“Binili Kayo sa Isang Halaga”
“Binili Kayo sa Isang Halaga”
“Binili kayo sa isang halaga. Luwalhatiin nga ninyo ang Diyos.”—1 CORINTO 6:20.
1, 2. (a) Ayon sa Kautusang Mosaiko, paano dapat tratuhin ang mga aliping Israelita? (b) Ano ang maaaring ipasiya ng alipin na umiibig sa kaniyang panginoon?
“ANG pang-aalipin ay laganap at tinatanggap ng marami sa sinaunang daigdig,” ang sabi ng Holman Illustrated Bible Dictionary. Sinasabi pa nito: “Nakasalalay ang ekonomiya ng Ehipto, Gresya, at Roma sa pagtatrabaho ng mga alipin. Noong unang siglo ng panahon ng mga Kristiyano, isa sa bawat tatlo katao sa Italya at isa sa bawat lima katao sa ibang pang bansa ay alipin.”
2 Bagaman may mga alipin din sa sinaunang Israel, tiniyak ng Kautusang Mosaiko na protektado ang mga aliping Hebreo. Halimbawa, kahilingan sa Kautusan na hindi na lalabis sa anim na taon ang paglilingkod ng isang Israelita bilang isang alipin. Sa ikapitong taon, pahihintulutan siyang ‘umalis bilang isa na pinalaya nang walang kabayaran.’ Ngunit ang mga tuntunin hinggil sa pagtrato sa mga alipin ay lubhang makatarungan at makatao anupat ang Kautusan ni Moises ay gumawa ng ganitong kaayusan: “Kung ang alipin ay mapilit na magsasabi, ‘Talagang iniibig ko ang aking panginoon, ang aking asawa at ang aking mga anak; hindi ko nais na umalis bilang isa na pinalaya,’ kung magkagayon ay ilalapit siya ng kaniyang panginoon sa tunay na Diyos at dadalhin siya sa tapat ng pinto o ng poste ng pinto; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga sa pamamagitan ng balibol, at siya ay magiging alipin niya hanggang sa panahong walang Exodo 21:2-6; Levitico 25:42, 43; Deuteronomio 15:12-18.
takda.”—3. (a) Anong uri ng pagkaalipin ang tinanggap ng unang-siglong mga Kristiyano? (b) Ano ang nag-uudyok sa atin upang paglingkuran ang Diyos?
3 Ang kaayusan hinggil sa kusang-loob na pagpapaalipin ay naglaan ng patiunang pagpapaaninaw sa uri ng pagkaalipin na nararanasan ng tunay na mga Kristiyano. Halimbawa, ipinakikilala ng mga manunulat ng Bibliya na sina Pablo, Santiago, Pedro, at Judas na sila ay mga alipin ng Diyos at ni Kristo. (Tito 1:1; Santiago 1:1; 2 Pedro 1:1; Judas 1) Ipinaalaala ni Pablo sa mga Kristiyano sa Tesalonica na sila ay ‘bumaling sa Diyos mula sa kanilang mga idolo upang magpaalipin sa isang buháy at tunay na Diyos.’ (1 Tesalonica 1:9) Ano ang nag-udyok sa mga Kristiyanong iyon upang kusang-loob na magpaalipin sa Diyos? Buweno, ano ba ang nag-udyok sa aliping Israelita upang talikuran ang kaniyang personal na kalayaan? Hindi ba’t pag-ibig sa kaniyang panginoon? Ang Kristiyanong pagkaalipin ay salig sa pag-ibig sa Diyos. Nang makilala at ibigin natin ang tunay at buháy na Diyos, naudyukan tayong paglingkuran siya “nang [ating] buong puso at nang [ating] buong kaluluwa.” (Deuteronomio 10:12, 13) Gayunman, ano ang nasasangkot sa pagiging alipin ng Diyos at ni Kristo? Paano ito nakaaapekto sa ating araw-araw na pamumuhay?
“Gawin Ninyo ang Lahat ng Bagay sa Ikaluluwalhati ng Diyos”
4. Paano tayo nagiging mga alipin ng Diyos at ni Kristo?
4 Ang alipin ay binigyang-kahulugan bilang ‘isang tao na legal na pag-aari ng iba at obligadong sumunod nang walang pasubali.’ Naging legal na pag-aari tayo ni Jehova nang ialay natin ang ating buhay sa kaniya at magpabautismo. “Hindi ninyo pag-aari ang inyong sarili, sapagkat binili kayo sa isang halaga,” ang paliwanag ni apostol Pablo. (1 Corinto 6:19, 20) Siyempre pa, ang halagang iyan ay ang haing pantubos ni Jesu-Kristo, yamang salig diyan kung kaya tinatanggap tayo ng Diyos bilang kaniyang mga lingkod, tayo man ay mga pinahirang Kristiyano o mga kasamahan nila na may makalupang pag-asa. (Efeso 1:7; 2:13; Apocalipsis 5:9) Samakatuwid, mula nang mabautismuhan tayo, “tayo ay kay Jehova” na. (Roma 14:8) Yamang binili tayo sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Jesu-Kristo, tayo rin ay naging mga alipin niya at obligadong sumunod sa kaniyang mga utos.—1 Pedro 1:18, 19.
5. Bilang mga alipin ni Jehova, ano ang ating pangunahing obligasyon, at paano natin ito matutupad?
5 Dapat sundin ng mga alipin ang kanilang panginoon. 1 Juan 5:3, “na tuparin natin ang kaniyang mga utos; gayunma’y ang kaniyang mga utos ay hindi pabigat.” Kung gayon, itinuturing natin na ang ating pagsunod ay patotoo ng ating pag-ibig at ng ating pagpapasakop. Kitang-kita ito sa lahat ng ginagawa natin. “Kayo man ay kumakain o umiinom o gumagawa ng anupaman,” ang sabi ni Pablo, “gawin ninyo ang lahat ng bagay sa ikaluluwalhati ng Diyos.” (1 Corinto 10:31) Sa araw-araw na pamumuhay, maging sa maliliit na paraan, nais nating ipakita na ‘nagpapaalipin tayo kay Jehova.’—Roma 12:11.
Ang ating paglilingkod ay kusang-loob at udyok ng ating pag-ibig sa Panginoon. “Ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos,” ang sabi sa6. Paano nakaaapekto sa ating mga pagpapasiya ang pagiging alipin ng Diyos? Ilarawan ito sa pamamagitan ng isang halimbawa.
6 Halimbawa, kapag nagpapasiya tayo, nais nating maingat na isaalang-alang ang kalooban ng ating makalangit na Panginoon, si Jehova. (Malakias 1:6) Ang mahihirap na pagpapasiya ay maaaring sumubok sa ating pagsunod sa Diyos. Bibigyang-pansin ba natin ang kaniyang payo sa halip na sundin ang mga hilig ng ating “mapandaya” at “mapanganib” na puso? (Jeremias 17:9) Kababautismo lamang noon ni Melisa, isang dalagang Kristiyano, nang ligawan siya ng isang binata. Waring disente naman ang binatang ito, at nakikipag-aral na ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Gayunman, isang matanda ang nakipag-usap kay Melisa hinggil sa karunungan ng pagsunod sa utos ni Jehova na mag-asawa “tangi lamang sa Panginoon.” (1 Corinto 7:39; 2 Corinto 6:14) “Hindi madali sa akin na sundin ang payong ito,” ang pag-amin ni Melisa. “Ngunit ipinasiya ko na yamang nag-alay ako sa Diyos upang gawin ang kaniyang kalooban, susundin ko ang kaniyang maliwanag na mga tagubilin.” Sa pagbubulay-bulay sa nangyari, sinabi niya: “Natutuwa ako na sinunod ko ang payo. Hindi nagtagal at huminto sa pakikipag-aral ang lalaking iyon. Kung ipinagpatuloy ko ang ugnayang iyon, nakapag-asawa sana ako ngayon ng isang di-sumasampalataya.”
7, 8. (a) Bakit hindi tayo dapat labis na mabahala sa pagpapalugod sa mga tao? (b) Ilarawan kung paano madaraig ang pagkatakot sa tao.
7 Bilang mga alipin ng Diyos, hindi tayo dapat maging mga alipin ng tao. (1 Corinto 7:23) Totoo, hindi nais ng sinuman sa atin na kayamutan tayo ng iba, ngunit dapat nating tandaan na may mga pamantayan ang mga Kristiyano na iba sa mga pamantayan sa sanlibutan. Nagtanong si Pablo: “Ninanais ko bang palugdan ang mga tao?” Ang konklusyon niya ay: “Kung pinalulugdan ko pa ang mga tao, hindi ako magiging alipin ni Kristo.” (Galacia 1:10) Talagang hindi tayo maaaring magpadaig sa panggigipit ng mga kasamahan at maging mga tagapagpalugod sa tao. Kung gayon, ano ang magagawa natin kapag ginigipit tayo na makiayon?
8 Isaalang-alang ang halimbawa ni Elena, isang kabataang Kristiyano sa Espanya. Marami siyang mga kaklase na nag-aabuloy ng dugo. Alam nila na si Elena, isa sa mga Saksi ni Jehova, ay hindi mag-aabuloy o magpapasalin ng dugo. Nang magkaroon ng pagkakataon upang ipaliwanag ang kaniyang pangmalas sa buong klase, nagboluntaryong magbigay ng presentasyon si Elena. “Ang totoo, ninenerbiyos akong gawin ito,” ang paliwanag ni Elena. “Ngunit naghanda akong mabuti, at nakagugulat ang naging resulta. Iginalang ako ng marami sa aking mga kamag-aral, at sinabi sa akin ng guro na hinangaan niya ang gawaing ginagampanan ko. Higit sa lahat, nasiyahan ako na naipagtanggol ko ang pangalan ni Jehova at naipaliwanag nang malinaw ang mga dahilan ng aking maka-Kasulatang paninindigan.” (Genesis 9:3, 4; Gawa 15:28, 29) Oo, bilang mga alipin ng Diyos at ni Kristo, naiiba tayo. Gayunman, maaaring igalang tayo ng mga tao kung handa nating ipagtanggol ang ating mga paniniwala sa magalang na paraan.—1 Pedro 3:15.
9. Ano ang matututuhan natin mula sa isang anghel na nagpakita kay apostol Juan?
9 Ang pagsasaisip na mga alipin tayo ng Diyos ay makatutulong din sa atin na manatiling mapagpakumbaba. Sa isang pagkakataon, hangang-hanga si apostol Juan sa isang kagila-gilalas na pangitain hinggil sa makalangit na Jerusalem anupat sumubsob siya upang sumamba sa paanan ng anghel na nagsilbing tagapagsalita ng Diyos. “Mag-ingat ka!” ang sabi ng anghel sa kaniya. “Huwag mong gawin iyan! Ako ay kapuwa mo alipin lamang at ng iyong mga kapatid na mga propeta at niyaong mga tumutupad sa mga salita sa balumbong ito. Sambahin mo ang Diyos.” (Apocalipsis 22:8, 9) Kay-inam ngang halimbawa ang ipinakita ng anghel para sa lahat ng alipin ng Diyos! Maaaring may pantanging mga pananagutan sa kongregasyon ang ilang Kristiyano. Gayunpaman, sinabi ni Jesus: “Sinumang nagnanais na maging dakila sa inyo ay dapat na maging lingkod ninyo, at ang sinumang nagnanais na maging una sa inyo ay dapat na maging alipin ninyo.” (Mateo 20:26, 27) Bilang mga tagasunod ni Jesus, tayong lahat ay mga alipin.
“Ang Aming Ginawa ang Siyang Dapat Naming Gawin”
10. Magbigay ng maka-Kasulatang halimbawa upang ipakita na hindi laging madali para sa tapat na mga lingkod ng Diyos na gawin ang kaniyang kalooban.
10 Hindi laging madali para sa di-sakdal na mga tao na gawin ang kalooban ng Diyos. Atubiling sumunod ang propetang si Moises nang hilingin sa kaniya ni Jehova na humayo at palayain ang mga anak ni Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto. (Exodo 3:10, 11; 4:1, 10) Nang matanggap ang atas na ipahayag ang mensahe ng paghatol sa mga mamamayan ng Nineve, si Jonas ay “bumangon at tumakas patungo sa Tarsis mula sa harap ni Jehova.” (Jonas 1:2, 3) Si Baruc, ang eskribang kalihim ni propeta Jeremias, ay nagreklamo dahil sa panghihimagod. (Jeremias 45:2, 3) Paano tayo dapat tumugon kapag ang ating personal na hangarin o naisin ay salungat sa paggawa ng kalooban ng Diyos? Naglalaan ng sagot ang ilustrasyon na ibinigay ni Jesus.
11, 12. (a) Ilahad sa maikli ang ilustrasyon ni Jesus na nakaulat sa Lucas 17:7-10. (b) Anong aral ang matututuhan natin mula sa ilustrasyon ni Jesus?
11 Binanggit ni Jesus ang isang alipin na maghapong nangangalaga sa kawan ng kaniyang panginoon sa bukid. Nang makauwi ang alipin, anupat pagod dahil sa humigit-kumulang 12 oras na puspusang pagtatrabaho, hindi siya inanyayahan ng kaniyang panginoon na maupo at masiyahan sa masarap na hapunan. Sa halip, sinabi ng panginoon: “Ipaghanda mo ako ng aking mahahapunan, at magsuot ka ng epron at paglingkuran mo ako hanggang sa ako ay makakain at makainom, Lucas 17:7-10.
at pagkatapos ay maaari ka nang kumain at uminom.” Maaasikaso lamang ng alipin ang kaniyang sariling mga pangangailangan matapos niyang paglingkuran ang kaniyang panginoon. Tinapos ni Jesus ang ilustrasyon sa pagsasabi ng ganito: “Kaya kayo rin, kapag nagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na iniatas sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami ay walang-kabuluhang mga alipin. Ang aming ginawa ang siyang dapat naming gawin.’”—12 Hindi binanggit ni Jesus ang ilustrasyong ito upang ipakita na hindi pinahahalagahan ni Jehova ang ginagawa nating paglilingkod sa kaniya. Maliwanag na sinasabi ng Bibliya: “Ang Diyos ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pag-ibig na ipinakita ninyo para sa kaniyang pangalan.” (Hebreo 6:10) Sa halip, itinuturo sa atin ng talinghaga ni Jesus na hindi maaaring palugdan ng isang alipin ang kaniyang sarili o pagtuunan ng pansin ang kaniyang sariling mga kaalwanan. Nang ialay natin ang ating sarili sa Diyos at ipasiya na maging mga alipin niya, sumang-ayon tayong unahin ang kaniyang kalooban sa halip na ang sa atin. Kailangan nating unahin ang kalooban ng Diyos sa halip na ang ating sariling kalooban.
13, 14. (a) Sa anu-anong kalagayan maaaring kailanganin nating daigin ang ating sariling mga hilig? (b) Bakit natin dapat hayaang manaig ang kalooban ng Diyos?
13 Maaaring kailangan natin ang malaking pagsisikap upang regular na mapag-aralan ang Salita ng Diyos at ang mga publikasyon ng “tapat at maingat na alipin.” (Mateo 24:45) Baka ganito nga ang situwasyon lalo na kung noon pa man ay nahihirapan na tayong magbasa o kung ang tinatalakay ng publikasyon ay “malalalim na bagay ng Diyos.” (1 Corinto 2:10) Subalit hindi ba dapat tayong mag-iskedyul ng panahon para sa personal na pag-aaral? Baka kailangan nating disiplinahin ang ating sarili upang maupo at gumugol ng panahon para pag-aralan ang materyal. Sapagkat kung hindi natin ito gagawin, paano tayo magkakaroon ng gana sa “matigas na pagkain [na] nauukol sa mga taong may-gulang”?—Hebreo 5:14.
14 Kumusta naman kapag umuwi tayo nang pagod matapos ang mahabang pagtatrabaho sa maghapon? Baka kailangan nating pilitin ang ating sarili upang makadalo sa mga Kristiyanong pagpupulong. O baka hindi natin talaga hilig na mangaral sa mga di-kakilala. Kinilala mismo ni Pablo na may mga panahon na ipahahayag natin ang mabuting balita nang ‘laban sa ating kalooban.’ (1 Corinto 9:17) Gayunman, ginagawa natin ito dahil sinasabi sa atin ni Jehova—ang ating makalangit na Panginoon, na iniibig natin—na gayon ang dapat nating gawin. At hindi ba’t lagi tayong nasisiyahan at nagiginhawahan pagkatapos nating pagsikapan na mag-aral, dumalo sa mga pulong, at mangaral?—Awit 1:1, 2; 122:1; 145:10-13.
Huwag Tumingin sa “mga Bagay na Nasa Likuran”
15. Paano nagpakita si Jesus ng halimbawa ng pagpapasakop sa Diyos?
15 Ipinakita ni Jesu-Kristo ang sukdulang pagpapasakop niya sa kaniyang makalangit na Ama. “Bumaba ako mula sa langit upang gawin, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban niya na nagsugo sa akin,” ang sabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad. (Juan 6:38) Habang nanggigipuspos sa hardin ng Getsemani, nanalangin siya: “Ama ko, kung maaari, palampasin mo sa akin ang kopang ito. Gayunman, hindi ayon sa kalooban ko, kundi ayon sa kalooban mo.”—Mateo 26:39.
16, 17. (a) Paano natin dapat malasin ang mga bagay na atin nang tinalikuran? (b) Ipakita kung paano naging makatotohanan si Pablo nang ituring niyang “mga basura” ang kaniyang mga oportunidad sa sanlibutan.
16 Nais ni Jesu-Kristo na manatili tayong tapat sa ating pasiya na maging mga alipin ng Diyos. Sinabi niya: “Walang taong naglagay ng kaniyang kamay sa araro at tumitingin sa mga bagay na nasa likuran ang karapat-dapat sa kaharian ng Diyos.” (Lucas 9:62) Ang palaging pag-iisip sa mga bagay na tinalikuran na natin ay hindi talaga nararapat gawin kapag nagpaalipin tayo sa Diyos. Sa halip, dapat nating pahalagahan kung ano ang ating natamo dahil sa pagpapasiyang maging mga alipin ng Diyos. Sumulat si Pablo sa mga taga-Filipos: “Tunay ngang ang lahat ng bagay ay itinuturing ko rin na kawalan dahil sa nakahihigit na halaga ng kaalaman tungkol kay Kristo Jesus na aking Panginoon. Dahil sa kaniya ay tinanggap ko ang kawalan ng lahat ng bagay at itinuturing kong mga basura ang mga iyon, upang matamo ko si Kristo.”—Filipos 3:8.
17 Isipin na lamang ang lahat ng itinuring ni Gawa 22:3; Galacia 1:14) Si Simeon ay naging lider ng mga Pariseo at gumanap ng mahalagang papel—sa kabila ng ilang pag-aalinlangan—sa paghihimagsik ng mga Judio laban sa Roma noong 66-70 C.E. Namatay siya sa labanang iyon, sa kamay ng alinman sa mga ekstremistang Judio o hukbong Romano.
Pablo na basura at ang tinalikuran niya alang-alang sa espirituwal na mga gantimpala bilang isang alipin ng Diyos. Tinalikuran niya hindi lamang ang mga kaalwanan sa sanlibutan kundi pati ang posibilidad na maging lider ng Judaismo sa hinaharap. Kung nanatili sa Judaismo si Pablo, baka naabot niya ang posisyong katulad niyaong kay Simeon, ang anak ng guro ni Pablo, si Gamaliel. (18. Magbigay ng halimbawa upang ipakita kung paano nagdudulot ng mga gantimpala ang espirituwal na mga bagay na naisagawa.
18 Maraming Saksi ni Jehova ang sumunod sa halimbawa ni Pablo. “Sa loob lamang ng ilang taon pagkatapos ng aking pag-aaral, nakapagtrabaho ako bilang ehekutibong kalihim para sa isang prominenteng abogado sa London,” ang sabi ni Jean. “Masaya ako sa aking trabaho at malaki ang aking suweldo, ngunit alam na alam kong higit pa ang aking magagawa sa paglilingkod kay Jehova. Sa wakas, nagbitiw ako sa aking trabaho at nagpayunir. Salamat na lamang at ginawa ko iyon halos 20 taon na ang nakalilipas! Mas pinasulong ng aking buong-panahong paglilingkuran ang buhay ko kaysa sa maibibigay ng anumang trabahong pangkalihim. Wala nang makapagbibigay ng higit na kasiyahan kaysa sa makita mo kung paano binabago ng Salita ni Jehova ang buhay ng isang tao. Napakasayang magkaroon ng bahagi sa pagbabagong iyon. Ang naibibigay natin kay Jehova ay walang halaga kung ihahambing sa natatanggap natin.”
19. Ano ang ating dapat na maging determinasyon, at bakit?
19 Maaaring magbago ang ating mga kalagayan sa paglipas ng panahon. Gayunman, nananatili pa rin tayong nakaalay sa Diyos. Mga alipin pa rin tayo ni Jehova, at hinahayaan niya tayong magpasiya kung paano natin pinakamainam na magagamit ang ating panahon, lakas, mga talento, at iba pang mga tinataglay. Samakatuwid, mababanaag ang ating pag-ibig sa Diyos sa mga pagpapasiya natin may kaugnayan dito. Ipinakikita rin ng mga ito kung gaano tayo kahandang gumawa ng personal na mga sakripisyo. (Mateo 6:33) Anuman ang ating kalagayan, hindi ba tayo dapat maging determinadong ibigay kay Jehova ang pinakamainam? Sumulat si Pablo: “Kung ang pagiging handa ay naroroon muna, ito ay lalo nang kaayaaya ayon sa taglay ng isang tao, hindi ayon sa hindi taglay ng isang tao.”—2 Corinto 8:12.
“Tinatanggap Ninyo ang Inyong Bunga”
20, 21. (a) Anu-ano ang mga bungang nailuluwal ng mga alipin ng Diyos? (b) Paano ginagantimpalaan ni Jehova ang mga gumagawa ng kanilang buong makakaya para sa kaniya?
20 Hindi mapaniil ang pagpapaalipin sa Diyos. Sa kabaligtaran, pinalalaya tayo nito mula sa nakapipinsalang anyo ng pagkaalipin na nag-aalis ng kaligayahan sa atin. “Sapagkat pinalaya na kayo mula sa kasalanan ngunit naging mga alipin ng Diyos,” ang sulat ni Pablo, “tinatanggap ninyo ang inyong bunga tungo sa kabanalan, at ang wakas na buhay na walang hanggan.” (Roma 6:22) Ang pagpapaalipin natin sa Diyos ay nagbubunga ng mabuti tungo sa kabanalan sa diwa na inaani natin ang mga kapakinabangan ng banal, o malinis sa moral, na paggawi. Bukod dito, aakay ito sa buhay na walang hanggan sa hinaharap.
21 Bukas-palad si Jehova sa kaniyang mga alipin. Kapag ginagawa natin ang ating buong makakaya sa paglilingkod sa kaniya, binubuksan niya sa atin “ang mga pintuan ng tubig sa langit” at ibinubuhos sa atin ang “isang pagpapala hanggang sa wala nang kakulangan.” (Malakias 3:10) Kaysaya ngang magpatuloy sa paglilingkod bilang mga alipin ni Jehova magpakailanman!
Naaalaala Mo Ba?
• Bakit tayo nagiging mga alipin ng Diyos?
• Paano natin ipinakikita ang ating pagpapasakop sa kalooban ng Diyos?
• Bakit tayo dapat maging handang unahin ang kalooban ni Jehova sa halip na ang sa atin?
• Bakit hindi tayo dapat ‘tumingin sa mga bagay na nasa likuran’?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 16, 17]
Ang kaayusan sa Israel hinggil sa kusang-loob na pagpapaalipin ay isang patiunang pagpapaaninaw sa Kristiyanong pagkaalipin
[Larawan sa pahina 17]
Nagiging mga alipin tayo ng Diyos kapag nabautismuhan tayo
[Mga larawan sa pahina 17]
Inuuna ng mga Kristiyano ang kalooban ng Diyos
[Larawan sa pahina 18]
Atubili si Moises na tanggapin ang kaniyang atas