Naguguniguni Mo ba ang Binabasa Mo?
Naguguniguni Mo ba ang Binabasa Mo?
PARA maguniguni ang mga pangyayari, makatutulong kung pamilyar ka sa mga lugar na binabasa mo. Halimbawa, isip-isipin ang mga paglalakbay ni apostol Pablo bilang misyonero, na inilahad sa aklat ng Bibliya na Mga Gawa. Sa una niyang paglalakbay bilang misyonero, nanggaling siya sa Antioquia, kung saan unang tinawag na mga Kristiyano ang mga tagasunod ni Jesus. Mula roon, nagtungo siya sa mga lugar na gaya ng Salamis, Antioquia ng Pisidia, Iconio, Listra, at Derbe. Naguguniguni mo ba kung nasaan ang mga dakong ito?
Baka hindi, maliban na lamang kung may mapa ka. Kabilang ang gayong mapa sa bagong 36-na-pahinang brosyur na ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain.’ Buong-pasasalamat na nagkomento ng ganito ang isang mambabasa sa Montana, E.U.A.: “Nailalarawan ko sa isip ang mga paglalakbay ni Pablo at sinisikap kong gunigunihin kung paano siya naglakbay at ang gawain na ginampanan niya at ng iba pang Kristiyano noong unang siglo sa pagpapalaganap ng mabuting balita. Salamat po sa magandang mapa.”
Ang mapa ng mga paglalakbay ni Pablo ay isa lamang sa maraming mapa sa brosyur na ito na makatutulong sa mambabasa upang maguniguni ang inilalahad sa Bibliya. Maaari kang humiling ng kopya ng ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’ kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa adres na nakasaad o sa angkop na adres sa pahina 2 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain.’
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.