Inusig Dahil sa Katuwiran
Inusig Dahil sa Katuwiran
“Maligaya yaong mga pinag-usig dahil sa katuwiran.”—Mateo 5:10.
1. Bakit nasa harap ni Poncio Pilato si Jesus, at ano ang sinabi ni Jesus?
“DAHIL dito ay ipinanganak ako, at dahil dito ay dumating ako sa sanlibutan, upang ako ay magpatotoo sa katotohanan.” (Juan 18:37) Nang sabihin ni Jesus ang mga salitang iyon, siya ay nasa harap ni Poncio Pilato, ang Romanong Gobernador ng Judea. Si Jesus ay naroon hindi dahil sa kaniyang sariling kagustuhan ni dahil sa paanyaya ni Pilato. Sa halip, naroon siya dahil ang mga relihiyosong lider ng mga Judio ay may-kabulaanang nag-akusa na siya ay manggagawa ng kamalian na karapat-dapat sa kamatayan.—Juan 18:29-31.
2. Ano ang ginawa ni Jesus, na humantong sa anong pangyayari?
2 Alam na alam ni Jesus na may awtoridad si Pilato na palayain siya o ipapatay siya. (Juan 19:10) Ngunit hindi ito nakapigil sa kaniya sa pagsasalita nang may katapangan kay Pilato tungkol sa Kaharian. Bagaman nanganganib ang buhay ni Jesus, sinamantala niya ang pagkakataon upang magpatotoo sa pinakamataas na awtoridad ng pamahalaan sa rehiyong iyon. Sa kabila ng patotoong iyon, si Jesus ay hinatulan at pinatay, anupat nakaranas ng napakasakit na kamatayan bilang isang martir sa isang pahirapang tulos.—Mateo 27:24-26; Marcos 15:15; Lucas 23:24, 25; Juan 19:13-16.
Saksi o Martir?
3. Ano ang kahulugan ng salitang “martir” noong panahon ng Bibliya, ngunit ano ang kahulugan nito sa ngayon?
3 Para sa maraming tao sa ngayon, ang isang martir ay tila katumbas ng isang panatiko, isang ekstremista. Yaong mga handang mamatay alang-alang sa kanilang paniniwala, lalo na kung relihiyosong paniniwala, ay madalas na pinaghihinalaan ng pagiging mga terorista o kaya ay banta sa lipunan. Gayunman, ang salitang martir ay galing sa Griegong termino (marʹtys) na noong panahon ng Bibliya ay nangangahulugang “saksi,” isang tao na nagpapatotoo, marahil sa isang paglilitis sa hukuman, hinggil sa katotohanan ng kaniyang pinaniniwalaan. Nito na lamang nakalipas na mga panahon na ang salitang ito ay nangahulugang “isa na nagbubuwis ng kaniyang buhay dahil sa pagpapatotoo,” o isa na nagpapatotoo pa nga sa pamamagitan ng pagbubuwis ng buhay.
4. Sa anong pangunahing diwa isang martir si Jesus?
4 Si Jesus ay isang martir pangunahin na sa diwa ng naunang kahulugan ng salita. Gaya ng sinabi niya kay Pilato, naparito siya upang “magpatotoo Juan 2:23; 8:30) Ang mga pulutong sa pangkalahatan at lalung-lalo na ang mga relihiyosong lider ay may matindi ring reaksiyon—negatibo nga lamang. Sinabi ni Jesus sa kaniyang di-sumasampalatayang mga kamag-anak: “Ang sanlibutan ay walang dahilan upang mapoot sa inyo, ngunit napopoot ito sa akin, sapagkat ako ay nagpapatotoo may kinalaman dito na ang mga gawa nito ay balakyot.” (Juan 7:7) Dahil sa pagpapatotoo hinggil sa katotohanan, nagalit kay Jesus ang mga lider ng bansa, na umakay sa kaniyang kamatayan. Tunay nga, siya “ang saksing (marʹtys) tapat at totoo.”—Apocalipsis 3:14.
sa katotohanan.” Ang kaniyang pagpapatotoo ay pumukaw ng lubhang magkakaibang reaksiyon mula sa mga tao. Ang ilan sa pangkaraniwang mga tao ay lubhang naantig sa kanilang narinig at nakita, at nanampalataya sila kay Jesus. (“Kayo ay Magiging mga Tudlaan ng Pagkapoot”
5. Sa bandang pasimula ng kaniyang ministeryo, ano ang sinabi ni Jesus tungkol sa pag-uusig?
5 Hindi lamang dumanas si Jesus ng matinding pag-uusig kundi patiuna rin siyang nagbabala sa kaniyang mga tagasunod na gayundin ang daranasin nila. Sa bandang pasimula ng kaniyang ministeryo, sinabi ni Jesus sa mga tagapakinig niya sa kaniyang Sermon sa Bundok: “Maligaya yaong mga pinag-usig dahil sa katuwiran, yamang ang kaharian ng langit ay sa kanila. Maligaya kayo kapag dinudusta kayo ng mga tao at pinag-uusig kayo at may-kasinungalingang sinasalita ang bawat uri ng balakyot na bagay laban sa inyo dahil sa akin. Magsaya kayo at lumukso sa kagalakan, yamang malaki ang inyong gantimpala sa langit.”—Mateo 5:10-12.
6. Anong babala ang ibinigay ni Jesus nang isugo ang 12 apostol?
6 Nang maglaon, nang isugo ang 12 apostol, sinabi ni Jesus sa kanila: “Maging mapagbantay kayo laban sa mga tao; sapagkat ibibigay nila kayo sa mga lokal na hukuman, at hahagupitin nila kayo sa kanilang mga sinagoga. Aba, dadalhin kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin, bilang patotoo sa kanila at sa mga bansa.” Ngunit hindi lamang ang mga awtoridad sa relihiyon ang uusig sa mga alagad. Sinabi rin ni Jesus: “Dadalhin ng kapatid ang kapatid Mateo 10:17, 18, 21, 22) Ang kasaysayan ng unang-siglong mga Kristiyano ay isang katibayan ng pagiging totoo ng mga salitang iyon.
sa kamatayan, at ng ama ang kaniyang anak, at ang mga anak ay titindig laban sa mga magulang at ipapapatay sila. At kayo ay magiging mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan; ngunit siya na nakapagbata hanggang sa wakas ang siyang maliligtas.” (Isang Rekord ng Tapat na Pagbabata
7. Ano ang umakay sa pagiging isang martir ni Esteban?
7 Di-nagtagal pagkamatay ni Jesus, si Esteban ang unang Kristiyano na namatay dahil sa pagpapatotoo hinggil sa katotohanan. Siya ay “puspos ng kagandahang-loob at kapangyarihan [at] gumagawa ng dakilang mga palatandaan at mga tanda sa mga tao.” Ang kaniyang relihiyosong mga kaaway ay ‘hindi makapanindigan laban sa karunungan at espiritu na taglay niya sa pagsasalita.’ (Gawa 6:8, 10) Palibhasa’y lipos ng paninibugho, kinaladkad nila si Esteban sa harap ng Sanedrin, ang mataas na hukuman ng mga Judio, kung saan niya hinarap ang kaniyang bulaang mga tagapag-akusa at nagbigay ng mapuwersang patotoo. Gayunman, nang dakong huli, pinaslang ng mga kaaway ni Esteban ang tapat na saksing ito.—Gawa 7:59, 60.
8. Paano tumugon ang mga alagad sa Jerusalem sa pag-uusig na sumapit sa kanila pagkamatay ni Esteban?
8 Pagkatapos ng pagpaslang kay Esteban, “bumangon ang malaking pag-uusig laban sa kongregasyon na nasa Jerusalem; ang lahat maliban sa mga apostol ay nangalat sa lahat ng mga pook ng Judea at Samaria.” (Gawa 8:1) Napahinto ba ng pag-uusig ang Kristiyanong pagpapatotoo? Sa kabaligtaran, sinasabi sa atin ng ulat na “yaong mga nangalat ay lumibot sa lupain na ipinahahayag ang mabuting balita ng salita.” (Gawa 8:4) Malamang na nadama nila ang nadama ni apostol Pedro nang sabihin niya bago ang pangyayaring iyon: “Dapat naming sundin ang Diyos bilang tagapamahala sa halip na mga tao.” (Gawa 5:29) Sa kabila ng pag-uusig, ang tapat at malalakas-ang-loob na mga alagad na iyon ay nagpatuloy sa gawaing pagpapatotoo hinggil sa katotohanan, bagaman alam nila na aakay ito sa mas maraming kahirapan.—Gawa 11:19-21.
9. Anong pag-uusig ang patuloy na sumapit sa mga tagasunod ni Jesus?
9 Sa katunayan, hindi humupa ang tindi ng kahirapan. Una, nalaman natin na si Saul—ang lalaki na may-pagsang-ayong nanood sa pagbato kay Esteban—na “sumisilakbo pa ng pagbabanta at pagpaslang laban sa mga alagad ng Panginoon, ay pumaroon sa mataas na saserdote at humingi sa kaniya ng mga liham para sa mga sinagoga sa Damasco, upang madala niyang nakagapos sa Jerusalem ang sinumang masumpungan niyang kabilang sa Daan, kapuwa mga lalaki at mga babae.” (Gawa 9:1, 2) Pagkatapos, noong mga taóng 44 C.E., “iniunat ni Herodes na hari ang kaniyang mga kamay upang pagmalupitan ang ilan sa mga kabilang sa kongregasyon. Pinatay niya si Santiago na kapatid ni Juan sa pamamagitan ng tabak.”—Gawa 12:1, 2.
10. Anong rekord ng pag-uusig ang masusumpungan natin sa Mga Gawa at sa Apocalipsis?
10 Ang iba pang bahagi ng aklat ng Mga Gawa ay naglalaman ng permanenteng rekord ng mga pagsubok, pagkabilanggo, at pag-uusig na binatá ng mga tapat na gaya ni Pablo, ang dating mang-uusig na naging apostol, na malamang na namatay bilang isang martir sa utos ni Emperador Nero ng Roma noong mga 65 C.E. (2 Corinto 11:23-27; 2 Timoteo 4:6-8) Sa wakas, sa aklat ng Apocalipsis, na isinulat noong papatapos ang unang siglo, nalaman natin na ang matanda nang si apostol Juan ay nabilanggo sa piitang pulo ng Patmos “dahil sa pagsasalita tungkol sa Diyos at sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus.” Binabanggit din ng Apocalipsis si “Antipas, ang aking saksi, ang tapat, na pinatay” sa Pergamo.—Apocalipsis 1:9; 2:13.
11. Paano pinatutunayan ng landasin ng mga sinaunang Kristiyano na totoo ang mga sinabi ni Jesus hinggil sa pag-uusig?
11 Pinatutunayan ng lahat ng ito ang katotohanan ng mga sinabi ni Jesus sa kaniyang Juan 15:20) Ang tapat na mga sinaunang Kristiyano ay handang humarap sa sukdulang pagsubok, kamatayan—sa pamamagitan man ng pagpapahirap, paghahagis sa kanila sa mababangis na hayop, o sa alinmang iba pang paraan—upang maisakatuparan ang utos mula sa Panginoong Jesu-Kristo: “Kayo ay magiging mga saksi ko kapuwa sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria at hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa.”—Gawa 1:8.
mga alagad: “Kung pinag-usig nila ako, pag-uusigin din nila kayo.” (12. Bakit ang pag-uusig sa mga Kristiyano ay hindi lamang isang nakalipas na kasaysayan?
12 Kung may mag-iisip na ang gayong malupit na pagtrato sa mga tagasunod ni Jesus ay naganap lamang noong nakalipas, siya ay lubhang nagkakamali. Si Pablo, na gaya ng alam na natin ay nagbata rin mismo ng kahirapan, ay sumulat: “Lahat niyaong mga nagnanasang mabuhay na may makadiyos na debosyon may kaugnayan kay Kristo Jesus ay pag-uusigin din.” (2 Timoteo 3:12) Tungkol sa pag-uusig, sinabi ni Pedro: “Sa katunayan, sa landasing ito ay tinawag kayo, sapagkat maging si Kristo ay nagdusa para sa inyo, na nag-iwan sa inyo ng huwaran upang maingat ninyong sundan ang kaniyang mga yapak.” (1 Pedro 2:21) Magpahanggang sa “mga huling araw” na ito ng sistemang ito ng mga bagay, ang bayan ni Jehova ay patuloy na nagiging tudlaan ng pagkapoot at galit. (2 Timoteo 3:1) Sa bawat sulok ng lupa, sa ilalim ng diktadurang mga rehimen at sa demokratikong mga lupain, ang mga Saksi ni Jehova ay dumaranas kung minsan ng pag-uusig, kapuwa bilang mga indibiduwal at bilang isang organisasyon.
Bakit Kinapopootan at Pinag-uusig?
13. Ano ang dapat na laging isaisip ng makabagong-panahong mga lingkod ni Jehova tungkol sa pag-uusig?
13 Bagaman ang karamihan sa atin sa ngayon ay nagtatamasa ng relatibong kalayaan na mangaral at mapayapang magtipon nang sama-sama, dapat nating dibdibin ang paalaala ng Bibliya na “ang tanawin ng sanlibutang ito ay nagbabago.” (1 Corinto 7:31) Ang mga bagay-bagay ay maaaring magbago nang napakabilis anupat malibang tayo ay nakahanda sa mental, emosyonal, at espirituwal na paraan, maaari tayong madaling matisod. Kung gayon, ano maaari nating gawin upang maipagsanggalang ang ating sarili? Ang isang mabisang depensa ay panatilihing malinaw sa isipan kung bakit kinapopootan at pinag-uusig ang mga Kristiyanong maibigin sa kapayapaan at masunurin sa batas.
14. Anong dahilan ang sinabi ni Pedro kung bakit pinag-uusig ang mga Kristiyano?
14 Si apostol Pedro ay nagkomento hinggil sa bagay na ito sa kaniyang unang liham, na isinulat niya noong mga 62-64 C.E., nang ang mga Kristiyano sa buong Imperyo ng Roma ay dumaranas ng mga pagsubok at pag-uusig. Sinabi niya: “Mga minamahal, huwag kayong magtaka sa panununog sa gitna ninyo, na nangyayari sa inyo bilang isang pagsubok, na para bang isang kakaibang bagay ang nangyayari sa inyo.” Upang ipaliwanag kung ano ang nasa isip niya, nagpatuloy si Pedro: “Huwag magdusa ang sinuman sa inyo bilang isang mamamaslang o magnanakaw o manggagawa ng kasamaan o bilang isang mapakialam sa mga bagay-bagay ng ibang tao. Ngunit kung siya ay nagdurusa bilang isang Kristiyano, huwag siyang mahiya, kundi patuloy niyang luwalhatiin ang Diyos sa pangalang ito.” Sinabi ni Pedro na sila ay nagdurusa, hindi dahil sa paggawa ng anumang masama, kundi dahil sa pagiging Kristiyano. Kung sila ay naglulubalob sa “gayunding pusali ng kabuktutan” gaya ng mga tao sa palibot nila, malamang na tatanggapin at pakikisamahan sila ng mga ito. Ngunit ang totoo, nagdurusa sila dahil sinisikap nilang tuparin ang kanilang papel bilang mga tagasunod ni Kristo. Gayundin ang situwasyon para sa tunay na mga Kristiyano sa ngayon.—1 Pedro 4:4, 12, 15, 16.
15. Anong pagkakasalungatan ang nakikita sa pakikitungo sa mga Saksi ni Jehova sa ngayon?
15 Sa maraming bahagi ng daigdig, ang mga Saksi ni Jehova ay hayagang pinupuri dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan na ipinamamalas nila sa kanilang mga kombensiyon at mga proyekto sa pagtatayo, dahil sa kanilang pagkamatapat at kasipagan, dahil sa kanilang huwarang moral na paggawi at buhay pampamilya, at maging sa kanilang kaayaayang hitsura at pag-uugali. * Sa kabilang panig, ang kanilang gawain ay ipinagbabawal o hinihigpitan sa hindi kukulangin sa 28 lupain magpahanggang sa panahong maisulat ang artikulong ito, at marami sa mga Saksi ang dumaranas ng pisikal na pang-aabuso at kalugihan dahil sa kanilang pananampalataya. Bakit may gayong malinaw na pagkakasalungatan? At bakit ito pinahihintulutan ng Diyos?
16. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos na dumanas ng pag-uusig ang kaniyang bayan?
16 Una sa lahat, dapat nating tandaan ang mga salita sa Kawikaan 27:11: “Magpakarunong ka, anak ko, at pasayahin mo ang aking puso, upang masagot ko siya na tumutuya sa akin.” Oo, ito ay dahil sa napakatagal nang isyu hinggil sa pansansinukob na soberanya. Sa kabila ng gabundok na patotoo na inilaan ng lahat ng nagpatunay ng kanilang katapatan kay Jehova sa lahat ng nakalipas na mga siglo, hindi pa rin humihinto si Satanas sa pagtuya kay Jehova kagaya ng kaniyang ginawa noong panahon ng matuwid na taong si Job. (Job 1:9-11; 2:4, 5) Walang alinlangan, si Satanas ay lalong nagkukumahog sa kaniyang pinakahuling pagsisikap na patunayan ang kaniyang pag-aangkin, ngayong ang Kaharian ng Diyos ay matibay nang nakatatag, na may matatapat na sakop at mga kinatawan sa buong lupa. Mananatili kayang tapat sa Diyos ang mga ito anumang kagipitan at kahirapan ang sumapit sa kanila? Ito ay isang tanong na dapat sagutin nang personal ng bawat lingkod ni Jehova.—Apocalipsis 12:12, 17.
17. Ano ang ibig sabihin ni Jesus sa mga salitang “mangyayari ito sa inyo bilang patotoo”?
17 Nang sabihin ni Jesus sa kaniyang mga alagad ang mga pangyayari na magaganap sa panahon ng “katapusan ng sistema ng mga bagay,” ipinahiwatig niya ang isa pang dahilan kung bakit ipinahihintulot ni Jehova na sumapit ang pag-uusig sa kaniyang mga lingkod. Sinabi niya sa kanila: “Dadalhin kayo sa harap ng mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. Mangyayari ito sa inyo bilang patotoo.” (Mateo 24:3, 9; Lucas 21:12, 13) Si Jesus mismo ay nagpatotoo sa harap ni Herodes at Poncio Pilato. Si apostol Pablo ay ‘dinala rin sa harap ng mga hari at mga gobernador.’ Sa utos ng Panginoong Jesu-Kristo, ninais ni Pablo na makapagpatotoo sa pinakamakapangyarihang tagapamahala noong panahong iyon nang sabihin niya: “Umaapela ako kay Cesar!” (Gawa 23:11; 25:8-12) Gayundin sa ngayon, ang mahihirap na situwasyon ay madalas na nagbubunga ng isang mainam na patotoo kapuwa sa mga opisyal at sa publiko. *
18, 19. (a) Paano tayo makikinabang sa pagharap sa mga pagsubok? (b) Anong mga tanong ang isasaalang-alang sa susunod na artikulo?
18 Pinakahuli, ang pagharap sa mga pagsubok at mga kapighatian ay magdudulot ng personal na kapakinabangan sa atin. Sa anong paraan? Nagpaalaala ang alagad na si Santiago sa kaniyang mga kapuwa Kristiyano: “Ituring ninyong buong kagalakan, mga kapatid ko, kapag napaharap kayo sa iba’t ibang pagsubok, yamang nalalaman ninyo na ang subok na katangiang ito ng inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagbabata.” Oo, maaaring dalisayin ng pag-uusig ang ating pananampalataya at patibayin ang ating pagbabata. Samakatuwid, hindi tayo nanghihilakbot dahil dito, ni humahanap man tayo ng di-makakasulatang paraan upang iwasan o tapusin ito. Sa halip, sinusunod natin ang payo ni Santiago: “Hayaang ganapin ng pagbabata ang gawa nito, upang kayo ay maging ganap at malusog sa lahat ng bagay, na hindi nagkukulang ng anuman.”—Santiago 1:2-4.
19 Bagaman tinutulungan tayo ng Salita ng Diyos na maunawaan kung bakit pinag-uusig ang tapat na mga lingkod ng Diyos at kung bakit ipinahihintulot ito ni Jehova, hindi naman ito nangangahulugan na madali nang batahin ang pag-uusig. Ano ang makapagpapatibay sa atin upang makayanan ito? Ano ang maaari nating gawin kapag napaharap sa pag-uusig? Isasaalang-alang natin ang mahahalagang bagay na ito sa susunod na artikulo.
[Mga talababa]
^ par. 15 Tingnan Ang Bantayan ng Disyembre 15, 1995, pahina 27-9; Abril 15, 1994, pahina 16-17; at Gumising! ng Disyembre 22, 1993, pahina 6-13.
^ par. 17 Tingnan ang Gumising! ng Enero 8, 2003, pahina 3-11.
Maipaliliwanag Mo Ba?
• Sa anong pangunahing diwa isang martir si Jesus?
• Ano ang naging epekto ng pag-uusig sa unang-siglong mga Kristiyano?
• Gaya ng ipinaliwanag ni Pedro, bakit pinag-uusig ang sinaunang mga Kristiyano?
• Sa anong mga dahilan ipinahihintulot ni Jehova na sumapit ang pag-uusig sa kaniyang mga lingkod?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 10, 11]
Nagdusa ang unang-siglong mga Kristiyano, hindi dahil sa paggawa anumang masama, kundi dahil sa pagiging Kristiyano
PABLO
JUAN
ANTIPAS
SANTIAGO
ESTEBAN