Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hinangaan ang Interes sa Bibliya

Hinangaan ang Interes sa Bibliya

Hinangaan ang Interes sa Bibliya

SI Marianna, isang Saksi ni Jehova sa gawing timog ng Italya, ay 18 taóng gulang at nasa huling taon na niya sa haiskul. Iisang paaralan ang pinapasukan niya at ng ilang iba pang kabataang Saksi.

“Ilang taon na ngayon,” isinulat ni Marianna, “binabasa ng ilan sa amin ang pang-araw-araw na teksto sa Bibliya mula sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-araw sa panahon ng aming pahinga. Ang tanging lugar na doon namin puwedeng basahin ito ay sa isa sa mga pasilyong malapit sa silid ng mga guro. Hindi masyadong tahimik doon. Nakikita kami ng karamihan sa mga guro kapag dumaraan sila, at humihinto ang ilan upang tingnan kung ano ang ginagawa namin. Madalas na nagbibigay ito sa amin ng pagkakataon na masagot ang kanilang mga tanong. Sa katamtaman, isang guro sa isang araw ang humihinto upang makipag-usap sa amin. May ilan na hindi agad umaalis upang mapakinggan ang aming pag-uusap tungkol sa teksto sa Bibliya at humahanga sa interes naming mga Saksi sa espirituwal na mga bagay. Minsan, niyaya kami ng katulong na prinsipal na doon kami mag-usap-usap sa kuwarto ng mga guro.

“Nang makita ng aking guro kung saan namin pinag-uusapan ang teksto, tinanong niya ang prinsipal kung puwede naming pag-usapan ito sa isa sa mga silid-aralan, kung saan mas tahimik. Nagpahintulot naman ang prinsipal, at pinuri kami ng aking guro sa harap ng buong klase dahil sa magandang halimbawang ipinakikita namin. Tuwang-tuwa kaming lahat sa malaking pribilehiyong ipinagkaloob sa amin ni Jehova.”