Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Sa Tulong ng Bibliya, Napaglabanan Niya ang Tukso

Sa Tulong ng Bibliya, Napaglabanan Niya ang Tukso

Sa Tulong ng Bibliya, Napaglabanan Niya ang Tukso

Napakaraming tukso sa daigdig sa ngayon. Hindi madaling itaguyod ang mga pamantayan ng Bibliya. Halimbawa, maaaring maging hamon ang pagsunod sa payo ng Bibliya na: “Tumakas kayo mula sa pakikiapid.”​—1 Corinto 6:18.

Isang Saksi ni Jehova, na tatawagin nating Sebastian, ang nagtrabaho sa isang kompanya mula sa Scandinavia na nasa Poland. Kinailangan siyang makipagpunyagi upang mapanatili ang kaniyang katapatan.

Kilala si Sebastian bilang isang Saksi ni Jehova. Pinagkalooban siya ng iba’t ibang pribilehiyo ng kaniyang mga superbisor dahil pinahahalagahan nila ang kaniyang kasipagan at mabuting pag-uugali. Gayunman, naging maliwanag na kasali sa mga pribilehiyong ito ang mga business meeting kung saan nasasangkot ang imoral na libangan.

Di-nagtagal at nagsimulang mag-alinlangan si Sebastian. “Alam ng aking superbisor na isa akong Saksi ni Jehova. Iyan ang dahilan kung bakit pinagkakatiwalaan at inaasahan niya ako. Kung tatanggi akong makibahagi, mawawalan ako ng trabaho, na napakahirap namang hanapin. Paano kung nagmamasid lang naman ako?”

Pagkatapos ay natuklasan ni Sebastian na mayroon pang inaasahan sa kaniya. Inaasahan na siya ang “mag-aasikaso” sa banyagang mga kostumer sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng “mga babae” na makakasama nila sa gabi para sa imoral na mga layunin. Ano ang gagawin niya?

Ipinasiya ni Sebastian na paalalahanan ang kaniyang superbisor hinggil sa kaniyang salig-Bibliyang saloobin tungkol sa imoralidad. Di-nagtagal at naging malinaw na hindi naaangkop kay Sebastian ang kaniyang trabaho at sa malao’t madali ay iiwanan din niya ito. Nakahanap siya ng bagong trabaho na may mas mababang suweldo ngunit walang gayong mga tukso. Siya ngayon ay may malinis na budhi.

Ano ang gagawin mo kung gipitin ka ng iba na makibahagi sa imoralidad o kunsintihin ito? Magiging handa ka kayang gumawa ng malaking pagbabago? Ganiyan ang ginawa ni Jose noong sinauna, gaya ng nakaulat sa Genesis 39:7-12.