Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Ito Po ang Pinakamabuting Bagay na Maaaring Mangyari sa Inyo”

“Ito Po ang Pinakamabuting Bagay na Maaaring Mangyari sa Inyo”

“Ito Po ang Pinakamabuting Bagay na Maaaring Mangyari sa Inyo”

SI Alexis ay isang limang-taóng-gulang na batang lalaki sa lunsod ng Morelia, Mexico, na ang mga magulang ay nag-aaral ng Bibliya at dumadalo sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova. Samantalang dumadalo sa isang pansirkitong asamblea kasama ng kaniyang pamilya, napanood niya ang isang pagtatanghal tungkol sa pangangaral sa bahay-bahay. Kusa siyang bumaling sa kaniyang ama at nagtanong, “Itay, Itay, bakit hindi po kayo lumalabas at nangangaral?” Sumagot ang kaniyang ama, “Nag-aaral pa ako upang magawa ko iyan.” May-kasiglahang sumagot si Alexis, “Itay, ito po ang pinakamabuting bagay na maaaring mangyari sa inyo.”

Nakita ng batang ito ang pangangailangang kumilos kasuwato ng kaniyang kaalaman hinggil kay Jehova. Yamang siya at ang ilan sa kaniyang batang mga pinsan ay nakatira sa iisang bahay, nanalangin muna siya kay Jehova at pagkatapos ay nagsalita sa kanila tungkol sa natutuhan niya mula sa Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa tulong ng kaniyang mga magulang. Bagaman hindi pa marunong bumasa si Alexis, alam na alam niya ang nilalaman ng aklat mula sa mga larawan sa mga kuwento. Sinabi pa nga niya na gusto niyang dumalaw sa mga tao sa kanilang mga tahanan upang ibahagi sa kanila ang natututuhan niya tungkol sa mga layunin ng Diyos.

Tunay, maaaring iayon kapuwa ng mga bata at ng matatanda ang kanilang buhay sa inaasahan sa kanila ni Jehova, “ang Banal,” at sa gayo’y magkaroon ng pinakamarangal na pribilehiyo ng pagpapatotoo tungkol sa kaniya sa mga bansa. (Isaias 43:3; Mateo 21:16) Walang alinlangan, iyan ay isa sa pinakamabubuting bagay na maaaring mangyari sa isang tao.