Paglilingkod sa Isang Grupo na May Naiibang Wika sa Korea
Paglilingkod sa Isang Grupo na May Naiibang Wika sa Korea
ISANG napakasigla ngunit tahimik na grupo ang nagkatipon para sa isang pandistritong kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova noong tag-araw ng 1997. Ngayon lamang nagkaroon ng ganitong uri ng kombensiyon sa Korea para sa mga bingi at mahihina ang tainga. Nagkaroon ito ng pinakamataas na bilang ng dumalo na 1,174. Ang buong programa—lakip na ang mga pahayag, panayam, at isang drama—ay isinagawa sa Korean Sign Language at ipinalabas sa isang malaking iskrin na nakikita sa buong Assembly Hall. Ito ang pinakahihintay na sandali pagkatapos ng maraming taóng pagsisikap ng maraming boluntaryo.
Darating ang panahon sa isang makalupang paraiso na “ang mga tainga ng mga bingi ay mabubuksan.” (Isaias 35:5) Upang maranasan ang buhay sa Paraisong iyan, ang lahat, pati na ang mga bingi, ay dapat munang pumasok sa espirituwal na paraiso, ang masaganang espirituwal na kalagayan ng pinagpalang bayan ng Diyos. Dapat silang maging nakaalay at bautisadong mga Saksi ni Jehova, na tinuturuan niya.—Mikas 4:1-4.
Maliliit na Pasimula
Bagaman ginagawa na ang pangangaral sa mga bingi noon pa mang mga taon ng 1960, nito lamang mga taon ng 1970 nagsimulang dumalo ang ilan sa kanila sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova sa Seoul, ang kabiserang lunsod ng Korea. Isang kapatid na Kristiyano na mabilis sumulat ang gumamit ng isang pisara upang itala roon ang pangunahing mga punto ng mga pahayag, pati na ang ginamit na mga teksto sa Bibliya.
Noong 1971 sa lunsod ng Taejon, isang Saksi na may anak na bingi ang nagsimulang magturo sa kaniya at sa mga binging kaibigan nito ng mensahe ng Kaharian. Sa grupong ito nanggaling ang ilang masisigasig na indibiduwal na ngayo’y nagsisilbing suporta sa teritoryo ng wikang pasenyas.—Zacarias 4:10.
Kusang-Loob na Inihahandog ng mga Kabataan ang Kanilang Sarili
Kung ang mga bingi ay kukuha ng kaalaman tungkol kay Jehova at kay Jesus at sa gayon ay lalakad din sa daang patungo sa buhay, kakailanganin Juan 17:3) Upang maisagawa ito, ang ilan sa mga Saksi ni Jehova ay nag-aral ng wikang pasenyas at ginantimpalaan naman sila ng kasiya-siyang mga karanasan.
pa ang malaking pagsisikap ng iba pang mga boluntaryo. (Naging tunguhin ng 15-taóng-gulang na si Park In-sun na matuto ng wikang pasenyas. Upang magawa ito, pumasok siya bilang aprentis sa isang pabrika na pinagtatrabahuhan ng 20 bingi. Walong buwan siyang nakisamang mabuti sa kanila sa pagtatrabaho upang matutuhan ang wika at takbo ng pag-iisip ng mga bingi. Nang sumunod na taon, siya’y naging isang regular pioneer, o buong-panahong tagapaghayag ng Kaharian, at gumawang kasama ng isang grupo ng mga bingi na interesado sa katotohanan sa Bibliya. Mabilis na lumaki ang grupo, at hindi nagtagal ay mahigit na sa 35 ang dumadalo sa mga pulong tuwing Linggo.—Awit 110:3.
Mula noon, sa unang pagkakataon sa Seoul, ang mga pulong Kristiyano ay ginawa na nila sa wikang pasenyas lamang. Naglingkod si Brother Park In-sun bilang special pioneer sa lumalaking grupong ito. Bihasa na siya ngayon sa wikang pasenyas. May mga buwan na nakapagdaos siya ng 28 pantahanang pag-aaral ng Bibliya sa mga bingi. Marami sa mga ito ang sumulong at naging mga Saksi ni Jehova.
Dahil sa napakasiglang gawaing ito ng pagboboluntaryo, naitatag ang unang kongregasyon ng wikang pasenyas sa Seoul noong Oktubre 1976, na may 40 mamamahayag at 2 regular pioneer. Nagpasigla ito ng gawain sa iba pang mga lunsod sa Korea. Maraming bingi ang nasasabik sa mabuting balita at naghihintay ng dalaw.
Paggawang Kasama ng mga Bingi
Marahil ay nagtatanong ka kung paano nasusumpungan ang mga bingi. Marami sa kanila ang nakakausap sa pamamagitan ng mga referral. Nilapitan din ang mga may tindahan ng bigas sa lugar na iyon, at nagbigay naman sila ng mga pangalan at adres ng mga bingi. Nakatulong din ang ilang tanggapan ng pamahalaan sa pagbibigay ng gayong mga impormasyon. Ang masikap na paggawa sa teritoryo na tinitirhan ng mga bingi ay naging lubhang matagumpay, anupat nang maglaon, apat na kongregasyon ng wikang pasenyas ang naitatag. Napasigla ang maraming kabataang Kristiyano na mag-aral ng wikang pasenyas.
Ang mga ministrong special pioneer na natuto na ng wikang pasenyas ay inatasan ng tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova na gumawang kasama ng mga kongregasyon. Kamakailan lamang, ang mga nagtapos sa Ministerial Training School ay inatasan sa mga kongregasyong ito at nagpalakas sa kanila sa espirituwal na paraan.
May mga problemang dapat harapin. Ang paglilingkod sa teritoryong ito ay nangangailangan ng pagsisikap na maunawaan ang kultura ng mga bingi. Napakaprangka nilang mag-isip at kumilos. Kung minsan, ikinagugulat ito ng mga tao at nagiging dahilan tuloy ng di-pagkakaunawaan. Isa pa, kapag ang mga Saksi ay nagdaraos ng mga pantahanang pag-aaral ng Bibliya sa mga bingi, kailangan silang tulungan na maging bihasa sa kanilang sariling wika at himuking palawakin ang kanilang sariling programa ng pagbabasa at pag-aaral.
Sa kanilang pang-araw-araw na gawain, ang mga bingi ay napapaharap sa mga suliraning hindi halos alam ng iba. Ang pakikipagtalastasan sa mga tanggapan ng pamahalaan at mga pasilidad sa pag-iingat ng kalusugan, gayundin ang simpleng mga transaksiyon sa negosyo ay madalas na nagiging malaking problema para sa kanila. Palibhasa’y nag-alok ng maibiging tulong ang mga Saksi mula Juan 13:34, 35.
sa karatig na kongregasyon, naranasan ng mga bingi ang tunay na kapatiran sa loob ng kongregasyong Kristiyano.—Nagbubunga ang Di-pormal na Pagpapatotoo
Sa Pusan, ang pangunahing daungang lunsod sa timugan, nakatagpo ang isang Saksi ng dalawang bingi na sumulat ng ganito sa isang pirasong papel: “Gusto namin ng Paraiso. Gusto naming malaman ang mga tekstong nagsasabi ng tungkol sa buhay na walang hanggan.” Isinulat ng kapatid na lalaki ang kanilang adres at isinaayos na dalawin sila. Nang dumalaw siya, nakita niya ang isang kuwartong punô ng mga binging naghihintay upang makarinig ng mensahe ng Kaharian. Ang karanasang ito ay nagpasigla sa kaniya na mag-aral ng wikang pasenyas. Di-nagtagal at naitatag ang isang kongregasyon ng wikang pasenyas sa Pusan.
Isang kapatid na lalaki mula sa kongregasyong ito ang nakapansin sa dalawang bingi na nag-uusap sa wikang pasenyas at lumapit siya sa kanila. Nang matuklasan niyang kagagaling lamang nila sa isang relihiyosong pulong, inanyayahan niya sila sa Kingdom Hall nang alas dos ng hapon ng araw ring iyon. Dumating naman sila, at napasimulan ang isang pag-aral sa Bibliya. Di-nagtagal pagkatapos, dumalo ang 2 ito sa pandistritong kombensiyon kasama ang 20 sa mga binging kaibigan nila. Mula sa grupong iyon, ang ilan ay nag-alay ng kanilang buhay kay Jehova. Dalawa ang naging elder at isa ang naging ministeryal na lingkod sa mga kongregasyon ng wikang pasenyas.
Ginagantimpalaan ang Determinasyon
Yamang malayo ang tinitirhan ng ilang bingi mula sa alinmang kongregasyon ng wikang pasenyas, madalas na kinakailangan ang malaking pagsisikap at determinasyon upang mapaglaanan sila ng regular na pagkaing espirituwal mula sa Bibliya. Halimbawa, may isang 31-taóng-gulang na lalaki na ang ikinabubuhay ay ang pangingisda sa baybayin ng isang isla. Narinig niya ang mensahe ng Bibliya mula sa kaniyang nakababatang kapatid na lalaki, na natagpuan ng mga Saksi ni Jehova. Sa pagsisikap na masapatan ang kaniyang pagkagutom sa espirituwal, ang binging mangingisda ay naglakbay nang 16 na kilometro sakay ng bangka patungong Tongyoung City, sa timugang baybayin ng Korea. Ito’y upang katagpuin ang isang special pioneer mula sa kongregasyon ng wikang pasenyas sa Masan City. Tuwing Lunes, 65 kilometro ang nilalakbay ng special pioneer na ito para lamang magdaos ng pag-aaral sa Bibliya sa binging mangingisda.
Para makadalo sa pulong tuwing Linggo sa Masan City, ang binging estudyante ng Bibliya ay kailangang maglakbay nang 16 na kilometro sakay ng bangka at saka sumakay ng bus para sa 65 kilometro pa. Nagbunga naman ang kaniyang determinasyon. Sa loob ng ilang buwan, sumulong siya sa wikang pasenyas, natutuhan ang marami pang alpabeto ng Korea, at—pinakamahalaga sa lahat—natutuhan ang tanging daan sa pagkakaroon ng kaugnayan kay Jehova. Nang mapag-isip-isip niya ang kahalagahan ng mga pulong at ng regular na pagpapatotoo, lumipat siya sa teritoryo ng kongregasyon ng wikang pasenyas. Madali ba ito? Hindi. Kinailangan niyang iwan ang pangingisda na pinagkakakitaan niya ng hanggang $3,800 (U.S.) dolyar sa isang buwan, subalit ginantimpalaan naman ang kaniyang determinasyon. Matapos sumulong sa katotohanan, siya ay nabautismuhan at ngayo’y maligayang naglilingkod kay Jehova kasama ang kaniyang pamilya.
Pagsasalin Para sa mga Bingi
Ang mabuting balita ng Kaharian ay karaniwan nang inihahatid sa pamamagitan ng pagsasalita. Gayunman, upang maihatid nang mas wasto ang mensahe mula sa Salita ng Diyos, mahalagang iharap ang turo ng Bibliya sa isang mas permanenteng anyo. Kaya naman, noong unang siglo, ang mga aklat at mga liham ay isinulat ng makaranasang matatandang lalaki. (Gawa 15:22-31; Efeso 3:4; Colosas 1:2; 4:16) Sa ating panahon, inilalaan ang saganang espirituwal na pagkain sa pamamagitan ng mga aklat at iba pang mga publikasyong Kristiyano. Isinalin ang mga ito sa daan-daang wika, pati na sa iba’t ibang wikang pasenyas. Upang maisagawa ito sa Korean Sign Language, ang tanggapang pansangay ay may departamento ng pagsasalin sa wikang pasenyas. Isang departamento para sa video ang gumagawa ng mga video sa wikang pasenyas. Ito’y naglalaan ng espirituwal na pagkain sa mga binging tagapaghayag ng mabuting balita at sa mga interesadong nasa mga kongregasyon sa buong Korea.
Bagaman marami ang naging bihasa sa wikang pasenyas at nakatulong sa paggawa ng mga video, karaniwan nang ang pinakamagagaling na tagapagsalin ay ang mga anak ng mga binging magulang. Natuto sila ng wikang pasenyas mula pa sa pagkasanggol. Sila’y hindi lamang wastong sumesenyas kundi nagbibigay rin ng tunay na kahulugan at pagdiriin sa mensahe sa pamamagitan ng kanilang pagkumpas at ekspresyon ng mukha, anupat naaabot tuloy ang isip at puso.
Gaya ng mapapansin, ang mga kombensiyon at asamblea sa wikang pasenyas ay regular na ngayong idinaraos sa Korea. Kinakailangan ang malaking gawain, gastos, at pagsisikap upang maisagawa ito. Gayunman, nagpapasalamat ang mga dumadalo sa ganitong kaayusan. Pagkatapos ng mga pagtitipong ito, marami ang hindi pa rin umaalis at gusto pang ipagpatuloy ang kapaki-pakinabang na pagsasamahan at pagrerepaso sa inilaang maiinam na espirituwal na pagkain. Maliwanag, ang paglilingkod sa naiibang grupong ito ay may mga hamon, subalit sulit naman dahil sa espirituwal na mga pagpapalang dulot nito.
[Larawan sa pahina 10]
Mga video sa wikang pasenyas na ginawa sa Korea: “Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?,” “Pagpapahalaga sa Ating Espirituwal na Pamana,” “Mga Halimbawang Babala Para sa Ating Kaarawan,” at “Igalang ang Awtoridad ni Jehova”
[Mga larawan sa pahina 10]
Pakanan mula sa ibaba: Video sa wikang pasenyas na ginagawa sa sangay ng Korea; paghahanda ng mga senyas para sa teokratikong mga termino; pangkat sa pagsasalin sa wikang pasenyas; dinidiktahan ang nagsesenyas habang isinasagawa ang video