Alam Mo ba ang Kaligayahang Nagmumula sa Pagbibigay?
Alam Mo ba ang Kaligayahang Nagmumula sa Pagbibigay?
HALOS 50 taon na siyang aktibong naglilingkod bilang Kristiyano. Bagaman mahina na siya dahil sa katandaan, desidido pa rin siyang makita ang bagong-tayóng Kingdom Hall. Habang nakakapit sa bisig ng isang matulunging brother, pumasok siya sa bulwagan at naglakad nang marahan pero deretso sa gusto niyang puntahan—ang kahon ng kontribusyon. Inihulog niya roon ang kaunting halagang naipon niya para sa bagong Kingdom Hall na ito. Bagaman hindi siya makapagtrabaho sa pagtatayo ng bulwagan, gusto pa rin niyang makatulong.
Dahil sa babaing Kristiyanong ito, marahil ay naalaala mo tuloy ang isa pang tapat na babae—ang “dukhang babaing balo” na nakita ni Jesus na naghuhulog ng dalawang maliit na barya sa kabang-yaman ng templo. Hindi na binanggit sa atin ang kalagayan niya, pero noong panahong iyon, ang isang babaing namatayan ng asawa ay maaaring mapalagay sa matinding kagipitan sa pera. Tiyak na naawa si Jesus sa kaniya, sapagkat alam na alam ni Jesus ang kaniyang problema. Nang gamitin siya bilang halimbawa sa mga alagad ni Jesus, sinabi ni Jesus na ang maliit na kaloob ng babaing ito ay katumbas ng “lahat ng taglay niya, ang kaniyang buong ikabubuhay.”—Marcos 12:41-44.
Bakit pa kaya kailangang gumawa ng ganitong pagsasakripisyo ang isang nagdarahop na babaing gaya ng dukhang balong ito? Maliwanag na ito’y dahil sa kaniyang matinding debosyon sa Diyos na Jehova, na ang pagsamba’y nakasentro sa templo sa Jerusalem. Bagaman limitado lamang ang magagawa niya, gusto niyang itaguyod ang sagradong paglilingkod. At tiyak na nakadama siya ng tunay na kagalakan sa pag-aabuloy ng anumang nakayanan niya.
Pagbibigay Upang Tustusan ang Gawain ni Jehova
Ang materyal at pinansiyal na mga abuloy ay isa nang mahalagang bahagi noon ng dalisay na pagsamba, at noon pa ma’y pinagmumulan na ito ng malaking kagalakan. (1 Cronica 29:9) Sa sinaunang Israel, ang mga abuloy ay ginagamit hindi lamang sa pagpapaganda ng templo kundi para rin naman sa araw-araw na pagpapatakbo ng lahat ng pitak ng pagsamba kay Jehova. Tinukoy sa Kautusan na ang mga anak ng Israel ay magbibigay ng ikasampung bahagi ng kanilang ani upang tustusan ang mga Levita, na nagsasagawa ng paglilingkod sa templo. Pero kailangan ding mag-abuloy ang mga Levita kay Jehova ng ikasampung bahagi ng ani na tinanggap nila.—Bilang 18:21-29.
Bagaman pinalaya na ang mga Kristiyano sa Galacia 5:1) Bilang karagdagan, itinuring ng mga Kristiyano noong unang siglo na isang kagalakan ang mag-abuloy para sa mga pangangailangan ng kanilang mga kapatid. (Gawa 2:45, 46) Pinaalalahanan ni apostol Pablo ang mga Kristiyano na kung paanong saganang tinutustusan sila ng Diyos ng mabubuting bagay, dapat din naman silang maging bukas-palad sa iba. Sumulat siya: “Magbigay ka ng utos doon sa mayayaman sa kasalukuyang sistema ng mga bagay na huwag maging mataas ang pag-iisip, at na ilagak ang kanilang pag-asa, hindi sa walang-katiyakang kayamanan, kundi sa Diyos, na saganang naglalaan sa atin ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan; na gumawa ng mabuti, na maging mayaman sa maiinam na gawa, na maging mapagbigay, handang mamahagi, maingat na nag-iimbak para sa kanilang sarili ng isang mainam na pundasyon para sa hinaharap, upang makapanghawakan silang mahigpit sa tunay na buhay.” (1 Timoteo 6:17-19; 2 Corinto 9:11) Oo, mula sa personal niyang karanasan, mapatutunayan ni Pablo ang mga salita ni Jesus: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.”—Gawa 20:35.
mga kahilingan ng tipang Kautusan, hindi pa rin nagbabago ang simulain na dapat mag-abuloy ang mga lingkod ng Diyos sa materyal na paraan upang tustusan ang tunay na pagsamba. (Kristiyanong Pagbibigay sa Ngayon
Sa ngayon, patuloy na ginagamit ng mga lingkod ni Jehova ang kanilang materyal na mga pag-aari upang magtulungan sa isa’t isa at upang tustusan ang gawain ng Diyos. Kahit yaong mga may kaunting kabuhayan lamang ay nag-aabuloy rin ng anumang makayanan nila. Ang “tapat at maingat na alipin” ang may pananagutan kay Jehova na gamitin sa pinakamahusay na paraan ang lahat ng mga iniabuloy na pondong ito. (Mateo 24:45) Ang mga pondo ay ginagamit sa pagpapatakbo ng mga tanggapang pansangay, pagsasalin at paggawa ng mga Bibliya at literatura sa Bibliya, pagsasaayos ng malalaking pagtitipong Kristiyano, pagsasanay at pagpapadala ng mga naglalakbay na tagapangasiwa at mga misyonero, paglalaan ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad, at sa marami pang ibang mahahalagang layunin. Tingnan natin ang isa sa mga layuning ito—pagtulong sa pagpapagawa ng mga dako ng pagsamba.
Ang mga Saksi ni Jehova ay nagpupulong nang ilang ulit sa isang linggo sa kanilang mga Kingdom Hall upang makinabang sa espirituwal na edukasyon at magandang pagsasamahan. Pero dahil sa hirap ng buhay sa maraming lupain, walang kakayahan ang mga tagaroong Saksi na tustusan ang pagtatayo ng mga Kingdom Hall nang hindi muna sila tinutulungan. Dahil dito, noong 1999, pinasimulan ng mga Saksi ni Jehova ang isang
programa na gamitin ang mga pondo mula sa mas mayayamang lupain upang makapagpatayo ng mga Kingdom Hall sa mas mahihirap na bansa. Karagdagan pa, libu-libong boluntaryo ang nakapag-abuloy ng kanilang panahon at kakayahan, anupat madalas na nagtatrabaho sa mga liblib na lugar ng mga bansang ito. Sa panahon ng konstruksiyon, natututo ang mga tagaroong Saksi ng mga pamamaraan sa pagtatayo at pagmamantini, at nakabibili sila ng kinakailangang mga kagamitan at materyales sa tulong ng Kingdom Hall Fund. Ang mga Saksing gumagamit ngayon ng bagong mga bulwagang ito ay lubos na nagpapasalamat sa kanilang mga kapananampalataya sa iniabuloy nilang panahon at salapi. Nag-aabuloy rin ang mga Saksing tagaroon buwan-buwan para sa pagmamantini ng bagong Kingdom Hall at para matakpan ang ginastos sa pagtatayo, nang sa gayon ay makatulong naman sa pagtatayo ng marami pang Kingdom Hall.Mga lokal na pamamaraan at materyales ang ginagamit sa pagtatayo ng mga Kingdom Hall. Bagaman simple lamang ang mga bulwagang ito, ang mga ito nama’y maganda, praktikal, at komportable. Nang magsimula ang programa ng pagtatayo noong 1999, mga 40 bansa na may limitadong kakayahan o pananalapi ang isinali rito. Mula noon, umabot na ang programa ng konstruksiyon sa 116 na gayong lupain, na binubuo ng mahigit sa kalahati ng mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa daigdig. Sa nakalipas na limang taon, mahigit nang 9,000 Kingdom Hall ang naipatayo sa pamamagitan ng kaayusang ito, isang katamtamang bilang na mahigit sa 5 bagong bulwagan araw-araw! Subalit, kailangan pa rin sa 116 na lupaing ito ang 14,500 bagong Kingdom Hall. Sa pamamagitan ng pagpapala ni Jehova at ng pagnanais at pagkabukas-palad ng mga Saksi sa buong daigdig, inaasahang magkakaroon ng hustong pondo upang masapatan ang pangangailangang ito.—Awit 127:1.
Dumarami Dahil sa mga Kingdom Hall
Ano ang epekto ng napakalaking pagsisikap na ito sa mga tagaroong Saksi at sa pangangaral ng Kaharian? Sa maraming lugar, dumami nang husto ang dumadalo sa pulong pagkatapos maitayo ang bagong Kingdom Hall. Makikita ang isang tipikong halimbawa sa ulat na ito mula sa Burundi: “Pagkatapos na pagkatapos maitayo ang Kingdom Hall, napuno agad ito. Halimbawa, isang Kingdom Hall ang itinayo para sa isang kongregasyon na may katamtamang bilang na 100 dumadalo sa mga pulong nila. Maginhawang makauupo ang 150 sa kanilang bagong Kingdom Hall. Nang matapos ito, 250 na ang dumadalo sa mga pulong.”
Bakit kaya dumarami nang ganito? Una sa lahat, ang mga grupo ng mga mamamahayag ng
Kaharian na walang pormal na dakong pulungan kundi kailangang magpulong sa ilalim ng puno o sa bukid ay pinaghihinalaan ng masama. Sa isang lupain, iniugnay sa ganitong maliliit na grupong relihiyoso ang etnikong karahasan, at hinihiling ng batas na sa loob ng bahay-sambahan gawin ang lahat ng relihiyosong mga pulong.Dahil sa pagkakaroon ng sariling mga bulwagan, naipakikita ng mga Saksi ni Jehova sa komunidad na hindi sila mga alagad ng sinumang indibiduwal na pastor. Ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Zimbabwe ay sumulat: “Noon, ang mga kapatid sa lugar na ito ay nagpupulong sa pribadong mga tahanan, at iniuugnay ng mga tagaroon ang kongregasyon sa may-ari ng bahay na pinagpupulungan nila. Tinutukoy nila ang mga kapatid na kabilang sa kongregasyon ni Ginoong Ganito’t ganoon. Lahat ng ito ay nagbabago na ngayon dahil kitang-kita na ng mga tao ang mga karatula na nagpapakilala sa bawat bulwagan bilang ‘Kingdom Hall of Jehovah’s Witnesses.’ ”
Masasayang Nagbibigay
“Iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay,” ang isinulat ni apostol Pablo. (2 Corinto 9:7) Mangyari pa, napakalaking tulong ng malalaking abuloy. Pero ang mas malalaking bahagi ng pondong iniaabuloy sa gawain ng mga Saksi ni Jehova ay nanggagaling sa mga kahon ng kontribusyon ng Kingdom Hall. Malaki man o maliit, lahat ng abuloy ay mahalaga at hindi binabale-wala. Tandaan na si Jesus ay pumuwesto sa lugar kung saan nakita niyang nag-abuloy ng dalawang maliit na barya ang dukhang babaing balo. Nakita rin ito ni Jehova at ng mga anghel. Ni hindi natin alam ang pangalan ng balong iyon, pero tiniyak ni Jehova na mapaulat magpakailanman sa Bibliya ang kaniyang di-mapag-imbot na ginawa.
Bukod sa pagtatayo ng Kingdom Hall, ang ating mga abuloy ay tumutustos sa lahat ng iba pang pitak ng mahalagang gawaing pang-Kaharian. Sa ganitong pakikipagtulungan, may dahilan tayo para magsaya at maging ‘mayaman sa maraming kapahayagan ng pasasalamat sa Diyos.’ (2 Corinto 9:12) Ang ating mga kapatid na Kristiyano sa Benin ay nag-ulat: “Maraming panalangin ng pasasalamat ang ipinaaabot kay Jehova araw-araw dahil sa pinansiyal na tulong na tinatanggap mula sa internasyonal na kapatiran.” Kasabay nito, tayong lahat na may bahagi sa pagtustos sa pinansiyal na paraan sa gawaing pang-Kaharian ay nakadarama ng kaligayahan na nagmumula sa Kristiyanong pagbibigay!
[Kahon/Larawan sa pahina 22, 23]
Mga Paraan ng Pagbibigay na Pinipili ng Ilan
MGA KONTRIBUSYON SA PAMBUONG-DAIGDIG NA GAWAIN
Marami ang nagbubukod, o nagtatabi, ng isang halaga na inilalagay nila sa mga kahon ng kontribusyon na may markang “Contributions for the Worldwide Work—Matthew 24:14.”
Bawat buwan, ipinadadala ng mga kongregasyon ang mga pondong ito sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova na naglilingkod sa kani-kanilang mga bansa. Ang kusang-loob na mga donasyong salapi ay maaari ring tuwirang ipadala sa Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc., P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa tanggapang pansangay na naglilingkod sa inyong bansa. Dapat ipangalan sa “Watch Tower” ang tseke. Ang mga alahas o iba pang mahahalagang bagay ay maaari ring iabuloy. Dapat ilakip sa mga abuloy na ito ang isang maikling liham na nagsasabing iyon ay isang tuwirang kaloob.
CONDITIONAL-DONATION TRUST ARRANGEMENT
Ang salapi ay maaaring ilagay sa pangalan ng Watch Tower. Pero kung hihilingin, ang pondo ay maibabalik. Para sa higit pang impormasyon, pakisuyong makipag-ugnayan sa Office of the Secretary and Treasurer sa nabanggit na adres sa itaas.
MGA PLANO SA PAGKAKAWANGGAWA
Bukod pa sa tuwirang mga kaloob na salapi, may iba pang paraan ng pagbibigay para sa kapakinabangan ng paglilingkod sa Kaharian sa buong daigdig. Kasali sa mga ito ang:
Seguro: Ang Watch Tower ay maaaring gawing benepisyaryo ng isang life insurance policy o ng isang retirement/pension plan.
Deposito sa Bangko: Ang mga deposito sa bangko, sertipiko ng deposito, o indibiduwal na mga deposito sa pagreretiro ay maaaring ilagay sa pangalan o ibigay sa Watch Tower kapag namatay, ayon sa mga kahilingan ng bangko sa inyong lugar.
Mga Stock at Bond: Ang mga stock at bond ay maaaring ibigay na donasyon sa Watch Tower bilang tuwirang kaloob.
Lupa’t Bahay: Ang maipagbibiling lupa’t bahay ay maaaring ibigay na donasyon sa pamamagitan ng tuwirang pagkakaloob o, kapag bahay, pagrereserba niyaon sa nagkaloob, anupat patuloy na makapaninirahan doon habang siya’y nabubuhay. Makipag-ugnayan muna sa tanggapang pansangay sa inyong bansa bago ilipat ang titulo ng anumang lupa’t bahay.
Gift Annuity: Ang gift annuity ay isang kaayusan kung saan ang isa ay maaaring maglipat ng salapi o mga seguridad sa korporasyon ng Watchtower. Kapalit nito, ang nagkaloob, o isa na itinalaga ng nagkaloob, ay tatanggap ng espesipikong kabayarang annuity bawat taon habang siya’y nabubuhay. Ang nagkaloob ay tatanggap ng kabawasan sa bayaríng buwis sa taóng naayos na ang gift annuity.
Mga Testamento at Trust: Ang mga ari-arian o salapi ay maaaring ipamana sa Watch Tower sa pamamagitan ng isang testamentong isinulat ayon sa legal na paraan, o kaya’y gawing benepisyaryo ng isang kasunduan sa trust ang Watch Tower. Ang trust na pakikinabangan ng isang organisasyong relihiyoso ay maaaring magbigay ng ilang kabawasan sa bayaríng buwis.
Gaya ng ipinahihiwatig ng pananalitang “mga plano sa pagkakawanggawa,” ang ganitong uri ng mga donasyon ay karaniwan nang nangangailangan ng pagpaplano sa bahagi ng nagkaloob. Upang matulungan ang mga indibiduwal na nagnanais mabigyan ng pakinabang ang pambuong-daigdig na gawain ng mga Saksi ni Jehova sa pamamagitan ng isang anyo ng mga plano sa pagkakawanggawa, isang brosyur ang inihanda sa wikang Ingles at Kastila na pinamagatang Charitable Planning to Benefit Kingdom Service Worldwide. Ang brosyur ay isinulat upang maglaan ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagkakaloob sa ngayon, o kapag namatay, sa pamamagitan ng pagpapamana. Matapos mabasa ang brosyur at makonsulta ang kani-kanilang sariling tagapayo sa batas o buwis, marami ang nakatulong sa pagsuporta sa gawain ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig at napalaki ang kanilang mga benepisyo sa buwis sa paggawa nito. Maaaring makuha ang brosyur na ito sa pamamagitan ng tuwirang paghiling mula sa Charitable Planning Office.
Para sa higit pang impormasyon, maaari kang makipag-ugnayan sa Charitable Planning Office, sa pamamagitan ng sulat o tawag sa telepono, sa adres na nakatala sa ibaba o sa tanggapan ng mga Saksi ni Jehova na naglilingkod sa inyong bansa.
Charitable Planning Office
Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc.
186 Roosevelt Avenue
San Francisco del Monte
1105 Quezon City
Telepono: (02) 411-6090
[Mga larawan sa pahina 20, 21]
Mga dakong pulungan ng mga Saksi ni Jehova noon at ngayon
Zambia
Republika ng Sentral Aprika