Ang Paghahanap ng Panloob na Kapayapaan
Ang Paghahanap ng Panloob na Kapayapaan
SI Albert ay may maligayang pag-aasawa at dalawang nakatutuwang anak. Ngunit nadarama niyang may kulang pa sa kaniyang buhay. Noong nahihirapan siyang maghanap ng trabaho, nasangkot siya sa pulitika at nagtaguyod ng sosyalismo. Naging aktibong miyembro pa nga siya ng lokal na partidong Komunista.
Gayunman, di-nagtagal, nasiphayo si Albert sa Komunismo. Pinutol niya ang kaniyang kaugnayan sa pulitika at nagtuon na lamang ng buong pansin sa kaniyang pamilya. Naging layunin niya sa buhay ang tiyaking maligaya sila. Ngunit nadarama pa rin ni Albert na may kulang sa buhay niya; wala pa rin siyang tunay na panloob na kapayapaan.
Hindi lamang si Albert ang nakadarama ng ganito. Upang magkaroon ng makabuluhang layunin sa buhay, milyun-milyon ang sumubok sa iba’t ibang ideolohiya, pilosopiya, at relihiyon. Sa Kanluran, ang kilusang hippie noong dekada ng 1960 ay isang paghihimagsik laban sa tradisyonal na mga pamantayang moral at simulaing panlipunan. Partikular nang naghanap ng kaligayahan at kahulugan sa buhay ang mga kabataan sa pamamagitan ng mga drogang nakaaapekto sa isip at sa mga pilosopiya ng tinatawag na mga guru at espirituwal na mga lider ng kilusan. Magkagayunman, hindi rin nakapagdulot ng tunay na kaligayahan ang kilusang hippie. Sa halip, naging isang dahilan ito ng paglitaw ng mga taong sugapa sa droga at mga kabataang walang delikadesa, anupat pinabilis nito ang pagbulusok ng lipunan sa moral na kalituhan.
Sa loob ng maraming siglo, marami ang naghanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng kayamanan, kapangyarihan, o edukasyon. Ang mga landasing ito ay humantong nang bandang huli sa pagkabigo. “Kahit na may kasaganaan ang isang Lucas 12:15) Sa halip, kadalasang nagdudulot ng kalungkutan ang determinadong paghahabol sa kayamanan. Sinasabi ng Bibliya: “Yaong mga determinadong maging mayaman ay nahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming hangal at nakasasakit na mga pagnanasa, na nagbubulusok sa mga tao sa pagkapuksa at pagkapahamak. Sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang mga bagay, at sa pag-abot sa pag-ibig na ito ang ilan ay . . . napagsasaksak ng maraming kirot ang kanilang sarili.”—1 Timoteo 6:9, 10.
tao,” ang sabi ni Jesus, “ang kaniyang buhay ay hindi nagmumula sa mga bagay na tinataglay niya.” (Kung gayon, paano makasusumpong ang isa ng panloob na kapayapaan at layunin sa buhay? Kailangan ba niyang mag-eksperimento, na parang nangangapa sa dilim? Mabuti naman at hindi. Gaya ng makikita natin sa susunod na artikulo, ang solusyon ay nakasalalay sa pagsapat sa isang napakahalaga at natatanging pangangailangan ng tao.
[Larawan sa pahina 3]
Makatutulong ba ang paghahabol sa kayamanan, kapangyarihan, o edukasyon para makasumpong ka ng panloob na kapayapaan?