Sa Pakikialam ng Diyos—Ano ang Maaasahan Natin?
Sa Pakikialam ng Diyos—Ano ang Maaasahan Natin?
NOONG ikawalong siglo B.C.E., nalaman ng 39-na-taóng-gulang na si Haring Hezekias ng Juda na siya ay may sakit na ikamamatay. Sa pagkasira ng loob dahil dito, nagsumamo sa Diyos si Hezekias sa panalangin upang pagalingin siya. Ang Diyos ay sumagot sa pamamagitan ng kaniyang propeta: “Narinig ko ang iyong panalangin. Nakita ko ang iyong mga luha. Narito, daragdagan ko ang iyong mga araw ng labinlimang taon.”—Isaias 38:1-5.
Bakit nakialam ang Diyos sa partikular na okasyong iyon? Mga ilang siglo bago iyon, ipinangako ng Diyos sa matuwid na si Haring David: “Ang iyong sambahayan at ang iyong kaharian ay tiyak na magiging matatag hanggang sa panahong walang takda sa harap mo; ang iyo mismong trono ay magiging isa na itinatag nang matibay hanggang sa panahong walang takda.” Isiniwalat 2 Samuel 7:16; Awit 89:20, 26-29; Isaias 11:1) Nang magkasakit si Hezekias, wala pa siyang anak na lalaki. Kaya, ang maharlikang angkan ni David ay nanganganib na maputol. Ang pakikialam ng Diyos sa situwasyon ni Hezekias ay nagsilbi ukol sa espesipikong layunin na mapanatili ang angkan na pagmumulan ng Mesiyas.
din ng Diyos na ipanganganak ang Mesiyas sa angkan ni David. (Upang matupad ang kaniyang mga pangako, naudyukang makialam si Jehova alang-alang sa kaniyang bayan sa maraming pagkakataon noong bago ang panahong Kristiyano. Ganito ang ipinahayag ni Moises tungkol sa pagliligtas sa Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto: “Dahil sa iniibig kayo ni Jehova, at dahil sa tinutupad niya ang sinumpaang kapahayagan na isinumpa niya sa inyong mga ninuno, kung kaya inilabas kayo ni Jehova sa pamamagitan ng isang malakas na kamay.”—Deuteronomio 7:8.
Noong unang siglo, ang pakikialam ng Diyos ay nakatulong sa ikatutupad ng kaniyang mga layunin. Halimbawa, sa daan patungo sa Damasco, isang Judio na nagngangalang Saul ang tumanggap ng isang makahimalang pangitain upang patigilin siya sa pang-uusig sa mga alagad ni Kristo. Ang pagkakumberte ng taong ito, na naging si apostol Pablo, ay gumanap ng mahalagang bahagi sa pagpapalaganap ng mabuting balita sa mga bansa.—Gawa 9:1-16; Roma 11:13.
Karaniwan ba ang Pakikialam?
Ang pakikialam ba ng Diyos ay pangkaraniwan na o pambihira lamang? Maliwanag na ipinakikita ng Kasulatan na talagang hindi ito karaniwan. Bagaman iniligtas ng Diyos ang tatlong kabataang Hebreo mula sa kamatayan sa isang maapoy na hurno at si propeta Daniel mula sa yungib ng mga leon, hindi siya kumilos upang iligtas sa kamatayan ang ibang mga propeta. (2 Cronica 24:20, 21; Daniel 3:21-27; 6:16-22; Hebreo 11:37) Si Pedro ay makahimalang iniligtas mula sa bilangguan kung saan siya ikinulong ni Herodes Agripa I. Gayunman, ang hari ring ito ang nagpapatay kay apostol Santiago, at hindi nakialam ang Diyos upang hadlangan ang krimeng ito. (Gawa 12:1-11) Bagaman pinagkalooban ng Diyos ang mga apostol ng kapangyarihang magpagaling ng maysakit at bumuhay pa nga ng mga patay, hindi siya pumayag na alisin ang “tinik sa laman” na nagpahirap kay apostol Pablo, na posibleng isang pisikal na karamdaman.—2 Corinto 12:7-9; Gawa 9:32-41; 1 Corinto 12:28.
Hindi nakialam ang Diyos upang hadlangan ang daluyong ng pag-uusig ni Emperador Nero ng Roma laban sa mga alagad ni Kristo. Ang mga Kristiyano ay pinahirapan, sinunog nang buháy, at itinapon sa mababangis na hayop. Gayunman, hindi ikinagitla ng sinaunang mga Kristiyano ang pagsalansang na ito, at tiyak na hindi ito nagpahina sa kanilang pananampalataya sa pag-iral ng Diyos. Kung sa bagay, binabalaan na ni Jesus ang kaniyang mga alagad na sila ay dadalhin sa mga hukuman at dapat silang maging handa na magdusa at mamatay pa nga para sa kanilang pananampalataya.—Mateo 10:17-22.
Kagaya ng kaniyang ginawa noong una, sa ngayon ay tiyak na maililigtas ng Diyos ang kaniyang mga lingkod mula sa mapanganib na mga situwasyon, at ang mga nakadarama na sila ay nakinabang mula sa kaniyang proteksiyon ay hindi dapat punahin. Gayunman, mahirap sabihin nang tahasan kung nakialam nga ang Diyos o hindi sa gayong mga situwasyon. Ang ilang tapat na mga lingkod ni Jehova ay napinsala dahil sa isang pagsabog sa Toulouse, at libu-libong tapat na mga Kristiyano ang namatay sa mga kampo ng mga Nazi at Komunista o sa ilalim ng iba pang kalunus-lunos na mga kalagayan nang hindi nakikialam ang Diyos upang mahadlangan ito. Bakit hindi sistematikong nakikialam ang Diyos alang-alang sa lahat ng mga sinasang-ayunan niya?—Daniel 3:17, 18.
“Ang Panahon at ang Di-inaasahang Pangyayari”
Kapag sumapit ang isang malaking kapahamakan, maaaring maapektuhan ang sinuman, at hindi laging nakaiimpluwensiya sa kalalabasan ng mga bagay-bagay ang pagiging tapat sa Diyos. Sa panahon ng pagsabog sa Toulouse, na doo’y nakaligtas sina Alain at Liliane, 30 katao ang namatay at daan-daan ang napinsala, bagaman hindi nila kasalanan iyon. Sa mas malaking antas, sampu-sampung libong tao ang naging biktima ng krimen, walang-ingat na pagmamaneho, o mga digmaan, at hindi maaaring papanagutin ang Diyos sa kasawian nila. Ipinaaalaala sa atin ng Bibliya na “ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari ay sumasapit” sa lahat.—Eclesiastes 9:11.
Karagdagan pa, ang mga tao ay nagkakasakit, tumatanda, at namamatay. Kahit na yaong ilan na nag-akalang makahimalang iniligtas ng Diyos ang kanilang buhay o pinapangyari Niya ang di-inaasahang paggaling mula sa kanilang karamdaman ay namatay rin nang dakong huli. Ang pag-aalis sa sakit at kamatayan at ang ‘pagpapahid sa bawat luha’ mula sa mga mata ng tao ay sa hinaharap pa.—Apocalipsis 21:1-4.
Upang mangyari iyon, kailangan ang isang bagay na mas malawak at mas lubusan kaysa sa paminsan-minsang pakikialam lamang. Binabanggit ng Bibliya ang isang pangyayari na tinatawag na “ang dakilang araw ni Jehova.” (Zefanias 1:14) Sa panahong ito ng malawakang pakikialam, aalisin ng Diyos ang lahat ng kabalakyutan. Bibigyan ng pagkakataon ang sangkatauhan na mabuhay magpakailanman sa sakdal na mga kalagayan, na doo’y “ang mga dating bagay ay hindi aalalahanin, ni mapapasapuso man ang mga iyon.” (Isaias 65:17) Maging ang mga patay ay bubuhayin, anupat babaligtarin ang tiyak na pinakamalubha sa lahat ng trahedya ng tao. (Juan 5:28, 29) Dahil sa kaniyang walang-hanggang pag-ibig at kabutihan, lubusan nang lulutasin ng Diyos sa panahong iyon ang mga suliranin ng sangkatauhan.
Kung Paano Nakikialam ang Diyos sa Ngayon
Gayunman, hindi ito nangangahulugan na ang Diyos ay basta nanonood na lamang muna nang walang malasakit habang naghihirap ang sangnilalang. Sa ngayon, ipinaaabot ng Diyos sa lahat ng tao, anuman ang kanilang etniko o sosyal na pinagmulan, ang pagkakataong makilala siya at 1 Timoteo 2:3, 4) Inilarawan ni Jesus ang prosesong ito sa ganitong mga salita: “Walang taong makalalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama, na nagsugo sa akin.” (Juan 6:44) Inilalapit ng Diyos sa kaniya ang tapat-pusong mga tao sa pamamagitan ng mensahe ng Kaharian na ipinahahayag ng kaniyang mga lingkod sa buong daigdig.
magkaroon ng personal na kaugnayan sa kaniya. (Karagdagan pa, tuwirang iniimpluwensiyahan ng Diyos ang buhay niyaong mga nagnanais na mapatnubayan niya. Sa pamamagitan ng kaniyang banal na espiritu, ‘binubuksan ng Diyos ang kanilang mga puso’ upang maunawaan ang kaniyang kalooban at gawin kung ano ang kaniyang hinihiling. (Gawa 16:14) Oo, sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataong makilala siya at maunawaan ang kaniyang Salita at mga layunin, pinatutunayan ng Diyos ang kaniyang maibiging interes sa bawat isa sa atin.—Juan 17:3.
Kahuli-hulihan, tinutulungan ng Diyos ang kaniyang mga lingkod sa ngayon, hindi sa pamamagitan ng makahimalang pagliligtas sa kanila, kundi sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kaniyang banal na espiritu at ng “lakas na higit sa karaniwan” upang mapagtagumpayan ang anumang situwasyong mapapaharap sa kanila. (2 Corinto 4:7) Sumulat si apostol Pablo: “Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahil sa kaniya [Diyos na Jehova] na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.”—Filipos 4:13.
Kaya taglay natin ang lahat ng dahilan upang magpasalamat sa Diyos araw-araw dahil sa buhay at sa pag-asang kaniyang ipinaaabot sa atin hinggil sa pamumuhay magpakailanman sa isang daigdig na malaya sa lahat ng pagdurusa. “Ano ang igaganti ko kay Jehova sa lahat ng mga pakinabang ko mula sa kaniya?” ang tanong ng salmista. “Ang kopa ng dakilang kaligtasan ay aking kukunin, at sa pangalan ni Jehova ay tatawag ako.” (Awit 116:12, 13) Ang regular na pagbabasa sa magasing ito ay tutulong sa iyo na maunawaan kung ano ang ginawa, ginagawa, at gagawin pa ng Diyos na makapagdudulot sa iyo ng kaligayahan sa ngayon at ng isang matibay na pag-asa sa hinaharap.—1 Timoteo 4:8.
[Blurb sa pahina 6]
“Ang mga dating bagay ay hindi aalalahanin, ni mapapasapuso man ang mga iyon.”—Isaias 65:17
[Mga larawan sa pahina 5]
Noong panahon ng Bibliya, hindi hinadlangan ni Jehova ang pagbato kay Zacarias . . .
ni ang pagmasaker na ginawa ni Herodes sa mga walang-sala
[Larawan sa pahina 7]
Malapit nang sumapit ang panahon na wala nang pagdurusa; maging ang mga patay ay bubuhaying muli