Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ang Pagsisikap ng Sangkatauhan na Palugdan ang Diyos

Ang Pagsisikap ng Sangkatauhan na Palugdan ang Diyos

Ang Pagsisikap ng Sangkatauhan na Palugdan ang Diyos

“HINDI pa nagkaroon ng anumang lipunan ng tao kung saan ang Diyos ay hindi nagkaroon ng papel, na karaniwan nang ang papel bilang may kontrol sa lahat ng bagay at bilang Maylalang. Totoo iyan maging sa mga lipunan na sinadyang maging di-relihiyoso.” Ganiyan ang sinabi ni John Bowker sa kaniyang aklat na God​—A Brief History. Sa anumang paraan, ang pagsisikap na hanapin ang Diyos at kamtin ang kaniyang paglingap ay naging karaniwang pitak sa paggawi ng tao. Sa buong daigdig, marami ang taimtim na nagnanais na palugdan ang Diyos. Mangyari pa, ang paraan ng paggawa nila nito ay nagkakaiba-iba depende sa kanilang mga paniniwala.

Naniniwala ang ilan na ang kailangan lamang upang makamit ang paglingap ng Diyos ay ang pagtataguyod ng matuwid na pamumuhay. Iniisip naman ng iba na makakamit nila ang pagsang-ayon ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakawanggawa sa mahihirap. Bukod dito, mahalaga sa milyun-milyong tao ang relihiyosong mga seremonya at mga ritwal.

Sa kabilang dako naman, may mga naniniwalang ang Diyos ay hindi nila kayang abutin​—na napakalayo o napakaabala niya sa ibang mga bagay upang bigyang-pansin pa ang ordinaryong mga tao. Ang pilosopong si Epicurus ng sinaunang Gresya ay iniulat na naniwalang ‘napakalayo ng mga diyos upang makagawa pa sa iyo ng anumang bagay na makasasama o makabubuti.’ Gayunpaman, marami na may ganiyang mga kaisipan ang relihiyoso. Maaari pa ngang ang ilan ay naghahandog ng mga hain at nagsasagawa ng mga ritwal sa pag-asang mapapayapa nila ang kanilang namatay nang mga ninuno.

Ano ang masasabi mo? Talaga nga kayang napapansin ng Diyos ang ating mga pagsisikap na makamit ang kaniyang paglingap? Maaari ba nating maantig ang puso ng Diyos at mapalugdan siya?

[Picture Credit Line sa pahina 2]

PABALAT: Courtesy of ROE/Anglo-Australian Observatory, photograph by David Malin