Ang Ating mga Anak—Isang Pinakamamahal na Mana
Ang Ating mga Anak—Isang Pinakamamahal na Mana
“Narito! Ang mga anak ay mana mula kay Jehova; ang bunga ng tiyan ay isang gantimpala.”—AWIT 127:3.
1. Paano naisilang ang unang sanggol?
ISIP-ISIPIN ang makahimalang mga pangyayaring ginawa ng Diyos na Jehova sa paraan ng pagkakalalang niya sa unang lalaki at babae. Ang ama, si Adan, at ang ina, si Eva, ay kapuwa nagbigay ng kani-kaniyang bahagi na unti-unting nabuo sa sinapupunan ni Eva tungo sa isang ganap na bagong tao—ang unang sanggol. (Genesis 4:1) Hanggang sa ngayon, nahihiwagaan pa rin tayo sa paglilihi at pagsisilang sa isang sanggol at marami ang naglalarawan dito bilang isang tunay na himala.
2. Bakit ninyo masasabing isang himala ang nagaganap sa sinapupunan ng isang babaing nagdadalang-tao?
2 Sa loob ng mga 270 araw, ang orihinal na selulang nalikha sa sinapupunan ng ina dahil sa pakikipagtalik sa ama ay unting-unting lumalaki hanggang sa maging isang sanggol na binubuo ng trilyun-trilyong selula. Taglay ng orihinal na selulang iyon ang kinakailangang mga tagubilin upang makabuo ng mahigit na 200 uri ng selula. Sa pagsunod sa kagila-gilalas na mga tagubiling iyon na di-kayang arukin ng tao, ang napakasalimuot na mga selulang ito ay unti-unting lumaki ayon sa eksaktong pagkakasunud-sunod at paraan upang mabuo ang isang bagong nabubuhay na tao!
3. Bakit maraming palaisip na tao ang sumasang-ayon na ang Diyos ang nagpapangyari sa pagsilang ng isang bagong nabubuhay na tao?
3 Sino ang masasabi ninyong tunay na gumawa ng sanggol? Tiyak na ang Isa na lumalang mismo ng buhay. Umawit ang salmista sa Bibliya: “Alamin ninyo na si Jehova ay Diyos. Siya ang gumawa sa atin, at hindi tayo sa ganang sarili.” (Awit 100:3) Mga magulang, alam na alam ninyo na hindi naisilang ang munting sanggol na ito dahil sa inyong natatanging talino. Tanging ang isang Diyos lamang na nagtataglay ng walang-hanggang karunungan ang makahimalang makalilikha ng isang bagong nabubuhay na tao. Libu-libong taon nang naniniwala ang palaisip na mga tao na ang Dakilang Maylalang ang nagpapangyari sa unti-unting paglaki ng isang bata sa sinapupunan ng ina nito. Ito rin ba ang paniniwala mo?—Awit 139:13-16.
4. Anong kapintasan ng tao ang hindi kailanman makikita kay Jehova?
4 Subalit si Jehova ba ay isang manhid na Maylalang na basta na lamang gumawa ng isang biyolohikal na proseso para magkaanak ang mga lalaki at babae? May mga taong manhid, subalit hindi kailanman ganoon si Jehova. (Awit 78:38-40) Sinasabi ng Bibliya sa Awit 127:3: “Narito! Ang mga anak ay mana mula kay Jehova; ang bunga ng tiyan ay isang gantimpala.” Isaalang-alang natin ngayon kung ano ang kahulugan ng mana at kung ano ang pinatutunayan nito.
Mana at Gantimpala
5. Bakit isang mana ang mga anak?
5 Ang mana ay parang isang kaloob. Madalas na subsob sa trabaho ang mga magulang upang may maipamana sa kanilang mga anak. Maaaring ito ay salapi, ari-arian, o marahil ilang pinakaiingatang pag-aari. Ano man ito, iyon ay katibayan ng pagmamahal ng isang magulang. Sinasabi sa Bibliya na ang mga anak ay ibinigay ng Diyos sa mga magulang bilang mana. Ang mga ito ay maibiging kaloob mula sa kaniya. Kung kayo’y magulang, masasabi ba ninyong ang inyong ikinikilos ay nagpapakitang minamalas ninyo ang inyong mga anak bilang kaloob na ipinagkatiwala sa inyo ng Maylalang ng uniberso?
6. Ano ang layunin ng Diyos sa pagpapangyari na magkaanak ang mga tao?
Genesis 1:27, 28; Isaias 45:18) Hindi isa-isang nilikha ni Jehova ang bawat tao, gaya ng ginawa niya sa milyun-milyong anghel. (Awit 104:4; Apocalipsis 4:11) Sa halip, minabuti ng Diyos na lalangin niya ang mga tao na may kakayahang magsilang ng mga anak na kahawig ng kanilang mga magulang. Isa ngang kagila-gilalas na pribilehiyo para sa ina at ama na isilang at alagaan ang bagong tao na ito! Bilang mga magulang, pinasasalamatan ba ninyo si Jehova dahil pinangyari Niya na magkaroon kayo ng ganitong napakahalagang mana?
6 Ang layunin ni Jehova sa pagbibigay ng kaloob na ito ay upang mapuno ang lupa ng mga inapo nina Adan at Eva. (Matuto Mula sa Halimbawa ni Jesus
7. Kabaligtaran ng ginagawa ng ilang magulang, paano ipinakita ni Jesus ang interes at pagkahabag sa “mga anak ng mga tao”?
7 Nakalulungkot sabihin, hindi lahat ng magulang ay nag-iisip na isang gantimpala ang mga anak. Marami ang halos walang habag sa kanilang mga anak. Hindi tinutularan ng gayong mga magulang ang saloobin ni Jehova o ng kaniyang Anak. (Awit 27:10; Isaias 49:15) Sa kabaligtaran, tingnan natin ang interes ni Jesus sa mga bata. Bago pa man pumarito sa lupa si Jesus bilang tao—noong isa siyang makapangyarihang espiritung persona sa langit—sinasabi sa Bibliya na ang kaniyang “buong kaluguran ay nasa mga anak ng mga tao.” (Kawikaan 8:31, Rotherham) Gayon na lamang kasidhi ang kaniyang pag-ibig sa mga tao anupat kusang-loob niyang ibinigay ang kaniyang buhay bilang pantubos upang matamo natin ang buhay na walang hanggan.—Mateo 20:28; Juan 10:18.
8. Paano nagpakita si Jesus ng mainam na halimbawa sa mga magulang?
8 Habang nasa lupa, nagpakita si Jesus ng napakainam na halimbawa sa mga magulang. Tingnan natin ang kaniyang ginawa. Nag-ukol siya ng panahon sa mga bata, kahit na abalang-abala siya at nasa maigting na kalagayan. Pinanood niya sila habang naglalaro sa pamilihan at ginamit niya sa kaniyang pagtuturo ang ilan sa kanilang paggawi. (Mateo 11:16, 17) Sa kaniyang huling paglalakbay patungong Jerusalem, alam ni Jesus na siya’y magdurusa at papatayin. Kaya nang dalhin sa kaniya ng mga tao ang kanilang maliliit na anak upang makita siya, tinangkang paalisin ng mga alagad ni Jesus ang mga bata sa pagsisikap marahil na huwag nang maragdagan pa ang igting na nadarama ni Jesus. Subalit pinagalitan ni Jesus ang mga alagad niya. Bilang pagpapakita ng kaniyang “buong kaluguran” sa maliliit na bata, sinabi niya: “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata; huwag ninyo silang tangkaing pigilan.”—Marcos 10:13, 14.
9. Bakit maaaring mas mahalaga ang ating ikinikilos kaysa sa ating sinasabi?
9 Matututo tayo sa halimbawa ni Jesus. Kapag lumalapit sa atin ang mga bata, paano ba tayo tumutugon—kahit abala tayo? Gaya ba ni Jesus? Ang kailangan ng mga bata, lalo na sa kanilang mga magulang, ay ang bagay na handang ibigay ni Jesus sa kanila—ang kaniyang panahon at atensiyon. Totoo, ang mga salitang tulad ng “Mahal kita” ay mahalaga. Gayunman, mas malakas mangusap ang kilos kaysa sa salita. Nakikita ang inyong pagmamahal hindi lamang sa sinasabi ninyo kundi lalo na sa ikinikilos ninyo. Nakikita ito sa panahon, atensiyon, at pangangalagang ibinibigay ninyo sa inyong maliliit na anak. Subalit magawa man ang lahat ng ito, posible pa ring hindi makita ang mga resulta, at kung mayroon man, hindi ito gayon kabilis. Kailangan ang pasensiya. Matututo tayong magpasensiya kung tutularan natin ang paraan ng pakikitungo ni Jesus sa kaniyang mga alagad.
Ang Pasensiya at Pagmamahal ni Jesus
10. Paano tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga alagad ng isang aral ng pagpapakumbaba, at naging matagumpay ba ito sa pasimula?
10 Alam ni Jesus na nagpapaligsahan ang kaniyang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakaprominente. Isang araw, pagdating nila Marcos 9:33-37) Nangyari ba ang inaasahan niyang resulta? Hindi kaagad. Pagkalipas ng mga anim na buwan, hinimok pa nina Santiago at Juan ang kanilang ina na hilingin kay Jesus ang prominenteng mga posisyon sa Kaharian. Muli, mapagpasensiyang itinuwid ni Jesus ang kanilang pag-iisip.—Mateo 20:20-28.
ng kaniyang mga alagad sa Capernaum, nagtanong siya sa kanila: “ ‘Ano ang pinagtatalunan ninyo sa daan?’ Nanatili silang tahimik, sapagkat sa daan ay nagtatalu-talo sila kung sino ang mas dakila.” Sa halip na pagalitan sila, mapagpasensiyang nagbigay si Jesus ng isang praktikal na halimbawa upang turuan sila ng pagpapakumbaba. (11. (a) Anong kaugalian ang hindi ginampanan ng mga apostol ni Jesus pagdating nila sa silid sa itaas kasama ni Jesus? (b) Ano ang ginawa ni Jesus, at nagtagumpay ba noon ang kaniyang pagsisikap?
11 Di-nagtagal, sumapit ang Paskuwa ng 33 C.E., at sarilinang nakipagkita si Jesus sa mga apostol niya upang ipagdiwang ito. Pagdating nila sa silid sa itaas, wala ni isa man sa 12 apostol ang nagkusang gumanap sa kinaugaliang paghuhugas sa maalikabok na mga paa ng iba—ang hamak na tungkulin ng isang alipin o ng isang babae sa sambahayan. (1 Samuel 25:41; 1 Timoteo 5:10) Tiyak na lungkot na lungkot si Jesus nang makitang patuloy pa rin ang kaniyang mga alagad sa pagsisikap na magkaroon ng ranggo at posisyon! Kaya si Jesus na ang naghugas sa mga paa ng bawat isa at saka nagsumamo sa kanila na tularan ang kaniyang halimbawa ng paglilingkod sa iba. (Juan 13:4-17) Tinularan ba nila ito? Sinasabi ng Bibliya na ilang sandali lamang nang gabi ring iyon “bumangon [na naman] ang isang mainitang pagtatalo sa gitna nila tungkol sa kung sino sa kanila ang waring pinakadakila.”—Lucas 22:24.
12. Paano matutularan ng mga magulang si Jesus sa kanilang pagsisikap na sanayin ang kanilang mga anak?
12 Kapag hindi sinusunod ng inyong mga anak ang payo ninyo, napag-iisip-isip ba ninyo, kayong mga magulang, ang nadama ni Jesus noon? Tandaan na hindi sumuko si Jesus sa pagtulong sa kaniyang mga apostol, bagaman mabagal sila sa pagtutuwid ng kanilang mga pagkakamali. Nagbunga rin naman nang dakong huli ang kaniyang pagpapasensiya. (1 Juan 3:14, 18) Mga magulang, makabubuting tularan ninyo ang pag-ibig at pasensiya ni Jesus. Huwag kayong susuko kailanman sa inyong pagsisikap na sanayin ang inyong mga anak.
13. Bakit hindi dapat na may-kasungitang ipagwalang-bahala ng magulang ang pagtatanong ng bata?
13 Kailangang madama ng mga bata na mahal sila ng kanilang mga magulang at interesado ang mga ito sa kanila. Gustong malaman ni Jesus ang iniisip ng kaniyang mga alagad, kaya nakikinig siya sa kanilang mga tanong. Tinanong niya sila kung ano ang kanilang palagay sa ilang mga bagay. (Mateo 17:25-27) Oo, kalakip sa mahusay na pagtuturo ang matamang pakikinig at tunay na interes. Dapat paglabanan ng mga magulang ang anumang tendensiya na may-kasungitang ipagwalang-bahala ang nagtatanong na bata sa pagsasabi: “Umalis ka nga diyan! Hindi mo ba nakikitang marami akong ginagawa?” Kung talagang maraming ginagawa ang magulang, dapat sabihin sa bata na mamaya na lamang nila pag-usapan kung ano man iyon. Pagkatapos, dapat tiyakin ng mga magulang na pag-uusapan nga ito. Sa ganitong paraan, madarama ng bata na talaga ngang interesado sa kaniya ang magulang niya, at mas madali na siyang magtatapat sa kaniyang magulang.
14. Ano ang matututuhan ng mga magulang kay Jesus tungkol sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanilang mga anak?
14 Angkop ba para sa mga magulang na ipakita ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-akbay at pagyakap sa kanilang mga anak? Muli, may matututuhan ang mga magulang kay Marcos 10:16) Ano sa palagay ninyo ang naging reaksiyon ng mga bata? Tiyak na tuwang-tuwa sila, at lalo silang naging malapít kay Jesus! Kapag kayong mga magulang at ang inyong mga anak ay tunay na nagmamahalan at nag-iibigan, mas madali nilang matatanggap ang inyong pagsisikap na disiplinahin at turuan sila.
Jesus. Sinasabi sa Bibliya na “kinuha niya sa kaniyang mga bisig ang mga bata at pinasimulan silang pagpalain, na ipinapatong sa kanila ang kaniyang mga kamay.” (Ang Isyu Kung Gaano Karaming Panahon
15, 16. Ano ang naging popular na ideya sa pagpapalaki ng bata, at ano ang nakikitang dahilan nito?
15 Nag-aalinlangan ang ilan kung talaga nga bang kailangan ng mga anak ang maraming panahon at maibiging atensiyon ng kanilang mga magulang. Ang isang ideya sa pagpapalaki ng bata na buong-kahusayang naitaguyod ay tinatawag na de-kalidad na panahon (quality time). Sinasabi ng mga tagapagtaguyod nito na hindi na kailangan ng mga anak ang maraming panahon ng kanilang mga magulang hangga’t ang limitadong panahong iniuukol sa kanila ay makabuluhan, pinaghandaan, at patiunang isinaayos. Maganda nga kaya ang ideyang ito ng de-kalidad na panahon, na kinatha para sa kabutihan ng mga bata?
16 Isang manunulat na nakipag-usap sa maraming bata ang nagsabi na ang “gusto nila sa kanilang mga magulang ay mas maraming panahon,” at “di-nababahaging atensiyon.” Kapansin-pansin, sinabi ng isang propesor sa kolehiyo: “Ang terminong [de-kalidad na panahon] ay kinatha dahil sa pang-uusig ng budhi na nadarama ng mga magulang. Binibigyang-matuwid ng mga tao ang kaunting panahong iniuukol nila sa kanilang mga anak.” Gaano karaming panahon nga ba ang dapat iukol ng mga magulang sa kanilang mga anak?
17. Ano ang kailangan ng mga anak sa kanilang mga magulang?
17 Hindi ito sinasabi ng Bibliya. Gayunman, hinimok ang mga magulang na Israelita na makipag-usap sa kanilang mga anak kapag nasa bahay sila, kapag naglalakad sila sa daan, kapag nakahiga sila, at kapag bumabangon sila. (Deuteronomio 6:7) Maliwanag na nangangahulugan ito na kailangang makipag-ugnayan ang mga magulang sa kanilang mga anak at palagi nilang turuan ang mga ito araw-araw.
18. Paano sinamantala ni Jesus ang mga pagkakataon upang sanayin ang kaniyang mga alagad, at ano ang matututuhan dito ng mga magulang?
18 Matagumpay na sinanay ni Jesus ang kaniyang mga alagad habang kasalo niya sila sa pagkain, kasama niya silang naglalakbay, at kahit sa kanilang sama-samang pamamahinga. Sa gayon ay sinamantala niya ang bawat pagkakataong maturuan sila. (Marcos 6:31, 32; Lucas 8:1; 22:14) Gayundin naman, dapat na maging alisto ang mga magulang na Kristiyano sa paggamit sa bawat pagkakataon upang maitatag at mapanatili ang mabuting pakikipagtalastasan sa kanilang mga anak at upang sanayin sila sa mga daan ni Jehova.
Kung Ano ang Ituturo at Kung Paano Ito Gagawin
19. (a) Ano pa ang kailangan bukod sa pag-uukol ng panahon sa mga anak? (b) Ano ang pangunahing dapat ituro ng mga magulang sa mga anak?
19 Hindi lamang pag-uukol ng panahon sa mga Deuteronomio 6:5-7) Sinabi ni Jesus na ito ang pinakamahalaga sa lahat ng utos ng Diyos. (Marcos 12:28-30) Dapat na maging pangunahin sa mga magulang na ituro sa mga bata ang tungkol kay Jehova, na ipinaliliwanag kung bakit siya lamang ang karapat-dapat sa ating buong-kaluluwang pag-ibig at debosyon.
anak at maging pagtuturo sa kanila ang kailangan upang matagumpay silang mapalaki. Mahalaga rin kung ano ang itinuturo. Pansinin kung paano idiniin sa Bibliya kung ano ito. “Ang mga salitang ito na iniuutos ko sa iyo ngayon,” ang sabi nito, “ay . . . ikikintal mo . . . sa iyong anak.” Ano kaya “ang mga salitang ito” na dapat ituro sa mga anak? Maliwanag na ang mga salitang ito ay ang kababanggit lamang, samakatuwid nga: “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong lakas.” (20. Ano ang iniutos ng Diyos sa mga magulang noon na ituro sa kanilang mga anak?
20 Gayunman, “ang mga salitang ito” na hinihimok sa mga magulang na ituro sa kanilang mga anak ay hindi lamang basta ibigin ang Diyos nang kanilang buong pagkatao. Sa naunang kabanata ng Deuteronomio, mapapansin ninyong inulit ni Moises ang mga kautusang isinulat ng Diyos sa mga tapyas ng bato—ang Sampung Utos. Kalakip sa mga batas na ito ang mga utos na huwag magsisinungaling, huwag magnanakaw, huwag papaslang, at huwag mangangalunya. (Deuteronomio 5:11-22) Kaya naikintal sa mga magulang noon na dapat turuan ng kagandahang-asal ang kanilang mga anak. Kailangang paglaanan ng mga magulang na Kristiyano sa ngayon ang kanilang mga anak ng gayunding tagubilin upang tulungan silang magkaroon ng matatag at maligayang kinabukasan.
21. Ano ang kahulugan ng tagubiling ‘ikintal’ ang salita ng Diyos sa mga bata?
21 Pansinin na sinabi sa mga magulang kung paano nila ituturo “ang mga salitang ito,” o mga utos, sa kanilang mga anak: “Ikikintal mo iyon sa iyong anak.” Ang salitang “ikikintal” ay nangangahulugang “ituturo at ititimo sa pamamagitan ng malimit na pag-uulit o pagpapaalaala: paghimok o pagtatanim sa isip.” Samakatuwid, talagang sinasabi ng Diyos sa mga magulang na magtatag ng isang isinaplanong programa ng pagtuturo sa Bibliya na may espesipikong layunin na maitimo
ang espirituwal na mga bagay sa isip ng kanilang mga anak.22. Ano ang ipinagawa sa mga magulang na Israelita upang turuan ang kanilang mga anak, at ano ang ibig sabihin nito?
22 Kailangan sa ganitong isinaplanong programa ang determinasyon ng mga magulang. Ang sabi ng Bibliya: “Itatali mo iyon [“ang mga salitang ito,” o mga utos ng Diyos] bilang tanda sa iyong kamay, at iyon ay magiging pangharap na pamigkis sa pagitan ng iyong mga mata; at isusulat mo iyon sa mga poste ng pinto ng iyong bahay at sa iyong mga pintuang-daan.” (Deuteronomio 6:8, 9) Hindi naman ibig sabihin nito na literal ngang isusulat ng mga magulang ang mga kautusan ng Diyos sa mga poste ng pinto at pintuang-daan, itatali ang isang kopya nito sa mga kamay ng kanilang mga anak, at ilalagay sa pagitan ng kanilang mga mata. Sa halip, ang punto ay na dapat na palaging ipaalaala ng mga magulang sa kanilang mga anak ang mga turo ng Diyos. Ang pagtuturo sa kanilang mga anak ay dapat gawin sa regular at tuluy-tuloy na paraan anupat parang laging nasa harap mismo ng mga anak ang mga turo ng Diyos.
23. Ano ang tatalakayin sa leksiyon sa susunod na linggo?
23 Ano ang ilang napakahahalagang bagay na kailangang ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak? Bakit mahalagang-mahalaga ngayon na turuan at sanayin ang mga bata upang maprotektahan ang kanilang sarili? Anong pantulong ang magagamit ngayon ng mga magulang upang matulungan silang turuan ang kanilang mga anak sa mabisang paraan? Ang mga ito at iba pang mga tanong na ikinababahala ng maraming magulang ang tatalakayin sa susunod na artikulo.
Paano Ninyo Sasagutin?
• Bakit dapat ituring ng mga magulang na mahalaga ang kanilang mga anak?
• Ano ang matututuhan ng mga magulang at ng iba pa mula kay Jesus?
• Gaano karaming panahon ang dapat iukol ng mga magulang sa kanilang mga anak?
• Ano ang dapat ituro sa mga anak, at paano dapat gawin ang pagtuturo?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 10]
Ano ang matututuhan ng mga magulang sa paraan ng pagtuturo ni Jesus?
[Mga larawan sa pahina 11]
Kailan at paano tuturuan ng mga magulang na Israelita ang kanilang mga anak?
[Mga larawan sa pahina 12]
Dapat na palaging ilagay ng mga magulang sa harap ng kanilang mga anak ang mga turo ng Diyos