Si Jehova ang “Tagapagbigay-Gantimpala Doon sa mga May-Pananabik na Humahanap sa Kaniya”
Si Jehova ang “Tagapagbigay-Gantimpala Doon sa mga May-Pananabik na Humahanap sa Kaniya”
“Siya na lumalapit sa Diyos ay dapat na maniwala na siya nga ay umiiral at na siya ang nagiging tagapagbigay-gantimpala doon sa mga may-pananabik na humahanap sa kaniya.”—HEBREO 11:6.
1, 2. Bakit maaaring nakikipaglaban sa negatibong damdamin ang ilan sa mga lingkod ni Jehova?
“HALOS 30 taon na akong Saksi ni Jehova, pero hindi ko kailanman nadamang karapat-dapat akong tawaging Saksi,” ang pagtatapat ni Barbara. * “Kahit payunir na ako at nagkaroon na ng maraming pribilehiyo, pakiramdam ko’y kulang pa rin ito para madama kong karapat-dapat akong tawaging Saksi.” Nagpahayag ng gayunding damdamin si Keith. “Nadarama ko kung minsan na hindi ako mahalaga sapagkat bagaman maraming dahilan ang mga lingkod ni Jehova para maging masaya, hindi ko iyon madama,” ang sabi niya. “Humantong ito sa pang-uusig ng budhi na lalo lamang nagpalalâ sa mga bagay-bagay.”
2 Marami sa tapat na mga lingkod ni Jehova, noon at ngayon, ang nakikipaglaban sa gayunding damdamin. Ikaw rin ba kung minsan? Baka natatabunan ka na ng sunud-sunod na problema, samantalang ang iyong mga kapananampalataya naman ay waring nagpapakasaya sa buhay, walang Awit 22:24) Ipinakikita ng makahulang pananalitang ito tungkol sa Mesiyas na hindi lamang nakikinig si Jehova sa kaniyang mga tapat kundi nagbibigay rin ng gantimpala sa kanila.
alalahanin at maligaya. Dahil dito, baka isipin mong wala sa iyo ang pagsang-ayon ni Jehova o hindi ka niya nararapat pag-ukulan ng pansin. Huwag kang magpadalus-dalos sa pag-iisip ng gayon. Tinitiyak sa atin ng Bibliya: “Hindi . . . nanghamak [si Jehova] ni narimarim man sa kapighatian ng napipighati; at hindi niya ikinubli ang kaniyang mukha mula sa kaniya, at nang humingi siya sa kaniya ng tulong ay kaniyang dininig.” (3. Bakit hindi tayo ligtas sa mga panggigipit ng sistemang ito ng mga bagay?
3 Walang sinuman ang ligtas sa mga panggigipit ng sistemang ito ng mga bagay—kahit ang bayan ni Jehova. Nabubuhay tayo sa isang sanlibutang pinamamahalaan ng pinakamahigpit na kaaway ni Jehova, si Satanas na Diyablo. (2 Corinto 4:4; 1 Juan 5:19) Sa halip na makahimalang ipinagsasanggalang, ang mga lingkod pa nga ni Jehova ang pangunahing pinupuntirya ni Satanas. (Job 1:7-12; Apocalipsis 2:10) Kung gayon, hanggang sa sumapit ang itinakdang panahon ng Diyos, kailangan tayong ‘magbata sa ilalim ng kapighatian’ at ‘magmatiyaga sa panalangin,’ anupat nagtitiwalang may malasakit sa atin si Jehova. (Roma 12:12) Huwag nating hayaang mapaniwala tayo na hindi tayo mahal ng ating Diyos na si Jehova!
Mga Sinaunang Halimbawa ng Pagbabata
4. Magbigay ng ilang halimbawa ng tapat na mga lingkod ni Jehova na nagbata ng nakapipighating kalagayan.
4 Maraming sinaunang lingkod ni Jehova ang kinailangang magbata ng nakapipighating kalagayan. Halimbawa, ‘mapait ang kaluluwa’ ni Hana dahil wala siyang anak—isang kalagayan na para sa kaniya ay kinalimutan na siya ng Diyos. (1 Samuel 1:9-11) Nang tugisin si Elias ng mapamaslang na si Reyna Jezebel, natakot siya at nanalangin kay Jehova: “Sapat na! Ngayon, O Jehova, kunin mo ang aking kaluluwa, sapagkat hindi ako mabuti kaysa sa aking mga ninuno.” (1 Hari 19:4) At malamang na matinding ikinapighati ni apostol Pablo ang kaniyang pagiging di-sakdal nang aminin niya: “Kapag nais kong gawin ang tama, yaong masama ay narito sa akin.” Dagdag pa niya: “Miserableng tao ako!”—Roma 7:21-24.
5. (a) Paano ginantimpalaan sina Hana, Elias, at Pablo? (b) Anong kaaliwan ang makukuha natin sa Salita ng Diyos kung nakikipaglaban tayo sa negatibong damdamin?
5 Mangyari pa, alam natin na sina Hana, Elias, at Pablo ay pawang nagbata sa paglilingkod kay Jehova, at binigyan Niya sila ng saganang gantimpala. (1 Samuel 1:20; 2:21; 1 Hari 19:5-18; 2 Timoteo 4:8) Subalit pinaglabanan nila ang lahat ng uri ng emosyon ng tao, pati na ang pamimighati, kawalang-pag-asa, at takot. Kung gayon, hindi tayo dapat magtaka kung paminsan-minsan ay makadama tayo ng negatibong damdamin. Subalit ano ang gagawin mo kapag, dahil sa mga kabalisahan sa buhay, pinag-aalinlanganan mo na kung talaga nga kayang mahal ka ni Jehova? Makakakuha ka ng kaaliwan sa Salita ng Diyos. Halimbawa, sa naunang artikulo, tinalakay natin ang sinabi ni Jesus na biláng ni Jehova “ang mismong mga buhok ng inyong ulo.” (Mateo 10:30) Ipinahihiwatig ng nakapagpapatibay na pananalitang iyon na lubhang interesado si Jehova sa bawat lingkod niya. Alalahanin din natin ang ilustrasyon ni Jesus tungkol sa mga maya. Kung walang isa man sa maliliit na ibong iyon ang nahuhulog sa lupa nang hindi napapansin ni Jehova, bakit naman siya magbubulag-bulagan sa iyong situwasyon?
6. Paanong ang Bibliya ay maaaring pagmulan ng kaaliwan para sa mga nakikipaglaban sa negatibong damdamin?
6 Posible nga kaya na tayong di-sakdal na mga tao ay maging mahalaga sa paningin ng makapangyarihan sa lahat na Maylalang, ang Diyos na Jehova? Oo! Sa katunayan, maraming teksto sa Bibliya na tumitiyak sa atin ng bagay na ito. Kung isasapuso natin ang mga ito, masasambit din natin ang pananalita ng salmista na nagsabi: “Nang ang aking mga nakababalisang kaisipan ay dumami sa loob ko, ang iyong mga pang-aaliw ay nagsimulang humaplos sa aking kaluluwa.” (Awit 94:19) Isaalang-alang natin ang ilan sa mga nakaaaliw na pananalitang ito mula sa Salita ng Diyos na tutulong sa atin upang maunawaan pang lubos na pinahahalagahan tayo ng Diyos at na gagantimpalaan niya tayo habang patuloy nating ginagawa ang kaniyang kalooban.
“Pantanging Pag-aari” ni Jehova
7. Anong nakapagpapatibay na hula ang ibinigay ni Jehova sa tiwaling bansa sa pamamagitan ni Malakias?
7 Nakalulungkot ang naging kalagayan ng mga Malakias 1:8; 2:9; 3:5) Para sa bansang lantaran ang katiwalian, binigkas ni Malakias ang isang nakapagtatakang hula. Darating ang panahon, isasauli ni Jehova ang kaniyang bayan tungo sa isang sinang-ayunang kalagayan. Mababasa natin: “ ‘Sila ay tiyak na magiging akin,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘sa araw na ako ay maglalabas ng isang pantanging pag-aari. At mahahabag ako sa kanila, gaya ng pagkahabag ng isang tao sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya.’ ”—Malakias 3:17.
Judio noong ikalimang siglo B.C.E. Tinatanggap ng mga saserdote ang di-karapat-dapat na mga hayop at inihahandog ang mga ito bilang mga hain sa altar ni Jehova. May pinapanigan ang mga hukom. Laganap ang panggagaway, pagsisinungaling, pandaraya, at pangangalunya. (8. Bakit maaaring ikapit sa malaking pulutong ang simulain sa Malakias 3:17?
8 Ang hula ni Malakias ay may modernong-panahong katuparan may kaugnayan sa pinahiran-ng-espiritung mga Kristiyano, na bumubuo sa espirituwal na bansang kinabibilangan ng 144,000. Ang bansang iyan ay tunay ngang “isang pantanging pag-aari,” o “isang bayang ukol sa pantanging pag-aari,” ni Jehova. (1 Pedro 2:9) Ang hula ni Malakias ay nakapagpapatibay rin sa “malaking pulutong,” na “nakatayo sa harap ng trono at sa harap ng Kordero, na nadaramtan ng mahahabang damit na puti.” (Apocalipsis 7:4, 9) Ang mga ito’y naging isang kawan kasama ng mga pinahiran, sa ilalim ng isang Pastol, si Jesu-Kristo.—Juan 10:16.
9. Bakit ang bayan ni Jehova ay isang “pantanging pag-aari” sa kaniya?
9 Paano minamalas ni Jehova ang mga nagpapasiyang maglingkod sa kaniya? Gaya ng sinabi sa Malakias 3:17, minamalas niya sila na gaya ng pangmalas ng isang maibiging ama sa kaniyang anak. At pansinin ang magiliw na terminong ginamit niya upang ilarawan ang kaniyang bayan—“isang pantanging pag-aari.” Ginamit ng ibang mga salin ang pariralang “sariling akin,” “pinahahalagahan kong ari-arian,” at “aking mga batong hiyas.” Bakit kaya gayon kaespesyal ang pangmalas ni Jehova sa kaniyang mga lingkod? Ang isang dahilan ay sapagkat isa siyang mapagpahalagang Diyos. (Hebreo 6:10) Malapít siya sa mga taimtim na naglilingkod sa kaniya at itinuturing niya sila bilang natatangi.
10. Paano iniingatan ni Jehova ang kaniyang bayan?
10 May naiisip ka bang mahalagang ari-arian na para sa iyo’y isang pantanging pag-aari? Hindi ba’t iniingatan mo ito? Gayundin ang ginagawa ni Jehova sa kaniyang “pantanging pag-aari.” Oo nga’t hindi niya ipinagsasanggalang ang kaniyang bayan mula sa lahat ng pagsubok at trahedya sa buhay. (Eclesiastes 9:11) Subalit kayang ingatan ni Jehova ang kaniyang tapat na mga lingkod sa espirituwal na paraan at gagawin niya ito. Binibigyan niya sila ng lakas na kailangan upang mabata ang anumang pagsubok. (1 Corinto 10:13) Kaya naman, sinabi ni Moises sa sinaunang bayan ng Diyos, ang mga Israelita: “Magpakalakas-loob kayo at magpakatibay. . . . Si Jehova na iyong Diyos ang hahayong kasama mo. Hindi ka niya pababayaan ni iiwan ka man nang lubusan.” (Deuteronomio 31:6) Ginagantimpalaan ni Jehova ang kaniyang bayan. Para sa kaniya, sila’y “isang pantanging pag-aari.”
Si Jehova “ang Tagapagbigay-Gantimpala”
11, 12. Paano tayo matutulungan ng pagpapahalaga sa papel ni Jehova bilang ating Tagapagbigay-Gantimpala na labanan ang pag-aalinlangan?
11 Ang isa pang katibayan na pinahahalagahan ni Jehova ang kaniyang mga lingkod ay ang bagay na ginagantimpalaan niya sila. Sinabi niya sa mga Israelita: “ ‘Subukin ninyo ako sa bagay na ito, pakisuyo,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga pintuan ng tubig sa langit at ibubuhos sa inyo ang isang pagpapala hanggang sa wala nang kakulangan.’ ” (Malakias 3:10) Mangyari pa, darating ang panahon na gagantimpalaan ni Jehova ng buhay na walang hanggan ang kaniyang mga lingkod. (Juan 5:24; Apocalipsis 21:4) Isinisiwalat ng di-mapapantayang gantimpalang ito ang laki ng pag-ibig at pagkabukas-palad ni Jehova. Ipinakikita rin nito na talagang pinahahalagahan niya ang mga nagpapasiyang maglingkod sa kaniya. Habang natututuhan nating malasin si Jehova bilang bukas-palad na Tagapagbigay-Gantimpala, matutulungan tayo nitong labanan ang anumang pag-aalinlangan tungkol sa ating katayuan sa Diyos. Sa katunayan, talagang hinihimok tayo ni Jehova na malasin siya bilang Tagapagbigay-Gantimpala! Sumulat si Pablo: “Siya na lumalapit sa Diyos ay dapat na maniwala na siya nga ay umiiral at na siya ang nagiging tagapagbigay-gantimpala doon sa mga may-pananabik na humahanap sa kaniya.”—Hebreo 11:6.
12 Mangyari pa, naglilingkod tayo kay Jehova dahil mahal natin siya—hindi lamang dahil sa nangako siyang gagantimpalaan niya tayo. Pero hindi naman masama o isang kasakiman na asamin natin ang gantimpalang iyon. (Colosas 3:23, 24) Dahil sa kaniyang pag-ibig at mataas na pagpapahalaga sa kanila, si Jehova ang kusang nagbibigay ng gantimpala sa mga may-pananabik na humahanap sa kaniya.
13. Bakit isang pinakadakilang katibayan ng pagmamahal ni Jehova sa atin ang paglalaan ng pantubos?
13 Ang pinakamatinding patotoo kung gaano kalaki ang maaaring maging halaga ng sangkatauhan sa paningin ni Jehova ay ang paglalaan ng pantubos. Sumulat si apostol Juan: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) Ang paglalaan ng haing pantubos ni Jesu-Kristo ay salungat sa mismong ideya na tayo’y walang halaga o hindi kaibig-ibig sa paningin ni Jehova. Sa katunayan, kung nagbayad ng gayon kalaking halaga si Jehova para sa atin—ang paghahandog sa buhay ng kaniyang bugtong na Anak—tiyak na gayon din kalaki ang pagmamahal niya sa atin.
14. Ano ang nagpapakita kung paano minalas ni Pablo ang pantubos?
14 Kaya nga, kapag nakadarama ka ng negatibong damdamin, bulay-bulayin mo ang tungkol sa pantubos. Oo, malasin mo ang kaloob na ito bilang personal na paglalaan ni Jehova sa iyo. Ganiyan ang naging pangmalas ni apostol Pablo. Alalahanin na sinabi niya: “Miserableng tao ako!” Subalit sinabi rin niya: “Salamat sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo na ating Panginoon,” na “umibig sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin,” ang sabi ni Pablo. (Roma 7:24, 25; Galacia 2:20) Sinabi ito ni Pablo hindi dahil sa labis ang pagtingin niya sa kaniyang sarili. Nagtitiwala lamang siya na pinahahalagahan siya ni Jehova bilang indibiduwal. Gaya ni Pablo, dapat mo ring matutuhang malasin ang pantubos bilang personal na kaloob ng Diyos sa iyo. Hindi lamang isang makapangyarihang Tagapagligtas si Jehova kundi isa ring maibiging Tagapagbigay-Gantimpala.
Mag-ingat sa mga Tusong Gawa ni Satanas
15-17. (a) Paano sinasamantala ng Diyablo ang negatibong damdamin? (b) Anong pampatibay-loob ang makukuha natin sa karanasan ni Job?
15 Subalit baka mahirapan kang maniwala na talagang kapit sa iyo ang mga kinasihang kaaliwan na masusumpungan sa Salita ng Diyos. Baka isipin mong ang gantimpala na mabuhay magpakailanman sa bagong sanlibutan ng Diyos ay isang bagay na para lamang sa iba, ngunit hindi ka kailanman karapat-dapat dito. Kung ganito nga ang nasa isip mo, ano ang puwede mong gawin?
16 Walang alinlangang pamilyar ka sa payo ni Pablo sa mga taga-Efeso: “Isuot ninyo ang kumpletong kagayakang pandigma mula sa Diyos upang makatayo kayong matatag laban sa mga pakana [tusong gawa] ng Diyablo.” (Efeso 6:11) Kapag naiisip natin ang mga bitag ni Satanas, ang mga bagay na gaya ng materyalismo at imoralidad ang agad na pumapasok sa isip natin at angkop lamang ito. Ang mga tuksong ito ay sumilo na ng marami sa bayan ng Diyos noon pa man at hanggang sa ngayon. Subalit hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang isa pang tusong gawa ni Satanas—ang pagsisikap niyang makumbinsi ang mga tao na hindi sila mahal ng Diyos na Jehova.
17 Napakagaling ng Diyablo sa pagsasamantala sa gayong damdamin upang mailayo ang mga tao sa Diyos. Balikan natin ang sinabi ni Bildad kay Job: “Paanong malalagay sa tama ang taong mortal sa harap ng Diyos, o paanong magiging malinis ang isang ipinanganak ng isang babae? Narito! May buwan nga at hindi ito maliwanag; at ang mga bituin man ay hindi malinis sa kaniyang paningin. Gaano pa kaya ang taong mortal, na isang uod, at ang anak ng tao, na isang bulati!” (Job 25:4-6; Juan 8:44) Naguguniguni mo ba kung gaano kadaling magpahina ng loob ang mga salitang iyon? Kaya huwag mong hayaang pahinain ni Satanas ang loob mo. Sa halip, maging alisto ka sa mga pakana ni Satanas upang magkaroon ka ng lakas ng loob at katatagan upang higit pang maipaglaban ang paggawa ng tama. (2 Corinto 2:11) Kung tungkol kay Job, kahit na kinailangang ituwid siya, ginantimpalaan pa rin ni Jehova ang kaniyang pagbabata sa pamamagitan ng pagsasauli sa kaniya ng lahat ng nawala sa kaniya at dinoble pa nga ang mga ito.—Job 42:10.
Si Jehova ay “Mas Dakila Kaysa sa Ating mga Puso”
18, 19. Paanong ang Diyos ay “mas dakila kaysa sa ating mga puso,” at sa anong paraan ‘nakaaalam siya ng lahat ng mga bagay’?
18 Totoo, talagang mahirap iwaksi ang panghihina ng loob kung ito’y naitimo na sa ating damdamin. Subalit matutulungan ka ng espiritu ni Jehova na unti-unting itiwarik ang “mga bagay na matibay ang pagkakatatag . . . na ibinangon laban sa kaalaman sa Diyos.” (2 Corinto 10:4, 5) Kapag nagbabantang manaig sa iyo ang negatibong mga pag-iisip, bulay-bulayin ang mga salita ni apostol Juan: “Sa ganito natin malalaman na tayo ay nagmumula sa katotohanan, at mabibigyang-katiyakan natin ang ating mga puso sa harap niya saanman tayo hinahatulan ng ating mga puso, sapagkat ang Diyos ay mas dakila kaysa sa ating mga puso at nakaaalam ng lahat ng mga bagay.”—1 Juan 3:19, 20.
19 Ano ang kahulugan ng pariralang “ang Diyos ay mas dakila kaysa sa ating mga puso”? Kung minsan, baka inuusig tayo ng ating budhi, lalo na kung alam na alam natin ang ating mga pagkukulang at mga pagkakamali. O maaaring dahil sa ating kinalakhan, sumosobra na tayo sa pag-iisip nang negatibo sa ating sarili, anupat parang wala na tayong maaaring gawin na magiging katanggap-tanggap kay Jehova. Tinitiyak sa atin ng mga salita ni apostol Juan na si Jehova ay mas dakila kaysa riyan! Hindi niya tinitingnan ang ating mga pagkakamali at nauunawaan niya ang ating tunay na kakayahan. Alam din niya ang ating mga motibo at intensiyon. Sumulat si David: “Nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin, na inaalaalang tayo ay alabok.” (Awit 103:14) Oo, kilala tayo ni Jehova nang higit sa pagkakilala natin sa ating sarili!
“Isang Korona ng Kagandahan” at “Isang Makaharing Turbante”
20. Ano ang isinisiwalat ng hula ni Isaias tungkol sa pagsasauli may kinalaman sa pangmalas ni Jehova sa kaniyang mga lingkod?
20 Sa pamamagitan ni propeta Isaias, ibinigay ni Jehova sa kaniyang sinaunang bayan ang pag-asa ukol sa pagsasauli. Nang sila’y ipatapon sa Babilonya, ang kaaliwan at pampatibay-loob na ito ang kailangang-kailangan ng gayong mga indibiduwal na nasisiraan ng loob! Habang pinananabikan ang panahon ng pag-uwi nila sa kanilang lupang tinubuan, sinabi ni Jehova: “Ikaw ay magiging isang korona ng kagandahan sa kamay ni Jehova, at isang makaharing turbante sa palad ng iyong Diyos.” (Isaias 62:3) Sa pananalitang ito, binihisan ni Jehova ng dignidad at karingalan ang kaniyang bayan. Gayundin ang ginawa niya sa kaniyang espirituwal na bansang Israel sa ngayon. Para bang itinaas niya sila upang hangaan ng lahat.
21. Paano ka makapagtitiwalang gagantimpalaan ni Jehova ang iyong tapat na pagbabata?
21 Bagaman unang natupad sa mga pinahiran ang hulang ito, inilalarawan nito ang dignidad na iginagawad ni Jehova sa lahat ng naglilingkod sa kaniya. Kaya naman, kapag nagkakaroon ng pag-aalinlangan, tandaan na kahit di-sakdal, puwede ka pa ring maging mahalagang gaya ng “isang korona ng kagandahan” at “isang makaharing turbante” kay Jehova. Kaya patuloy mong pasayahin ang kaniyang puso sa pamamagitan ng may-pananabik na hangaring gawin ang kaniyang kalooban. (Kawikaan 27:11) Sa paggawa nito, makapagtitiwala kang gagantimpalaan ni Jehova ang iyong tapat na pagbabata!
[Talababa]
^ par. 1 Binago ang ilang pangalan.
Natatandaan Mo Ba?
• Paano tayo nagiging “isang pantanging pag-aari” ni Jehova?
• Bakit mahalagang malasin si Jehova bilang ang Tagapagbigay-Gantimpala?
• Anong mga tusong gawa ni Satanas ang dapat nating bantayan?
• Sa anong paraan “mas dakila kaysa sa ating mga puso” ang Diyos?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 26]
Pablo
[Larawan sa pahina 26]
Elias
[Larawan sa pahina 26]
Hana
[Larawan sa pahina 28]
Ang Salita ng Diyos ay sagana sa nakaaaliw na mga kaisipan