Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Matatamasa Pa Kaya Natin ang Tunay na Katiwasayan?

Matatamasa Pa Kaya Natin ang Tunay na Katiwasayan?

Matatamasa Pa Kaya Natin ang Tunay na Katiwasayan?

MGA bata na masayang naglalaro kasama ng kanilang maibiging mga magulang​—sino ang hindi nasisiyahang panoorin ang gayong tanawin? Nakadarama ng ganap na katiwasayan ang gayong mga bata sa piling ng kanilang mapagkalingang mga magulang. Subalit para sa maraming kabataan, bihira ang gayong mga sandali ng kaligayahan. Sa halip, araw-araw ay nababahala ang ibang mga bata kung saan sila matutulog sa gabi. May pag-asa pa kaya para sa gayong mga batang palaboy at sa iba pang kagaya nila na namumuhay nang walang katiwasayan?

Bagaman waring mapanglaw ang kinabukasan, nagbibigay ng pag-asa ang Salita ng Diyos. Inihula ni propeta Isaias na darating ang panahon na mabubuhay ang lahat sa ganap na katiwasayan. Sumulat siya: “Tiyak na magtatayo sila ng mga bahay at maninirahan sa mga iyon; at tiyak na magtatanim sila ng mga ubasan at kakainin ang bunga ng mga iyon. Hindi sila magtatayo at iba ang maninirahan; hindi sila magtatanim at iba ang kakain.”​—Isaias 65:21, 22.

Pero may matibay bang saligan ang pag-asang ito? Kung sa bagay, ang salitang “pag-asa” ay hindi palaging nagpapahiwatig ng katiyakan. Halimbawa, sa Brazil, madalas marinig ang pananalitang: “A esperança é a última que morre.” Literal itong nangangahulugang, “Ang pag-asa ang kahuli-hulihang namamatay.” Ipinahihiwatig nito na punô pa rin ng pag-asa ang maraming tao kahit wala talagang saligan ang gayong pag-asa. Gayunman, ang pag-asang ibinibigay sa atin ng buháy na Diyos ay naiiba. Sumulat si apostol Pablo: “Walang sinumang naglalagak sa [Diyos] ng kaniyang pananampalataya ang mabibigo.” (Roma 10:11) Ang mga hula ng Bibliya na natupad na ay nagbibigay sa atin ng katiyakan na ang lahat ng iba pang ipinangako ng Diyos na Jehova ay matutupad din. Kapag natupad ang mga pangakong iyon, ang mga kalagayang nagtutulak sa mga bata na manirahan sa lansangan ay mawawala na.

Kahit ngayon, ang praktikal na payong masusumpungan sa Bibliya ay makatutulong sa mga walang pag-asa na pabutihin ang kanilang buhay at masumpungan ang tunay na katiwasayan. Paano iyan mangyayari? Malulugod ang mga Saksi ni Jehova sa inyong komunidad na tulungan kang hanapin ang sagot sa tanong na ito.