Sinanay Bang Mabuti ang Iyong Budhi?
Sinanay Bang Mabuti ang Iyong Budhi?
NASABI mo na ba, “Alam kong hindi ito tama,” o, “Hindi ko magagawa ang ipinagagawa mo. Nararamdaman kong mali ito”? Iyan ang “tinig” ng iyong budhi, ang panloob na pagkilala, o pagkadama, ng tama at mali, na nagdadahilan para sa isang tao o nag-aakusa sa taong iyon. Oo, likas sa atin ang pagkakaroon ng budhi.
Kahit hiwalay na ang tao sa Diyos, siya ay may kakayahan pa ring makakilala ng tama at mali. Ito ay dahil sa ginawa siya ayon sa larawan ng Diyos, anupat naipaaaninag niya sa isang antas ang makadiyos na mga katangian ng karunungan at katuwiran. (Genesis 1:26, 27) Hinggil dito, si apostol Pablo ay sumulat sa ilalim ng pagkasi ng Diyos: “Kailanma’t ang mga tao ng mga bansa na walang kautusan ay likas na gumagawa ng mga bagay na nasa kautusan, ang mga taong ito, bagaman walang kautusan, ay kautusan sa kanilang sarili. Sila mismo ang nagpapakita na ang diwa ng kautusan ay nakasulat sa kanilang mga puso, samantalang ang kanilang budhi ay nagpapatotoong kasama nila at, sa pagitan ng kanilang sariling mga kaisipan, sila ay inaakusahan o ipinagdadahilan pa nga.” *—Roma 2:14, 15.
Ang likas na kabatirang ito sa moral, na minana sa unang taong si Adan, ay nagsisilbing “kautusan,” o tuntunin ng paggawi, para sa mga tao ng lahat ng lahi at bansa. Ito ang kakayahang magsuri ng ating sarili at humatol sa ating sarili. (Roma 9:1) Ipinamalas agad nina Adan at Eva ang kakayahang ito nang labagin nila ang kautusan ng Diyos—nagtago sila. (Genesis 3:7, 8) Ang isa pang halimbawa ng paggana ng budhi ay ang reaksiyon ni Haring David nang mapag-unawa niya na nagkasala siya dahil sa pagpapakuha ng sensus. Sinasabi ng Bibliya na “si David ay pinasimulang bagabagin ng kaniyang puso.”—2 Samuel 24:1-10.
Ang kakayahang sumuri sa ating nakaraan at humatol sa ating moral na paggawi ay maaaring magbunga ng napakahalagang epekto ng makadiyos na pagsisisi. Sumulat si David: “Nang manahimik ako ay nanghina ang aking mga buto dahil sa pagdaing ko buong araw. Ang aking kasalanan ay ipinagtapat ko sa iyo sa wakas, at ang aking kamalian ay hindi ko pinagtakpan. Sinabi ko: ‘Ipagtatapat ko ang tungkol sa aking mga pagsalansang kay Jehova.’ At pinagpaumanhinan mo ang kamalian ng aking mga kasalanan.” (Awit 32:3, 5) Samakatuwid, ang gumaganang budhi ay makapag-uudyok sa makasalanan na manumbalik sa Diyos, anupat tinutulungan siyang makilala ang pangangailangang matamo ang kapatawaran ng Diyos at masunod ang Kaniyang mga daan.—Awit 51:1-4, 9, 13-15.
Ang budhi ay nagbibigay rin ng mga babala o patnubay kapag kailangan tayong pumili o magpasiya hinggil sa moral. Ang aspektong ito ng budhi ang malamang na tumulong kay Jose na patiunang madama na ang pangangalunya ay mali at masama—isang kasalanan sa Diyos. Nang maglaon, isang espesipikong kautusan laban sa pangangalunya ang inilakip sa Sampung Utos na ibinigay sa Israel. (Genesis 39:1-9; Exodo 20:14) Maliwanag, lalo tayong makikinabang kung ang ating budhi ay sinanay upang patnubayan tayo sa halip na hatulan lamang tayo. Ganiyan ba ang ginagawa ng iyong budhi?
Pagsasanay sa Budhi na Gumawa ng Tamang mga Pasiya
Bagaman minana natin ang kakayahan ng budhi, nakalulungkot na nagkaroon ng depekto ang kaloob na iyan. Bagaman sakdal ang pasimula ng sangkatauhan, “ang lahat ay nagkasala at nagkukulang sa kaluwalhatian ng Diyos.” (Roma 3:23) Palibhasa’y nagkadepekto na dahil sa kasalanan at di-kasakdalan, ang ating budhi ay maaaring mapilipit at baka hindi na lubusang gumana ayon sa orihinal na layunin nito. (Roma 7:18-23) Bukod diyan, nakaaapekto rin sa ating budhi ang panlabas na mga salik. Maaari itong maimpluwensiyahan ng paraan ng pagpapalaki sa atin o ng lokal na mga kaugalian, paniniwala, at kapaligiran. Tiyak na ang masamang moral at bumababang mga pamantayan ng sanlibutan ay hindi maaaring gawing pamantayan ng isang mabuting budhi.
Kung gayon, kailangan ng isang Kristiyano ang karagdagang tulong ng matatag at matuwid na mga pamantayang masusumpungan sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. Maaaring patnubayan ng mga ito ang ating budhi upang masuri ang mga bagay-bagay sa tamang paraan at maituwid ang mga ito. (2 Timoteo 3:16) Kapag naturuan ang ating budhi ayon sa mga pamantayan ng Diyos, lalo itong magsisilbing isang instrumentong nagbababala may kinalaman sa moral, anupat tumutulong sa atin na “makilala kapuwa ang tama at ang mali.” (Hebreo 5:14) Kung wala ang mga pamantayan ng Diyos, baka hindi magbabala ang ating budhi kapag nalilihis tayo tungo sa masamang landasin. “May daan na matuwid sa harap ng isang tao,” ang sabi ng Bibliya, “ngunit ang mga daan ng kamatayan ang huling wakas nito.”—Kawikaan 16:25; 17:20.
Sa ilang pitak ng buhay, nagtatakda ang Salita ng Diyos ng malilinaw na panuntunan at mga tagubilin, at makikinabang tayo kung susundin natin ang mga ito. Sa kabilang panig naman, maraming situwasyon kung saan walang espesipikong tagubilin ang Bibliya. Maaaring kalakip dito ang pagpili ng trabaho, mga bagay tungkol sa kalusugan, paglilibang, pananamit at pag-aayos, at iba pang larangan. Hindi madaling malaman kung ano ang dapat gawin sa bawat situwasyon upang makagawa ng tamang desisyon. Dahil diyan, dapat tayong magkaroon ng saloobin na gaya ng kay David, na nanalangin: “Ipaalam mo sa akin ang iyong mga daan, O Jehova; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Palakarin mo ako sa iyong katotohanan at turuan mo ako, sapagkat ikaw ang aking Diyos ng kaligtasan.” (Awit 25:4, 5) Habang lumalalim ang ating kaunawaan sa mga pangmalas at daan ng Diyos, lalo tayong nakapagsusuri nang wasto sa ating mga kalagayan at nakapagpapasiya nang may malinis na budhi.
Kaya, kapag napaharap sa isang katanungan o pagpapasiya, dapat muna nating bulay-bulayin ang mga simulain sa Bibliya na maaaring kapit Colosas 3:18, 20); pagiging matapat sa lahat ng bagay (Hebreo 13:18); pagkapoot sa masama (Awit 97:10); pagtataguyod ng kapayapaan (Roma 14:19); pagsunod sa itinatag na mga awtoridad (Mateo 22:21; Roma 13:1-7); bukod-tanging debosyon sa Diyos (Mateo 4:10); pagiging hindi bahagi ng sanlibutan (Juan 17:14); pag-iwas sa masasamang kasama (1 Corinto 15:33); kahinhinan sa pananamit at pag-aayos (1 Timoteo 2:9, 10); at hindi pagtisod sa iba (Filipos 1:10). Kung gayon, ang pag-alam sa kaugnay na simulain sa Bibliya ay makapagpapatibay sa ating budhi at makatutulong sa atin na gumawa ng tamang desisyon.
doon. Ang ilan sa mga ito ay maaaring tungkol sa: paggalang sa pagkaulo (Makinig sa Iyong Budhi
Upang matulungan tayo ng ating budhi, kailangan natin itong pakinggan. Makikinabang lamang tayo sa ating budhing sinanay sa Bibliya kung agad tayong tutugon sa mga pag-udyok nito. Maitutulad natin ang sinanay na budhi sa nagbababalang mga ilaw na nasa instrument panel ng kotse. Ipagpalagay nang may umilaw bilang babala sa atin na mababa na ang presyon ng langis. Ano ang mangyayari kapag hindi natin agad binigyang-pansin ang bagay na iyon at patuloy nating minaneho ang sasakyan? Maaaring magdulot ito ng malaking sira sa makina. Sa katulad na paraan, ang ating budhi, o panloob na tinig, ay makapagbababala sa atin na mali ang isang landasin ng pagkilos. Kapag inihahambing natin ang ating maka-Kasulatang mga pamantayan at simulain sa landasin ng pagkilos na ginagawa o binabalak nating gawin, nagbababala ito, gaya ng ginagawa ng ilaw sa instrument panel. Ang pagbibigay-pansin sa babala ay hindi lamang tutulong sa atin na maiwasan ang masasamang epekto ng maling pagkilos kundi maiingatan din nito ang wastong paggana ng ating budhi.
Ano ang mangyayari kung ipagwawalang-bahala natin ang babala? Sa kalaunan, maaaring maging manhid ang budhi. Ang epekto ng palaging pagwawalang-bahala o pagsupil sa budhi ay maihahalintulad sa pagpaso sa balat sa pamamagitan ng pangherong bakal. Ang pilat sa balat, palibhasa’y namatay na ang mga nerbiyo nito, ay wala nang pakiramdam. (1 Timoteo 4:2) Ang gayong budhi ay hindi na nababagabag sa paggawa ng kasalanan, ni nagbibigay man ng babala upang hindi na maulit ang kasalanan. Ang manhid na budhi ay nagwawalang-bahala sa mga pamantayan ng Bibliya hinggil sa tama at mali at samakatuwid ay isa nang masamang budhi. Ito ay isang nadungisang budhi, anupat ang nagtataglay nito ay “nawalan na ng lahat ng pakiramdam sa moral” at hiwalay sa Diyos. (Efeso 4:17-19; Tito 1:15) Kalunus-lunos na resulta!
“Magtaglay Kayo ng Isang Mabuting Budhi”
Kailangan ang patuloy na pagsisikap upang mapanatili ang isang mabuting budhi. Sinabi ni apostol Pablo: “Patuluyan kong sinasanay ang aking sarili na magkaroon ng kamalayan na huwag Gawa 24:16) Bilang Kristiyano, palaging sinusuri at itinutuwid ni Pablo ang kaniyang landasin ng pagkilos upang matiyak na hindi siya nagkakasala sa Diyos. Alam ni Pablo na sa dakong huli, ang Diyos ang titiyak kung tama o mali ang ginagawa natin. (Roma 14:10-12; 1 Corinto 4:4) Sinabi ni Pablo: “Ang lahat ng bagay ay hubad at hayagang nakalantad sa mga mata niya na pagsusulitan natin.”—Hebreo 4:13.
makagawa ng anumang kasalanan laban sa Diyos at sa mga tao.” (Binanggit din ni Pablo ang hindi paggawa ng kasalanan sa mga tao. Ang isang angkop na halimbawa ay ang kaniyang payo sa mga Kristiyano sa Corinto may kinalaman sa “pagkain ng mga pagkaing inihandog sa mga idolo.” Ang punto niya ay na kahit ang isang landasin ay maaaring hindi mali sa ganang sarili ayon sa Salita ng Diyos, mahalaga pa rin na isaalang-alang ang budhi ng iba. Ang hindi paggawa nito ay maaaring maging sanhi ng espirituwal na ‘pagkapahamak ng ating mga kapatid na alang-alang sa kanila ay namatay si Kristo.’ Maaari rin nating masira ang ating kaugnayan sa Diyos.—1 Corinto 8:4, 11-13; 10:23, 24.
Kung gayon, patuloy na sanayin ang iyong budhi at panatilihin ang isang mabuting budhi. Kapag nagpapasiya, hingin ang patnubay ng Diyos. (Santiago 1:5) Mag-aral ng Salita ng Diyos, at hayaang hubugin ng mga simulain nito ang iyong isip at puso. (Kawikaan 2:3-5) Kapag bumangon ang maseselang isyu, sumangguni sa may-gulang na mga Kristiyano upang matiyak na tama ang pagkaunawa mo sa nasasangkot na mga simulain sa Bibliya. (Kawikaan 12:15; Roma 14:1; Galacia 6:5) Isaalang-alang kung paano makaaapekto sa iyong budhi ang iyong pasiya, kung paano ito makaaapekto sa iba at, higit sa lahat, kung paano ito makaaapekto sa iyong kaugnayan kay Jehova.—1 Timoteo 1:5, 18, 19.
Ang ating budhi ay isang kamangha-manghang kaloob mula sa ating maibigin at makalangit na Ama, ang Diyos na Jehova. Sa pamamagitan ng paggamit dito kaayon ng kalooban ng Tagapagbigay nito, mapapalapít tayo sa ating Maylalang. Habang nagsisikap tayong ‘magtaglay ng isang mabuting budhi’ sa lahat ng ginagawa natin, ipinakikita natin nang lalong malinaw na tayo’y ginawa ayon sa larawan ng Diyos.—1 Pedro 3:16; Colosas 3:10.
[Talababa]
^ par. 3 Ang ginamit dito na salitang Griego para sa budhi ay nangangahulugang “ang panloob na kakayahang magpasiya hinggil sa moral” (The Analytical Greek Lexicon Revised, ni Harold K. Moulton); “nakakakilala ng mabuti at masama tungkol sa moral.”—Greek-English Lexicon, ni J. H. Thayer.
[Mga larawan sa pahina 13]
Sinanay ba ang iyong budhi upang patnubayan ka sa halip na hatulan ka lamang?
[Larawan sa pahina 14]
Ang ating pag-aaral at pagkakapit ng mga simulain sa Bibliya ay nagbubunga ng isang budhing sinanay na mabuti
[Mga larawan sa pahina 15]
Huwag ipagwalang-bahala ang mga babala ng iyong budhi