‘Nagagalak sa Aking Pagsasanay’
‘Nagagalak sa Aking Pagsasanay’
NATIGILAN ang kabataang si Kazuna nang imungkahi ng kaniyang guro na sumali siya sa paligsahan sa pagtatalumpati sa wikang Ingles. Inanyayahan sa paligsahan ang lahat ng nasa haiskul sa malaking isla ng Hokkaido na nasa hilaga ng Hapon, ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na magpapadala ng kalahok ang kaniyang paaralan. Sa araw ng paligsahan, ninerbiyos si Kazuna dahil makikipagpaligsahan siya sa mga 50 estudyante. Lalo siyang ninerbiyos nang mapansin niyang Ingles ang katutubong wika ng dalawang hurado.
Ipinatalastas ang mga nanalo, na inuuna muna ang nagwagi ng pinakamababang gantimpala. Nang ang pangalan ni Kazuna ang pinakahuling tinawag, natigilan siya. Gulát na gulát silang nagkatinginan ng kaniyang guro na nakaupo sa tabi niya. Bagaman hindi pa rin makapaniwala, umakyat sa entablado si Kazuna at tinanggap ang kaniyang tropeo—para sa unang gantimpala!
“Naging posible lamang ito dahil sa pagsasanay na inilalaan ng organisasyon ni Jehova sa pamamagitan ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo,” ang paliwanag ng tuwang-tuwang si Kazuna. “Lubos akong nagagalak na tumanggap ako ng ganitong pagsasanay.” Ang paaralang iyan, kung saan nagpatala si Kazuna mula noong musmos pa siya, ay isa sa mga pulong ng kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova. Bilang paghahanda sa paligsahan, nagbigay ng pantanging pansin si Kazuna sa paggamit ng mikropono, pagsasalita nang may init at sigla, pagkumpas, pagtingin sa tagapakinig, at sa iba pang paksa na itinuturo sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
Pakisuyong tanggapin ang aming paanyayang dumalo upang magmasid sa paaralang ito na idinaraos linggu-linggo sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar. Personal mong saksihan kung paano nakikinabang kapuwa ang mga bata at matatanda. Ang lahat ay maaaring dumalo sa pulong na ito. Para sa higit pang impormasyon hinggil sa paaralang pinakamalapit sa iyong tirahan, pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar.