Saan ba Patungo ang Daigdig?
Saan ba Patungo ang Daigdig?
PANDAIGDIG NA PAGKAKAISA. Napakagandang pakinggan nito. Hindi ba’t gusto ito ng lahat ng tao? Oo, maraming usap-usapan hinggil sa pagkakaisa. Paulit-ulit na tinatalakay ang paksang ito sa mga pagpupulong ng mga lider ng daigdig. Noong Agosto 2000, mahigit sa 1,000 relihiyosong lider ang nagtipun-tipon sa United Nations sa New York para sa Millennium World Peace Summit. Tinalakay nila ang mga solusyon sa mga alitan ng daigdig. Gayunman, maaaninag sa mismong komperensiya ang nag-aalab na mga kontrobersiya sa daigdig. Tumangging pumunta roon ang isang mufti mula sa Jerusalem dahil naroroon ang isang Judiong rabbi. Sumamâ naman ang loob ng iba dahil hindi inanyayahan sa unang dalawang araw ang Dalai Lama sa takot na magalit ang Tsina.
Noong Oktubre 2003, tinalakay ng mga bansang nasa hangganan ng Karagatang Pasipiko ang mga usapin hinggil sa pandaigdig na seguridad sa pagpupulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na idinaos sa Thailand. Ang 21 bansang naroroon ay nanatang bubuwagin nila ang mga grupo ng terorista at sumang-ayon sa mga paraan upang madagdagan ang pangglobong seguridad. Subalit sa komperensiyang iyon, nagbulung-bulungan ang ilang kinatawan hinggil sa mga komento ng isang punong ministro, na ipinalalagay na isang paratang na lipos ng pagkapoot sa mga Judio.
Bakit Walang Pagkakaisa?
Bagaman maraming usap-usapan hinggil sa pandaigdig na pagkakaisa, kakaunti lamang ang nakikita nating aktuwal na resulta. Bakit hindi pa rin makamit ng sangkatauhan ang pandaigdig na pagkakaisa sa ika-21 siglo sa kabila ng taimtim na pagsisikap ng marami?
Makikita ang bahagi ng sagot sa mga komento ng isa sa mga punong ministro na dumalo sa komperensiya ng APEC. Sinabi niya, “Nariyan ang tinatawag na pagmamapuri ng bansa.” Oo, nangingibabaw ang nasyonalismo sa lipunan ng tao. Ang bawat pambansa at etnikong grupo ay nauudyukan ng hangaring itaguyod ang kalayaan ng mga bayan na pamahalaan ang kanilang sarili. Ang pambansang soberanya na may kalakip na espiritu ng kompetisyon at kasakiman ay nagdulot ng kaguluhan. Sa maraming kaso, kapag nagkakasalungatan ang pambansang mga kapakanan at ang pangglobong mga kapakanan, nauuna ang pambansang mga kapakanan.
Ang pananalita ng salmista na “salot na nagdudulot ng mga kapighatian” ay angkop na lumalarawan sa nasyonalismo. (Awit 91:3) Ito ay parang isang salot sa sangkatauhan, na humahantong sa di-mailarawang pagdurusa. Ang nasyonalismo, pati na ang idinulot nitong pagkapoot sa ibang mga lahi ay maraming siglo nang umiiral. Sa ngayon, patuloy na pinupukaw ng nasyonalismo ang pagkakabaha-bahagi, at hindi ito mapigilan ng mga taong tagapamahala.
Kinikilala ng maraming awtoridad na ang nasyonalismo at ang pagtataguyod ng sariling kapakanan ang ugat ng mga problema sa daigdig. Halimbawa, ganito ang sinabi ng dating kalihim-panlahat ng United Nations na si U Thant: “Karamihan sa mga problemang kinakaharap natin sa ngayon ay dahil sa, o bunga ng, maling mga saloobin . . . Kabilang na rito ang konsepto ng nasyonalismong may makitid na pangmalas—‘bayan ko pa rin, tama man ito o mali.’ ” Gayunpaman, ang mga bansa sa ngayon, na labis na nahuhumaling sa kanilang sariling kapakanan, ay higit at higit na naghahangad para sa kanilang sariling soberanya. Ayaw man lamang magparaya kahit kaunti ng mga mas makapangyarihan. Halimbawa, ganito ang sinabi ng International Herald Tribune hinggil sa European Union: “Ang pagpapaligsahan at pagdududa ay nananatiling mga pangunahing bahagi ng pulitika sa Europa. Hindi pa rin katanggap-tanggap para sa karamihan ng mga estadong miyembro ng EU na ang isa sa kanilang mga kasamahan ay magkaroon ng higit na impluwensiya at manguna.”
Wastong inilarawan ng Salita ng Diyos, ang Eclesiastes 8:9) Dahil hinati-hati nila ang daigdig sa iba’t ibang magkakabukod na bansa, nararanasan ng mga grupo ng tao gayundin ng mga indibiduwal ang katuparan ng simulaing ito sa Bibliya: “Ang nagbubukod ng kaniyang sarili ay naghahanap ng kaniyang makasariling hangarin; laban sa lahat ng praktikal na karunungan ay sasalansang siya.”—Kawikaan 18:1.
Bibliya, ang resulta ng lahat ng pamamahala ng tao, na sinasabi: “Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.” (Hindi kailanman nilayon ng ating Maylalang, na nakaaalam kung ano ang pinakamabuti para sa atin, na ang mga tao ay magtatag ng sarili nilang mga pamahalaan at mamahala sa kanilang sarili. Sa paggawa ng gayon, ipinagwalang-bahala ng mga tao ang layunin ng Diyos at ang katotohanan na ang lahat ng bagay ay pagmamay-ari niya. Ganito ang sinasabi ng Awit 95:3-5: “Si Jehova ay dakilang Diyos at dakilang Hari sa lahat ng iba pang diyos, siya na sa kaniyang kamay ay naroon ang mga kaila-ilaliman ng lupa at siyang nagmamay-ari ng mga taluktok ng mga bundok; na nagmamay-ari ng dagat, na kaniya mismong ginawa, at ang kaniya mismong mga kamay ang nag-anyo ng tuyong lupa.” Ang Diyos ang karapat-dapat na Soberano na siyang dapat ituring ng lahat bilang kanilang tagapamahala. Sa pagtataguyod ng kani-kanilang soberanya, nilalabanan ng mga bansa ang kaniyang kalooban.—Awit 2:2.
Ano ang Kailangan?
Ang tanging paraan upang magkaisa ang daigdig ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang pandaigdig na awtoridad na talagang nagmamalasakit sa kapakanan ng lahat ng tao. Maraming palaisip na tao ang nakatatanto sa pangangailangang ito. Subalit ang karamihan sa mga nakababatid nito ay bumabaling sa maling organisasyon. Halimbawa, maraming komentarista, kasama na ang mga relihiyosong lider, ang humihimok sa mga tao na umasa sa United Nations ukol sa pandaigdig na pagkakaisa. Subalit gaanuman karangal ang kanilang mga mithiin, hindi kailanman nalulutas ng mga organisasyon ng tao ang internasyonal na mga problema ng sangkatauhan. Sa halip, maaaninag lamang sa karamihan ng mga organisasyong ito ang kawalan ng pagkakaisa na umiiral sa iba’t ibang bansa.
Ang Bibliya ay nagbabala na huwag tayong umasa na malulunasan pa ng mga institusyon ng tao ang mga problemang ito nang sabihin nito: “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga taong mahal, ni sa anak man ng makalupang tao, na sa kaniya ay walang pagliligtas.” (Awit 146:3) Dahil ba dito ay waring wala nang pag-asa para magkaroon ng pandaigdig na pagkakaisa? Hindi naman. May iba pang paraan.
Marami ang hindi nakaaalam na ang Diyos ay nagtatag na ng isang pamahalaang makapagkakaisa sa daigdig. Ganito ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Diyos na Jehova: “Ako, ako nga, ang nagluklok ng aking hari sa Sion, na aking banal na bundok. Humingi ka sa akin, upang maibigay ko ang mga bansa bilang iyong mana at ang mga dulo ng lupa bilang iyong sariling pag-aari.” (Awit 2:6, 8) Pansinin na tinutukoy ng kasulatan ang Diyos na Jehova bilang isa na ‘nagluklok ng kaniyang hari,’ na tinutukoy naman niya sa talata 7 na “aking anak.” Ito ay walang iba kundi ang pinakadakilang espiritung Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo, na pinagkalooban ng awtoridad sa lahat ng bansa.
Kung Paano Magkakaroon ng Pandaigdig na Pagkakaisa
Hindi kinikilala ng karamihan sa mga tao ang makalangit na pamamahalang ito na itinatag ng Diyos. Nagmamatigas pa rin ang mga bansa sa panghahawakan sa ipinapalagay nilang karapatan na mamahala. Subalit hindi pahihintulutan ng Diyos na patuloy na umiral ang mga tumatangging kumilala sa kaniyang soberanya at sa pamahalaang itinatag niya. Ganito ang sinasabi ng Awit 2:9 tungkol sa mga tumatanggi sa kaayusang ito: “Babaliin mo [ng Anak, si Jesu-Kristo] sila sa pamamagitan ng isang setrong bakal, dudurugin mo silang gaya ng sisidlan ng magpapalayok.” Batid man nila ito o hindi, ang mga bansa ngayon ay humahayo tungo sa pakikipaglaban sa Diyos. Binabanggit ng huling aklat ng Bibliya ang tungkol sa pagtitipon sa “mga hari ng buong tinatahanang lupa” tungo “sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” (Apocalipsis 16:14) Ang mga bansa at ang kanilang mga landasing nagdudulot ng pagkakabaha-bahagi ay lilipulin. Ito ang magbibigay-daan sa pamahalaan ng Diyos upang isakatuparan ang gawain nito nang walang sagabal.
Bilang Soberano ng Sansinukob, ang Diyos na Jehova sa pamamagitan ng kaniyang Anak ay gagamit ng kapangyarihan nang may karunungan upang isagawa ang kinakailangang mga pagbabago Awit 72 sa iyong Bibliya? Ibinigay roon ang isang makahulang paglalarawan hinggil sa gagawin ng pamamahala ng Anak ng Diyos para sa sangkatauhan. Mararanasan ng mga tao ang tunay na pandaigdig na pagkakaisa, at ang lahat ng kanilang problema—paniniil, karahasan, karalitaan, at iba pa—ay mapapawi na.
para sa isang nagkakaisang daigdig. Ang pamahalaan ng Diyos ang magdudulot ng tunay na pagkakaisa at pagpapalain nito ang lahat ng umiibig sa katuwiran. Bakit hindi gumugol ng ilang minuto upang basahin angSa nababahaging daigdig na ito sa ngayon, marami ang nag-iisip na hindi makatotohanan ang gayong pag-asa. Pero mali ang gayong pag-iisip. Hindi pa nabigo ang mga pangako ng Diyos, at hindi ito kailanman mabibigo. (Isaias 55:10, 11) Nais mo bang makita ang pagbabagong ito? Maaari mo itong matamasa. Sa katunayan, may mga tao nang naghahanda para sa panahong iyan. Nagmula sila sa lahat ng bansa, pero sa halip na maglaban-laban, sila ngayon ay nagkakaisang nagpapasakop sa soberanya ng Diyos. (Isaias 2:2-4) Sino sila? Sila ay kilala bilang mga Saksi ni Jehova. Bakit hindi paunlakan ang kanilang paanyaya na dalawin ang kanilang mga dako ng pagpupulong? Malamang na matatamasa mo ang nakagiginhawang pakikipagsamahan sa mga taong makatutulong sa iyo na magpasakop sa soberanya ng Diyos at matamasa ang pagkakaisang hindi kailanman magwawakas.
[Mga larawan sa pahina 7]
Ang mga tao mula sa lahat ng bansa ay naghahanda na para sa buhay sa isang nagkakaisang daigdig
[Picture Credit Line sa pahina 4]
Saeed Khan/AFP/Getty Images
[Picture Credit Lines sa pahina 5]
Babaing nagdadalamhati: Igor Dutina/AFP/Getty Images; mga nagpoprotesta: Said Khatib/AFP/Getty Images; mga armored car: Joseph Barrak/AFP/Getty Images