Ang Pagkabuhay-Muli—Isang Turo na Nakaaapekto sa Iyo
Ang Pagkabuhay-Muli—Isang Turo na Nakaaapekto sa Iyo
“Ako ay may pag-asa sa Diyos . . . na magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.”—GAWA 24:15.
1. Paano naging isyu ang pagkabuhay-muli sa harap ng Sanedrin?
NASA Jerusalem si apostol Pablo sa pagtatapos ng kaniyang ikatlong paglalakbay bilang misyonero noong 56 C.E. Pagkatapos arestuhin ng mga Romano, pinahintulutan siyang humarap sa mataas na hukuman ng mga Judio, ang Sanedrin. (Gawa 22:29, 30) Habang pinagmamasdan ni Pablo ang mga miyembro ng hukumang iyon, napansin niyang ang ilan sa mga ito ay mga Saduceo at ang iba naman ay mga Pariseo. May isang kapansin-pansing pagkakaiba ang dalawang grupong ito. Hindi naniniwala ang mga Saduceo sa pagkabuhay-muli; pinaniniwalaan naman ito ng mga Pariseo. Upang ipakita kung ano ang kaniyang paninindigan sa isyung iyon, ipinahayag ni Pablo: “Mga lalaki, mga kapatid, ako ay isang Pariseo, isang anak ng mga Pariseo. Tungkol sa pag-asa ng pagkabuhay-muli ng mga patay ay hinahatulan ako.” Nang sabihin niya ito, nagkagulo ang kapulungan!—Gawa 23:6-9.
2. Bakit handang ipagtanggol ni Pablo ang kaniyang paniniwala sa pagkabuhay-muli?
2 Maraming taon bago nito, nang patungo siya sa Damasco, nakita ni Pablo ang isang pangitain kung saan narinig niya ang tinig ni Jesus. Tinanong pa nga ni Pablo si Jesus: “Ano ang gagawin ko, Panginoon?” Sumagot si Jesus: “Bumangon ka, pumasok ka sa Damasco, at doon ay sasabihin sa iyo ang tungkol sa lahat ng bagay na itinakdang gawin mo.” Nang dumating si Pablo sa Damasco, nasumpungan siya ng isang matulunging Kristiyanong alagad, si Ananias, na nagpaliwanag: “Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang malaman mo ang kaniyang kalooban at makita ang Isa na matuwid [ang binuhay-muling si Jesus] at marinig ang tinig ng kaniyang bibig.” (Gawa 22:6-16) Kaya hindi kataka-taka na handang ipagtanggol ni Pablo ang kaniyang paniniwala sa pagkabuhay-muli.—1 Pedro 3:15.
Ipinahahayag sa Madla ang Pag-asa sa Pagkabuhay-Muli
3, 4. Paano napatunayang isang tapat na tagapagtaguyod ng pagkabuhay-muli si Pablo, at ano ang matututuhan natin sa kaniyang halimbawa?
3 Nang maglaon, humarap si Pablo kay Gobernador Felix. Sa pagkakataong iyon, si Tertulo, “isang pangmadlang tagapagsalita” na nagharap ng kaso ng mga Judio laban kay Pablo, ay nag-akusa sa kaniya bilang isang lider ng sekta at nagkasala ng sedisyon. Bilang sagot, walang-pag-aatubiling ipinahayag ni Pablo: “Aaminin ko ito sa iyo, na, ayon sa daan na tinatawag nilang isang ‘sekta,’ sa ganitong paraan ako nag-uukol ng sagradong paglilingkod sa Diyos ng aking mga ninuno.” Pagkatapos, sa pagtukoy sa pangunahing usapin, nagpatuloy siya: “Ako ay may pag-asa sa Diyos, na siyang pag-asa na pinanghahawakan din ng mga taong ito, na magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.”—Gawa 23:23, 24; 24:1-8, 14, 15.
4 Mga dalawang taon pagkatapos nito, inanyayahan ng humalili kay Felix, si Porcio Festo, si Haring Herodes Agripa upang samahan siya sa pagtatanong sa bilanggong si Pablo. Ipinaliwanag ni Gawa 24:27; 25:13-22; 26:8, 22, 23) Tunay na isang tapat na tagapagtaguyod ng pagkabuhay-muli si Pablo! Kagaya ni Pablo, maaari rin nating ipahayag nang may pananalig na magkakaroon ng pagkabuhay-muli. Subalit anong reaksiyon ang maaasahan natin? Malamang na kagaya ng naranasan ni Pablo.
Festo na tinututulan ng mga tagapag-akusa ang sinabi ni Pablo na “ang isang Jesus na patay [ay] buháy.” Sa kaniyang depensa, nagtanong si Pablo: “Bakit hinahatulang di-kapani-paniwala sa gitna ninyo na ang Diyos ay nagbabangon ng mga patay?” Pagkatapos ay ipinahayag niya: “Sapagkat natamo ko ang tulong na nagmumula sa Diyos ay nagpapatuloy ako hanggang sa araw na ito na nagpapatotoo kapuwa sa maliliit at sa malalaki, ngunit walang anumang sinasabi maliban sa mga bagay na ipinahayag ng mga Propeta at gayundin ni Moises na magaganap, na ang Kristo ay magdurusa at, bilang siyang unang bubuhaying-muli mula sa mga patay, siya ay maghahayag ng liwanag kapuwa sa bayang ito at sa mga bansa.” (5, 6. (a) Ano ang naging reaksiyon sa pagtataguyod ng mga apostol sa pagkabuhay-muli? (b) Habang ipinahahayag natin ang ating pag-asa sa pagkabuhay-muli, ano ang napakahalagang gawin?
5 Isaalang-alang ang naganap nang mas maaga rito noong ikalawang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero (mga 49-52 C.E.) nang dalawin niya ang Atenas. Nakipagkatuwiranan siya sa mga taong naniniwala sa maraming bathala, at hinimok niya silang magbigay-pansin sa layunin ng Diyos na hatulan ang tinatahanang lupa ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng isang lalaki na Kaniyang inatasan. Ito ay walang iba kundi si Jesus. Ipinaliwanag ni Pablo na binigyang-garantiya ito ng Diyos sa pamamagitan ng pagbuhay-muli kay Jesus. Ano ang naging reaksiyon ng mga tao? Ganito ang mababasa natin: “Buweno, nang marinig nila ang tungkol sa pagkabuhay-muli ng mga patay, ang ilan ay nagsimulang manlibak, samantalang ang iba ay nagsabi: ‘Pakikinggan ka namin tungkol dito sa iba pang pagkakataon.’ ”—Gawa 17:29-32.
6 Ang reaksiyong iyon ay kagaya niyaong naranasan nina Pedro at Juan di-nagtagal pagkatapos ng Pentecostes 33 C.E. May malaking bahagi na naman ang mga Saduceo sa kontrobersiyang iyon. Inilahad ng Gawa 4:1-4 ang nangyari: “At habang ang dalawa ay nagsasalita sa mga tao, ang mga punong saserdote at ang kapitan ng templo at ang mga Saduceo ay sumugod sa kanila, na naiinis sapagkat tinuturuan nila ang mga tao at malinaw na ipinahahayag ang pagkabuhay-muli mula sa mga patay may kaugnayan kay Jesus.” Subalit positibo naman ang reaksiyon ng iba. “Marami sa mga nakinig sa sinalita ang naniwala, at ang bilang ng mga lalaki ay umabot ng mga limang libo.” Maliwanag, maaasahan nating iba-iba ang magiging reaksiyon ng mga tao kapag ipinakikipag-usap natin ang tungkol sa pag-asa sa pagkabuhay-muli. Kaya nga, napakahalagang patibayin natin ang ating pananampalataya sa turong ito.
Pananampalataya at Pagkabuhay-Muli
7, 8. (a) Gaya ng ipinakita sa liham sa unang-siglong kongregasyon ng Corinto, paano maaaring mawalan ng kabuluhan ang pananampalataya? (b) Paanong ang wastong pagkaunawa hinggil sa pag-asa sa pagkabuhay-muli ay nagiging dahilan upang mapaiba ang tunay na mga Kristiyano?
7 Hindi naging madali para sa lahat ng naging mga Kristiyano noong unang siglo C.E. na tanggapin ang pag-asa sa pagkabuhay-muli. Ang ilan sa mga nahirapang tanggapin ito ay ang mga nakaugnay sa kongregasyon sa Corinto. Sumulat si Pablo sa kanila: “Ibinigay ko sa inyo, kasama ng mga unang bagay, yaong tinanggap ko rin, na si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa Kasulatan; at na inilibing siya, oo, na ibinangon siya nang ikatlong araw ayon sa Kasulatan.” Pagkatapos ay pinatunayan ni Pablo ang katotohanang ito sa pagsasabing ang binuhay-muling si Kristo ay “nagpakita . . . sa mahigit sa limang daang kapatid,” na karamihan, ang dagdag ni Pablo, ay buháy pa. (1 Corinto 15:3-8) Nangatuwiran pa siya: “Kung si Kristo ay ipinangangaral na ibinangon siya mula sa mga patay, paano ngang sinasabi ng ilan sa inyo na walang pagkabuhay-muli ng mga patay? Kung wala ngang pagkabuhay-muli ng mga patay, hindi rin naman ibinangon si Kristo. Ngunit kung hindi ibinangon si Kristo, ang aming pangangaral ay tiyak na walang kabuluhan, at ang ating pananampalataya ay walang kabuluhan.”—1 Corinto 15:12-14.
8 Oo, tunay na isang pangunahing turo ang pagkabuhay-muli anupat walang kabuluhan ang pananampalatayang Kristiyano kung hindi tinatanggap ang pagkabuhay-muli bilang katotohanan. Sa katunayan, dahil sa wastong pagkaunawa Genesis 3:4; Ezekiel 18:4) Kaya ibinilang ni Pablo ang turo ng pagkabuhay-muli sa “pang-unang doktrina” ng Kristiyanismo. Maging determinasyon nawa natin na ‘sumulong sa pagkamaygulang.’ “At gagawin natin ito,” ang paghimok ni Pablo, “kung ipahihintulot nga ng Diyos.”—Hebreo 6:1-3.
hinggil sa pagkabuhay-muli, nakikita ang pagkakaiba ng tunay na mga Kristiyano at niyaong huwad. (Ang Pag-asa sa Pagkabuhay-Muli
9, 10. Ano ang ibig sabihin ng Bibliya kapag tinutukoy nito ang pagkabuhay-muli?
9 Upang lalong tumibay ang ating pananampalataya hinggil sa pagkabuhay-muli, repasuhin natin ang mga tanong na gaya ng: Ano ang ibig sabihin ng Bibliya kapag tinutukoy nito ang pagkabuhay-muli? Paano dinadakila ng turo ng pagkabuhay-muli ang pag-ibig ni Jehova? Ang mga sagot sa mga tanong na ito ay magiging dahilan upang lalo tayong mápalapít sa Diyos at kasabay nito, matulungan tayo na turuan ang iba tungkol sa pagkabuhay-muli.—2 Timoteo 2:2; Santiago 4:8.
10 Ang salitang “pagkabuhay-muli” ang naging salin sa salitang Griego na literal na nangangahulugang “muling pagtayo.” Ano ba ang ibig sabihin ng pananalitang ito? Ayon sa Bibliya, ang pag-asa sa pagkabuhay-muli ay ang pananalig na maaaring mabuhay-muli ang isang patay na tao. Ipinakikita pa ng Bibliya na ang isang tao ay maaaring buhayin sa isang katawang tao o espiritu, depende kung ang pag-asa niya ay sa lupa o sa langit. Humahanga tayo sa pag-ibig, karunungan, at kapangyarihang ipinakikita ni Jehova sa napakainam na pag-asang ito sa pagkabuhay-muli.
11. Anong pag-asa sa pagkabuhay-muli ang ibinibigay sa pinahirang mga lingkod ng Diyos?
11 Sa pagkabuhay-muli ni Jesus at ng kaniyang pinahirang mga kapatid, sila’y pinagkalooban ng katawang espiritu na angkop sa langit. (1 Corinto 15:35-38, 42-53) Magkakasama silang maglilingkod bilang mga tagapamahala ng Mesiyanikong Kaharian, na magdudulot ng mala-Paraisong mga kalagayan sa lupa. Sa ilalim ni Jesus bilang Mataas na Saserdote, ang pinahiran ay bumubuo ng isang maharlikang pagkasaserdote. Ikakapit nila ang mga kapakinabangan ng haing pantubos ni Kristo sa sangkatauhan sa bagong sanlibutan ng katuwiran. (Hebreo 7:25, 26; 9:24; 1 Pedro 2:9; Apocalipsis 22:1, 2) Samantala, ang mga pinahirang nabubuhay pa rito sa lupa ay nagnanais na manatiling kaayaaya sa Diyos. Sa kanilang kamatayan, tatanggapin nila ang kanilang “gantimpala” sa pamamagitan ng pagbuhay-muli sa kanila bilang imortal na espiritu sa langit. (2 Corinto 5:1-3, 6-8, 10; 1 Corinto 15:51, 52; Apocalipsis 14:13) “Kung tayo ay naging kaisa niya sa wangis ng kaniyang kamatayan,” ang isinulat ni Pablo, “tiyak na tayo ay magiging kaisa rin niya sa wangis ng kaniyang pagkabuhay-muli.” (Roma 6:5) Subalit kumusta naman ang mga bubuhaying muli sa lupa bilang mga tao? Paano sila lalong mapapalapít sa Diyos dahil sa pag-asa sa pagkabuhay-muli? Marami tayong matututuhan sa halimbawa ni Abraham.
Ang Pagkabuhay-Muli at ang Pakikipagkaibigan kay Jehova
12, 13. Anong matibay na saligan ng pananampalataya hinggil sa pagkabuhay-muli ang taglay ni Abraham?
12 Si Abraham, na inilarawan bilang “kaibigan ni Jehova,” ay isang taong may namumukod-tanging pananampalataya. (Santiago 2:23) Tatlong beses na tinukoy ni Pablo ang pananampalataya ni Abraham sa kaniyang pagtatala ng tapat na mga lalaki at babae na nakaulat sa ika-11 kabanata ng Mga Hebreo. (Hebreo 11:8, 9, 17) Ang kaniyang ikatlong pagtukoy ay nagbigay-pansin sa ipinakitang pananampalataya ni Abraham noong may-pagkamasunurin niyang inihanda ang kaniyang anak na si Isaac upang ihandog bilang hain. Kumbinsido si Abraham na ang pangakong lilitaw ang binhi sa pamamagitan ni Isaac ay ginarantiyahan ni Jehova. Kahit na mamatay si Isaac bilang hain, “inisip [ni Abraham] na magagawa ng Diyos na ibangon siya kahit mula sa mga patay.”
13 Gaya ng nangyari, nang makita ni Jehova kung gaano kalakas ang pananampalataya ni Abraham, isinaayos niya ang isang hayop upang magsilbing hain kapalit ni Isaac. Gayunpaman, ang karanasan ni Isaac ay nagsilbing ilustrasyon hinggil sa pagkabuhay-muli, gaya ng ipinaliwanag ni Pablo: “Mula roon ay tinanggap nga rin [ni Abraham si Isaac] sa makatalinghagang paraan.” (Hebreo 11:19) Bukod diyan, may matibay nang saligan si Abraham sa kaniyang paniniwala hinggil sa pagkabuhay-muli. Hindi ba’t isinauli ni Jehova ang kakayahan ni Abraham na mag-anak nang siya at ang kaniyang asawa, si Sara, ay magtalik noong matanda na sila at nagkaanak, samakatuwid nga ay si Isaac?—Genesis 18:10-14; 21:1-3; Roma 4:19-21.
14. (a) Ayon sa Hebreo 11:9, 10, ano ang hinihintay ni Abraham? (b) Upang matanggap niya ang mga pagpapala ng Kaharian sa bagong sanlibutan, ano ang dapat munang mangyari kay Abraham? (c) Paano natin matatanggap ang mga pagpapala ng Kaharian?
14 Inilarawan ni Pablo si Abraham bilang isang naninirahang dayuhan at isang naninirahan sa tolda na “hinihintay . . . ang lunsod na may tunay na mga pundasyon, na ang tagapagtayo at maygawa ng lunsod na ito ay ang Diyos.” (Hebreo 11:9, 10) Hindi ito isang literal na lunsod kagaya ng Jerusalem, na siyang kinaroroonan ng templo ng Diyos. Sa halip, isa itong makasagisag na lunsod. Ito ay ang makalangit na Kaharian ng Diyos na binubuo ni Kristo Jesus at ng kaniyang 144,000 kasamang tagapamahala. Ang 144,000 sa kanilang makalangit na kaluwalhatian ay tinutukoy rin bilang “ang banal na lunsod, ang Bagong Jerusalem,” ang “kasintahang babae” ni Kristo. (Apocalipsis 21:2) Noong 1914, iniluklok ni Jehova si Jesus bilang Mesiyanikong Hari ng makalangit na Kaharian at inutusan siyang mamahala sa gitna ng kaniyang mga kaaway. (Awit 110:1, 2; Apocalipsis 11:15) Upang matanggap niya ang mga pagpapala ng pamamahala ng Kaharian, si Abraham, ang “kaibigan ni Jehova,” ay kailangang buhaying muli. Sa katulad na paraan, upang matanggap natin ang mga pagpapala ng Kaharian, kailangan na buháy tayo sa bagong sanlibutan ng Diyos, bilang mga miyembro ng malaking pulutong na nakaligtas sa Armagedon o bilang mga binuhay-muli mula sa mga patay. (Apocalipsis 7:9, 14) Subalit ano ba ang saligan ng pag-asa sa pagkabuhay-muli?
Pag-ibig ng Diyos—Ang Saligan ng Pag-asa sa Pagkabuhay-Muli
15, 16. (a) Paanong ang unang hula sa Bibliya ay nagbibigay ng saligan para sa ating pag-asa sa pagkabuhay-muli? (b) Paanong ang paniniwala sa pagkabuhay-muli ay nagiging dahilan upang lalo tayong mápalapít kay Jehova?
15 Dahil sa ating malapít na kaugnayan sa ating maibiging makalangit na Ama, sa ating malakas na pananampalatayang katulad ng kay Abraham, at sa ating pagkamasunurin sa mga utos ng Diyos, nagiging posible na ihayag tayong matuwid at ituring ni Jehova na kaniyang mga kaibigan. Ito ang nagbibigay sa atin ng pagkakataong makinabang sa pamamahala ng Kaharian. Sa katunayan, ang unang-unang hula na nakaulat sa Salita ng Diyos, sa Genesis 3:15, ay nagbibigay ng saligan para sa pag-asa sa pagkabuhay-muli at sa pakikipagkaibigan sa Diyos. Inihula nito hindi lamang ang pagdurog sa ulo ni Satanas kundi, sa kabilang panig naman, pati ang pagsugat sa sakong ng Binhi ng babae ng Diyos. Ang kamatayan ni Jesus sa tulos ang makasagisag na pagsugat sa sakong. Ang kaniyang pagkabuhay-muli sa ikatlong araw ang nagpagaling sa sugat na iyon at nagbigay-daan upang maging posible ang pangwakas na pagkilos laban sa “isa na may kakayahang magpangyari ng kamatayan, samakatuwid nga, ang Diyablo.”—Hebreo 2:14.
Roma 5:8) Ang pagpapahalaga sa di-sana-nararapat na kabaitang ito ay tunay na lalong nagpapalapít sa atin kay Jesus at sa ating maibiging makalangit na Ama.—2 Corinto 5:14, 15.
16 Ipinaalaala sa atin ni Pablo na “inirerekomenda ng Diyos sa atin ang kaniyang sariling pag-ibig anupat, samantalang tayo ay mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.” (17. (a) Anong pag-asa ang ipinahayag ni Job? (b) Ano ang isinisiwalat ng Job 14:15 hinggil kay Jehova, at ano ang nadarama mo hinggil dito?
17 Inasam-asam din ni Job, isang tapat na tao bago ang panahong Kristiyano, ang pagkabuhay-muli. Matinding pagdurusa ang naranasan niya sa kamay ni Satanas. Di-tulad ng kaniyang huwad na mga kasamahan, na hindi kailanman bumanggit sa pagkabuhay-muli, nakasumpong ng kaaliwan si Job sa pag-asang ito at nagtanong: “Kung ang isang matipunong lalaki ay mamatay mabubuhay pa ba siyang muli?” Bilang sagot, si Job mismo ang nagsabi: “Sa lahat ng mga araw ng aking sapilitang pagpapagal ay maghihintay ako, hanggang sa dumating ang aking kaginhawahan.” Sa pakikipag-usap sa kaniyang Diyos na si Jehova, sinabi niya: “Ikaw ay tatawag, at ako ay sasagot sa iyo.” Binanggit ni Job ang damdamin ng ating maibiging Maylalang sa pagsasabi: “Ang gawa ng iyong mga kamay ay mimithiin mo.” (Job 14:14, 15) Oo, inaasam-asam ni Jehova ang panahon kapag ang lahat ng tapat ay bubuhaying muli. Tunay ngang lalo tayong napapalapít sa kaniya habang binubulay-bulay natin ang pag-ibig at di-sana-nararapat na kabaitan na ipinakikita niya sa atin kahit na hindi tayo sakdal!—Roma 5:21; Santiago 4:8.
18, 19. (a) Ano ang pag-asa na bubuhaying muli si Daniel? (b) Ano ang ating rerepasuhin sa susunod na artikulo?
18 Si propeta Daniel, na inilarawan ng anghel ng Diyos bilang isang “kalugud-lugod na lalaki,” ay matagal na nabuhay at tapat na naglingkod sa Diyos. (Daniel 10:11, 19) Hindi nagmaliw ang kaniyang katapatan kay Jehova mula noong siya’y ipatapon noong 617 B.C.E. hanggang sa mamatay siya mga ilang panahon pagkatanggap niya ng isang pangitain noong 536 B.C.E., ang ikatlong taon ng pamamahala ni Ciro, ang hari ng Persia. (Daniel 1:1; 10:1) Nang ikatlong taong iyon ni Ciro, nakatanggap si Daniel ng isang pangitain hinggil sa sunud-sunod na mga kapangyarihang pandaigdig na magwawakas sa dumarating na malaking kapighatian. (Daniel 11:1–12:13) Yamang hindi niya lubusang maunawaan ang pangitain, tinanong ni Daniel ang mensaherong anghel na nagdala nito: “O panginoon ko, ano ang magiging huling bahagi ng mga bagay na ito?” Bilang sagot, binanggit ng anghel ang tungkol sa “panahon ng kawakasan,” kung kailan “silang may kaunawaan ay makauunawa.” Ano naman ang magiging pag-asa ni Daniel? Sinabi ng anghel: “Magpapahinga ka, ngunit tatayo ka para sa iyong kahinatnan sa kawakasan ng mga araw.” (Daniel 12:8-10, 13) Babalik si Daniel “sa pagkabuhay-muli ng mga matuwid,” sa panahon ng Milenyong Paghahari ni Kristo.—Lucas 14:14.
19 Nabubuhay tayo ngayon sa huling bahagi ng panahon ng kawakasan at mas malapit na tayo sa pasimula ng Milenyong Pamamahala ni Kristo kaysa noong una tayong naging mga mananampalataya. Kung gayon, dapat nating tanungin ang ating sarili, ‘Naroroon kaya ako sa bagong sanlibutan upang makasama sina Abraham, Job, Daniel, at iba pang tapat na mga lalaki at babae?’ Magiging ganoon nga, kung mananatili tayong malapít kay Jehova at susunod sa kaniyang mga utos. Sa ating susunod na artikulo, rerepasuhin natin nang mas detalyado ang pag-asa sa pagkabuhay-muli upang malaman kung sinu-sino ang bubuhaying muli.
Naaalaala Mo Ba?
• Ano ang naging reaksiyon nila kay Pablo nang ipahayag niya ang kaniyang pag-asa sa pagkabuhay-muli?
• Bakit ang pag-asa sa pagkabuhay-muli ay nagiging dahilan upang mapaiba ang tunay na mga Kristiyano sa mga huwad?
• Paano natin nalaman na may pananampalataya sa pagkabuhay-muli sina Abraham, Job, at Daniel?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 8]
Inihayag ni Pablo nang may pananalig sa harap ni Gobernador Felix ang pag-asa sa pagkabuhay-muli
[Larawan sa pahina 10]
Bakit nanampalataya si Abraham sa pagkabuhay-muli?
[Larawan sa pahina 12]
Nakasumpong ng kaaliwan si Job sa pag-asa sa pagkabuhay-muli
[Larawan sa pahina 12]
Babalik si Daniel sa pagkabuhay-muli ng mga matuwid