Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Pinakamarangal na Uri ng Pag-ibig

Ang Pinakamarangal na Uri ng Pag-ibig

Ang Pinakamarangal na Uri ng Pag-ibig

SA KARAMIHAN ng mga paglitaw nito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, o Bagong Tipan, ang salitang “pag-ibig” ay isinalin mula sa salitang Griego na a·gaʹpe.

Sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng katagang iyan, ganito ang sabi ng reperensiyang akda na Insight on the Scriptures *: “[Ang a·gaʹpe] ay hindi sentimentalidad, na batay lamang sa personal na kaugnayan, na siyang kadalasang iniisip ng mga tao tungkol sa pag-ibig, kundi isang moral o panlipunang pag-ibig na salig sa pinag-isipang pagsang-ayon ng kalooban dahil sa simulain, tungkulin, at kabutihang-asal, anupat taimtim na hinahangad ang kabutihan ng iba ayon sa kung ano ang tama. Nananaig ang a·gaʹpe (pag-ibig) sa personal na mga alitan, anupat hindi pinahihintulutan ang mga alitan na maging dahilan upang talikdan ng isa ang wastong mga simulain at gumanti sa gayunding paraan.”

Maaari ring kalakip sa a·gaʹpe ang matinding damdamin. “Magkaroon kayo ng masidhing pag-ibig [a·gaʹpe] sa isa’t isa,” ang payo ni apostol Pedro. (1 Pedro 4:8) Kaya naman, masasabing kasangkot sa a·gaʹpe ang puso gayundin ang isip. Bakit hindi isaalang-alang ang ilang kasulatan na nagpapakita sa kapangyarihan at saklaw ng marangal na uring ito ng pag-ibig? Maaaring makatulong ang sumusunod na mga reperensiya: Mateo 5:43-​47; Juan 15:12, 13; Roma 13:8-​10; Efeso 5:2, 25, 28; 1 Juan 3:15-​18; 4:16-21.

[Talababa]

^ par. 3 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.