Maliligayang Lingkod ni Jehova
Maliligayang Lingkod ni Jehova
“Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.”—MATEO 5:3.
1. Ano ang tunay na kaligayahan, at ano ang masasalamin dito?
NAPAKAHALAGA para sa bayan ni Jehova ng kanilang kaligayahan. Bumulalas ang salmistang si David: “Maligaya ang bayan na ang Diyos ay si Jehova!” (Awit 144:15) Ang kaligayahan ay ang pagkadama ng namamalaging kasiyahan. Ang pinakamalalim na kaligayahan—na tumatagos mismo sa ating panloob na pagkatao—ay nagmumula sa pagkaalam na pinagpapala tayo ni Jehova. (Kawikaan 10:22) Nasasalamin sa gayong kaligayahan ang malapít na kaugnayan natin sa ating makalangit na Ama at ang pagkabatid na ginagawa natin ang kaniyang kalooban. (Awit 112:1; 119:1, 2) Kapansin-pansin na nagbigay si Jesus ng siyam na dahilan upang maging maligaya. Ang pagsusuri sa mga dahilan para maging maligaya na nasa artikulong ito at sa susunod pa ay tutulong upang matanto na napakaligaya nga natin kung tapat tayong naglilingkod sa “maligayang Diyos,” si Jehova.—1 Timoteo 1:11.
Pagkabatid sa Ating Espirituwal na Pangangailangan
2. Sa anong pagkakataon nagsalita si Jesus tungkol sa kaligayahan, at ano ang kaniyang pambungad na pangungusap?
2 Noong 31 C.E., ipinahayag ni Jesus ang isa sa pinakatanyag na mga diskurso sa kasaysayan. Tinatawag itong Sermon sa Bundok sapagkat binigkas ito ni Jesus sa tabi ng bundok kung saan matatanaw ang Dagat ng Galilea. Ganito ang paglalahad ng Ebanghelyo ni Mateo: “Nang makita [ni Jesus] ang mga pulutong ay umahon siya sa bundok; at pagkaupo niya ay lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad; at ibinuka niya ang kaniyang bibig at nagsimulang magturo sa kanila, Mateo 5:1-3; Kingdom Interlinear; talababa)
na nagsasabi: ‘Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan, yamang ang kaharian ng langit ay sa kanila.’ ” Kapag literal na isinalin, ang pambungad na mga salita ni Jesus ay mababasa nang ganito: “Maligaya ang mga dukha sa espiritu,” o “Maligaya ang mga pulubi sa espiritu.” (3. Paano nagdudulot sa atin ng kaligayahan ang mapagpakumbabang saloobin?
3 Sa kaniyang sermon sa bundok, sinabi ni Jesus na mas maligaya ang isang tao kung batid niya na mayroon siyang espirituwal na pangangailangan. Ang mapagpakumbabang mga Kristiyano, na lubusang nakababatid sa kanilang makasalanang kalagayan, ay nagsusumamo kay Jehova para sa kapatawaran salig sa haing pantubos ni Kristo. (1 Juan 1:9) Sa gayong paraan sila nakasusumpong ng kapayapaan ng isip at tunay na kaligayahan. “Maligaya siya na ang kaniyang pagsalansang ay pinagpapaumanhinan, na ang kaniyang kasalanan ay tinatakpan.”—Awit 32:1; 119:165.
4. (a) Sa anu-anong paraan natin maipakikita na batid natin ang ating espirituwal na pangangailangan at niyaong sa iba? (b) Ano ang nakadaragdag sa ating kaligayahan kapag palaisip tayo sa ating espirituwal na pangangailangan?
4 Ang pagkabatid sa ating espirituwal na pangangailangan ay nagpapakilos sa atin na basahin ang Bibliya araw-araw, samantalahin ang espirituwal na pagkain na ibinibigay ng “tapat at maingat na alipin” sa “tamang panahon,” at daluhan nang regular ang mga Kristiyanong pulong. (Mateo 24:45; Awit 1:1, 2; 119:111; Hebreo 10:25) Ang pag-ibig natin sa kapuwa ang tumutulong upang maging palaisip tayo sa espirituwal na pangangailangan ng iba at nag-uudyok sa atin na maging masigasig sa pangangaral at pagtuturo ng mabuting balita ng Kaharian. (Marcos 13:10; Roma 1:14-16) Nakapagpapaligaya sa atin ang pagbabahagi sa iba ng mga katotohanan sa Bibliya. (Gawa 20:20, 35) Lalong lumalaki ang ating kaligayahan kapag nagbubulay-bulay tayo sa kamangha-manghang pag-asa tungkol sa Kaharian at sa mga pagpapala na idudulot ng Kahariang iyan. Para sa “munting kawan” ng pinahirang mga Kristiyano, ang pag-asa ukol sa Kaharian ay nangangahulugan ng imortal na buhay sa langit bilang mga kasama sa pamahalaan ng Kaharian ni Kristo. (Lucas 12:32; 1 Corinto 15:50, 54) Para naman sa “ibang mga tupa,” nangangahulugan ito ng buhay na walang hanggan sa paraiso sa lupa sa ilalim ng pamahalaan ng Kahariang iyan.—Juan 10:16; Awit 37:11; Mateo 25:34, 46.
Kung Paano Magiging Maligaya ang mga Nagdadalamhati
5. (a) Ano ang ibig sabihin ng pananalitang “yaong mga nagdadalamhati”? (b) Paano naaaliw ang gayong mga nagdadalamhati?
5 Waring magkasalungat ang sinabi ni Jesus tungkol sa susunod na kaligayahan. Binanggit niya: “Maligaya yaong mga nagdadalamhati, yamang sila ay aaliwin.” (Mateo 5:4) Paano magiging maligaya ang isang taong nagdadalamhati? Upang maunawaan ang kahulugan ng sinabi ni Jesus, kailangan nating malaman kung anong uri ng pagdadalamhati ang tinutukoy niya. Ipinaliwanag ng alagad na si Santiago na dapat nating ipagdalamhati ang ating makasalanang kalagayan. Sumulat siya: “Linisin ninyo ang inyong mga kamay, ninyong mga makasalanan, at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, ninyong mga di-makapagpasiya. Magbigay-daan kayo sa kahapisan at magdalamhati at tumangis. Palitan ninyo ng pagdadalamhati ang inyong pagtawa, at ng kalumbayan ang inyong kagalakan. Magpakababa kayo sa paningin ni Jehova, at itataas niya kayo.” (Santiago 4:8-10) Ang mga taong talagang nalulungkot sa kanilang makasalanang kalagayan ay naaaliw kapag nalaman nilang mapatatawad ang kanilang mga kasalanan kung mananampalataya sila sa haing pantubos ni Kristo at magpapakita ng tunay na pagsisisi sa pamamagitan ng paggawa ng kalooban ni Jehova. (Juan 3:16; 2 Corinto 7:9, 10) Sa gayong paraan, maaari silang magkaroon ng kaugnayan kay Jehova at ng pag-asang mabuhay magpakailanman upang maglingkod at pumuri sa kaniya. Nagdudulot ito sa kanila ng malalim na panloob na kaligayahan.—Roma 4:7, 8.
6. Sa anong diwa nagdadalamhati ang ilan, at paano sila inaaliw?
Isaias 61:1, 2, na nagsasabi: “Ang espiritu ng Soberanong Panginoong Jehova ay sumasaakin, sa dahilang pinahiran ako ni Jehova upang maghayag ng mabuting balita sa maaamo. Isinugo niya ako upang bigkisan ang may pusong wasak, . . . upang aliwin ang lahat ng nagdadalamhati.” Kapit din ang atas na iyan sa pinahirang mga Kristiyano na narito pa sa lupa at gumaganap ng gawaing ito sa tulong ng kanilang kasama, ang “ibang mga tupa.” Nakikibahagi ang lahat sa gawaing makasagisag na paglalagay ng marka sa mga noo ng “mga taong nagbubuntunghininga at dumaraing dahil sa lahat ng karima-rimarim na bagay na ginagawa sa gitna nito [ng apostatang Jerusalem, na lumalarawan sa Sangkakristiyanuhan].” (Ezekiel 9:4) Inaaliw ng ‘mabuting balita ng kaharian’ ang mga nagdadalamhating ito. (Mateo 24:14) Natutuwa silang malaman na ang balakyot na sistemang ito ng mga bagay ni Satanas ay malapit nang halinhan ng matuwid na bagong sanlibutan ni Jehova.
6 Kabilang din sa binanggit ni Jesus ang mga nagdadalamhati dahil sa karima-rimarim na mga kalagayang umiiral sa lupa. Ikinapit ni Jesus sa kaniyang sarili ang hula saMaligaya ang mga Mahinahong-Loob
7. Ano ang hindi kahulugan ng terminong “mahinahong-loob”?
7 Itinuloy ni Jesus ang kaniyang Sermon sa Bundok sa pagsasabing: “Maligaya ang mga mahinahong-loob, yamang mamanahin nila ang lupa.” Mateo 5:5) Ang kahinahunan ng kalooban ay inaakala kung minsan na kahinaan ng personalidad. Gayunman, hindi ito totoo. Bilang paliwanag sa diwa ng salitang isinaling “mahinahong-loob,” sumulat ang isang iskolar sa Bibliya: “Ang sukdulang katangian ng lalaking [mahinahong-loob] ay ang pagiging isang lalaking malakas ang pagpipigil sa sarili. Hindi ito malamyang pagkabanayad, sentimental na pagkagiliw, o pagiging tahimik anupat hindi nakikisangkot. Ito ay sinusupil na lakas.” Sinabi ni Jesus tungkol sa kaniyang sarili: “Ako ay mahinahong-loob at mababa ang puso.” (Mateo 11:29) Gayunman, malakas ang loob ni Jesus na ipagtanggol ang matuwid na mga simulain.—Mateo 21:12, 13; 23:13-33.
(8. Sa ano malapit na nauugnay ang kahinahunan ng kalooban, at bakit natin kailangan ang katangiang ito sa ating pakikipag-ugnayan sa iba?
8 Ang kahinahunan ng kalooban, kung gayon, ay may malapit na kaugnayan sa pagpipigil sa sarili. Sa katunayan, magkasamang itinala ni apostol Pablo ang kahinahunan at pagpipigil sa sarili nang banggitin niya “ang mga bunga ng espiritu.” (Galacia 5:22, 23) Dapat linangin ang kahinahunan ng kalooban sa tulong ng banal na espiritu. Isa itong katangiang Kristiyano na tumutulong sa pakikipagpayapaan sa mga di-kapananampalataya at sa mga nasa loob ng kongregasyon. Sumulat si Pablo: “Damtan ninyo ang inyong sarili ng magiliw na pagmamahal na may habag, kabaitan, kababaan ng pag-iisip, kahinahunan, at mahabang pagtitiis. Patuloy ninyong pagtiisan ang isa’t isa at lubusang patawarin ang isa’t isa.”—Colosas 3:12, 13.
9. (a) Bakit hindi lamang limitado sa ating pakikipag-ugnayan sa ibang tao ang ating pagiging mahinahong-loob? (b) Paano ‘mamanahin ang lupa’ ng mga mahinahong-loob?
9 Gayunman, hindi lamang limitado ang kahinahunan ng kalooban sa ating pakikipag-ugnayan sa ating kapuwa-tao. Sa kusang-loob na pagpapasakop sa soberanya ni Jehova, ipinakikita nating mahinahong-loob tayo. Ang pangunahing halimbawa sa bagay na ito ay si Jesu-Kristo, na nagpakita ng kahinahunan ng kalooban at ganap na pagpapasakop sa kalooban ng kaniyang Ama noong nandito siya sa lupa. (Juan 5:19, 30) Si Jesus ang kauna-unahang magmamana ng lupa, sapagkat siya ang hinirang na Tagapamahala nito. (Awit 2:6-8; Daniel 7:13, 14) Kahati niya sa manang ito ang 144,000 “mga kasamang tagapagmana,” na pinili “mula sa sangkatauhan” upang ‘mamahala bilang mga hari sa ibabaw ng lupa.’ (Roma 8:17; Apocalipsis 5:9, 10; 14:1, 3, 4; Daniel 7:27) Pamamahalaan ni Kristo at ng kaniyang kasamang mga tagapamahala ang milyun-milyong tulad-tupang mga lalaki at babae na sa kanila ay maligayang matutupad ang makahulang awit: “Ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.”—Awit 37:11; Mateo 25:33, 34, 46.
Maligaya Yaong mga Nagugutom sa Katuwiran
10. Ano ang isang paraan upang busugin yaong mga “nagugutom at nauuhaw sa katuwiran”?
10 Ang susunod na kaligayahan na binanggit ni Jesus nang magsalita siya sa tabi ng burol na iyon sa Galilea ay: “Maligaya yaong mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, yamang sila ay bubusugin.” (Mateo 5:6) Para sa mga Kristiyano, si Jehova ang nagtatakda ng pamantayan sa katuwiran. Kaya naman sa diwa, ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran ay nagugutom at nauuhaw sa patnubay ng Diyos. Lubusan nilang nababatid ang kanilang kasalanan at di-kasakdalan at inaasam nilang magkaroon ng kaayaayang katayuan sa harap ni Jehova. Gayon na lamang ang kanilang kaligayahan kapag nalaman nila mula sa Salita ng Diyos na kung magsisisi sila at hihingi ng kapatawaran salig sa haing pantubos ni Kristo, matatamo nila ang isang matuwid na katayuan sa harap ng Diyos!—Gawa 2:38; 10:43; 13:38, 39; Roma 5:19.
11, 12. (a) Paano nagiging matuwid ang pinahirang mga Kristiyano? (b) Paano masasapatan ang pagkauhaw sa katuwiran ng mga kasama ng mga pinahiran?
11 Sinabi ni Jesus na ang gayong mga tao ay maligaya, yamang “bubusugin” sila. (Mateo 5:6) Ang pinahirang mga Kristiyano na tinawag upang ‘mamahala bilang mga hari’ kasama ni Kristo sa langit ay ipinahahayag na “matuwid para sa buhay.” (Roma 5:1, 9, 16-18) Inaampon sila ni Jehova bilang espirituwal na mga anak. Nagiging mga kasamang tagapagmana sila ni Kristo, tinawag upang maging mga hari at saserdote sa kaniyang makalangit na pamahalaan ng Kaharian.—Juan 3:3; 1 Pedro 2:9.
12 Hindi pa ipinahahayag na matuwid para sa buhay ang mga kasama ng mga pinahiran. Magkagayunman, ibinibilang sa kanila ni Jehova ang isang antas ng katuwiran sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa itinigis na dugo ni Kristo. (Santiago 2:22-25; Apocalipsis 7:9, 10) Sila ay ibinilang na matuwid bilang mga kaibigan ni Jehova na may pag-asang maligtas sa “malaking kapighatian.” (Apocalipsis 7:14) Lalong masasapatan ang kanilang pagkauhaw sa katuwiran kapag, sa ilalim ng “bagong mga langit,” sila ay nakasama sa bagong lupa na ‘tatahanan ng katuwiran.’—2 Pedro 3:13; Awit 37:29.
Maligaya ang mga Maawain
13, 14. Sa anu-anong praktikal na paraan natin maipakikitang maawain tayo, at ano ang maidudulot nitong pakinabang sa atin?
13 Sa pagpapatuloy sa kaniyang Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesus: “Maligaya ang mga maawain, yamang sila ay pagpapakitaan ng awa.” (Mateo 5:7) Sa legal na diwa, ang awa ay tumutukoy sa pagpapagaan ng parusa ng isang hukom na hindi nagpapataw sa nasasakdal ng buong bigat ng parusa sa ilalim ng batas. Subalit ayon sa pagkakagamit sa Bibliya, ang orihinal ng mga salitang isinaling “awa” ay kadalasang tumutukoy sa pagpapakita ng mabait na konsiderasyon o habag na nagpapaginhawa sa mga nangangailangan nito. Kung gayon, nakikita sa iginagawi ng mga maawain na mahabagin sila. Ang ilustrasyon ni Jesus hinggil sa mapagkawanggawang Samaritano ay mainam na halimbawa ng indibiduwal na “kumilos nang may awa” sa isang taong nangangailangan.—Lucas 10:29-37.
14 Upang madama natin ang kaligayahan mula sa pagiging maawain, kailangan tayong gumawa ng kabaitan sa mga nangangailangan. (Galacia 6:10) Nahabag si Jesus sa mga taong nakita niya. “Nahabag siya sa kanila, sapagkat sila ay gaya ng mga tupang walang pastol. At nagsimula siyang magturo sa kanila ng maraming bagay.” (Marcos 6:34) Natanto ni Jesus na espirituwal ang pinakamalaking pangangailangan ng sangkatauhan. Maipakikita rin nating mahabagin tayo sa pamamagitan ng pagbabahagi sa iba ng isang bagay na kailangang-kailangan nila—ang ‘mabuting balita ng kaharian.’ (Mateo 24:14) Maaari rin tayong magbigay ng praktikal na tulong sa mas nakatatandang kapuwa Kristiyano, mga babaing balo, at mga ulila at “magsalita nang may pang-aliw sa mga kaluluwang nanlulumo.” (1 Tesalonica 5:14; Kawikaan 12:25; Santiago 1:27) Hindi lamang ito makapagpapaligaya sa atin kundi magpapaabot din sa atin ng awa ni Jehova.—Gawa 20:35; Santiago 2:13.
Dalisay ang Puso at Mapagpayapa
15. Paano tayo magkakaroon ng dalisay na puso at magiging mapagpayapa?
15 Sinabi ni Jesus ang ikaanim at ikapitong kaligayahan: “Maligaya ang mga dalisay ang puso, yamang makikita nila ang Diyos. Maligaya ang mga mapagpayapa, yamang sila ay tatawaging ‘mga anak ng Diyos.’ ” (Mateo 5:8, 9) Ang dalisay na puso ay hindi lamang malinis sa moral kundi wala ring bahid sa espirituwal at buo ang debosyon kay Jehova. (1 Cronica 28:9; Awit 86:11) Ang orihinal na salitang isinalin dito na “mapagpayapa” ay literal na nangangahulugang “mga tagapamayapa.” Mapayapa ang pakikipagsamahan ng mga mapagpayapa sa kanilang mga kapatid na Kristiyano at, hangga’t nakasalalay sa kanila, gayundin sa kanilang kapuwa. (Roma 12:17-21) ‘Hinahanap nila ang kapayapaan at itinataguyod iyon.’—1 Pedro 3:11.
16, 17. (a) Bakit tinatawag na “mga anak ng Diyos” ang mga pinahiran, at paano nila ‘makikita ang Diyos’? (b) Paano ‘nakikita’ ng “ibang mga tupa” ang Diyos? (c) Paano at kailan magiging “mga anak ng Diyos” ang “ibang mga tupa” sa ganap na diwa?
Roma 8:14-17) Kapag binuhay silang muli upang makasama ni Kristo sa langit, maglilingkod sila sa harap ni Jehova at aktuwal nila Siyang makikita.—1 Juan 3:1, 2; Apocalipsis 4:9-11.
16 Sa mga mapagpayapa na dalisay ang puso, ipinangangako sa kanila na sila ay “tatawaging ‘mga anak ng Diyos’ ” at na “makikita nila ang Diyos.” Ang pinahirang mga Kristiyano ay iniaanak sa espiritu at inaampon ni Jehova bilang “mga anak” habang sila ay nasa lupa pa. (17 Naglilingkod ang mapagpayapang “ibang mga tupa” kay Jehova sa ilalim ng Mabuting Pastol, si Kristo Jesus, na magiging kanilang “Walang-hanggang Ama.” (Juan 10:14, 16; Isaias 9:6) Ang mga makapapasa sa huling pagsubok pagkatapos ng Milenyong Paghahari ni Kristo ay aampunin bilang makalupang mga anak ni Jehova at “magtatamo ng maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos.” (Roma 8:21; Apocalipsis 20:7, 9) Sa pag-asang ito, tinatawag nilang Ama si Jehova, yamang iniaalay nila ang kanilang buhay sa kaniya, anupat kinikilala siya bilang kanilang Tagapagbigay-Buhay. (Isaias 64:8) Tulad nina Job at Moises noon, ‘nakikita nila ang Diyos’ sa pamamagitan ng mga mata ng pananampalataya. (Job 42:5; Hebreo 11:27) Sa pamamagitan ng ‘mata ng kanilang mga puso’ at tumpak na kaalaman sa Diyos, napag-uunawa nila ang kamangha-manghang mga katangian ni Jehova at nagsisikap silang tularan siya sa pamamagitan ng paggawa ng kaniyang kalooban.—Efeso 1:18; Roma 1:19, 20; 3 Juan 11.
18. Ayon sa unang pitong kaligayahan na binanggit ni Jesus, sinu-sino ang nakasusumpong ng tunay na kaligayahan sa ngayon?
18 Nalaman natin na makasusumpong ng tunay na kaligayahan sa paglilingkod kay Jehova yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan, yaong mga nagdadalamhati, mahinahon ang loob, mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, mga maawain, dalisay ang puso, at mapagpayapa. Gayunman, laging dumaranas ng pagsalansang, pag-uusig pa nga, ang gayong mga tao. Sinisira ba nito ang kanilang kaligayahan? Tatalakayin ang tanong na ito sa susunod na artikulo.
Bilang Repaso
• Anong kaligayahan ang natatamasa ng mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan?
• Sa anu-anong paraan maaaliw ang mga nagdadalamhati?
• Paano tayo nagpapakita ng kahinahunan ng kalooban?
• Bakit dapat tayong magkaroon ng dalisay na puso, maging maawain, at mapagpayapa?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 10]
“Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan”
[Mga larawan sa pahina 10]
“Maligaya yaong mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran”
[Larawan sa pahina 10]
“Maligaya ang mga maawain”