Paghahanap sa mga Karapat-dapat sa Liblib na mga Lugar sa Australia
Report ng mga Tagapaghayag ng Kaharian
Paghahanap sa mga Karapat-dapat sa Liblib na mga Lugar sa Australia
ANG ilang malalayo at liblib na mga lugar sa Australia ay hindi pa napatotohanan sa nakalipas na 12 taon. Kaya ang mga Saksi ni Jehova sa Darwin, ang kabiserang lunsod ng Northern Territory, ay nag-organisa ng siyam-na-araw na puspusang kampanya sa pangangaral upang hanapin ang mga karapat-dapat.—Mateo 10:11.
Nagsimula ang maingat na pagpaplano 12 buwan bago isagawa ang kampanya, kalakip dito ang pagsasamapa sa mahigit na 800,000 kilometro kuwadrado—isang rehiyon na tatlong beses ang laki kaysa sa New Zealand. Upang mailarawan sa isip kung gaano kalawak ang liblib na teritoryong ito, gunigunihin na ang katamtamang haba ng landas mula sa harapang pintuang-daan ng isang rantso ng mga baka patungo sa mismong bahay sa loob ng bakuran nito ay mahigit na 30 kilometro! Bukod dito, 300 kilometro o higit pa ang layo ng ilang rantso sa isa’t isa.
May kabuuang 145 Saksi ang nagboluntaryong makibahagi sa kampanya. Nanggaling pa ang ilan sa malayong Tasmania. Dumating naman ang ilan sakay ng mga sasakyang de-dual (four-wheel-drive) na kargado ng mga kagamitang pangkamping, reserbang piyesa, at petrolyo. Isinakay naman ng iba ang kanilang mga kagamitan sa mga treyler. Karagdagan pa, dalawang bus na may tig-22 upuan ang inarkila upang sakyan ng mga walang angkop na mga sasakyang de-dual. Ang mga naglakbay sakay ng bus ay nagtuon ng pansin sa pagpapatotoo sa mga naninirahan sa maliliit na bayan sa piniling mga teritoryo.
Bago sinimulan ang paglalakbay, nagsaayos ng mga pahayag at pagtatanghal ang nangangasiwang mga kapatid na lalaki upang magbigay ng mga panuntunan kung paano ihaharap ang mabuting balita sa di-karaniwang teritoryong ito. Halimbawa, upang mabisang makapangaral sa mga pamayanan ng mga Katutubo, karaniwan nang kailangang sundin ang ilang tuntunin sa paggawi at bigyang-pansin ang mga kaugalian ng mga Katutubo. Tinalakay rin ang mahahalagang bagay tungkol sa kapaligiran upang makatulong sa pagsasanggalang sa buhay-iláng.
Nagkaroon ng maraming natatanging karanasan ang mga mamamahayag. Halimbawa, sa isang pamayanan ng mga Katutubo, nagsaayos ang mga Marcos 12:30, na nagsasabi: “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso.” Sinabi niya, “Gustung-gusto ko ang kasulatang iyan.” Matapos ang malawakang pagtalakay sa Bibliya, tinanggap niya ang isang bagong Bibliya at ang iba pang literaturang salig sa Bibliya.
kapatid na magbigay ng pahayag pangmadla na salig sa Bibliya. Ang babaing pinuno ng pamayanan ay personal na nag-anyaya sa mga tao hinggil dito. Pagkatapos, 5 aklat at 41 brosyur ang naipasakamay sa mga dumalo. Sa isa pang pamayanan, nakausap ang isang Katutubo. Mayroon pa nga siyang sariling Bibliya na King James Version, ngunit luma at punit-punit na ito. Nang tanungin siya kung alam niya ang pangalan ng Diyos, sumagot siya ng oo at pagkatapos ay kinuha mula sa kaniyang diyaket ang isang lumang isyu ng Ang Bantayan. Binasa niya mula sa magasin ang sinipi saMalapit sa Gulpo ng Carpentaria, ang lalaking tagapangasiwa ng isang 400,000-ektaryang rantso ay nagpakita ng interes sa mensahe ng Kaharian. Nang ipakita sa kaniya ang mga publikasyong Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya at Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan, * nagtanong siya kung may anumang makukuhang literatura sa wikang Kriol. Hindi karaniwan ang kahilingang ito dahil bagaman maraming Katutubo ang nagsasalita ng Kriol, iilan lamang ang nakababasa nito. Napag-alaman nang dakong huli na ang lahat ng 50 manggagawa sa rantsong iyon ay nakababasa pala ng Kriol. Natuwa ang tagapangasiwa nang makakuha siya ng literatura sa Bibliya sa wikang Kriol, at malugod niyang ibinigay ang numero ng kaniyang telepono upang matawagan siya.
Sa loob ng siyam na araw na puspusang pagpapatotoo, may kabuuang 120 Bibliya, 770 aklat, 705 magasin, at 1,965 brosyur ang naipasakamay. Bukod dito, 720 ang nadalaw-muli, at 215 pag-aaral sa Bibliya ang napasimulan.
Tunay nga, nasapatan sa wakas ang espirituwal na pagkagutom ng maraming karapat-dapat na tao na nakatira sa iba’t ibang bahagi ng malawak na lugar na ito.—Mateo 5:6.
[Talababa]
^ par. 8 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
[Mapa sa pahina 30]
(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)
AUSTRALIA
NORTHERN TERRITORY
Darwin
Gulpo ng Carpentaria
Sydney
TASMANIA