Matalinong Patnubay Para sa mga Mag-asawa
Matalinong Patnubay Para sa mga Mag-asawa
“Ang mga asawang babae ay magpasakop sa kani-kanilang asawang lalaki gaya ng sa Panginoon. Mga asawang lalaki, patuloy na ibigin ang inyu-inyong asawang babae.”—EFESO 5:22, 25.
1. Ano ang tamang pangmalas sa pag-aasawa?
SINABI ni Jesus na ang pag-aasawa ay pagbubuklod ng Diyos sa isang lalaki at babae upang sila ay maging “isang laman.” (Mateo 19:5, 6) Nasasangkot dito ang dalawang tao na may magkaibang personalidad, anupat pinag-aaralang malinang ang magkakatulad na mga hilig at nagpapagal nang magkasama sa magkakatulad na mga tunguhin. Habang-buhay na panata ang pag-aasawa, hindi isang pansamantalang kasunduan na madaling talikuran. Madaling magdiborsiyo sa maraming bansa, pero sa paningin ng isang Kristiyano, sagrado ang ugnayan ng mag-asawa. Winawakasan ito tangi lamang sa isang napakabigat na dahilan.—Mateo 19:9.
2. (a) Anong tulong ang mapapakinabangan ng mga mag-asawa? (b) Bakit mahalagang magsikap na gawing matagumpay ang pag-aasawa?
2 Ganito ang sinabi ng isang tagapayo sa pag-aasawa: “Ang mabuting pag-aasawa ay isang proseso ng patuluyang pagbabago habang lumilitaw rito ang bagong mga usapin, hinaharap nito ang bumabangong mga problema, at ginagamit nito ang mahahalagang bagay na mapapakinabangan sa bawat yugto ng buhay.” Para sa mga asawang Kristiyano, kasama sa mahahalagang bagay na ito ang matalinong payo mula sa Bibliya, suporta ng mga kapuwa Kristiyano, at isang malapít na kaugnayan kay Jehova sa pamamagitan ng panalangin. Nagtatagal ang matagumpay na pag-aasawa, at sa paglipas ng panahon, nagdudulot ito ng kaligayahan at Genesis 2:18, 21-24; 1 Corinto 10:31; Efeso 3:15; 1 Tesalonica 5:17.
kakontentuhan sa mag-asawa. Higit na mahalaga, pinararangalan nito ang Diyos na Jehova, ang Tagapagpasimula ng pag-aasawa.—Tularan si Jesus at ang Kaniyang Kongregasyon
3. (a) Ibuod ang payo ni Pablo sa mga mag-asawa. (b) Anong mainam na halimbawa ang ipinakita ni Jesus?
3 Dalawang libong taon na ang nakalilipas, nagbigay ng matalinong payo si apostol Pablo sa mga mag-asawang Kristiyano nang sumulat siya: “Kung paanong ang kongregasyon ay nagpapasakop sa Kristo, maging gayundin ang mga asawang babae sa kani-kanilang asawang lalaki sa bawat bagay. Mga asawang lalaki, patuloy na ibigin ang inyu-inyong asawang babae, kung paanong inibig din ng Kristo ang kongregasyon at ibinigay ang kaniyang sarili ukol dito.” (Efeso 5:24, 25) Kay-inam na mga paghahambing ang binanggit dito! Ang mga Kristiyanong asawang babae na nananatiling mapagpakumbabang nagpapasakop sa kanilang mga asawang lalaki ay tumutulad sa kongregasyon sa pagkilala at pagsunod sa simulain ng pagkaulo. Ipinakikita naman ng nananampalatayang mga asawang lalaki na patuloy na umiibig sa kanilang asawa, sa kaayaaya o mahirap na panahon, na maingat nilang sinusunod ang halimbawa ni Kristo sa pag-ibig at pag-aalaga sa kongregasyon.
4. Paano matutularan ng mga asawang lalaki ang halimbawa ni Jesus?
4 Ang mga Kristiyanong asawang lalaki ang ulo ng kanilang pamilya, ngunit sila rin ay may ulo, si Jesus. (1 Corinto 11:3) Samakatuwid, kung paanong pinangalagaan ni Jesus ang kaniyang kongregasyon, maibigin ding pinangangalagaan ng mga asawang lalaki ang kanilang pamilya sa espirituwal at pisikal na paraan, kahit na mangahulugan pa ito ng pagsasakripisyo sa sarili. Inuuna nila ang kapakanan ng kanilang pamilya sa halip na ang sarili nilang mga hangarin at kagustuhan. Sinabi ni Jesus: “Lahat ng mga bagay, kung gayon, na ibig ninyong gawin ng mga tao sa inyo, gayundin ang dapat ninyong gawin sa kanila.” (Mateo 7:12) Ang simulaing iyan ay lalo nang kumakapit sa pag-aasawa. Ipinakita ito ni Pablo nang sabihin niya: “Dapat ibigin ng mga asawang lalaki ang kani-kanilang asawang babae na gaya ng sa kanilang sariling mga katawan. . . . Walang taong napoot kailanman sa kaniyang sariling laman; kundi pinakakain at inaaruga niya ito.” (Efeso 5:28, 29) Dapat na masikap na pakainin at arugain ng lalaki ang kaniyang asawa kung paanong masikap niyang pinakakain at inaaruga ang kaniyang sarili.
5. Paano matutularan ng mga asawang babae ang kongregasyong Kristiyano?
5 Ang kongregasyong Kristiyano ang tinitingnang huwaran ng makadiyos na mga asawang babae. Noong si Jesus ay nasa lupa, malugod na tinalikuran ng kaniyang mga tagasunod ang kanilang dating mga hanapbuhay at sinundan siya. Nang mamatay siya, patuloy silang nagpasakop sa kaniya, at pagkalipas ng halos 2,000 taon, ang tunay na kongregasyong Kristiyano ay nagpapasakop pa rin kay Jesus at sumusunod sa kaniyang pangunguna sa lahat ng bagay. Sa katulad na paraan, hindi hinahamak ng mga Kristiyanong asawang babae ang kanilang asawa ni minamaliit man nila ang maka-Kasulatang kaayusan ng pagkaulo sa pag-aasawa. Sa halip, sinusuportahan nila at nagpapasakop sila sa kanilang asawa, nakikipagtulungan sa mga ito, at sa gayo’y pinasisigla ang mga ito. Kapag kumikilos kapuwa ang asawang lalaki at asawang babae sa ganitong maibiging paraan, magtatagumpay ang kanilang pag-aasawa at pareho silang makasusumpong ng kagalakan sa kanilang ugnayan.
Patuloy na Manahanang Kasama Nila
6. Anong payo ang ibinigay ni Pedro sa mga asawang lalaki, at bakit ito mahalaga?
6 May payo rin si apostol Pedro para sa mga mag-asawa, 1 Pedro 3:7) Ang kahalagahan ng payo ni Pedro ay makikita sa huling mga salita ng talatang iyon. Kapag nabigong parangalan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa, maaapektuhan ang kaugnayan niya kay Jehova. Mahahadlangan ang kaniyang mga panalangin.
at higit na nakatuon sa mga asawang lalaki ang kaniyang mga salita. Sinabi niya: “Patuloy na manahanang kasama [ng inyong asawang babae] sa katulad na paraan ayon sa kaalaman, na pinag-uukulan sila ng karangalang gaya ng sa isang mas mahinang sisidlan, yaong may katangiang pambabae, yamang kayo ay mga tagapagmana ring kasama nila ng di-sana-nararapat na biyaya ng buhay, upang hindi mahadlangan ang inyong mga panalangin.” (7. Paano dapat parangalan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa?
7 Kung gayon, paano makapag-uukol ng karangalan ang mga asawang lalaki sa kanilang asawa? Ang ibig sabihin ng parangalan ang asawang babae ay pakitunguhan siya nang may pag-ibig, paggalang at dignidad. Ang gayong mabait na pakikitungo sa asawang babae ay waring di-pangkaraniwan sa marami. Ganito ang isinulat ng isang Griegong iskolar: “Walang mga karapatan ang babae sa batas ng Roma. Ang legal na mga karapatan niya’y kagaya ng sa mga bata. . . . Lubusan siyang nasa ilalim ng kaniyang asawang lalaki, at ganap na kontrolado nito.” Kaylaking kaibahan nito sa mga turong Kristiyano! Pinararangalan ng Kristiyanong asawang lalaki ang kaniyang asawa. Ang pakikitungo niya sa kaniyang asawa ay ginagabayan ng mga simulaing Kristiyano, hindi ng personal na mga kapritso. Karagdagan pa, nagpapakita siya ng konsiderasyon “ayon sa kaalaman,” anupat itinuturing siyang isang mas mahinang sisidlan.
Sa Anong Paraan “Isang Mas Mahinang Sisidlan”?
8, 9. Sa anu-anong paraan kapantay ng mga babae ang mga lalaki?
8 Nang banggitin ni Pedro na ang babae ay “isang mas mahinang sisidlan,” hindi niya ibig sabihin na ang mga babae ay mas mahina sa mga lalaki sa intelektuwal o espirituwal na paraan. Totoo, maraming lalaking Kristiyano ang may mga pribilehiyo sa kongregasyon na hindi inaasahang taglayin ng mga babae, at sa pamilya, ang mga babae ay dapat magpasakop sa kanilang asawa. (1 Corinto 14:35; 1 Timoteo 2:12) Gayunpaman, hinihiling sa lahat, sa mga lalaki at babae, ang iisang pananampalataya, pagbabata, at mataas na pamantayang moral. At gaya ng sinabi ni Pedro, silang mag-asawa ay kapuwa “mga tagapagmana . . . ng di-sana-nararapat na biyaya ng buhay.” Pantay-pantay ang kanilang katayuan sa harap ng Diyos na Jehova pagdating sa kaligtasan. (Galacia 3:28) Ang pinahirang mga Kristiyano noong unang siglo ang sinulatan ni Pedro. Samakatuwid, ipinaalaala ng kaniyang mga pananalita sa mga Kristiyanong asawang lalaki na bilang “mga kasamang tagapagmana ni Kristo,” sila at ang kanilang asawa ay may iisang makalangit na pag-asa. (Roma 8:17) Balang araw, pareho silang maglilingkod bilang mga saserdote at hari sa makalangit na Kaharian ng Diyos!—Apocalipsis 5:10.
9 Tiyak na hindi nakabababa ang pinahirang mga Kristiyanong asawang babae sa kanilang pinahirang mga asawang Kristiyano. At sa simulain, totoo rin ito sa mga may pag-asa sa lupa. Nilabhan kapuwa ng mga lalaki at babae ng “malaking pulutong” ang kanilang mahahabang damit at pinaputi ang mga iyon sa dugo ng Kordero. Nakikibahagi kapuwa ang mga lalaki at babae sa pandaigdig na sigaw ng papuri kay Jehova “araw at gabi.” (Apocalipsis 7:9, 10, 14, 15) Umaasa kapuwa ang mga lalaki at babae na kanilang tatamasahin ang “maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos,” sa panahong malulugod sila sa “tunay na buhay.” (Roma 8:21; 1 Timoteo 6:19) Kabilang man sila sa pinahiran o sa ibang mga tupa, ang lahat ng Kristiyano ay sama-samang naglilingkod kay Jehova bilang “isang kawan” sa ilalim ng “isang pastol.” (Juan 10:16) Tunay na isang nakakukumbinsing dahilan para sa mga mag-asawang Kristiyano na magpakita ng kaukulang karangalan sa isa’t isa!
10. Sa anong diwa ‘mas mahihinang sisidlan’ ang mga babae?
10 Kung gayon, sa anong paraan ‘mas mahihinang sisidlan’ ang mga babae? Marahil, tinutukoy ni Pedro ang katotohanan na sa pangkalahatan, ang mga babae ay mas maliliit at mas mahihina ang pangangatawan kung ihahambing sa mga lalaki. Bukod dito, dahil sa ating di-sakdal na kalagayan, ang kahanga-hangang pribilehiyo na magsilang ng anak ay nakaaapekto sa kalusugan ng mga babae. Ang mga babaing nasa edad na upang magdalang-tao ay maaaring regular na makaranas ng pisikal na mga karamdaman. Tiyak na kailangan nila ng pantanging pangangalaga at konsiderasyon kapag nararanasan nila ang gayong mga hirap o binabata ang nakauubos-lakas na pagdadalang-tao at panganganak. Ang asawang lalaki na nag-uukol ng karangalan sa kaniyang asawa, anupat kinikilala ang suportang kinakailangan nito, ay may malaking maitutulong sa ikatatagumpay ng kanilang pag-aasawa.
Sa Sambahayang Nababahagi Dahil sa Relihiyon
11. Sa anong diwa makapagtatagumpay ang pag-aasawa kahit na magkaiba ng relihiyon ang mag-asawa?
11 Subalit paano kung ang mag-asawa ay may magkaibang pangmalas sa relihiyon sapagkat tinanggap ng isa ang Kristiyanong katotohanan noong nakapag-asawa na siya at hindi naman tinanggap ng kaniyang kabiyak ang katotohanan? Makapagtatagumpay kaya ang gayong pag-aasawa? Ang karanasan ng marami ang sumasagot ng oo. Ang mag-asawang may magkaibang pangmalas sa relihiyon ay maaari pa ring magtagumpay bilang mag-asawa sa diwa na maaari itong magtagal at magdulot ng kaligayahan sa kanilang dalawa. Tutal, may bisa pa rin naman ang kanilang pag-aasawa sa paningin ni Jehova; sila pa rin ay “isang laman.” Kaya naman, ang mga Kristiyanong kabiyak ay pinapayuhang 1 Corinto 7:12-14.
manatili sa kanilang di-sumasampalatayang asawa kung nais ng asawang iyon na manatiling kasama niya. Kung may mga anak sila, nakikinabang ang mga ito sa katapatan ng Kristiyanong magulang.—12, 13. Sa pagsunod sa payo ni Pedro, paano matutulungan ng mga Kristiyanong asawang babae ang kanilang di-sumasampalatayang asawa?
12 May-kabaitang nagbigay si Pedro ng payo sa mga babaing Kristiyano na naninirahan sa mga sambahayang nababahagi dahil sa relihiyon. Maikakapit din ng mga Kristiyanong asawang lalaki na nasa gayunding situwasyon ang simulain ng kaniyang mga salita. Sumulat si Pedro: “Kayong mga asawang babae, magpasakop kayo sa inyu-inyong asawang lalaki, upang, kung ang sinuman ay hindi masunurin sa salita, mawagi sila nang walang salita sa pamamagitan ng paggawi ng kani-kanilang asawang babae, dahil sa pagiging mga saksi sa inyong malinis na paggawi na may kalakip na matinding paggalang.”—1 Pedro 3:1, 2.
13 Mabuti naman kung mataktikang maipaliliwanag ng asawang babae sa kaniyang asawa ang kaniyang pananampalataya. Pero paano kung ayaw makinig ng kaniyang asawa? Pasiya niya iyon. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na wala nang pag-asa yamang ang paggawing Kristiyano ay nakapagbibigay rin ng napakabisang patotoo. Maraming asawang lalaki na dati’y hindi interesado o sumasalansang pa nga sa pananampalataya ng kanilang asawa ang naging “wastong nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan” pagkatapos mapansin ang mainam na paggawi ng kanilang asawa. (Gawa 13:48) Kahit na hindi tanggapin ng asawang lalaki ang Kristiyanong katotohanan, maaari pa rin siyang mapahanga nang may pagsang-ayon sa paggawi ng kaniyang asawa, na magdudulot naman ng magagandang resulta sa pag-aasawa. Isang lalaki na ang asawa ay isang Saksi ni Jehova ang umamin na hindi niya kailanman maaabot ang matataas na pamantayan ng mga Saksi. Gayunpaman, tinawag pa rin niya ang kaniyang sarili bilang “maligayang asawang lalaki ng isang kaakit-akit na kabiyak” at taimtim na pinapurihan ang kaniyang asawa at ang mga kapuwa Saksi nito sa kaniyang liham sa isang pahayagan.
14. Paano matutulungan ng mga asawang lalaki ang kanilang di-sumasampalatayang asawang babae?
14 Nawagi rin naman ng mga Kristiyanong asawang lalaki na nagkapit sa mga simulain ng mga salita ni Pedro ang kanilang asawa dahil sa paggawi nila. Nakita ng di-sumasampalatayang mga asawang babae ang kanilang asawa na naging responsable, huminto sa pagwawaldas ng pera sa paninigarilyo, pag-inom, at pagsusugal at tumigil na sa paggamit ng mapang-abusong pananalita. Nakilala ng ilan sa mga asawang babaing iyon ang ibang mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano. Napahanga sila sa maibiging Kristiyanong kapatiran, at napakilos silang lumapit kay Jehova dahil sa nakita nila sa mga kapatid.—Juan 13:34, 35.
“Ang Lihim na Pagkatao ng Puso”
15, 16. Anong paggawi ng Kristiyanong asawang babae ang maaaring maging dahilan upang mawagi ang kaniyang di-sumasampalatayang asawa?
15 Anong uri ng paggawi ang maaaring maging dahilan upang mawagi ang asawang lalaki? Ang totoo, ito ay ang paggawi na likas na nililinang ng mga babaing Kristiyano. Sinabi ni Pedro: “Ang inyong kagayakan ay huwag yaong panlabas na pagtitirintas ng buhok at ang pagsusuot ng mga gintong palamuti o ang pagbibihis ng mga panlabas na kasuutan, kundi ang lihim na pagkatao ng puso sa walang-kasiraang kasuutan ng tahimik at mahinahong espiritu, na malaki ang halaga sa paningin ng Diyos. Sapagkat noong una, gayundin naggagayak ng kanilang sarili ang mga babaing banal na umaasa sa Diyos, na nagpapasakop sa kani-kanilang asawang lalaki, gaya ng pagsunod noon ni Sara kay Abraham, na tinatawag itong ‘panginoon.’ At kayo ay naging mga anak niya, kung patuloy kayong gumagawa ng mabuti at hindi natatakot sa anumang sanhi ng kakilabutan.”—1 Pedro 3:3-6.
16 Pinayuhan ni Pedro ang isang babaing Kristiyano na huwag umasa sa panlabas na hitsura. Sa halip, dapat niyang hayaan na makita ng kaniyang asawang lalaki ang epekto ng mga turo ng Bibliya sa kaniyang pagkatao. Dapat niyang hayaan na makita sa kaniya ng kaniyang asawa ang bagong personalidad. Marahil ay ihahambing ito ng asawang lalaki sa dating personalidad ng kaniyang asawa. (Efeso 4:22-24) Tiyak na makikita ng asawang lalaki na nakagiginhawa at kaakit-akit ang “tahimik at mahinahong espiritu” ng kaniyang asawa. Hindi lamang nakalulugod sa asawang lalaki ang gayong espiritu kundi “malaki ang halaga [nito] sa paningin ng Diyos.”—Colosas 3:12.
17. Bakit isang mainam na halimbawa si Sara para sa mga Kristiyanong asawang babae?
17 Binabanggit si Sara bilang isang huwaran, at isang karapat-dapat na halimbawa sa mga Kristiyanong asawang babae, sumasampalataya man ang kanilang asawa o hindi. Walang alinlangan na Genesis 18:12) Subalit hindi nito nabawasan ang kaniyang dignidad. Dahil sa kaniya mismong matatag na pananampalataya kay Jehova, maliwanag na isa siyang babae na malakas sa espirituwal. Sa katunayan, kabilang siya sa ‘malaking ulap ng mga saksi’ na ang halimbawa ng pananampalataya ay dapat magpakilos sa atin na “takbuhin . . . nang may pagbabata ang takbuhan na inilagay sa harap natin.” (Hebreo 11:11; 12:1) Hindi nakabababa sa isang Kristiyanong asawang babae ang maging gaya ni Sara.
itinuring ni Sara si Abraham bilang kaniyang ulo. Kahit sa kaniyang puso, tinawag niya si Abraham na kaniyang “panginoon.” (18. Anu-anong simulain ang dapat ikapit sa isang nababahaging sambahayan?
18 Sa isang sambahayang nababahagi dahil sa relihiyon, ang asawang lalaki pa rin ang ulo. Kung siya ang mananampalataya, magpapakita siya ng konsiderasyon sa paniniwala ng kaniyang asawa samantalang hindi naman ikinokompromiso ang kaniya mismong pananampalataya. Kung ang asawang babae naman ang mananampalataya, hindi rin naman niya ikokompromiso ang kaniyang pananampalataya. (Gawa 5:29) Gayunpaman, hindi niya lalabanan ang pagkaulo ng kaniyang asawa. Igagalang niya ang posisyon nito at mananatiling nasa ilalim ng “kautusan ng kaniyang asawa.”—Roma 7:2.
Ang Matalinong Payo ng Bibliya
19. Anu-ano ang ilan sa mga panggigipit na nakapagpapaigting sa buklod ng pag-aasawa, subalit paano malalabanan ang gayong mga panggigipit?
19 Sa ngayon, maraming bagay ang nakapagpapaigting sa buklod ng pag-aasawa. Hindi ginagampanan ng ilang lalaki ang kanilang mga pananagutan. Hindi naman tinatanggap ng ilang babae ang pagkaulo ng kanilang asawa. Sa ilang pag-aasawa, inaabuso ng isang kabiyak ang kaniyang asawa. Para sa mga Kristiyano, maaaring masubok ang kanilang katapatan dahil sa mga problemang pangkabuhayan, di-kasakdalan ng tao, at sa espiritu ng sanlibutan kasama na ang imoralidad at pilipit na mga pamantayan nito. Gayunpaman, ang mga lalaki at babaing Kristiyano na sumusunod sa mga simulain ng Bibliya, anuman ang kanilang situwasyon, ay nakatatanggap ng pagpapala ni Jehova. Mas mabuti pa rin ang kalagayan kahit na isang kabiyak lamang ang nagkakapit ng mga simulain ng Bibliya sa pag-aasawa kaysa sa pareho silang hindi nagkakapit nito. Bukod diyan, iniibig at inaalalayan ni Jehova ang kaniyang mga lingkod na nananatiling tapat sa kanilang panata sa pag-aasawa sa kabila ng mahihirap na kalagayan. Hindi niya nakakalimutan ang kanilang pagkamatapat.—Awit 18:25; Hebreo 6:10; 1 Pedro 3:12.
20. Ano ang payo ni Pedro para sa lahat ng Kristiyano?
20 Pagkatapos payuhan ang mga may asawa, nagtapos si apostol Pedro sa pamamagitan ng magigiliw na salita ng pampatibay-loob. Sinabi niya: “Sa katapus-tapusan, kayong lahat ay magkaroon ng magkakatulad na pag-iisip, na nagpapakita ng pakikipagkapuwa-tao, na may pagmamahal na pangkapatid, mahabagin na may paggiliw, mapagpakumbaba sa pag-iisip, na hindi gumaganti ng pinsala sa pinsala o ng panlalait sa panlalait, kundi, sa kabaligtaran, naggagawad ng pagpapala, sapagkat tinawag kayo sa landasing ito, upang magmana kayo ng pagpapala.” (1 Pedro 3:8, 9) Tunay ngang matalinong payo para sa lahat, lalo na sa mga mag-asawa!
Naaalaala Mo Ba?
• Paano tinutularan ng mga Kristiyanong asawang lalaki si Jesus?
• Paano tinutularan ng mga Kristiyanong asawang babae ang kongregasyon?
• Sa anong paraan mapararangalan ng mga asawang lalaki ang kanilang asawa?
• Ano ang pinakamabuting landasin para sa Kristiyanong asawang babae na ang asawa ay hindi mananampalataya?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 16]
Iniibig at pinangangalagaan ng Kristiyanong asawang lalaki ang kaniyang asawa
Iginagalang at pinararangalan ng Kristiyanong asawang babae ang kaniyang asawa
[Larawan sa pahina 17]
Di-tulad sa batas ng Roma, hinihiling ng mga turong Kristiyano na parangalan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa
[Larawan sa pahina 18]
Kapuwa ang mga lalaki at babae ng “malaking pulutong” ay umaasa sa buhay na walang hanggan sa Paraiso
[Larawan sa pahina 20]
Itinuring ni Sara si Abraham bilang kaniyang panginoon