Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Ginagayakan ng Mabuting Paggawi ang Turo ng Diyos’

‘Ginagayakan ng Mabuting Paggawi ang Turo ng Diyos’

‘Ginagayakan ng Mabuting Paggawi ang Turo ng Diyos’

MAHUSAY umawit ang kabataang si Maria na taga-Kransnoyarsk, Russia, kaya isinali siya ng kaniyang guro sa koro ng paaralan. Di-nagtagal pagkatapos nito, magalang na lumapit si Maria sa isa sa kaniyang mga guro upang ipaliwanag na hindi niya maaaring kantahin ang ilang awitin. Bakit? Dahil salungat sa kaniyang mga paniniwala sa Bibliya ang pag-awit ng mga awiting may kinalaman sa relihiyon. Palibhasa’y nabigla, nagtanong ang guro, ‘Ano naman ang mali sa pagluwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng awitin?’

Upang ipakita ang dahilan kung bakit ayaw niyang kumanta ng awitin hinggil sa Trinitaryong Diyos, binuklat ni Maria ang kaniyang Bibliya at ipinaliwanag na ang Diyos at si Jesu-Kristo ay hindi iisang Diyos at na ang banal na espiritu ay ang aktibong puwersa ng Diyos. (Mateo 26:39; Juan 14:28; Gawa 4:31) Sinabi ni Maria: “Hindi naapektuhan ang ugnayan namin ng aking guro. Sa pangkalahatan, napakabait ng aming mga guro sa paaralan. Gusto nilang maging tapat kami.”

Sa loob ng isang taóng panuruan, natamo ni Maria ang paggalang ng kaniyang mga guro at kamag-aral dahil sa kaniyang paninindigan. Ganito ang sabi ni Maria: “Nakatulong sa buhay ko ang mga simulain sa Bibliya. Sa pagtatapos ng taóng panuruan, tumanggap ako ng parangal sa pagiging matapat at masinop, samantalang ang mga magulang ko naman ay tumanggap ng opisyal na liham ng pasasalamat mula sa aming paaralan dahil sa mahusay na pagpapalaki sa kanilang anak na babae.”

Nabautismuhan si Maria noong Agosto 18, 2001. Ganito ang sabi niya: “Maligaya ako dahil makapaglilingkod ako sa kamangha-manghang Diyos na gaya ni Jehova!” Tinutupad ng mga kabataang Saksi ni Jehova sa buong daigdig ang mga salita sa Tito 2:10, kung saan mababasa natin: “Gayakan ang turo ng ating Tagapagligtas, ang Diyos, sa lahat ng bagay.”

[Larawan sa pahina 32]

Liham ng pasasalamat at sertipiko ng pagpapahalaga

[Larawan sa pahina 32]

Si Maria at ang kaniyang mga magulang pagkatapos ng kaniyang bautismo