Si Jehova ang Ating Katulong
Si Jehova ang Ating Katulong
“Ang tulong sa akin ay mula kay Jehova, ang Maylikha ng langit at lupa.”—AWIT 121:2.
1, 2. (a) Bakit masasabi na kailangan nating lahat ng tulong kung minsan? (b) Anong uri ng Katulong si Jehova?
SINO sa atin ang hindi kailanman nangailangan ng tulong? Ang totoo, kailangan nating lahat ng tulong kung minsan—upang makayanan ang isang mabigat na problema, matiis ang lungkot ng pangungulila, at mabata ang isang mahirap na pagsubok. Kapag nangangailangan ng tulong, ang mga tao ay madalas na bumabaling sa isang mapagmalasakit na kaibigan. Nagiging magaan ang pasanin kapag kabalikat mo ang gayong kaibigan. Pero limitado lamang ang magagawa ng isang kapuwa-tao para makatulong. Bukod dito, ang iba ay maaaring hindi laging nasa kalagayang tumugon kapag may nangangailangan ng tulong.
2 Gayunman, may isang Katulong na nagtataglay ng walang-hanggang kapangyarihan at mga kakayahan. Bukod dito, tinitiyak niya sa atin na hindi niya tayo kailanman pababayaan. Siya ang Isa na ipinakilala ng salmista nang buong-pagtitiwalang sabihin nito: “Ang tulong sa akin ay mula kay Jehova.” (Awit 121:2) Bakit kumbinsido ang salmista na tutulungan siya ni Jehova? Upang masagot ang tanong na iyan, suriin natin ang Awit 121. Ang paggawa nito ay tutulong sa atin na makita kung bakit tayo rin naman ay lubos na makaaasa kay Jehova bilang ating Katulong.
Maaasahang Pinagmumulan ng Tulong
3. Sa aling kabundukan maaaring nakatingin noon ang salmista, at bakit?
3 Nagsimula ang salmista na tinutukoy ang pagiging Maylalang ni Jehova bilang saligan ng pagtitiwala: “Ititingin ko ang aking mga mata sa mga bundok. Saan magmumula ang tulong sa akin? Ang tulong sa akin ay mula kay Jehova, ang Maylikha ng langit at lupa.” (Awit 121:1, 2) Hindi tinutukoy ng salmista ang basta anumang bundok. Nang isulat ang mga salitang ito, ang templo ni Jehova ay nasa Jerusalem. Ang lunsod na iyon, na matatagpuan sa kabundukan ng Juda, ang makasagisag na tirahang dako ni Jehova. (Awit 135:21) Maaaring nakatingin noon ang salmista sa kabundukan ng Jerusalem na kinatatayuan ng templo ni Jehova, anupat lubusang umaasa sa tulong ni Jehova. Bakit gayon na lamang ang pagtitiwala ng salmista na matutulungan siya ni Jehova? Sapagkat Siya “ang Maylikha ng langit at lupa.” Sa diwa, ang ibig sabihin ng salmista ay, ‘Tiyak na walang makahahadlang sa Maylalang na makapangyarihan-sa-lahat para tulungan ako!’—Isaias 40:26.
4. Paano ipinakita ng salmista na si Jehova ay laging alisto sa mga pangangailangan ng kaniyang bayan, at bakit iyan nakaaaliw isipin?
4 Sumunod ay ipinaliwanag ng salmista na si Jehova ay laging alisto sa mga pangangailangan ng kaniyang mga lingkod: “Hindi niya maaaring ipahintulot na ang iyong paa ay makilos. Ang Isa na Awit 121:3, 4) Imposibleng pahintulutan ng Diyos yaong mga nagtitiwala sa kaniya na “makilos” o mabuwal anupat hindi na sila makabangon pa. (Kawikaan 24:16) Bakit? Sapagkat si Jehova ay tulad ng isang pastol na gising na gising habang binabantayan ang kaniyang mga tupa. Hindi ba nakaaaliw isipin iyan? Walang sandaling ipipikit niya ang kaniyang mga mata sa mga pangangailangan ng kaniyang bayan. Araw at gabi, babantayan niya sila.
nagbabantay sa iyo ay hindi maaaring antukin. Narito! Hindi siya aantukin ni matutulog man, siya na nagbabantay sa Israel.” (5. Bakit sinasabing si Jehova ay nasa “kanan”?
5 Palibhasa’y nagtitiwala na si Jehova ang matapat na Tagapagsanggalang ng kaniyang bayan, sumulat ang salmista: “Binabantayan ka ni Jehova. Si Jehova ang iyong lilim sa iyong kanan. Kapag araw ay hindi ka sasaktan ng araw, ni ng buwan man kapag gabi.” (Awit 121:5, 6) Sa isang naglalakad na manlalakbay sa Gitnang Silangan, ang isang dakong malilim ay kanais-nais na proteksiyon mula sa matinding sikat ng araw. Si Jehova ay tulad sa isang lilim para sa kaniyang bayan, na nagsasanggalang sa kanila mula sa nakapapasong init na mga pinsala ng kalamidad. Pansinin na si Jehova ay sinasabing nasa “kanan.” Sa mga sinaunang pagbabaka, ang kanang kamay ng sundalo sa paanuman ay hindi protektado ng kalasag, na tangan ng kaliwang kamay. Maaaring magsilbing proteksiyon ang isang matapat na kaibigan kapag siya ay nakatayo at lumalaban sa gawing kanan ng sundalo. Tulad sa gayong kaibigan, buong-katapatang nakatayo si Jehova sa tabi ng mga sumasamba sa kaniya, anupat laging handang tumulong sa kanila.
6, 7. (a) Paano tinitiyak sa atin ng salmista na hindi kailanman titigil si Jehova sa pagtulong sa kaniyang bayan? (b) Bakit tayo makapagtitiwala gaya ng salmista?
6 Darating kaya ang panahon na titigil na si Jehova sa pagtulong sa kaniyang bayan? Imposibleng mangyari iyan. Nagtapos ang salmista: “Babantayan ka ni Jehova laban sa lahat ng kapahamakan. Babantayan niya ang iyong kaluluwa. Babantayan ni Jehova ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.” (Awit 121:7, 8) Pansinin na binago ng manunulat ang pagdiriin mula sa panahunang pangkasalukuyan tungo sa panghinaharap. Nauna rito, sa talata 5, sinabi ng salmista: “Binabantayan ka ni Jehova.” Subalit sa mga talatang ito, isinulat ng salmista: “Babantayan ka ni Jehova.” Kaya natitiyak ng tunay na mga mananamba na tutulong si Jehova hanggang sa hinaharap. Saanman sila pumunta, anumang kalamidad ang suungin nila, hindi kailanman magiging maikli ang kamay ni Jehova sa pagtulong sa kanila.—Kawikaan 12:21.
7 Ang totoo, nagtitiwala ang manunulat ng Awit 121 na binabantayan ng Maylalang na makapangyarihan-sa-lahat ang kaniyang mga lingkod taglay ang kahinahunan ng isang mapagmalasakit na pastol at ang pag-iingat ng isang alistong bantay. Taglay natin ang lahat ng dahilan upang magtiwala gaya ng salmista, sapagkat hindi nagbabago si Jehova. (Malakias 3:6) Nangangahulugan ba ito na lagi tayong makatatanggap ng pisikal na proteksiyon? Hindi, ngunit hangga’t umaasa tayo sa kaniya bilang ating Katulong, ipagsasanggalang niya tayo sa lahat ng maaaring magdulot sa atin ng pinsala sa espirituwal. Likas lamang na itanong, ‘Paano ba tayo tinutulungan ni Jehova?’ Suriin natin ang apat na paraan ng pagtulong niya sa atin. Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung paano niya tinulungan ang kaniyang mga lingkod noong panahon ng Bibliya. Sa susunod na artikulo, tatalakayin naman natin kung paano niya tinutulungan ang kaniyang bayan ngayon.
Tulong ng mga Anghel
8. Bakit hindi nakapagtatakang may matinding interes ang mga anghel sa kapakanan ng mga lingkod ng Diyos sa lupa?
8 Milyun-milyon ang mga anghel na naglilingkod kay Jehova. (Daniel 7:9, 10) Buong-katapatang isinasakatuparan ng espiritung mga anak na ito ang kaniyang kalooban. (Awit 103:20) Batid nila na matindi ang pag-ibig ni Jehova sa mga taong sumasamba sa kaniya at nais niyang tulungan sila. Hindi nakapagtatakang may matinding interes ang mga anghel sa kapakanan ng mga lingkod ng Diyos sa lupa. (Lucas 15:10) Kung gayon, tiyak na nalulugod ang mga anghel na sila’y ginagamit ni Jehova upang tulungan ang mga tao. Sa anu-anong paraan ginamit ni Jehova ang mga anghel upang tulungan ang kaniyang mga lingkod na tao noong unang panahon?
9. Magbigay ng halimbawa kung paano binigyang-kapangyarihan ng Diyos ang mga anghel upang ipagsanggalang ang tapat na mga tao.
Genesis 19:1, 15-17) Iisang anghel ang pumaslang sa 185,000 sundalong Asiryano na nagbabanta noon sa Jerusalem. (2 Hari 19:35) Nang ihagis si Daniel sa yungib ng mga leon, “isinugo [ni Jehova] ang kaniyang anghel at itinikom ang bibig ng mga leon.” (Daniel 6:21, 22) Pinalaya ng isang anghel si apostol Pedro mula sa bilangguan. (Gawa 12:6-11) Binabanggit sa Bibliya ang marami pang ibang halimbawa ng proteksiyon ng mga anghel, anupat pinatutunayan ang sinasabi ng Awit 34:7: “Ang anghel ni Jehova ay nagkakampo sa buong palibot niyaong mga may takot sa kaniya, at inililigtas niya sila.”
9 Binigyang-kapangyarihan ng Diyos ang mga anghel upang ipagsanggalang at iligtas ang tapat na mga tao. Dalawang anghel ang tumulong kay Lot at sa kaniyang mga anak na babae na makatakas sa pagkawasak ng Sodoma at Gomorra. (10. Paano ginamit ni Jehova ang isang anghel upang patibayin ang loob ni propeta Daniel?
10 May mga pagkakataon na ginamit ni Jehova ang mga anghel upang patibaying-loob at palakasin ang tapat na mga tao. Isang nakaaantig na halimbawa ang masusumpungan sa Daniel kabanata 10. Noon, marahil ay malapit na sa 100 taóng gulang si Daniel. Lubhang nasisiraan ng loob ang propeta, marahil dahil sa tiwangwang na kalagayan ng Jerusalem at sa pagkaantala ng muling pagtatayo ng templo. Nabalisa rin siya matapos makakita ng isang nakatatakot na pangitain. (Daniel 10:2, 3, 8) Maibiging isinugo ng Diyos ang isang anghel upang patibayin ang kaniyang loob. Ilang ulit na ipinaalaala ng anghel kay Daniel na siya ay “lubhang kalugud-lugod” sa paningin ng Diyos. Ang resulta? Sinabi ng matanda nang propeta sa anghel: “Pinalakas mo ako.”—Daniel 10:11, 19.
11. Ano ang isang halimbawa kung paano ginamit ang mga anghel upang patnubayan ang gawaing pangangaral ng mabuting balita?
11 Ginamit din ni Jehova ang mga anghel upang patnubayan ang gawaing pangangaral ng mabuting balita. Inakay ng isang anghel si Felipe na mangaral tungkol kay Kristo sa isang bating na Etiope, na nang maglaon ay nagpabautismo. (Gawa 8:26, 27, 36, 38) Hindi nagtagal pagkaraan nito, nilayon ng Diyos na maipangaral ang mabuting balita sa di-tuling mga Gentil. Sa isang pangitain, isang anghel ang nagpakita kay Cornelio, isang Gentil na may takot sa Diyos, at inutusan siyang ipatawag si apostol Pedro. Nang si Pedro ay matagpuan ng mga mensahero ni Cornelio, sinabi nila: “Si Cornelio . . . ay binigyan ng isang banal na anghel ng mga tagubilin mula sa Diyos na ipatawag ka upang pumaroon sa kaniyang bahay at makinig sa mga bagay na sasabihin mo.” Tumugon naman si Pedro, at sa gayo’y naging bahagi ng kongregasyong Kristiyano ang mga unang di-tuling Gentil. (Gawa 10:22, 44-48) Gunigunihin ang madarama mo kapag nalaman mong isa palang anghel ang tumulong sa iyo na matagpuan ang isang taong wastong nakaayon!
Tulong ng Banal na Espiritu
12, 13. (a) Bakit may mabuting dahilan ang mga apostol ni Jesus na maniwalang matutulungan sila ng banal na espiritu? (b) Sa anong paraan binigyang-kapangyarihan ng banal na espiritu ang mga Kristiyano noong unang siglo?
12 Nang malapit na siyang mamatay, tiniyak ni Jesus sa kaniyang mga apostol na hindi sila pababayaan. Bibigyan sila ng Ama ng isang “katulong, ang banal na espiritu.” (Juan 14:26) May mabuting dahilan ang mga apostol na maniwalang matutulungan sila ng banal na espiritu. Tutal, ang kinasihang Kasulatan ay punung-puno ng mga halimbawa kung paano ginamit ni Jehova ang banal na espiritu, ang pinakamalakas na puwersang umiiral, upang tulungan ang kaniyang bayan.
13 Sa maraming pagkakataon, ginamit ang banal na espiritu upang bigyang-kapangyarihan ang mga tao na gawin ang kalooban ni Jehova. Binigyang-kapangyarihan ng banal na espiritu ang mga Hukom upang iligtas ang Israel. (Hukom 3:9, 10; 6:34) Binigyang-kapangyarihan ng espiritu ring iyon ang mga Kristiyano noong unang siglo upang patuloy na mangaral nang may katapangan sa kabila ng lahat ng uri ng pagsalansang. (Gawa 1:8; 4:31) Ang tagumpay nila sa pagsasagawa ng kanilang ministeryo ay matibay na patotoo ng pagkilos ng banal na espiritu. Ano pa nga ba ang makapagpapaliwanag kung paano naipangaral ng mga taong “walang pinag-aralan at pangkaraniwan” ang mensahe ng Kaharian sa buong sanlibutan na kilala noon?—Gawa 4:13; Colosas 1:23.
14. Paano ginamit ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu upang bigyang-liwanag ang kaniyang bayan?
Genesis 41:16, 38, 39) Sa pamamagitan ng kaniyang espiritu, isiniwalat ni Jehova ang kaniyang mga layunin sa mga mapagpakumbaba ngunit ikinubli ito sa mga mapagmapuri. (Mateo 11:25) Kaya naman, tungkol sa mga bagay na inilalaan ni Jehova “sa mga umiibig sa kaniya,” ganito ang sabi ni apostol Pablo: “Sa atin isiniwalat ng Diyos ang mga ito sa pamamagitan ng kaniyang espiritu.” (1 Corinto 2:7-10) Sa tulong lamang ng banal na espiritu tunay na mauunawaan ng isang tao ang kalooban ng Diyos.
14 Ginamit din ni Jehova ang kaniyang banal na espiritu upang bigyang-liwanag ang kaniyang bayan. Sa tulong ng espiritu ng Diyos, nabigyang-kahulugan ni Jose ang makahulang mga panaginip ni Paraon. (Tulong Mula sa Salita ng Diyos
15, 16. Ano ang sinabi kay Josue na dapat niyang gawin upang makakilos nang may karunungan?
15 Ang kinasihang Salita ni Jehova ay “kapaki-pakinabang sa pagtuturo,” at tinutulungan nito ang mga lingkod ng Diyos na maging “lubos na may kakayahan, lubusang nasangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.” (2 Timoteo 3:16, 17) Naglalaman ang Bibliya ng maraming halimbawa kung paano natulungan ang bayan ng Diyos noong unang panahon sa pamamagitan ng mga bahagi ng kaniyang Salita na naisulat na.
16 Ang Kasulatan ay tumulong na maglaan ng magaling na patnubay sa mga sumasamba sa Diyos. Nang ipagkatiwala kay Josue ang pananagutan na akayin ang Israel, sinabi sa kaniya: “Ang aklat na ito ng kautusan [na isinulat ni Moises] ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, at babasahin mo ito nang pabulong araw at gabi, upang maingatan mong gawin ang ayon sa lahat ng nakasulat dito; sapagkat sa gayon ay gagawin mong matagumpay ang iyong lakad at sa gayon ay kikilos ka nang may karunungan.” Pansinin na hindi ipinangako ng Diyos kay Josue na makahimala siyang magtatamo ng karunungan. Sa halip, kung babasahin at bubulay-bulayin ni Josue ‘ang aklat ng kautusan,’ sa gayon ay kikilos siya nang may karunungan.—Josue 1:8; Awit 1:1-3.
17. Paano natulungan kapuwa sina Daniel at Haring Josias ng mga bahagi ng Kasulatan na taglay nila noon?
17 Ang nasusulat na Salita ng Diyos ay tumulong din na isiwalat ang kaniyang kalooban at layunin. Halimbawa, napag-unawa ni Daniel mula sa mga isinulat ni Jeremias kung gaano katagal mananatiling tiwangwang ang Jerusalem. (Jeremias 25:11; Daniel 9:2) Isaalang-alang din ang nangyari noong naghahari si Haring Josias ng Juda. Noon, ang bansa ay napalayo na kay Jehova, at maliwanag na hindi gumawa ang mga hari ng personal na kopya ng Kautusan at hindi iyon sinunod. (Deuteronomio 17:18-20) Ngunit samantalang kinukumpuni ang templo, natagpuan “ang mismong aklat ng kautusan,” malamang na yaong isinulat ni Moises. Marahil ito ang orihinal na teksto, na nakumpleto mga 800 taon na ang nakalipas. Matapos marinig ang pagbasa sa nilalaman nito, natalos ni Josias na labis-labis na ang paglabag ng bansa sa kalooban ni Jehova, kaya’t gumawa ang hari ng matibay na mga hakbang upang sundin ang nakasulat sa aklat. (2 Hari 22:8; 23:1-7) Hindi ba maliwanag na natulungan ang sinaunang bayan ng Diyos sa pamamagitan ng mga bahagi ng Sagradong Kasulatan na taglay nila noon?
Tulong ng mga Kapananampalataya
18. Bakit natin masasabi na si Jehova ang nasa likod ng pagtulong ng isang tunay na mananamba sa isang kapuwa mananamba?
18 Ang tulong na inilalaan ni Jehova ay kalimitang dumarating sa pamamagitan ng mga kapananampalataya. Ang totoo, ang Diyos ang nasa likod ng pagtulong ng isang tunay na mananamba sa isang kapuwa mananamba. Bakit natin masasabi iyan? Sa dalawang dahilan. Una, nasasangkot ang banal na espiritu ng Diyos. Nagluluwal ang espiritung iyan ng mga bunga, kasali na ang pag-ibig at kabutihan, sa mga humihingi ng patnubay nito. Galacia 5:22, 23) Kaya naman, kapag napakikilos ang isang lingkod ng Diyos na tulungan ang isang kapuwa lingkod, patotoo ito ng pagkilos ng espiritu ni Jehova. Ikalawa, ginawa tayo ayon sa larawan ng Diyos. (Genesis 1:26) Nangangahulugan ito na may kakayahan tayong ipamalas ang kaniyang mga katangian, kasali na ang kaniyang kabaitan at habag. Kaya kapag tinutulungan ng isang lingkod ni Jehova ang isa pang kapuwa lingkod, ang tunay na Pinagmumulan ng gayong tulong ay si Jehova mismo.
(19. Ayon sa ulat ng Bibliya, paano naglaan si Jehova ng tulong sa pamamagitan ng mga kapananampalataya?
19 Noong panahon ng Bibliya, paano naglaan ng tulong si Jehova sa pamamagitan ng mga kapananampalataya? Malimit na pinakikilos ni Jehova ang isa sa kaniyang mga lingkod na payuhan ang kaniyang kapuwa lingkod, gaya ng nagliligtas-buhay na payo ni Jeremias kay Baruc. (Jeremias 45:1-5) Sa pana-panahon, napakikilos ang tunay na mga mananamba na maglaan ng materyal na tulong sa mga kapananampalataya, gaya ng ipinakitang kasabikan ng mga Kristiyano sa Macedonia at Acaya na tulungan ang kanilang nangangailangang mga kapatid sa Jerusalem. Binanggit ni apostol Pablo na ang gayong pagkabukas-palad ay wastong nagbubunga ng “kapahayagan ng pasasalamat sa Diyos.”—2 Corinto 9:11.
20, 21. Sa anu-anong kalagayan napalakas ng mga kapatid mula sa Roma si apostol Pablo?
20 Lalo nang nakaaantig ang mga ulat tungkol sa pagsisikap ng mga lingkod ni Jehova na palakasin at patibaying-loob ang isa’t isa. Tingnan ang isang halimbawa sa nangyari kay apostol Pablo. Nang maglakbay patungong Roma bilang isang bilanggo, binagtas ni Pablo ang lansangang-bayan ng Roma na kilala bilang Daang Apio. Ang huling bahagi ng paglalakbay ay lalo nang di-kanais-nais, sapagkat kinailangang dumaan ang mga naglalakbay sa isang latian at mababang lugar. * Batid ng mga kapatid sa kongregasyon sa Roma na darating si Pablo. Ano kaya ang gagawin nila? Maghihintay na lamang ba sila sa kanilang maalwang mga tahanan sa lunsod hanggang sa dumating si Pablo at saka nila siya sasalubungin?
21 Sinasabi sa atin ng manunulat ng Bibliya na Gawa 28:15) Gunigunihin mo—napalakas at naaliw na si Pablo nang makita pa lamang ang mga kapatid na iyon na nagsikap maglakbay nang gayon kalayo! At sino ang pinasalamatan ni Pablo sa tulong na ito? Pinasalamatan niya ang isa na nasa likod nito, ang Diyos na Jehova.
si Lucas, na sumama kay Pablo sa paglalakbay, kung ano ang nangyari: “Mula roon [sa Roma] ang mga kapatid, nang marinig nila ang balita tungkol sa amin, ay pumaroon upang salubungin kami hanggang sa Pamilihan ng Apio at sa Tatlong Taberna.” Nakikini-kinita mo ba ang tagpo? Nang malaman na paparating si Pablo, isang delegasyon ng mga kapatid ang naglakbay mula sa Roma upang salubungin siya. Isang bahagi ng delegasyon ang naghihintay sa Pamilihan ng Apio, ang kilalang hintuan sa labas ng Roma mga 74 na kilometro ang layo. Ang iba pa sa mga kapatid ay naghihintay naman sa Tatlong Taberna, isang pahingahan sa labas ng lunsod na may layong mga 58 kilometro. Ano ang naging reaksiyon ni Pablo? Iniulat ni Lucas: “Nang makita sila, si Pablo ay nagpasalamat sa Diyos at nagkaroon ng lakas ng loob.” (22. Ano ang ating taunang teksto para sa 2005, at ano ang tatalakayin sa susunod na artikulo?
22 Maliwanag, ito mismo ang sinasabi ng kinasihang ulat ng mga pakikitungo ng Diyos. Siya ay isang Katulong na walang kapantay. Angkop naman, ang magiging taunang teksto ng mga Saksi ni Jehova para sa 2005 ay ang mga salita sa Awit 121:2: “Ang tulong sa akin ay mula kay Jehova.” Pero paano ba tayo tinutulungan ni Jehova sa ngayon? Tatalakayin ito sa susunod na artikulo.
[Talababa]
^ par. 20 Nagkomento ang makatang Romano na si Horace (65—8 B.C.E.), na gumawa ng gayunding paglalakbay, tungkol sa mga hirap na dinanas niya sa bahaging iyon ng paglalakbay. Inilarawan ni Horace ang Pamilihan ng Apio na “siksik sa mga bangkero at kuripot na mga tagapag-ingat ng taberna.” Inireklamo niya ang “kasumpa-sumpang mga niknik at palaka” at ang “napakaruming” tubig.
Natatandaan Mo Ba?
Sa anu-anong paraan naglaan si Jehova ng tulong—
• sa pamamagitan ng mga anghel?
• sa pamamagitan ng kaniyang banal na espiritu?
• sa pamamagitan ng kaniyang kinasihang Salita?
• sa pamamagitan ng mga kapananampalataya?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Blurb sa pahina 15]
Ang taunang teksto para sa 2005 ay: “Ang tulong sa akin ay mula kay Jehova.”—Awit 121:2.
[Larawan sa pahina 16]
Pinasalamatan ni Pablo ang Diyos sa tulong na natanggap niya mula sa mga kapatid sa Roma