Kaninong mga Pangako ang Maaari Mong Pagtiwalaan?
Kaninong mga Pangako ang Maaari Mong Pagtiwalaan?
“ANG kaniyang mga pangako, na gaya niya noon, ay makapangyarihan; ngunit ang kaniyang pagtupad, gaya niya ngayon, ay walang sinabi.”—King Henry the Eighth, ni William Shakespeare.
Ang makapangyarihang mga pangako na tinutukoy rito ni Shakespeare ay yaong sa Ingles na kardinal na si Thomas Wolsey, na nagkaroon ng malaking pulitikal na kapangyarihan sa Inglatera noong ika-16 na siglo. Sasabihin ng ilan na ang paglalarawan ni Shakespeare ay kumakapit din sa karamihan ng mga pangakong naririnig nila sa ngayon. Paulit-ulit na pinapangakuan ang mga tao subalit karamihan ay hindi natutupad. Kaya, hindi mahirap maunawaan kung bakit mapag-alinlangan sila sa anumang mga pangako.
Maraming Kabiguan
Halimbawa, noong panahon ng kahila-hilakbot na labanan ng mga bansa sa Balkan noong dekada ng 1990, idineklara ng United Nations Security Council ang bayan ng Srebrenica sa Bosnia na “isang ligtas na dako.” Waring iyan ay isang maaasahang garantiya ng internasyonal na pamayanan. Gayon ang akala ng libu-libong nagsilikas na mga Muslim sa Srebrenica. Subalit nang maglaon, naging lubos na walang bisa ang pangakong ligtas na kanlungan. (Awit 146:3) Noong Hulyo ng 1995, binale-wala ng sumasalakay na mga hukbo ang mga puwersa ng UN at sinakop ang bayan. Mahigit na 6,000 Muslim ang naglaho, at di-kukulangin sa 1,200 sibilyang Muslim ang pinaslang.
Ang bawat aspekto ng buhay ay punô ng mga pangakong napapako. Iniisip ng mga tao na nadadaya sila ng “di-mabilang na mga paglabas ng huwad at nakaliligaw na pag-aanunsiyo” na nakahantad sa kanila ngayon. Nasisiphayo sila sa “napakong mga pangako ng napakaraming pulitiko sa panahon ng kampanya.” (The New Encyclopædia Britannica, Tomo 15, pahina 37) Inaabuso sila sa kasuklam-suklam na paraan ng pinagtitiwalaang mga lider ng relihiyon na nangangakong mangangalaga sa kanilang mga kawan. Kahit na sa mga propesyon na gaya ng edukasyon at medisina—na diumano’y inuugitan ng pagkamahabagin at pagmamalasakit sa iba—sinira ng ilan ang tiwala sa kanila at pinagsamantalahan o pinaslang pa nga ang mga nasa kanilang pangangalaga. Hindi kataka-taka na binabalaan tayo ng Bibliya na huwag manampalataya sa bawat salita!—Kawikaan 14:15.
Mga Pangakong Tinutupad
Sabihin pa, tinutupad naman ng maraming tao ang kanilang pangako, kung minsan kahit Awit 15:4) Ang kanilang pangako ay kanilang garantiya, at tinutupad nila ito. Ang iba naman ay taimtim na nagnanais na tumupad sa mga pangakong kanilang binitiwan taglay ang pinakamabuting mga intensiyon. Kusa at handa nilang gawin ang kanilang ipinangako subalit talagang hindi nga lamang nila kayang gawin iyon. Maaaring biguin ng mga kalagayan kahit ang pinakamarangal na mga plano.—Eclesiastes 9:11.
mangahulugan ito ng malaking sakripisyo sa kanilang sarili. (Anuman ang dahilan, ang katunayan ay na nasusumpungan ng maraming tao na napakahirap manampalataya sa mga pangako ng sinuman. Kaya bumabangon ang katanungan: May mga pangako bang maaari nating pagtiwalaan? Mayroon. Maaari nating pagtiwalaan ang mga pangakong masusumpungan sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Bakit hindi suriin ang sinasabi ng susunod na artikulo tungkol sa paksang ito? Maaari mong masabi, gaya rin ng milyun-milyon, na talagang maaari nating pagtiwalaan ang mga pangako ng Diyos.
[Picture Credit Line sa pahina 3]
AP Photo/Amel Emric