Tamang mga Turo na Nakalulugod sa Diyos
Tamang mga Turo na Nakalulugod sa Diyos
UPANG malaman ng mga naninirahan sa lupa ang mga turong tama at nakalulugod sa Diyos, dapat niyang isiwalat ang kaniyang mga pag-iisip sa mga tao. Dapat din niyang ipaalam sa lahat ang isiniwalat niyang iyon. Paano pa nga ba malalaman ng sangkatauhan kung ano ang sinasang-ayunan ng Diyos kung tungkol sa doktrina, pagsamba, at paggawi? Nagbigay ba ang Diyos ng gayong mga impormasyon? Kung oo, paano?
Magagawa ba ng sinumang tao na ilang dekada lamang ang haba ng buhay na personal na makausap ang buong sangkatauhan at magsilbing alulod ng komunikasyon mula sa Diyos? Hindi. Subalit magagawa ito ng isang rekord na permanenteng nakasulat. Kung gayon, hindi ba’t angkop lamang na mabasa sa aklat ang isiniwalat na iyon ng Diyos? Ang isa sa mga sinaunang aklat na sinasabing kinasihan ng Diyos ay ang Bibliya. “Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay, sa pagdidisiplina sa katuwiran,” ang sabi ng isa sa mga manunulat nito. (2 Timoteo 3:16) Suriin natin ang Bibliya at tingnan kung ito nga ang pinagmumulan ng tamang mga turo.
Gaano Katanda?
Sa mga pangunahing aklat ng relihiyon, ang Bibliya ang isa sa pinakamatanda. Ang unang bahagi nito ay isinulat mga 3,500 taon na ang nakalilipas. Nakumpleto ang aklat na ito noong 98 C.E. * Bagaman mga 40 lalaki ang sumulat nito sa loob ng 1,600 taon, ang Bibliya ay isang magkakasuwatong kalipunan ng mga sulat. Totoo ito dahil ang talagang Awtor nito ay ang Diyos.
Ang Bibliya ang aklat na may pinakamalawak na sirkulasyon at salin sa buong kasaysayan. Taun-taon, mga 60 milyong kopya ng buong Bibliya o ng mga bahagi nito ang ipinamamahagi. Naisalin na ang kumpletong Bibliya o mga bahagi nito sa mahigit 2,300 wika at diyalekto. Mahigit 90 porsiyento ng pamilya ng tao ang makakakuha ng Bibliya, o ng bahagi man lamang nito, sa kanilang sariling wika. Ang aklat na ito ay hindi nahadlangan ng pambansang mga hangganan, panliping pagkakabaha-bahagi, at etnikong balakid.
Gaano Kaorganisado?
Kung mayroon kang Bibliya, bakit hindi mo ito buksan at tingnan kung gaano ito kaorganisado? * Una, buksan mo sa talaan ng mga nilalaman. Halos lahat ng Bibliya ay mayroon nito sa unahan, na kinatatalaan ng pangalan ng bawat aklat at numero ng pahina kung saan ito masusumpungan. Mapapansin mo na ang Bibliya ay talagang isang malaking koleksiyon ng indibiduwal na mga aklat, na may kani-kaniyang pangalan. Ang pinakaunang aklat ay Genesis, at ang pinakahuli naman ay Pagsisiwalat, o Apocalipsis. Hinati ang mga aklat sa dalawang seksiyon. Ang unang 39 na aklat ay tinatawag na Hebreong Kasulatan, yamang karamihan sa mga ito ay isinulat sa wikang Hebreo. Ang huling 27 aklat naman ay isinulat sa wikang Griego at bumubuo ng Griegong Kasulatan. Ang dalawang seksiyong ito ay tinutukoy ng ilan bilang ang Matandang Tipan at ang Bagong Tipan.
Ang mga aklat ng Bibliya ay may mga kabanata at talata para madali itong matukoy. Kapag binabanggit ang mga teksto sa magasing ito, ang unang numero na kasunod ng pangalan ng aklat ng Bibliya ay tumutukoy sa kabanata ng aklat na iyon at ang ikalawa naman ay sa talata. Halimbawa, ang teksto na “2 Timoteo 3:16” ay nangangahulugang aklat ng Ikalawang Timoteo, kabanata 3, talata 16. Tingnan mo kung masusumpungan mo ang talatang iyan sa Bibliya.
Hindi ba’t sasang-ayon ka na ang pinakamagandang paraan upang maging pamilyar sa Bibliya ay ang regular na pagbabasa nito? Natuklasan ng ilan na makatutulong kung babasahin muna ang Griegong Kasulatan, mula sa aklat ng Mateo. Kung babasa ka ng tatlo hanggang limang kabanata bawat araw, mababasa mo ang buong Bibliya sa loob ng isang taon. Subalit paano mo matitiyak na kinasihan nga ng Diyos ang iyong binabasa sa Bibliya?
Makapagtitiwala Ka ba sa Bibliya?
Hindi ba’t dapat na ang isang aklat na kinasihan ng Diyos para sa lahat ng tao ay naglalaman ng di-nagbabagong mga payo kung paano mabuhay? Isinisiwalat ng Bibliya ang kaunawaan sa kalikasan ng tao na kapit sa lahat ng henerasyon ng sangkatauhan, at ang mga simulain nito ay praktikal pa rin sa ngayon na gaya noon nang unang sabihin ito. Kitang-kita ito sa popular na diskursong ibinigay ni Jesu-Kristo, ang Tagapagtatag ng Kristiyanismo. Nakaulat ito sa Mateo kabanata 5 hanggang 7. Ipinakikita sa atin ng talumpating ito, kilala bilang Sermon sa Bundok, hindi lamang kung paano makasusumpong ng tunay na kaligayahan kundi kung paano rin malulutas ang mga pagtatalo, kung paano mananalangin, kung paano mamalasin ang materyal na mga pangangailangan, at marami pang iba. Sa diskursong ito, at sa lahat ng natitira pang mga pahina nito, maliwanag na sinasabi sa atin ng Bibliya kung ano ang dapat gawin at kung ano ang dapat iwasan upang mapaluguran ang Diyos at mapasulong ang ating kalagayan sa buhay.
Ang isa pang dahilan kung bakit ka makapagtitiwala sa Bibliya ay dahil pagdating sa siyensiya, ang sinasabi ng sinaunang aklat na ito ay tumpak. Halimbawa, noong halos lahat ng tao ay naniniwalang lapád ang lupa, binabanggit na ng Bibliya ang tungkol sa “bilog [o, pagiging hugis-bola] ng lupa.” * (Isaias 40:22) At mahigit 3,000 taon bago ipinaliwanag ng bantog na siyentipikong si Sir Isaac Newton na ang mga planeta ay nakatigil sa kalawakan dahil sa grabidad, ang Bibliya naman ay patulang nagsabi na ‘ang lupa ay nakabitin sa wala.’ (Job 26:7) Tingnan din natin ang patulang paglalarawan sa siklo ng tubig sa lupa, na iniulat mga 3,000 taon na ang nakalilipas: “Lahat ng ilog ay umaagos papuntang dagat ngunit ang dagat ay hindi napupuno. Kung saan nanggaling ang ilog, doon din bumabalik.” (Eclesiastes 1:7, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Oo, ang Maylalang ng uniberso ay siya ring Awtor ng Bibliya.
Ang pagiging tumpak ng kasaysayan sa Bibliya ay kasuwato ng katotohanang kinasihan ito ng Diyos. Hindi basta mga alamat lamang ang mga pangyayaring tinalakay sa Bibliya. May kaugnay Lucas 3:1 ang “ikalabinlimang taon ng paghahari ni Tiberio Cesar, nang si Poncio Pilato ang gobernador ng Judea, at si Herodes ang tagapamahala ng distrito ng Galilea.”
itong espesipikong mga petsa, tao, at lugar. Halimbawa, aktuwal na tinukoy saBagaman halos puro mga tagumpay at kagalingan lamang ng mga pinuno ang iniuulat ng sinaunang mga istoryador, ang mga manunulat naman ng Bibliya ay tapat at hayagang umaamin maging ng kanila mismong mga pagkakamali. Halimbawa, umamin si Haring David ng Israel: “Ako ay nagkasala nang malubha sa ginawa ko. . . . Kumilos ako nang may malaking kamangmangan.” Ang pangungusap na ito ay tuwirang iniulat sa Bibliya. (2 Samuel 24:10) At iniulat ng mismong manunulat ng Bibliya na si Moises ang pangyayari noong hindi siya nagpakita ng pagtitiwala sa tunay na Diyos.—Bilang 20:12.
May isa pang katibayan ang Bibliya na ito’y kinasihan ng Diyos. Ang katibayang iyan ay ang natupad na mga hula nito—mga kasaysayan na patiunang isinulat. Ang ilan sa mga ito ay mga hula tungkol kay Jesu-Kristo. Halimbawa, mahigit 700 taon bago ipinanganak si Jesus, may-katumpakang inihula ng Hebreong Kasulatan na ang Ipinangakong Isa na ito ay ipanganganak “sa Betlehem ng Judea.”—Mateo 2:1-6; Mikas 5:2.
Tingnan natin ang isa pang halimbawa. Sa 2 Timoteo 3:1-5, ang Bibliya ay nagsasabi: “Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mga mapagmapuri sa sarili, mga palalo, mga mamumusong, mga masuwayin sa mga magulang, mga walang utang-na-loob, mga di-matapat, mga walang likas na pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga maninirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan, mga mapagkanulo, mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki, mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos, na may anyo ng makadiyos na debosyon ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito.” Hindi ba’t ganito talaga ang pag-uugali ng mga tao ngayon sa pangkalahatan? Ang mga salitang ito ay isinulat noong taóng 65 C.E., mahigit nang 1,900 taon ang nakalipas!
Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
Habang binabasa mo ang Bibliya, mauunawaan mo na ito ang pinagmumulan ng nakatataas na karunungan. Naglalaan ito ng kasiya-siyang mga sagot sa ganitong mga tanong: Sino ang Diyos? Totoo bang may Diyablo? Sino si Jesu-Kristo? Bakit may pagdurusa? Ano ang nangyayari sa atin kapag tayo’y namatay? Iba’t iba ang mga sagot na maririnig mo sa mga tao kung paanong iba’t iba rin ang mga paniniwala at kostumbre ng mga taong nagbibigay nito. Subalit isinisiwalat ng Bibliya ang katotohanan tungkol sa mga ito at sa marami pang ibang mga paksa. Isa pa, kung tungkol sa paggawi at saloobin sa ibang mga tao at nakatataas na mga awtoridad, wala nang gagaling pa sa patnubay ng Bibliya. *
Ano ang isinisiwalat ng Bibliya tungkol sa layunin ng Diyos para sa lupa at sa sangkatauhan? Nangangako ito: “Kaunting panahon na lamang, at ang balakyot ay mawawala na . . . Ngunit ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.” (Awit 37:10, 11) “Ang Diyos mismo ay sasakanila [sa sangkatauhan]. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.” (Apocalipsis 21:3, 4) “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.”—Awit 37:29.
Inihuhula rin ng Bibliya na malapit nang magwakas ang digmaan, krimen, karahasan, at kabalakyutan. Mawawala na ang sakit, pagtanda, at kamatayan. Magkakatotoo na ang buhay na walang hanggan sa paraisong lupa. Napakagandang pag-asa! At kitang-kita sa lahat ng ito ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan!
Ano ang Gagawin Mo?
Ang Bibliya ay isang kahanga-hangang kaloob mula sa Maylalang. Ano ang dapat na maging reaksiyon mo sa aklat na ito? Naniniwala ang isang lalaking Hindu na para pakinabangan ng buong sangkatauhan ang isiniwalat ng Diyos, dapat na ito’y * Nakita rin ng isang propesor sa unibersidad sa Estados Unidos ang pangangailangang basahin muna ang aklat na ito na may pinakamalawak na sirkulasyon sa daigdig bago magbigay ng opinyon tungkol dito.
mula pa sa pasimula ng sibilisasyon. Nang mabatid na ang mga bahagi ng Bibliya ay mas matanda pa sa pinakamatatandang kasulatang Hindu, ang mga Veda, ipinasiya niyang basahin ang Bibliya at suriin ang mga nilalaman nito.Ang pagbabasa ng Bibliya at pagkakapit ng mga turo nito ay magdudulot sa iyo ng mayamang pagpapala. Ang sabi ng Bibliya: “Maligaya ang taong . . . ang kaniyang kaluguran ay sa kautusan ni Jehova, at sa kaniyang kautusan ay nagbabasa siya nang pabulong araw at gabi. At siya ay tiyak na magiging tulad ng isang punungkahoy na nakatanim sa tabi ng mga daloy ng tubig, na nagbibigay ng sariling bunga nito sa kaniyang kapanahunan at ang mga dahon nito ay hindi nalalanta, at ang lahat ng kaniyang gawin ay magtatagumpay.” * (Awit 1:1-3) Ang pag-aaral ng Bibliya at pagbubulay-bulay sa sinasabi nito ay magdudulot sa iyo ng kaligayahan sapagkat masasapatan nito ang iyong espirituwal na pangangailangan. (Mateo 5:3) Ipakikita sa iyo ng Bibliya kung paano gagawing makabuluhan ang iyong buhay at kung paano mapagtatagumpayan ang mga problema. Oo, “sa pag-iingat ng mga [kautusan ng Diyos na nakasaad sa Bibliya] ay may malaking gantimpala.” (Awit 19:11) Bukod diyan, ang pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos ay magdudulot sa iyo ng mga pagpapala ngayon at magbibigay sa iyo ng magandang pag-asa sa hinaharap.
Hinihimok tayo ng Bibliya: “Gaya ng mga sanggol na bagong-silang, magkaroon kayo ng pananabik sa di-nabantuang gatas na nauukol sa salita.” (1 Pedro 2:2) Nakadepende ang sanggol sa pagkain at hindi ito titigil sa pag-iyak hangga’t hindi nasasapatan ang pangangailangang iyan. Gayundin naman, nakadepende rin tayo sa kaalaman mula sa Diyos. Kaya “magkaroon kayo ng pananabik,” o masidhing paghahangad, sa kaniyang Salita. Ang Bibliya ay isang aklat ng tamang mga turo mula sa Diyos. Gawing tunguhin na pag-aralan ito nang regular. Matutuwa ang mga Saksi ni Jehova sa inyong komunidad na tulungan kang makinabang nang husto sa iyong pag-aaral. Malugod ka naming inaanyayahang makipag-ugnayan sa kanila. O puwede kang sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito.
[Mga talababa]
^ par. 5 Ang ibig sabihin ng C.E. ay “Common Era” (Karaniwang Panahon), na madalas tawaging A.D., para sa Anno Domini, na nangangahulugang “sa taon ng Panginoon.” Ang B.C.E. ay nangangahulugang “Before the Common Era” (Bago ang Karaniwang Panahon).
^ par. 8 Kung wala kang sariling kopya ng Bibliya, malulugod ang mga Saksi ni Jehova na bigyan ka ng isa.
^ par. 13 Ang salita sa orihinal na wika na isinaling “bilog” sa Isaias 40:22 ay maaari ring isaling “hugis-bola.” May mga salin sa Bibliya na kababasahan ng ganito: “bilog ng mundo” (Biblia ng Sambayanang Pilipino) at “balantok ng lupa.”—Ang Banal na Kasulatan.
^ par. 19 Tinatalakay ang mga paksang ito sa aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
^ par. 23 Ipinapalagay na ang kauna-unahang mga himno ng mga Veda ay kinatha halos 3,000 taon na ang nakalilipas at ito’y nagpasalin-salin sa salita. “Noon lamang ikalabing apat na siglo A.D. naisulat ang Veda,” ang sabi ni P. K. Saratkumar sa kaniyang aklat na A History of India.
^ par. 24 Jehova ang pangalan ng Diyos ng Bibliya. Sa maraming salin ng Bibliya, masusumpungan ito sa Awit 83:18.
[Larawan sa pahina 7]
“Magkaroon kayo ng pananabik” sa Salita ng Diyos. Regular kayong mag-aral ng Bibliya
[Picture Credit Line sa pahina 5]
NASA photo