Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Sinasabi ng ilan na hindi dumanas si Pablo ng pagkawasak ng barko sa pulo ng Malta, timog ng Sicilia, kundi sa ibang pulo. Saan ba siya dumanas ng pagkawasak ng barko?
Ang tanong na ito ay tumutukoy sa isang tila panukala kamakailan na si apostol Pablo ay dumanas ng pagkawasak ng barko, hindi sa pulo ng Malta, kundi sa Cephalonia (o, Kefallinía) na malapit sa Corfu sa Dagat Ionian, malapit sa baybayin ng kanlurang Gresya. Sinasabi sa atin ng kinasihang ulat na si Pablo ay humayo mula sa Cesarea sa pag-iingat ng Romanong senturyon na si Julio, kasama ang iba pang sundalo at mga kasamahan ni Pablo. Gaya ng ipinakikita sa mapa, naglayag sila patungong Sidon at Mira. Palibhasa’y lumipat sa malaking barko na may lulang Gawa 27:1–28:1.
mga butil mula sa Alejandria, Ehipto, pumakanluran sila patungong Cinido. Hindi sila makapanatili sa panukalang ruta sa ibayo ng Dagat Aegean na dumaraan sa dulo ng Gresya at patungong Roma. Napilitan silang pumakanluran tungo sa Creta dahil sa malalakas na hangin at nanganlong sa mga baybayin nito. Doon ay huminto sila sa piyer ng Magagandang Daungan. Nang ‘maglayag mula sa Creta,’ ang barko ay “lubhang napanaigan” ng “isang maunos na hangin na tinatawag na Euroaquilo.” Ang malaking barko na may lulang mga butil ay “ipinadpad . . . sa magkabi-kabila sa dagat” hanggang noong ika-14 na gabi. Sa wakas, lahat ng 276 katao ay dumanas ng pagkawasak ng barko sa isang pulo na pinanganlan ng tekstong Griego ng Banal na Kasulatan bilang Me·liʹte.—Sa nakalipas na mga taon, iba’t iba ang iminungkahi hinggil sa pagkakakilanlan ng pulong ito, ang Me·liʹte. Inakala ng ilan na ito ang pulo ng Melite Illyrica, kilala ngayon bilang Mljet, sa Dagat Adriatico malapit sa baybayin ng Croatia. Subalit malamang na hindi gayon, yamang ang hilagang lokasyon ng Mljet ay mahirap makasuwato ng sumunod na mga yugto ng paglalakbay ni Pablo, samakatuwid nga ang Siracusa, Sicilia, at pagkatapos sa kanlurang baybayin ng Italya.—Gawa 28:11-13.
Ang konklusyon ng karamihan sa mga tagapagsalin ng Bibliya ay na ang Me·liʹte ay tumutukoy sa pulo ng Melite Africanus, kilala ngayon bilang Malta. Ang huling piyer para sa barkong nagdadala kay Pablo ay ang Magagandang Daungan, sa Creta. Pagkatapos, ang barko ay napilitang pumakanluran patungong Cauda dahil sa maunos na hangin. Patuloy na ipinadpad ng hangin ang barko sa loob ng maraming araw. Lubusang makatuwiran nga na ang barkong ipinadpad ng unos ay lalo pang pumakanluran at nakarating sa Malta.
Kung isasaalang-alang ang madalas na hangin at “ang direksiyon at bilis ng pagtangay,” ganito ang isinulat nina Conybeare at Howson sa kanilang aklat na The Life and Epistles of St. Paul: “Ang layo sa pagitan ng Clauda [o, Cauda] at Malta ay halos wala pang 770 kilometro. Lubhang kamangha-manghang pagkakataon nga, anupat waring mahirap paniwalaan na ang lupain, na [narating] ng mga marino noong ikalabing-apat na gabi ay hindi ang Malta kundi iba pang lugar. Napakalaki ng probabilidad na ito ang Malta.”
Bagaman maaaring magbigay ng kahaliling mga lokasyon, ang pagkawasak ng barko sa Malta na ipinakikita sa kalakip na mapa ay waring kasuwato ng ulat sa Bibliya.
[Mapa/Larawan sa pahina 31]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
Jerusalem
Cesarea
Sidon
Mira
Cinido
CRETA
CAUDA
MALTA
SICILIA
Siracusa
Roma
MLJET
GRESYA
CEPHALONIA