balakyot na sistema ng sanlibutan ay malapit nang palitan ng pamamahala ng sakdal na Kaharian ng Diyos, na siyang itinuro ni Jesus na idalangin ng kaniyang mga tagasunod. (Mateo 6:9, 10) Ang Kahariang iyon ay ang makalangit na pamahalaan ng Diyos, na “hindi magigiba kailanman,” gaya ng sinasabi ni propeta Daniel, kundi “dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito [ng tao], at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.”—Daniel 2:44.
Ang Pagkakaiba ng Kristiyanong Neutralidad sa Terorismo
5. Paano tumugon kamakailan ang mga bansa sa banta ng terorismo?
5 Sa loob ng maraming taon, ang terorismo ay kumitil ng buhay ng libu-libong tao. Ang pambuong-daigdig na kabatiran sa panganib na ito ay lubhang lumaki pagkatapos ng mga pagsalakay sa New York City at sa Washington, D.C., noong Setyembre 11, 2001. Dahil sa lawak at pambuong-daigdig na saklaw ng terorismo, ang mga bansa sa buong lupa ay mabilis na nagkaisa upang labanan ito. Halimbawa, noong Disyembre 4, 2001, ayon sa mga ulat ng media, “may-pagkakaisang pinagtibay ng mga ministro ng ugnayang panlabas mula sa 55 bansa sa Europa, Hilagang Amerika at sa Sentral Asia ang isang plano” na dinisenyo upang organisahin ang kanilang mga pagsisikap. Isang mataas na opisyal ng Estados Unidos ang pumuri sa pagkilos na ito bilang pagbibigay ng “panibagong lakas” sa pagsisikap laban sa terorismo. Agad na nasangkot ang daan-daang milyong tao sa tinatawag ng The New York Times Magazine na “pasimula ng isang makasaysayang pakikipagbaka.” Malalaman pa natin sa hinaharap kung gaano katagumpay ang gayong mga pagsisikap. Gayunman, ang magiging epekto ng gayong pakikipagbaka laban sa terorismo ay pumupukaw ng pagkatakot at kabalisahan sa marami, subalit hindi para roon sa mga nagtitiwala kay Jehova.
6. (a) Bakit kung minsan ay nahihirapan ang ilan na tanggapin ang paninindigan ng mga Saksi ni Jehova hinggil sa Kristiyanong neutralidad? (b) Anong halimbawa may kaugnayan sa pulitikal na gawain ang ipinakita ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod?
6 Kilalang-kilala ang mga Saksi ni Jehova sa kanilang pagiging neutral sa pulitika. Bagaman maaaring handang tanggapin ng karamihan sa mga tao ang paninindigang ito ng mga Saksi Juan 15:19; 17:14-16; 18:36; Santiago 4:4) Hinihiling nito na manatili silang neutral sa pulitikal o panlipunang mga bagay. Si Jesus mismo ang nagpakita ng wastong halimbawa. Dahil sa kaniyang sakdal na karunungan at pambihirang mga kakayahan, malaki sana ang maitutulong niya sa ikasusulong ng mga gawain ng tao noong kaniyang kapanahunan. Subalit, tumanggi siyang masangkot sa pulitika. Sa pasimula ng kaniyang ministeryo, matatag niyang tinanggihan ang alok ni Satanas na mamahala sa lahat ng kaharian sa daigdig. Nang maglaon, tahasan siyang umiwas sa pagkakaroon ng posisyon sa pulitika.—Mateo 4:8-10; Juan 6:14, 15.
ni Jehova sa panahon ng kapayapaan, hindi gaanong bukás ang kanilang isip kapag may bumangong di-pangkaraniwang mga kalagayan. Kadalasan, ang pagkatakot at kawalang-katiyakang dulot ng digmaan ay pumupukaw ng matinding damdamin ng nasyonalismo. Dahil dito, nagiging mahirap para sa ilan na maunawaan kung bakit may mag-aatubiling sumuporta sa popular na mga kilusang pambansa. Gayunman, alam ng tunay na mga Kristiyano na sila ay dapat sumunod sa utos ni Jesus na maging “hindi bahagi ng sanlibutan.” (7, 8. (a) Hindi nangangahulugan ng ano ang pagiging neutral sa pulitika ng mga Saksi ni Jehova, at bakit? (b) Paano ipinagbabawal ng Roma 13:1, 2 ang pakikibahagi sa mararahas na gawain laban sa mga pamahalaan?
7 Ang neutral na paninindigan ng mga Saksi ni Jehova ay hindi dapat unawain na sinusuportahan o kinukunsinti nila ang mga gawang karahasan. Ang paggawa nila nito ay magiging salungat sa kanilang pag-aangkin na sila’y mga lingkod ng “Diyos ng pag-ibig at ng kapayapaan.” (2 Corinto 13:11) Natutuhan nila kung ano ang nadarama ni Jehova hinggil sa karahasan. Ang salmista ay sumulat: “Si Jehova ang sumusuri sa matuwid at gayundin sa balakyot, at ang sinumang umiibig sa karahasan ay kinapopootan nga ng Kaniyang kaluluwa.” (Awit 11:5) Batid din nila kung ano ang sinabi ni Jesus kay apostol Pedro: “Ibalik mo ang iyong tabak sa kinalalagyan nito, sapagkat ang lahat niyaong humahawak ng tabak ay malilipol sa pamamagitan ng tabak.”—Mateo 26:52.
8 Bagaman maliwanag na ipinakikita ng kasaysayan na kadalasan nang gumagamit ng “tabak” ang huwad na mga Kristiyano, hindi iyon totoo sa mga Saksi ni Jehova. Sila ay umiiwas sa lahat ng gayong gawain. Ang mga Saksi ay tapat na sumusunod sa utos sa Roma 13:1, 2: “Ang bawat kaluluwa ay magpasakop sa nakatataas na mga awtoridad [mga tagapamahala sa gobyerno], sapagkat walang awtoridad malibang sa pamamagitan ng Diyos; ang umiiral na mga awtoridad ay inilagay ng Diyos sa kanilang relatibong mga posisyon. Kaya nga siya na sumasalansang sa awtoridad ay naninindigan laban sa kaayusan ng Diyos; yaong mga naninindigan laban dito ay tatanggap ng hatol sa kanilang sarili.”
9. Sa anong dalawang paraan nilalabanan ng mga Saksi ni Jehova ang terorismo?
9 Gayunman, yamang napakasamâ ng terorismo, hindi ba dapat na may gawin ang mga Saksi ni Jehova upang labanan ito? Oo dapat lamang, at ginagawa nga nila iyon. Una sa lahat, sila mismo ay hindi nakikibahagi sa gayong gawain. Ikalawa, itinuturo nila sa mga tao ang mga simulaing Kristiyano na kung susundin ay mag-aalis sa lahat ng uri ng karahasan. * Noong nakaraang taon, ang mga Saksi ay gumugol ng 1,202,381,302 oras sa pagtulong sa mga tao na matutuhan ang paraang ito ng Kristiyanong pamumuhay. Hindi nasayang ang panahong ito, sapagkat bilang resulta ng gawaing ito, 265,469 katao ang nabautismuhan bilang mga Saksi ni Jehova, sa gayon ay hayagang nagpapakita ng kanilang lubusang pagtanggi sa karahasan.
10. Ano ang pag-asa para maalis ang karahasan sa daigdig sa ngayon?
10 Karagdagan pa, kinikilala ng mga Saksi ni Jehova na hindi nila kailanman maaalis ang kasamaan sa daigdig sa ganang sarili nila. Kaya naman, inilalagak nila ang kanilang lubos na pagtitiwala sa isa na makagagawa niyaon—ang Diyos na Jehova. (Awit 83:18) Sa kabila ng taimtim na mga pagsisikap, hindi kayang wakasan ng mga tao ang karahasan. Ang kinasihang manunulat ng Bibliya ay patiunang nagbabala sa atin hinggil sa ating panahon na “mga huling araw,” at nagsabi: “Ang mga taong balakyot at mga impostor ay magpapatuloy mula sa masama tungo sa lalong masama, nanlíligaw at naililigaw.” (2 Timoteo 3:1, 13) Batay sa pangmalas na ito, malabo ang pag-asa ng tao na magwagi sa pakikipagbaka laban sa kasamaan. Sa kabilang panig naman, makaaasa tayo kay Jehova na aalisin niya nang lubusan at permanente ang karahasan.—Awit 37:1, 2, 9-11; Kawikaan 24:19, 20; Isaias 60:18.
Walang Takot sa Harap ng Napipintong Pagsalakay
11. Anong mga hakbang ang naisagawa na ni Jehova upang alisin ang karahasan?
11 Yamang ang Diyos ng kapayapaan ay napopoot sa karahasan, mauunawaan natin kung bakit niya pinasimulan ang mga hakbang upang puksain ang pinakasanhi nito, si Satanas na Diyablo. Sa katunayan, pinangyari na Niya na dumanas si Satanas ng kahiya-hiyang pagkatalo sa mga kamay ni arkanghel Miguel—ang bagong Hari na iniluklok ng Diyos, si Kristo Jesus. Inilalarawan ito ng Bibliya sa ganitong paraan: “Sumiklab ang digmaan sa langit: Si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon, at ang dragon at ang mga anghel nito ay nakipagbaka ngunit hindi ito nanaig, ni may nasumpungan pa mang dako para sa kanila sa langit. Kaya inihagis ang malaking dragon, ang orihinal na serpiyente, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, na siyang nagliligaw sa buong tinatahanang lupa; siya ay inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.”—Apocalipsis 12:7-9.
12, 13. (a) Ano ang kahalagahan ng taóng 1914? (b) Ano ang inihula ni Ezekiel para roon sa mga sumusuporta sa Kaharian ng Diyos?
12 Ang kronolohiya ng Bibliya at ang mga pangyayari sa daigdig ay nagkakaisa sa pagtukoy sa taóng 1914 bilang ang panahon nang maganap ang digmaang iyon sa langit. Mula noon, ang mga kalagayan sa daigdig ay patuloy na lumulubha. Ipinaliliwanag ng Apocalipsis 12:12 ang dahilan, sa pagsasabing: “Dahil dito ay matuwa kayo, kayong mga langit at kayo na tumatahan diyan! Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagkat ang Diyablo ay bumaba na sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam na mayroon na lamang siyang maikling yugto ng panahon.”
13 Mauunawaan naman na ang galit ng Diyablo ay pangunahin nang nakatuon sa mga pinahirang mananamba ng Diyos at sa kanilang kasamahang “ibang mga tupa.” (Juan 10:16; Apocalipsis 12:17) Ang pagsalansang na ito ay malapit nang umabot sa kasukdulan nito kapag ang Diyablo ay naglunsad ng isang matinding pagsalakay laban sa lahat niyaong sumusuporta sa naitatag na Kaharian ng Diyos at sa mga naglalagak ng kanilang pagtitiwala rito. Ang lansakang pagsalakay na ito ay tinukoy sa Ezekiel kabanata 38 bilang ang pagsalakay ni “Gog ng lupain ng Magog.”
14. Anong pagsasanggalang ang tinamasa noon ng mga Saksi ni Jehova, at ito ba ay laging magiging gayon?
14 Buhat nang palayasin si Satanas sa langit, may mga pagkakataong naipagsanggalang ang bayan ng Diyos mula sa mga pagsalakay ni Satanas sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng ilang makapulitikang elemento, na binanggit sa makasagisag na paraan sa Apocalipsis 12:15, 16. Sa kabaligtaran, ipinakikita ng Bibliya na sa panahon ng pangwakas na pagsalakay ni Satanas, walang ahensiya ng tao ang magtatanggol sa mga naglalagak ng kanilang pagtitiwala kay Jehova. Dapat bang matakot o masindak ang mga Kristiyano dahil dito? Hinding-hindi!
15, 16. (a) Ang nagbibigay-katiyakang mga salita ni Jehova sa kaniyang bayan noong panahon ni Jehosapat ay nagbibigay ng anong dahilan para maging positibo ang mga Kristiyano sa ngayon? (b) Anong parisan ang ibinigay ni Jehosapat at ng bayan para sa mga lingkod ng Diyos sa ngayon?
15 Tiyak na tutulungan ng Diyos ang kaniyang bayan gaya ng ginawa niyang pagsuporta sa kaniyang tipikong bansa noong kapanahunan ni Haring Jehosapat. Ating mababasa: “Magbigay-pansin kayo, buong Juda at kayong mga tumatahan sa Jerusalem at ikaw na Haring Jehosapat! 2 Cronica 20:15-17.
Narito ang sinabi ni Jehova sa inyo, ‘Huwag kayong matakot o masindak man dahil sa malaking pulutong na ito; sapagkat ang pagbabaka ay hindi inyo, kundi sa Diyos. . . . Hindi ninyo kakailanganing lumaban sa pagkakataong ito. Lumagay kayo sa inyong dako, manatili kayong nakatayo at tingnan ninyo ang pagliligtas ni Jehova para sa inyo. O Juda at Jerusalem, huwag kayong matakot o masindak man. Bukas ay lumabas kayo laban sa kanila, at si Jehova ay sasainyo.’ ”—16 Tiniyak sa mga mamamayan ng Juda na hindi sila kailangang makipaglaban. Gayundin, kapag sinalakay ni Gog ng Magog ang bayan ng Diyos, hindi sila hahawak ng sandata upang ipagtanggol ang kanilang sarili. Sa halip, ‘mananatili silang nakatayo at titingnan ang pagliligtas ni Jehova’ sa kapakanan nila. Sabihin pa, ang pananatiling nakatayo ay hindi nagpapahiwatig ng kawalan ng anumang ginagawa, kung paanong ang bayan ng Diyos noong kapanahunan ni Jehosapat ay hindi ganap na di-aktibo. Ating mababasa: “Kaagad na yumukod si Jehosapat habang ang kaniyang mukha ay nakaharap sa lupa, at ang buong Juda at ang mga tumatahan sa Jerusalem ay sumubsob sa harap ni Jehova upang mangayupapa kay Jehova. . . . Karagdagan pa, sumangguni [si Jehosapat] sa bayan at naglagay ng mga mang-aawit para kay Jehova at ng mga naghahandog ng papuri na may banal na kagayakan habang lumalabas sila sa unahan ng mga nasasandatahang lalaki, at nagsasabi: ‘Magbigay kayo ng papuri kay Jehova, sapagkat hanggang sa panahong walang takda ang kaniyang maibiging-kabaitan.’ ” (2 Cronica 20:18-21) Oo, maging sa harap ng gayong pagsalakay ng kaaway, ang bayan ay patuloy na aktibong pumupuri kay Jehova. Ito ay nagbibigay ng parisan para tularan ng mga Saksi ni Jehova kapag naglunsad na ng pagsalakay si Gog laban sa kanila.
17, 18. (a) Anong positibong saloobin ang taglay ng mga Saksi ni Jehova sa ngayon may kaugnayan sa pagsalakay ni Gog? (b) Anong paalaala ang ibinigay kamakailan sa mga kabataang Kristiyano?
17 Bago nito—at maging pagkatapos magsimula ang pagsalakay ni Gog—ang mga Saksi ni Jehova ay magpapatuloy sa kanilang pagsuporta sa Kaharian ng Diyos. Sila ay patuloy na makasusumpong ng kalakasan at proteksiyon sa pakikisama sa mahigit na 94,600 kongregasyon sa buong daigdig. (Isaias 26:20) Tunay na ito’y isang naaangkop na panahon upang purihin si Jehova taglay ang lakas ng loob! Tiyak na ang paghihintay sa napipintong pagsalakay ni Gog ay hindi magiging sanhi upang sila ay umurong dahil sa pagkatakot. Sa halip, ito ay magpapasigla sa kanila upang pasulungin ang kanilang hain ng papuri hanggang sa magagawa nila.—Awit 146:2.
18 Ang positibong saloobing ito ay angkop na naitanghal ng libu-libong kabataan sa buong daigdig na pumasok sa buong-panahong ministeryo. Awit 119:14, 24, 99, 119, 129, 146.
Upang itampok ang kahigitan ng pagpili sa gayong landasin ng buhay, ang tract na Mga Kabataan—Ano ang Gagawin Ninyo sa Inyong Buhay? ay inilabas noong 2002 na mga pandistritong kombensiyon. Ang mga Kristiyano, kapuwa bata at matanda, ay nagpapasalamat sa gayong napapanahong mga paalaala.—19, 20. (a) Bakit walang dahilan para matakot o masindak ang mga Kristiyano? (b) Ano ang gagawin ng susunod na artikulo?
19 Sa kabila ng mga kalagayan sa daigdig, hindi kailangang matakot o masindak ang mga Kristiyano. Alam nilang malapit nang alisin ng Kaharian ni Jehova ang lahat ng uri ng karahasan minsan at magpakailanman. Sila ay nakasusumpong din ng kaaliwan sa pagkaalam na bubuhaying muli ang maraming namatay dahil sa karahasan. Bagaman ang pagkabuhay-muli ay magbibigay sa ilan ng unang pagkakataon upang matuto hinggil kay Jehova, papangyarihin naman nito na maipagpatuloy ng iba ang kanilang landasin ng nakaalay na paglilingkod sa kaniya.—Gawa 24:15.
20 Bilang tunay na mga Kristiyano, nauunawaan natin ang pangangailangan na mapanatili ang Kristiyanong neutralidad, at determinado tayong gawin ito. Nais nating manghawakan sa kamangha-manghang pag-asa na ‘manatiling nakatayo at tingnan ang pagliligtas ni Jehova.’ Patitibayin ng susunod na artikulo ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng pagtulong sa atin na maintindihan ang kasalukuyang mga pangyayari na patuloy na nagbibigay ng higit na kaunawaan sa katuparan ng mga hula sa Bibliya.
[Talababa]
^ par. 9 Para sa mga halimbawa ng mga indibiduwal na tumalikod sa marahas na pamumuhay upang maging mga Saksi, tingnan ang Gumising! ng Marso 22, 1990, pahina 21; Agosto 8, 1991, pahina 18; at Bantayan ng Enero 1, 1996, pahina 5; Agosto 1, 1998, pahina 5.
Maipaliliwanag Mo Ba?
• Bakit negatibo ang maraming tao sa ngayon?
• Bakit positibo ang mga Saksi ni Jehova hinggil sa kinabukasan?
• Ano na ang ginawa ni Jehova sa sanhi ng lahat ng karahasan?
• Bakit walang dahilan para tayo ay matakot sa pagsalakay ni Gog?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 13]
Si Jesus ay nagbigay ng wastong halimbawa ng Kristiyanong neutralidad
[Mga larawan sa pahina 16]
Libu-libong kabataang Saksi ang may-kagalakang pumasok sa buong-panahong ministeryo
[Picture Credit Line sa pahina 12]
UN PHOTO 186226/M. Grafman