Pagtataguyod ng Kabaitan sa Isang Malupit na Sanlibutan
Pagtataguyod ng Kabaitan sa Isang Malupit na Sanlibutan
“Ang kanais-nais na bagay sa makalupang tao ay ang kaniyang maibiging-kabaitan.”—KAWIKAAN 19:22.
1. Bakit maaaring mahirap magpakita ng kabaitan?
ITINUTURING mo ba ang iyong sarili na isang mabait na tao? Kung gayon, maaaring mahirap mabuhay sa daigdig ngayon. Totoo na sa Bibliya, ang kabaitan ay kabilang sa “mga bunga ng espiritu,” ngunit bakit ba napakahirap magpamalas ng kabaitan kahit sa tinaguriang mga lupaing Kristiyano? (Galacia 5:22) Gaya ng nalaman natin sa naunang artikulo, ang bahagi ng sagot ay masusumpungan sa isinulat ni apostol Juan—ang buong sanlibutan ay nasa kontrol ng mabagsik na espiritung persona, si Satanas na Diyablo. (1 Juan 5:19) Ipinakilala ni Jesu-Kristo si Satanas bilang “ang tagapamahala ng sanlibutan.” (Juan 14:30) Kaya, nakahilig ang sanlibutang ito na tularan ang rebeldeng tagapamahala nito, na ang saloobin ay kakikitaan ng mabalasik na paggawi.—Efeso 2:2.
2. Anong mga hamon ang maaaring makaapekto sa ating pagpapamalas ng kabaitan?
2 Lubhang naaapektuhan ang ating buhay kapag magaspang ang pakikitungo ng iba sa atin. Ang kagaspangan ay maaaring ipakita ng magagaliting kapitbahay, di-palakaibigang mga estranghero, at maging ng mga kaibigan at kapamilya na kung minsan ay kumikilos nang walang pakundangan. Ang kaigtingang dulot ng pakikisalamuha sa mga taong walang galang, nambubulyaw, at nagmumura ay madalas na nakasisiphayo. Ang gayong kawalan ng kabaitan ng iba ay maaaring mag-udyok sa atin na maging malupit na rin, Roma 12:17.
at baka isipin nating gantihan ng masama ang masama. Maaari pa ngang umakay ito sa mga problema sa espirituwal o pisikal na kalusugan.—3. Anong malulubhang problema ang kinakaharap ng mga tao na sumusubok sa kanilang pagnanais na maging mabait?
3 Maaari rin tayong mahirapang magpakita ng kabaitan dahil sa maiigting na kalagayan sa daigdig. Halimbawa, ang sangkatauhan sa pangkalahatan ay nakadarama ng kaigtingan dahil sa mga banta at gawa ng terorismo, gayundin sa posibilidad na gamitin ng iba’t ibang liping pambansa ang biyolohikal o nuklear na mga sandata. Karagdagan pa, milyun-milyong tao ang nagdarahop, anupat nabubuhay lamang sa limitadong pagkain, tirahan, pananamit, at pangangalaga sa kalusugan. Nagiging hamon ang pagtataguyod ng kabaitan kapag waring wala nang pag-asa ang situwasyon.—Eclesiastes 7:7.
4. Anong maling palagay ang maaaring mahinuha ng ilan kapag iniisip ang pagpapakita ng kabaitan sa iba?
4 Maaaring ipalagay kaagad ng isa na ang pagpapakita ng kabaitan ay hindi talaga priyoridad at maaari pa ngang maging palatandaan ng kahinaan. Baka madama niyang pinagsasamantalahan siya, lalo na kung walang pakundangan ang pakikitungo ng iba sa kaniya. (Awit 73:2-9) Gayunman, naglalaan ang Bibliya ng tamang patnubay para sa atin sa pagsasabing: “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit, ngunit ang salitang nakasasakit ay pumupukaw ng galit.” (Kawikaan 15:1) Ang kahinahunan at kabaitan ay dalawang aspekto ng mga bunga ng espiritu na may malapít na kaugnayan sa isa’t isa at mabisa sa pagharap sa mahihirap at mapanghamong mga kalagayan.
5. Ano ang ilang pitak sa buhay kung saan kailangan ang kabaitan?
5 Yamang napakahalaga sa atin bilang mga Kristiyano ang pagpapamalas ng mga bunga ng banal na espiritu ng Diyos, makabubuting isaalang-alang kung paano natin maipakikita ang isa sa mga katangiang iyon—ang kabaitan. Posible kayang itaguyod ang kabaitan sa isang malupit na sanlibutan? Kung gayon, ano ang ilang pitak kung saan maaari nating ipakita na hindi natin pinahihintulutang pigilin ng impluwensiya ni Satanas ang ating kabaitan, lalo na sa maiigting na situwasyon? Ating isaalang-alang ang pagtataguyod ng kabaitan sa pamilya, sa lugar ng trabaho, sa paaralan, sa ating mga kapitbahay, sa ating ministeryo, at sa ating mga kapananampalataya.
Kabaitan sa Loob ng Pamilya
6. Bakit napakahalaga ng kabaitan sa loob ng pamilya, at paano ito maipamamalas?
6 Upang pagpalain at patnubayan ni Jehova, kailangan ang mga bunga ng espiritu, at mahalaga na lubusang linangin ang mga ito. (Efeso 4:32) Ituon natin ang ating pansin sa pangangailangang magpakita ng kabaitan sa isa’t isa ang mga miyembro ng pamilya. Sa araw-araw na mga pakikitungo, dapat ipamalas ng mag-asawa ang mabait at mapagmalasakit na espiritu sa isa’t isa at sa kanilang mga anak. (Efeso 5:28-33; 6:1, 2) Kailangang makita ang kabaitang iyon sa paraan ng pakikipag-usap ng mga miyembro ng pamilya sa isa’t isa, anupat pinararangalan at iginagalang ng mga anak ang kanilang mga magulang at pinakikitunguhan naman nang wasto ng mga magulang ang kanilang mga anak. Maging mabilis sa pagpuri, mabagal sa pagpuna.
7, 8. (a) Anong uri ng paggawi ang dapat nating iwasan upang maipakita natin ang tunay na kabaitan sa loob ng pamilya? (b) Paano nakatutulong ang mabuting pakikipagtalastasan sa isang matibay na buklod ng pamilya? (c) Paano mo maipamamalas ang kabaitan sa inyong pamilya?
7 Ang pagiging mabait sa mga kapamilya natin ay nagsasangkot ng pagsunod sa paalaalang ibinigay ni apostol Pablo: “Alisin nga ninyo ang lahat ng mga iyon sa inyo, poot, galit, kasamaan, mapang-abusong pananalita, at malaswang pananalita mula sa inyong bibig.” Araw-araw, dapat makipagtalastasan sa isa’t isa sa magalang na paraan ang mga pamilyang Kristiyano. Bakit? Sapagkat ang mabuting pakikipagtalastasan ang buhay ng malalakas at malulusog na pamilya. Kapag bumabangon ang mga di-pagkakasundo, ayusin ang alitan, anupat sinisikap na lutasin ang problema sa halip na manalo sa argumento. Pinagsisikapang mabuti ng maliligayang miyembro ng pamilya ang pagtataguyod ng kabaitan at konsiderasyon sa isa’t isa.—Colosas 3:8, 12-14.
8 Positibo ang kabaitan at pinakikilos tayo nito na naising gumawa ng mabuti sa iba. Kaya sinisikap nating maging kapaki-pakinabang, makonsiderasyon, at matulungin sa ibang mga miyembro ng pamilya sa kaayaayang paraan. Kailangan ang pagsisikap ng bawat isa at ng buong pamilya upang maipakita ang kabaitang nagbibigay ng mabuting reputasyon sa isang pamilya. Bilang resulta, hindi lamang nila matatamo ang pagpapala ng Diyos kundi mapararangalan din nila ang Diyos ng kabaitan, si Jehova, sa kongregasyon at sa komunidad.—1 Pedro 2:12.
Kabaitan sa Lugar ng Trabaho
9, 10. Ilarawan ang ilang problema na maaaring bumangon sa lugar ng trabaho, at magkomento kung paano maaaring harapin ang mga ito nang may kabaitan.
9 Para sa isang Kristiyano, ang araw-araw na rutin sa trabaho ay maaaring magharap ng hamon sa pagpapakita ng kabaitan sa mga katrabaho. Ang pagpapaligsahan sa gitna ng mga empleado ay maaaring magsapanganib sa trabaho ng isang empleado dahil sa mapanlinlang o tusong pagkilos ng isang katrabaho, sa gayo’y nasisira ang reputasyon ng empleado sa kaniyang amo. (Eclesiastes 4:4) Hindi madaling magpakita ng kabaitan sa gayong mga pagkakataon. Magkagayunman, kung isasaisip na ang mabait na paggawi ang karaniwan nang nararapat na paggawi, dapat pagsikapan ng isang lingkod ni Jehova na mawagi hangga’t posible ang mga taong mahirap pakitunguhan. Maaaring makatulong sa bagay na ito ang pagpapakita ng mapagmalasakit na saloobin. Marahil ay makapagpapakita ka ng pagmamalasakit kapag ang isang katrabaho ay may sakit o may mga kapamilya siya na may sakit. Maging ang pangungumusta ay maaaring magkaroon ng positibong epekto sa ibang tao. Oo, dapat sikaping itaguyod ng mga Kristiyano ang pagkakaisa at kapayapaan hangga’t nakasalalay sa kanila. Kung minsan, ang mabait na salitang nagpapakita ng pagmamalasakit at pagkabahala ay makatutulong upang bumuti ang situwasyon.
10 Sa ibang mga pagkakataon naman, maaaring igiit ng amo ang kaniyang mga opinyon sa kaniyang mga empleado at maaaring gusto niyang makibahagi ang lahat sa isang nasyonalistikong okasyon o sa isang pagdiriwang na di-makakasulatan. 1 Pedro 2:21-23) Marahil ay may-kabaitan mong maipaliliwanag ang iyong mga dahilan kung bakit hindi ka personal na makikibahagi. Huwag gantihan ng mapanuyang mga salita ang mapanuyang mga salita. Makabubuti para sa isang Kristiyano na sundin ang mainam na payo ng Roma 12:18: “Kung posible, hangga’t nakasalalay sa inyo, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao.”
Kapag hindi pinahihintulutan ng budhi ng isang Kristiyano na siya’y makibahagi, maaari itong humantong sa isang komprontasyon. Sa pagkakataong iyon, baka hindi katalinuhan na detalyadong sabihin kung bakit mali ang sumunod sa kagustuhan ng amo. Tutal, para sa mga hindi nagtataguyod ng mga paniniwalang Kristiyano, ang pakikibahagi sa pagdiriwang ay waring tama at dapat gawin. (Kabaitan sa Paaralan
11. Anu-anong hamon ang napapaharap sa mga kabataan sa pagpapamalas ng kabaitan sa mga kaeskuwela?
11 Maaaring maging isang tunay na hamon para sa mga kabataan na magpakita ng kabaitan sa mga kapuwa estudyante. Kadalasan nang hinahangad ng mga kabataan na tanggapin sila ng kanilang mga kaklase. Ang ilang kabataang lalaki ay nag-aastang maton upang hangaan ng ibang mga estudyante, anupat sinisindak pa nga ang iba sa paaralan. (Mateo 20:25) Ipinagyayabang naman ng ibang kabataan ang kanilang talino, kahusayan sa isports o sa iba pang larangan. Kapag ipinagyayabang nila ang kanilang galing, kadalasan nang nagiging magaspang sila sa pakikitungo sa kanilang mga kaklase at sa iba pang mga estudyante, sa maling pag-aakala na nagiging angat sila sa iba dahil sa ganitong paggawi. Dapat mag-ingat ang isang kabataang Kristiyano na hindi niya tularan ang gayong mga indibiduwal. (Mateo 20:26, 27) Sinabi ni apostol Pablo na “ang pag-ibig ay may mahabang pagtitiis at mabait” at ang pag-ibig ay “hindi nagyayabang, hindi nagmamalaki.” Samakatuwid, ang isang Kristiyano ay may obligasyong sundin ang maka-Kasulatang paalaala pagdating sa pakikitungo sa kaniyang mga kaeskuwela at huwag tularan ang masamang halimbawa ng mga gumagawi nang magaspang.—1 Corinto 13:4.
12. (a) Bakit maaaring maging isang hamon para sa mga kabataan na maging mabait sa kanilang mga guro? (b) Kanino makaaasa ng tulong ang mga kabataan kapag ginigipit sila na gumawi nang magaspang?
12 Dapat ding pakitunguhan ng mga kabataan ang kanilang mga guro nang may kabaitan. Maraming estudyante ang natutuwang mang-inis ng kanilang mga guro. Inaakala nilang matalino sila kapag hindi nila iginagalang ang kanilang mga guro sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga gawaing lumalabag sa mga alituntunin ng paaralan. Sa pamamagitan ng pananakot, maaari nilang mahikayat ang iba na sumama sa kanila. Kapag ang isang kabataang Kristiyano ay tumangging makibahagi rito, baka maging puntirya siya ng panunuya o pagmamaltrato. Ang pagharap sa gayong mga situwasyon Awit 37:28.
sa panahon ng isang taóng panuruan ay sumusubok sa kapasiyahan ng isang Kristiyano na magpakita ng kabaitan. Gayunman, tandaan kung gaano kahalaga ang maging isang matapat na lingkod ni Jehova. Makatitiyak ka na susuportahan ka niya sa pamamagitan ng kaniyang espiritu sa mahihirap na panahong ito sa buhay.—Kabaitan sa mga Kapitbahay
13-15. Ano ang maaaring makahadlang sa pagpapakita ng kabaitan sa ating mga kapitbahay, at paano maaaring harapin ang mga hamong ito?
13 Ikaw man ay nakatira sa isang bahay, apartment, trailer park, o saanman, maaari kang umisip ng mga paraan upang magpakita ng kabaitan at magpamalas ng pagmamalasakit sa kapakanan ng iyong mga kapitbahay. Muli, hindi ito laging madali.
14 Paano kung nagtatangi laban sa iyo ang iyong mga kapitbahay dahil sa iyong lahi, nasyonalidad, o relihiyon? Paano kung wala silang galang kung minsan o lubusan ka nilang ipinagwawalang-bahala? Bilang lingkod ni Jehova, ang pagpapamalas ng kabaitan hangga’t maaari ay magiging kapaki-pakinabang. Magiging kalugud-lugod ang pagiging bukod-tangi mo, anupat tunay na isang kapurihan kay Jehova—ang huwaran sa kabaitan. Hindi mo alam kung kailan maaaring magbago ang saloobin ng iyong kapitbahay bilang resulta ng iyong kabaitan. Baka maging tagapuri pa nga siya ni Jehova balang-araw.—1 Pedro 2:12.
15 Paano ba maipakikita ang kabaitan? Ang isang paraan ay sa pamamagitan ng huwarang paggawi sa loob ng pamilya habang ang lahat ng miyembro nito ay nagpapamalas ng mga bunga ng espiritu. Maaaring mapansin ito ng mga kapitbahay. Kung minsan, maaari mong gawan ng pabor ang iyong kapitbahay. Tandaan na ang kabaitan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng aktibong interes sa kapakanan ng iba.—1 Pedro 3:8-12.
Kabaitan sa Ating Ministeryo
16, 17. (a) Bakit mahalaga ang kabaitan sa ating pangmadlang ministeryo? (b) Paano maipamamalas ang kabaitan sa iba’t ibang pitak ng ministeryo sa larangan?
16 Dapat makita ang kabaitan sa ating ministeryong Exodo 34:6.
Kristiyano habang gumagawa tayo ng determinado at organisadong pagsisikap na makausap ang mga tao sa kanilang mga tahanan, sa kanilang lugar ng trabaho, at sa pampublikong mga dako. Dapat nating tandaan na kumakatawan tayo kay Jehova, ang Isa na palaging mabait.—17 Ano ang kalakip sa iyong mga pagsisikap na magpakita ng kabaitan sa iyong ministeryo? Bilang halimbawa, habang nagpapatotoo sa lansangan, makapagpapakita ka ng kabaitan sa pamamagitan ng iyong maikli at makonsiderasyong pakikipag-usap sa mga tao. Karaniwan nang maraming tao ang dumaraan sa mga bangketa, kaya maging maingat na hindi mo maharangan ang mga bangketa. Gayundin, kapag nagpapatotoo ka sa lugar ng negosyo, ipakita ang iyong kabaitan sa pamamagitan ng iyong maikling presentasyon, anupat inaalaala na dapat asikasuhin ng mga nagbabantay ng tindahan ang mga kostumer.
18. Anong bahagi ang ginagampanan ng kaunawaan sa pagpapakita ng kabaitan sa ating ministeryo?
18 Gamitin ang kaunawaan sa ministeryo sa bahay-bahay. Huwag masyadong magtagal sa isang bahay, lalo na kung masama ang lagay ng panahon. Nahahalata mo ba kung nawawalan na ng pasensiya o naiirita pa nga ang isang tao sa iyong pagdalaw? Marahil ay napakadalas dumalaw ng mga Saksi ni Jehova sa lugar ninyo. Kung gayon ang kalagayan, magpakita ng pantanging konsiderasyon at palaging maging mabait at kalugud-lugod. (Kawikaan 17:14) Sikaping isipin na makatuwiran ang dahilan ng may-bahay sa kaniyang hindi pakikinig sa araw na iyon. Tandaan, malamang na isa sa mga kapatid mong Kristiyano ang pupunta sa tahanang iyon sa malapit na hinaharap. Kung may matagpuan kang isang tao na walang galang, gumawa ng pantanging pagsisikap na magpakita ng kabaitan. Huwag kang magtaas ng boses o sumimangot, kundi sa halip ay magsalita nang mahinahon. Hindi nais ng isang mabait na Kristiyano na pukawing makipagtalo ang may-bahay. (Mateo 10:11-14) Marahil balang-araw, makikinig ang taong iyon sa mabuting balita.
Kabaitan sa mga Pulong ng Kongregasyon
19, 20. Bakit kailangan ang kabaitan sa kongregasyon, at paano ito maipakikita?
19 Mahalaga ring magpakita ng kabaitan sa mga kapananampalataya. (Hebreo 13:1) Yamang bahagi tayo ng isang pandaigdig na kapatiran, mahalaga ang kabaitan sa ating pakikitungo sa isa’t isa.
20 Kung ang isang kongregasyon ay gumagamit ng isang Kingdom Hall kasama ang isa, dalawa, o higit pang kongregasyon, mahalagang makitungo nang may kabaitan sa mga miyembro ng ibang mga kongregasyon, anupat pinakikitunguhan sila nang may karangalan. Ang pakikipagpaligsahan ay hindi nagtataguyod ng pagtutulungan pagdating sa pagsasaayos ng mga oras ng pulong at iba pang mga pangangailangan kagaya ng paglilinis o pagkukumpuni. Maging mabait at makonsiderasyon bagaman maaaring may pagkakaiba sa opinyon. Sa ganitong paraan, magtatagumpay ang kabaitan, at tunay na pagpapalain ni Jehova ang interes na ipinakikita mo sa kapakanan ng iba.
Patuloy na Magpakita ng Kabaitan
21, 22. Alinsunod sa Colosas 3:12, ano ang dapat nating maging kapasiyahan?
21 Napakaraming bagay ang nasasaklaw ng kabaitan anupat nakaiimpluwensiya ito sa bawat aspekto ng ating buhay. Kung gayon, dapat nating gawin itong likas na bahagi ng ating Kristiyanong personalidad. Dapat nating ugaliin na magpakita ng kabaitan sa iba.
22 Maging mabait nawa tayong lahat sa iba araw-araw at sa gayon ay ikapit bilang mga indibiduwal ang mga salita ni apostol Pablo: “Bilang mga pinili ng Diyos, banal at iniibig, damtan ninyo ang inyong sarili ng magiliw na pagmamahal na may habag, kabaitan, kababaan ng pag-iisip, kahinahunan, at mahabang pagtitiis.”—Colosas 3:12.
Natatandaan Mo Ba?
• Bakit mahirap para sa isang Kristiyano na magpakita ng kabaitan?
• Bakit mahalaga na magpamalas ng kabaitan sa loob ng pamilya?
• Ano ang ilang hamon sa pagpapamalas ng kabaitan sa paaralan, trabaho, at sa mga kapitbahay?
• Ipaliwanag kung paano maipakikita ng mga Kristiyano ang kabaitan sa kanilang pangmadlang ministeryo.
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 18]
Ang kabaitang ipinakikita ng lahat ng miyembro ng pamilya ay nagtataguyod ng pagkakaisa at pagtutulungan
[Larawan sa pahina 19]
Maaari kang magpakita ng kabaitan kapag nagkasakit ang isang katrabaho o ang kaniyang pamilya
[Larawan sa pahina 20]
Inaalalayan ni Jehova ang mga matapat na nagpapamalas ng kabaitan sa kabila ng panunuya
[Larawan sa pahina 21]
Ang pag-aalok ng tulong sa isang kapitbahay na nangangailangan ay isang gawa ng kabaitan