Pagkilala sa Mabangis na Hayop at sa Marka Nito
Pagkilala sa Mabangis na Hayop at sa Marka Nito
NASISIYAHAN ka ba sa paglutas ng isang palaisipan? Upang magawa ito, kailangan mong tingnan ang mga palatandaan upang masumpungan ang kasagutan. Sa kaniyang kinasihang Salita, inilalaan ng Diyos ang kinakailangang mga palatandaan tungkol sa bilang na 666, ang pangalan, o marka, ng mabangis na hayop sa Apocalipsis kabanata 13.
Sa artikulong ito, susuriin natin ang apat na pangunahing pangangatuwiran—mahahalagang palatandaan—na magsisiwalat sa kahulugan ng marka ng hayop. Isasaalang-alang natin (1) kung paano pinipili kung minsan ang mga pangalan sa Bibliya, (2) kung ano ang mabangis na hayop, (3) kung ano ang kahulugan ng 666 na “bilang ng isang tao,” at (4) ang kahulugan ng bilang na 6 at kung bakit ito inulit nang tatlong beses, samakatuwid nga, 600 dagdagan ng 60, dagdagan ng 6, o 666.—Apocalipsis 13:18.
Mga Pangalan sa Bibliya—Higit Pa sa Katawagan Lamang
Ang mga pangalan sa Bibliya ay kadalasang may pantanging kahulugan, lalo na kapag ibinigay ng Diyos. Halimbawa, sapagkat si Abram ay magiging ama ng mga bansa, binago ng Diyos ang pangalan ng patriyarka at ginawang Abraham, na nangangahulugang “Ama ng Karamihan.” (Genesis 17:5) Sinabi ng Diyos kina Jose at Maria na tatawaging Jesus, na nangangahulugang “si Jehova ay Kaligtasan,” ang magiging anak ni Maria. (Mateo 1:21; Lucas 1:31) Kasuwato ng makahulugang pangalan na iyan, sa pamamagitan ng ministeryo at sakripisyong kamatayan ni Jesus, ginawang posible ni Jehova ang ating kaligtasan.—Juan 3:16.
Kaya, ang bigay-Diyos na pangalang-numero na 666 ay sumasagisag sa nakikita ng Diyos na pagkakakilanlang mga katangian ng hayop. Mangyari pa, upang maunawaan ang mga katangiang ito, kailangan nating makilala ang hayop mismo at alamin ang mga gawain nito.
Ipinakilala ang Hayop
Maraming isinisiwalat ang aklat ng Bibliya na Daniel tungkol sa kahulugan ng makasagisag na mga hayop. Ang kabanata 7 ay naglalaman ng detalyadong paglalarawan ng “apat na ubod-laking hayop”—isang leon, isang oso, isang leopardo, at isang nakatatakot na hayop na may malalaking ngiping bakal. (Daniel 7:2-7) Sinasabi sa atin ni Daniel na ang mga hayop na ito ay kumakatawan sa mga “hari,” o pulitikal na mga kaharian, na sunud-sunod na namahala sa malalaking imperyo.—Daniel 7:17, 23.
May kinalaman sa hayop sa Apocalipsis 13:1, 2, binabanggit ng The Interpreter’s Dictionary of the Bible na “pinagsasama-sama [ng hayop] ang lahat ng katangian ng apat na hayop sa pangitain ni Daniel . . . Kaya, ang unang hayop na ito [ng Apocalipsis] ay kumakatawan sa pinagsama-samang puwersa ng lahat ng pulitikal na pamamahala sa daigdig na salansang sa Diyos.” Ang obserbasyong ito ay pinatutunayan ng Apocalipsis 13:7, na nagsasabi tungkol sa hayop: “Binigyan ito ng awtoridad sa bawat tribo at bayan at wika at bansa.” *
Bakit ginagamit ng Bibliya ang mga hayop bilang mga sagisag ng pamamahala ng tao? Sa dalawang kadahilanan. Una, dahil sa makahayop na rekord ng pagbububo ng dugo na naisagawa ng mga pamahalaan sa nakalipas na mga dantaon. “Ang digmaan ay isa sa mga palagiang pangyayari sa buong Eclesiastes 8:9) Ang ikalawang dahilan ay sapagkat “ibinigay ng dragon [si Satanas] sa hayop ang kaniyang kapangyarihan at ang kaniyang trono at dakilang awtoridad.” (Apocalipsis 12:9; 13:2) Kaya, ang pamamahala ng tao ay gawa ng Diyablo, sa gayo’y sinasalamin nito ang kaniyang makahayop at tulad-dragon na disposisyon.—Juan 8:44; Efeso 6:12.
kasaysayan,” ang sulat ng mga istoryador na sina Will at Ariel Durant, “at hindi ito nabawasan sa pagkakatatag ng sibilisasyon o demokrasya.” Totoong-totoo nga na ‘sinusupil ng tao ang tao sa kaniyang ikapipinsala’! (Gayunman, hindi ito nangangahulugan na ang bawat tagapamahalang tao ay tuwirang minamanipula ni Satanas. Sa katunayan, sa isang paraan, ang mga pamahalaan ng tao ay nagsisilbing “lingkod ng Diyos,” anupat nagbibigay ng katatagan sa lipunan ng tao, na kung wala ang mga ito ay magkakaroon ng kaguluhan. At ipinagsanggalang ng ilang lider ang pangunahing mga karapatang pantao, lakip na ang karapatang magsagawa ng tunay na pagsamba—isang bagay na ayaw ni Satanas. (Roma 13:3, 4; Ezra 7:11-27; Gawa 13:7) Gayunman, dahil sa impluwensiya ng Diyablo, walang tao o institusyon ng tao ang kailanma’y nakapagdulot na ng namamalaging kapayapaan at katiwasayan sa tao. *—Juan 12:31.
“Bilang ng Isang Tao”
Ang ikatlong palatandaan upang maunawaan ang kahulugan ng 666 ay ang pagiging “bilang ng isang tao” nito. Ang pananalitang ito ay hindi maaaring tumukoy sa isang indibiduwal na tao, sapagkat si Satanas—hindi ang sinumang tao—ang may awtoridad sa hayop. (Lucas 4:5, 6; 1 Juan 5:19; Apocalipsis 13:2, 18) Sa halip, ang pagkakaroon ng hayop ng “bilang ng isang tao,” o marka, ay nagpapahiwatig na ito ay may kakanyahan ng tao, hindi ng espiritu o ng demonyo, at ito samakatuwid ay nagpapamalas ng ilang katangian ng tao. Anu-ano ang mga katangiang ito? Ang Bibliya ay sumasagot, na nagsasabing: “Ang lahat [ng tao] ay nagkasala at nagkukulang sa kaluwalhatian ng Diyos.” (Roma 3:23) Kaya nga, ang pagkakaroon ng hayop ng “bilang ng isang tao” ay nagpapahiwatig na masasalamin sa mga pamahalaan ang makasalanang kalagayan ng tao, ang tanda ng kasalanan at di-kasakdalan.
Pinatutunayan ito ng kasaysayan. “Ang bawat sibilisasyong umiral ay bumagsak sa wakas,” sabi ng dating kalihim ng estado ng Estados Unidos na si Henry Kissinger. “Ang kasaysayan ay isang ulat ng mga pagsisikap na nabigo, ng mga ambisyon na hindi natupad . . . Kung gayon, bilang isang istoryador, kailangang tanggapin ng isa na di-maiiwasan ang sakuna.” Pinatutunayan ng matapat na kalkulasyon ni Kissinger ang mahalagang katotohanang ito sa Bibliya: “Ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.”—Jeremias 10:23.
Ngayong nakilala na natin ang hayop at
naunawaan natin kung paano ito minamalas ng Diyos, maaari na nating suriin ang huling bahagi ng ating palaisipan—ang bilang na anim at kung bakit ito inulit nang tatlong beses—yaon ay 666, o 600 dagdagan ng 60, dagdagan ng 6.Anim na Inulit Nang Tatlong Beses—Bakit?
Sa Kasulatan, ang ilang bilang ay may makasagisag na kahulugan. Halimbawa, ang bilang na pito ay kadalasang ginagamit upang sumagisag sa isang bagay na ganap, o lubusan, sa paningin ng Diyos. Bilang halimbawa, ang sanlinggong paglalang ng Diyos ay binubuo ng pitong “araw,” o pinalawig na mga yugto ng panahon, kung kailan lubusang tinapos ng Diyos ang kaniyang layunin sa paglalang may kinalaman sa lupa. (Genesis 1:3–2:3) Ang “mga pananalita” ng Diyos ay gaya ng pilak na “makapitong nilinis,” sa gayo’y lubusang dinalisay. (Awit 12:6; Kawikaan 30:5, 6) Ang ketongin na si Naaman ay sinabihang maligo nang pitong ulit sa Ilog Jordan, at pagkatapos nito’y lubusan siyang gumaling.—2 Hari 5:10, 14.
Ang anim ay kulang ng isa upang maging pito. Hindi ba’t ito ay isang angkop na sagisag ng isang bagay na di-sakdal, o may depekto, sa paningin ng Diyos? Oo, tunay nga! (1 Cronica 20:6, 7) Isa pa, ang anim na inulit nang tatlong beses, gaya ng 666, ay matinding nagdiriin sa di-kasakdalang ito. Ang katotohanan na ang 666 ay “bilang ng isang tao,” gaya ng natalakay na natin, ay nagpapatunay rin na tama ang pangmalas na iyan. Kung gayon, ang rekord ng hayop, ang ‘bilang ng tao’ nito, at ang bilang na 666 mismo ay pawang umaakay sa iisang maliwanag na konklusyon—ang labis-labis na pagkukulang at kabiguan nito sa paningin ni Jehova.
Ipinagugunita sa atin ng paglalarawan sa mga pagkukulang ng hayop ang sinabi tungkol kay Haring Belsasar ng sinaunang Babilonya. Sa pamamagitan ni Daniel, sinabi ni Jehova sa tagapamahalang iyon: “Tinimbang ka sa timbangan at nasumpungang kulang.” Nang gabi ring iyon ay napatay si Belsasar, at bumagsak ang makapangyarihang Imperyo ng Babilonya. (Daniel 5:27, 30) Sa katulad na paraan, ang hatol ng Diyos sa pulitikal na hayop at sa mga may marka nito ay nangangahulugan ng wakas ng hayop na iyon at ng mga tagapagtaguyod nito. Gayunman, sa pagkakataong ito ay lilipulin ng Diyos hindi lamang ang isang pulitikal na sistema kundi ang lahat ng bakas ng pamamahala ng tao. (Daniel 2:44; Apocalipsis 19:19, 20) Dahil dito, napakahalaga nga na iwasan nating magkaroon ng nakamamatay na marka ng hayop!
Ipinakilala ang Marka
Karaka-raka pagkatapos ibunyag ang bilang na 666, binabanggit ng Apocalipsis ang 144,000 tagasunod ng Kordero, si Jesu-Kristo, na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama, si Jehova, na nakasulat sa kanilang mga noo. Ipinakikilala ng mga pangalang ito ang mga nagtataglay nito bilang pag-aari ni Jehova at ng kaniyang Anak, na tungkol sa kanila ay buong-pagmamalaki silang nagpapatotoo. Sa gayunding paraan, ipinahahayag niyaong mga may marka ng hayop na sila’y naglilingkod sa hayop. Kung gayon, ang marka, ito man ay sa kanang kamay o sa noo, sa makasagisag Lucas 20:25; Apocalipsis 13:4, 8; 14:1) Paano? Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mapagpitagang parangal sa pulitikal na estado, sa mga sagisag nito, at sa lakas militar nito, na doon sila tumitingin para sa pag-asa at kaligtasan. Ang anumang pagsambang iniuukol nila sa tunay na Diyos ay sa salita lamang.
na pananalita, ay isang sagisag na nagpapakilala sa mga nagtataglay nito bilang isa na nagbibigay ng mapagpitagang pagsuporta sa tulad-hayop na pulitikal na mga sistema ng sanlibutan. Ibinibigay kay “Cesar” niyaong mga may marka kung ano ang nararapat ibigay sa Diyos. (Sa kabaligtaran, hinihikayat tayo ng Bibliya: “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga taong mahal, ni sa anak man ng makalupang tao, na sa kaniya ay walang pagliligtas. Ang kaniyang espiritu ay pumapanaw, siya ay bumabalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ring iyon ay maglalaho ang kaniyang pag-iisip.” (Awit 146:3, 4) Ang mga sumusunod sa matalinong payong iyan ay hindi nasisiphayo kapag hindi tinupad ng mga pamahalaan ang kanilang mga pangako o kapag nawalan ng prominenteng posisyon ang karismatikong mga lider.—Kawikaan 1:33.
Hindi ito nangangahulugan na ang tunay na mga Kristiyano ay basta nauupo na lamang at wala nang ginagawa tungkol sa kalagayan ng sangkatauhan. Sa kabaligtaran, aktibo nilang ipinahahayag ang isang pamahalaan na lulutas sa mga suliranin ng sangkatauhan—ang Kaharian ng Diyos, na kanilang kinakatawanan.—Mateo 24:14.
Ang Kaharian ng Diyos—Tanging Pag-asa ng Sangkatauhan
Nang nasa lupa, ginawa ni Jesus na pangunahing tema ng kaniyang pangangaral ang Kaharian ng Diyos. (Lucas 4:43) Sa kaniyang modelong panalangin, na kung minsan ay tinatawag na Ama Namin, itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na ipanalanging dumating ang Kahariang iyon at mangyari ang kalooban ng Diyos dito sa lupa. (Mateo 6:9, 10) Ang Kaharian ay isang pamahalaan na magpupuno sa buong lupa, hindi mula sa isang makalupang kabisera, kundi mula sa langit. Kaya nga, tinawag ito ni Jesus na “ang kaharian ng langit.”—Mateo 11:12.
Sino ang lalo pa ngang angkop na maging Hari sa Kahariang iyon kaysa kay Jesu-Kristo, ang isa na namatay alang-alang sa kaniyang mga sakop sa hinaharap? (Isaias 9:6, 7; Juan 3:16) Malapit na, ihahagis ng sakdal na Tagapamahalang ito, na ngayon ay isa nang makapangyarihang espiritung persona, ang hayop, ang mga hari nito, at ang mga hukbo nito sa “maapoy na lawa na nagniningas sa asupre,” isang sagisag ng ganap na pagkawasak. Subalit hindi lamang iyan. Lilipulin din ni Jesus si Satanas, isang bagay na hindi kailanman magagawa ng tao.—Apocalipsis 11:15; 19:16, 19-21; 20:2, 10.
Magdudulot ng kapayapaan sa lahat ng masunuring sakop nito ang Kaharian ng Diyos. (Awit 37:11, 29; 46:8, 9) Maging ang lumbay, kirot, at kamatayan ay mawawala na. Tunay na maluwalhating pag-asa nga para sa mga nananatiling walang marka ng hayop!—Apocalipsis 21:3, 4.
[Mga talababa]
^ par. 9 Para sa detalyadong pagtalakay sa mga talatang ito, tingnan ang kabanata 28 ng aklat na Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
^ par. 11 Bagaman kinikilalang ang pamamahala ng tao ay kadalasang tulad-hayop, ang tunay na mga Kristiyano ay nagpapasakop sa “nakatataas na mga awtoridad” ng pamahalaan, gaya ng ipinag-uutos ng Bibliya. (Roma 13:1) Subalit kapag ang mga awtoridad ay nag-uutos sa kanila na kumilos nang salungat sa kautusan ng Diyos, sila ay ‘sumusunod sa Diyos bilang tagapamahala sa halip na sa mga tao.’—Gawa 5:29.
[Kahon sa pahina 5]
Mga Palatandaan sa Kahulugan ng 666
1. Ang mga pangalan sa Bibliya ay kadalasang may isinisiwalat tungkol sa mga katangian o buhay ng nagtataglay ng pangalang ito, tulad sa kalagayan nina Abraham, Jesus, at ng marami pang iba. Sa katulad na paraan, ang pangalang-numero ng hayop ay sumasagisag sa mga katangian nito.
2. Sa aklat ng Bibliya na Daniel, ang iba’t ibang hayop ay kumakatawan sa sunud-sunod na mga kaharian, o imperyo, ng tao. Ang kalipunang hayop sa Apocalipsis 13:1, 2 ay sumasagisag sa pambuong-daigdig na pulitikal na sistema, na binigyan ng kapangyarihan at kontrolado ni Satanas.
3. Ang pagkakaroon ng hayop ng “bilang ng isang tao,” ay nagpapahiwatig na ito ay may kakanyahan ng tao, hindi ng demonyo. Kaya, masasalamin dito ang mga pagkukulang ng tao dahil sa kasalanan at di-kasakdalan.
4. Sa paningin ng Diyos, yamang ang bilang na anim ay kulang ng isa upang maging pito, na ayon sa Bibliya ay nangangahulugan ng pagiging ganap, o lubusan, ito kung gayon ay nagpapahiwatig ng di-kasakdalan. Idiniriin ng markang 666 ang kakulangang iyan sa pamamagitan ng pag-ulit sa numero nang tatlong beses.
[Mga larawan sa pahina 6]
Ang pamamahala ng tao ay napatunayang bigo, na angkop na inilalarawan ng bilang na 666
[Credit Line]
Nagugutom na bata: UNITED NATIONS/Photo by F. GRIFFING
[Mga larawan sa pahina 7]
Dadalhin ni Jesu-Kristo sa lupa ang sakdal na pamamahala