Ingatan ang Ating Pagkakakilanlan Bilang mga Kristiyano
Ingatan ang Ating Pagkakakilanlan Bilang mga Kristiyano
“‘Kayo ang aking mga saksi,’ ang sabi ni Jehova.”—ISAIAS 43:10.
1. Anong uri ng mga tao ang inilalapit ni Jehova sa kaniya?
KAPAG nasa Kingdom Hall ka, pagmasdan mong maigi ang mga nasa palibot mo. Sinu-sino ang nakikita mo sa dakong ito ng pagsamba? Baka makita mo ang taimtim na mga kabataan na matamang nakikinig sa karunungan mula sa Kasulatan. (Awit 148:12, 13) Malamang na mapansin mo rin ang mga ulo ng pamilya na nagsisikap palugdan ang Diyos habang namumuhay sila sa isang sanlibutang nagpapasamâ sa buhay pampamilya. Baka mapagmasdan mo ang minamahal nating mga may-edad nang tapat na tumutupad sa kanilang pag-aalay kay Jehova sa kabila ng mga karamdamang dulot ng pagtanda. (Kawikaan 16:31) Ang lahat ay masidhing umiibig kay Jehova. At malugod niya silang inilapit sa kaniya upang makapagtatag ng kaugnayan sa kaniya. “Walang taong makalalapit sa akin,” ang sabi ng Anak ng Diyos, “malibang ilapit siya ng Ama, na nagsugo sa akin.”—Juan 6:37, 44, 65.
2, 3. Bakit mahirap panatilihing malinaw sa isipan natin ang ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano?
2 Hindi ba tayo natutuwang maging bahagi ng 2 Timoteo 3:1) Totoo ito lalo na sa mga kabataang pinalalaki sa mga pamilyang Kristiyano. “Bagaman dumadalo ako noon sa Kristiyanong mga pagpupulong,” ang pag-amin ng isang gayong kabataan, “wala akong malinaw na espirituwal na mga tunguhin at, sa totoo lamang, wala akong nalinang na paghahangad na paglingkuran si Jehova.”
bayan na may pagsang-ayon at pagpapala ni Jehova? Gayunman, mahirap panatilihing malinaw sa isipan natin ang ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano sa ‘mga panahong ito na mapanganib at mahirap pakitunguhan.’ (3 Bagaman taimtim na nagnanais maglingkod kay Jehova, ang ilan ay maaaring naililihis ng matinding panggigipit ng kasamahan, makasanlibutang mga impluwensiya, at makasalanang mga hilig. Kapag ginigipit tayo, baka unti-unti nating maiwala ang ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano. Halimbawa, itinuturing ng marami sa sanlibutan ngayon na makaluma o di-praktikal sa ating modernong daigdig ang mga pamantayan ng Bibliya sa moralidad. (1 Pedro 4:4) Iniisip naman ng ilan na hindi mahalagang sambahin ang Diyos sa paraang nais niya. (Juan 4:24) Binanggit ni Pablo sa kaniyang liham sa mga taga-Efeso na ang sanlibutan ay may “espiritu,” o nangingibabaw na saloobin. (Efeso 2:2) Ginigipit ng espiritung iyan ang mga tao upang umayon sila sa pag-iisip ng lipunang hindi nakakakilala kay Jehova.
4. Paano idiniin ni Jesus ang pangangailangang ingatan natin ang ating malinaw na pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano?
4 Gayunman, bilang nakaalay na mga lingkod ni Jehova, natatanto natin na magiging kalunus-lunos para sa sinuman sa atin—bata man o matanda—na maiwala ang ating Kristiyanong pagkakakilanlan. Ang matuwid na pangmalas sa ating pagiging Kristiyano ay nakasalig lamang sa mga pamantayan ni Jehova at sa mga inaasahan niya sa atin. Tutal, nilalang tayo ayon sa kaniyang larawan. (Genesis 1:26; Mikas 6:8) Ang ating malinaw na pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano ay inihahalintulad ng Bibliya sa mga panlabas na kasuutan na nakikita ng lahat. Tungkol sa ating panahon, nagbabala si Jesus: “Narito! Ako ay dumarating na gaya ng isang magnanakaw. Maligaya ang nananatiling gising at nag-iingat ng kaniyang mga panlabas na kasuutan, upang hindi siya maglakad nang hubad at makita ng mga tao ang kaniyang kahihiyan.” * (Apocalipsis 16:15) Hindi natin nais hubarin ang ating Kristiyanong mga katangian at pamantayan ng paggawi at hayaang hubugin tayo ng sanlibutan ni Satanas. Kung mangyayari iyan, maiwawala natin ang “mga panlabas na kasuutan” na ito. Nakapanghihinayang at nakahihiya ang gayong kahihinatnan.
5, 6. Bakit napakahalaga ng espirituwal na katatagan?
5 Kung malinaw sa isipan ng isang tao ang kaniyang pagkakakilanlan bilang Kristiyano, may malaki itong epekto sa direksiyon ng kaniyang buhay. Paano? Kapag lumabo sa isipan ng isang mananamba ni Jehova ang kaniyang pagkakakilanlan, baka malihis siya ng landas, anupat mawalan ng malinaw na direksiyon o mga tunguhin. Paulit-ulit na nagbababala ang Bibliya laban sa gayong di-makapagpasiyang kaisipan. “Siya na nag-aalinlangan,” ang babala ng alagad na si Santiago, “ay tulad ng alon sa dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad kung saan-saan. Sa katunayan, huwag ipalagay ng taong iyon na siya ay tatanggap ng anuman Santiago 1:6-8; Efeso 4:14; Hebreo 13:9.
mula kay Jehova; siya ay isang taong di-makapagpasiya, di-matatag sa lahat ng kaniyang mga daan.”—6 Paano natin maiingatan ang ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano? Ano ang makatutulong sa atin upang higit nating pahalagahan ang ating dakilang pribilehiyo na maging mga mananamba ng Kataas-taasan? Pakisuyong isaalang-alang ang sumusunod na mga paraan.
Patunayan sa Iyong Sarili ang Iyong Pagkakakilanlan Bilang Kristiyano
7. Bakit kapaki-pakinabang na mamanhik kay Jehova na suriin tayo?
7 Patuloy na patibayin ang iyong kaugnayan kay Jehova. Ang pinakamahalagang pag-aari ng isang Kristiyano ay ang kaniyang personal na kaugnayan sa Diyos. (Awit 25:14; Kawikaan 3:32) Kung nagsisimula na tayong mag-alinlangan tungkol sa ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano, panahon na para maingat na suriin ang kalidad at lalim ng kaugnayang ito. Angkop na namanhik ang salmista: “Suriin mo ako, O Jehova, at ilagay mo ako sa pagsubok; dalisayin mo ang aking mga bato at ang aking puso.” (Awit 26:2) Bakit mahalaga ang gayong pagsusuri? Sapagkat tayo mismo ay hindi maaasahan bilang mga tagasuri ng sarili nating kaloob-loobang mga motibo at hilig. Tanging si Jehova lamang ang may kakayahang alamin ang ating panloob na pagkatao—ang ating mga motibo, kaisipan, at damdamin.—Jeremias 17:9, 10.
8. (a) Paano tayo makikinabang sa pagsubok sa atin ni Jehova? (b) Paano ka natulungang sumulong bilang Kristiyano?
8 Sa paghiling kay Jehova na suriin tayo, inaanyayahan nating subukin niya tayo. Maaaring pahintulutan niyang bumangon ang mga kalagayan na magsisiwalat ng ating tunay na mga motibo at kalagayan ng puso. (Hebreo 4:12, 13; Santiago 1:22-25) Dapat nating malugod na tanggapin ang gayong mga pagsubok sapagkat binibigyan tayo ng mga ito ng pagkakataong ipakita ang lalim ng ating katapatan kay Jehova. Maipakikita ng mga ito kung tayo ay “ganap at malusog sa lahat ng bagay, na hindi nagkukulang ng anuman.” (Santiago 1:2-4) At habang sinusubok tayo, maaari tayong sumulong sa espirituwal.—Efeso 4:22-24.
9. Opsyonal lamang ba na patunayan sa ating sarili ang katotohanan sa Bibliya? Ipaliwanag.
9 Patunayan mo sa iyong sarili ang katotohanan sa Bibliya. Maaaring lumabo sa isipan natin ang ating pagkakakilanlan bilang mga lingkod ni Jehova kung hindi matatag na nakasalig ang ating pagkakakilanlan sa kaalaman sa Kasulatan. (Filipos 1:9, 10) Bata man o matanda, kailangang mapatunayan ng bawat Kristiyano sa kaniyang sarili na ang kaniyang pinaniniwalaan ay siya ngang katotohanan na masusumpungan sa Bibliya. Hinimok ni Pablo ang kaniyang mga kapananampalataya: “Tiyakin ninyo ang lahat ng bagay; manghawakan kayong mahigpit sa kung ano ang mainam.” (1 Tesalonica 5:21) Dapat matanto ng mga kabataang Kristiyano na kabilang sa mga pamilyang may takot sa Diyos na hindi sila maaaring maging tunay na mga Kristiyano dahil lamang sa pananampalataya ng kanilang mga magulang. Hinikayat si Solomon ng kaniyang ama, si David, na ‘kilalanin ang Diyos ng kaniyang ama at maglingkod sa Kaniya nang may sakdal na puso.’ (1 Cronica 28:9) Hindi sapat para sa batang si Solomon na masaksihan kung paano nalinang ng kaniyang sariling ama ang pananampalataya nito kay Jehova. Kailangan niyang kilalanin mismo si Jehova, at gayon nga ang ginawa niya. Nagsumamo siya sa Diyos: “Bigyan mo ako ngayon ng karunungan at kaalaman upang ako ay makalabas sa harap ng bayang ito at upang ako ay makapasok.”—2 Cronica 1:10.
10. Bakit walang masama sa pagbabangon ng taimtim na mga tanong nang may tamang motibo?
10 Ang matibay na pananampalataya ay nakasalig sa kaalaman. “Ang pananampalataya ay kasunod ng bagay na narinig,” ang sabi ni Pablo. (Roma 10:17) Ano ang ibig niyang sabihin? Ibig niyang sabihin na sa pamamagitan ng pagbabasa ng Salita ng Diyos, napatitibay natin ang ating pananampalataya at pananalig kay Jehova, sa kaniyang mga pangako, at sa kaniyang organisasyon. Ang pagbabangon ng taimtim na mga tanong tungkol sa Bibliya ay umaakay sa nakapagpapatibay na mga sagot. Bukod dito, mababasa natin ang payo ni Pablo sa Roma 12:2: ‘Patunayan ninyo sa inyong sarili ang mabuti at kaayaaya at sakdal na kalooban ng Diyos.’ Paano natin ito magagawa? Sa pamamagitan ng pagkuha ng “tumpak na kaalaman sa katotohanan.” (Tito 1:1) Tutulungan tayo ng espiritu ni Jehova upang maunawaan maging ang mahihirap na paksa. (1 Corinto 2:11, 12) Dapat tayong humingi ng tulong sa Diyos sa panalangin kapag hindi natin maunawaan ang isang bagay. (Awit 119:10, 11, 27) Nais ni Jehova na maunawaan, paniwalaan, at sundin natin ang kaniyang Salita. Malugod niyang tinatanggap ang taimtim na mga tanong na ibinangon nang may tamang motibo.
Maging Determinadong Palugdan ang Diyos
11. (a) Anong likas na hangarin ang maaaring sumilo sa atin? (b) Paano tayo makapag-iipon ng lakas ng loob upang malabanan ang panggigipit ng kasamahan?
11 Sikaping palugdan ang Diyos, hindi ang tao. Sa isang antas, likas lamang na mahubog tayo ng grupong kinabibilangan natin. Kailangan ng lahat ang mga kaibigan, at nasisiyahan tayo kapag tinatanggap tayo ng iba. Sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga—gayundin sa ating pagtanda—maaaring maging napakalakas ng panggigipit ng kasamahan, anupat lumilikha ng masidhing hangarin na tularan o palugdan ang iba. Subalit hindi palaging iniisip ng ating mga kaibigan at kasamahan kung ano ang pinakamabuti para sa atin. Kung minsan, nais lamang nila na may makasama sila sa paggawa ng mali. (Kawikaan 1:11-19) Kapag nagpadaig ang isang Kristiyano sa masamang panggigipit ng kasamahan, kadalasang itinatago niya kung sino siya. (Awit 26:4) “Huwag ninyong tularan ang paggawi ng sanlibutan sa paligid ninyo,” ang babala ni apostol Pablo. (Roma 12:2, The Jerusalem Bible) Si Jehova ay naglalaan ng panloob na lakas na kailangan natin upang mapaglabanan ang anumang panggigipit sa labas na tumulad sa sanlibutan.—Hebreo 13:6.
12. Anong simulain at anong halimbawa ang magpapatibay sa atin na manindigan kapag nasasangkot ang ating pagtitiwala sa Diyos?
12 Kapag nanganganib ang ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano dahil sa panggigipit sa labas, makabubuting alalahanin na ang ating katapatan sa Diyos ay di-hamak na mas mahalaga kaysa sa opinyon ng madla o kalakaran ng karamihan. Ang mga salita sa Exodo 23:2 ay nakapagsasanggalang na simulain: “Huwag kang susunod sa karamihan ukol sa masasamang pakay.” Nang pag-alinlanganan ng karamihan sa kapuwa niya Israelita ang kakayahan ni Jehova na tuparin ang Kaniyang mga pangako, matatag na tumanggi si Caleb na magpadala sa karamihan. Nakatitiyak siyang mapagkakatiwalaan ang mga pangako ng Diyos, at sagana siyang ginantimpalaan sa kaniyang paninindigan. (Bilang 13:30; Josue 14:6-11) Handa mo rin bang labanan ang panggigipit ng opinyon ng karamihan upang maingatan ang iyong kaugnayan sa Diyos?
13. Bakit isang matalinong landasin ang ipaalam sa iba na tayo ay mga Kristiyano?
13 Ipaalam mo sa iba na Kristiyano ka. Totoo ang kasabihang ang pinakamainam na depensa ay ang mahusay na pagsalakay kapag ipinagsasanggalang natin ang ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano. Noong mapaharap ang tapat na mga Israelita sa pagsalansang nang sikapin nilang gawin ang kalooban ni Jehova noong panahon ni Ezra, sinabi nila: “Kami ang mga lingkod ng Diyos ng langit at ng lupa.” (Ezra 5:11) Kapag naapektuhan tayo ng mga reaksiyon at pamumuna ng sumasalansang na mga tao, baka hindi na tayo kumilos dahil sa takot. Mababawasan ang ating pagiging mabisa kung lagi nating sisikaping palugdan ang lahat. Kaya huwag kang matakot. Laging makabubuti kung malinaw mong ipaaalam sa iba na isa kang Saksi ni Jehova. Sa magalang ngunit matatag na paraan, maipaliliwanag mo sa iba ang iyong mga pamantayan, ang iyong mga paniniwala, at ang iyong paninindigan bilang Kristiyano. Ipaalam mo sa iba na determinado kang sundin ang matataas na pamantayan ni Jehova hinggil sa mga usapin sa moralidad. Linawin mo na hindi mo ikokompromiso ang iyong katapatan bilang Kristiyano. Ipakita mong hindi mo ikinahihiya ang iyong mga pamantayang moral. (Awit 64:10) Ang pananatiling naiiba bilang matatag na Kristiyano ay magpapatibay sa iyo, magsasanggalang sa iyo, at maaaring magtulak pa nga sa ilan na magtanong tungkol kay Jehova at sa kaniyang bayan.
14. Dapat ba tayong masiraan ng loob dahil sa panunuya o pagsalansang? Ipaliwanag.
14 Oo, baka tuyain o salansangin ka ng ilan. (Judas 18) Kung hindi maganda ang pagtugon ng iba sa iyong mga pagsisikap na ipaliwanag ang iyong mga pamantayan sa kanila, huwag masiraan ng loob. (Ezekiel 3:7, 8) Gaano man katatag ang iyong determinasyon, hindi mo makukumbinsi ang mga taong ayaw magpakumbinsi. Alalahanin si Paraon. Walang salot o himala—kahit pa ang kamatayan ng kaniyang sariling panganay na anak—ang humikayat kay Paraon upang maniwala na nagsasalita si Moises para kay Jehova. Kaya naman, huwag mong hayaang pigilan kang kumilos ng takot sa tao. Ang pagtitiwala at pananampalataya sa Diyos ay makatutulong sa atin na daigin ang takot.—Kawikaan 3:5, 6; 29:25.
Matuto sa Nakaraan, Maghanda Para sa Hinaharap
15, 16. (a) Ano ang ating espirituwal na pamana? (b) Paano tayo makikinabang sa pagmumuni-muni sa ating espirituwal na pamana sa liwanag ng Salita ng Diyos?
15 Mahalin ang iyong espirituwal na pamana. Sa liwanag ng Salita ng Diyos, makikinabang ang mga Kristiyano sa pagmumuni-muni sa kanilang mayamang espirituwal na pamana. Kabilang sa pamanang ito ang katotohanan sa Salita ni Jehova, ang pag-asa na buhay na walang hanggan, at ang karangalang katawanin ang Diyos bilang mga tagapaghayag ng mabuting balita. Nakikita mo ba ang iyong dako sa gitna ng kaniyang mga Saksi, sa pinagpalang grupo ng mga tao na inatasan sa nagliligtas-buhay na gawaing pangangaral ng Kaharian? Tandaan, si Jehova mismo ang nagsabi: “Kayo ang aking mga saksi.”—Isaias 43:10.
Awit 91:1, 2) Maidiriin sa atin ng pagrerepaso sa mahahalagang pangyayari sa makabagong-panahong kasaysayan ng organisasyon ni Jehova na walang tao o bagay na makalilipol sa bayan ni Jehova sa ibabaw ng lupa.—Isaias 54:17; Jeremias 1:19.
16 Maaari mong itanong sa iyong sarili ang mga bagay na ito: ‘Gaano ba kahalaga sa akin ang espirituwal na pamanang ito? Pinahahalagahan ko ba ito nang husto anupat inuuna ko sa aking buhay ang paggawa ng kalooban ng Diyos? Sapat ba ang aking pagpapahalaga rito upang patibayin ako na labanan ang anumang tukso na maaaring umakay sa akin na maiwala ito?’ Ang ating espirituwal na pamana ay magpapadama rin sa atin ng masidhing espirituwal na katiwasayan na matatamasa lamang sa loob ng organisasyon ni Jehova. (17. Ano pa ang kailangan bukod sa umasa lamang sa ating espirituwal na pamana?
17 Sabihin pa, hindi tayo maaaring umasa na lamang sa ating espirituwal na pamana. Dapat linangin ng bawat isa sa atin ang matalik na kaugnayan sa Diyos. Pagkatapos magpagal ni Pablo upang patibayin ang pananampalataya ng mga Kristiyano sa Filipos, sumulat siya sa kanila: “Dahil dito, mga minamahal ko, kung paanong kayo ay laging sumusunod, hindi lamang kapag naririyan ako, kundi lalo pa ngang higit ngayon na wala ako riyan, patuloy kayong gumawa ukol sa inyong sariling kaligtasan nang may takot at panginginig.” (Filipos 2:12) Hindi tayo makaaasa sa iba para sa ating kaligtasan.
18. Sa anong paraan napatitingkad ng mga gawaing Kristiyano ang ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano?
18 Magpakaabala sa mga gawaing Kristiyano. Sinasabing “hinuhubog ng trabaho ang pagkatao ng isa.” Inatasan ang mga Kristiyano sa ngayon na ganapin ang napakahalagang gawaing pangangaral ng mabuting balita ng itinatag na Kaharian ng Diyos. Sinabi ni Pablo: “Yamang ako, sa katunayan, ay isang apostol sa mga bansa, niluluwalhati ko ang aking ministeryo.” (Roma 11:13) Naiiba tayo sa sanlibutan dahil sa ating gawaing pangangaral, at pinatitingkad ng pakikibahagi natin dito ang ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano. Ang pagiging abala sa iba pang teokratikong gawain, tulad ng Kristiyanong mga pagpupulong, mga programa sa pagtatayo ng mga dako ng pagsamba, pagsisikap na tulungan ang mga nangangailangan, at iba pang tulad nito, ay lalong magkikintal sa ating isipan na tayo ay mga Kristiyano.—Galacia 6:9, 10; Hebreo 10:23, 24.
Nagdudulot ng Tunay na mga Pagpapala ang Malinaw na Pagkakakilanlan Natin Bilang mga Kristiyano
19, 20. (a) Anu-anong pakinabang ang personal mong natatamasa dahil sa pagiging Kristiyano? (b) Sa ano nakasalig ang tunay na pagkakakilanlan natin?
19 Sandaling bulay-bulayin ang maraming pakinabang at bentahang natatamasa natin dahil tayo ay tunay na mga Kristiyano. Taglay natin ang pribilehiyo na personal tayong kinikilala ni Jehova. Sinabi ni propeta Malakias: “Nagsalita sa isa’t isa yaong mga natatakot kay Jehova, bawat isa ay sa kaniyang kasamahan, at si Jehova ay patuloy na nagbigay-pansin at nakinig. At isang aklat ng alaala ang pinasimulang isulat sa harap niya para sa mga natatakot kay Jehova at para sa mga palaisip sa kaniyang pangalan.” (Malakias 3:16) Maaari tayong ituring ng Diyos na kaniyang mga kaibigan. (Santiago 2:23) Gumaganda ang ating buhay yamang nagkakaroon ito ng malinaw na layunin, malalim na kahulugan, at kasiya-siya at mabungang mga tunguhin. At binigyan tayo ng pag-asa na walang-hanggang kinabukasan.—Awit 37:9.
20 Tandaan na ang iyong tunay na pagkakakilanlan at ang halaga mo bilang tao ay nakasalalay sa pagtaya ng Diyos, hindi sa kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sa iyo. Baka hatulan tayo ng iba ayon sa nakabababang mga pamantayan ng tao. Subalit ang nagbibigay sa atin ng tunay na halaga ay ang pag-ibig at personal na interes ng Diyos—yamang nauukol tayo sa kaniya. (Mateo 10:29-31) Ang pag-ibig naman natin sa Diyos ang magiging pinakamahalagang salik upang maging maliwanag sa isipan natin ang ating pagkakakilanlan at ito ang magbibigay ng pinakamalinaw na direksiyon sa ating buhay. “Kung iniibig ng sinuman ang Diyos, ang isang ito ay kilala niya.”—1 Corinto 8:3.
[Talababa]
^ par. 4 Ang mga salitang ito ay maaaring tumutukoy sa mga tungkulin ng opisyal sa gulod ng templo sa Jerusalem. Sa pagbabantay sa gabi, lumilibot siya sa templo upang tingnan kung ang mga bantay na Levita ay gising o tulog sa kanilang mga puwesto. Ang sinumang bantay na nasumpungang natutulog ay pinaghahahampas ng patpat, at maaaring sunugin ang kaniyang mga panlabas na kasuutan bilang nakahihiyang kaparusahan.
Naaalaala Mo Ba?
• Bakit napakahalaga para sa mga Kristiyano na ingatan ang kanilang pagkakakilanlan?
• Paano natin mapatutunayan sa ating sarili ang ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano?
• Kapag kinailangang pumili kung sino ang ating palulugdan, anu-anong salik ang tutulong sa atin upang makapagpasiya nang tama?
• Paano naaapektuhan ng ating malinaw na pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano ang ating kinabukasan?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 21]
Maaaring patingkarin ng pagiging abala natin sa mga gawaing Kristiyano ang ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano