Talaga Bang Naniniwala Ka na May Diyablo?
Talaga Bang Naniniwala Ka na May Diyablo?
IPINALILIWANAG sa Kasulatan na totoong persona ang Diyablo. Hindi siya nakikita ng tao kung paanong hindi nakikita ng tao ang Diyos. “Ang Diyos ay Espiritu,” ang sabi sa Bibliya. (Juan 4:24) Ang Diyablo ay espiritung nilalang. Gayunman, di-gaya ng Maylalang, may pasimula ang Diyablo.
Matagal nang nilikha ng Diyos na Jehova ang maraming espiritung nilalang bago pa lalangin ang tao. (Job 38:4, 7) Sa Bibliya, ang mga espiritung ito ay tinatawag na mga anghel. (Hebreo 1:13, 14) Silang lahat ay nilalang ng Diyos na sakdal—wala ni isa mang diyablo o isa mang nagtataglay ng kasamaan. Paano, kung gayon, nagkaroon ng Diyablo? Ang salitang “diyablo” ay nangangahulugang “maninirang-puri,” kaya tumutukoy ito sa isa na may-kasinungalingang naninira ng iba. Ang “Satanas” ay nangangahulugang “Mananalansang.” Kung paanong ang isang dating matapat na tao ay nagiging magnanakaw dahil sa pagnanakaw, ang isa sa mga sakdal na espiritung anak ng Diyos ay naging Satanas na Diyablo dahil nagpadala siya sa maling pagnanasa. Ganito ang paliwanag ng Bibliya kung paano nagiging masama ang isa: “Ang bawat isa ay nasusubok kapag nahihila at naaakit ng sarili niyang pagnanasa. Pagkatapos ang pagnanasa, kapag naglihi na ito, ay nagsisilang ng kasalanan; ang kasalanan naman, kapag naisagawa na ito, ay nagluluwal ng kamatayan.”—Santiago 1:14, 15.
Ganito ang lumilitaw na nangyari. Ang anghel na maghihimagsik sa Diyos ay nagmamasid nang lalangin ng Diyos na Jehova ang unang mag-asawa, sina Adan at Eva. Alam niyang inutusan ni Jehova sina Adan at Eva na punuin ang lupa ng matuwid na mga tao, na sasamba sa Maylalang. (Genesis 1:28) Nakita ng anghel na ito na pagkakataon na niyang magkamit ng karangalan at katanyagan. Dahil sa kasakiman, inimbot niya ang nararapat lamang sa Maylalang—ang pagsamba ng mga tao. Sa halip na iwaksi ng anghel na ito ang gayong maling pagnanasa, nilinang niya ito hanggang sa magsilang ng kasinungalingan at pagkatapos ay paghihimagsik. Tingnan natin kung ano ang ginawa niya.
Para makausap ang unang babae, si Eva, gumamit ang mapaghimagsik na anghel ng isang Genesis 3:1-5) Ang paratang ay na hindi raw sinabi ng Diyos kina Adan at Eva ang katotohanan. Kapag kinain ang bunga ng punungkahoy na iyon, magiging tulad raw ng Diyos si Eva, na may karapatang magpasiya kung ano ang mabuti at masama. Iyon ang kauna-unahang pagsisinungaling. Dahil sa sinabing iyon ng anghel, siya ay naging maninirang-puri. Naging mananalansang din siya sa Diyos. Kaya ipinakikilala ng Bibliya ang kaaway na ito ng Diyos bilang “ang orihinal na serpiyente, ang tinatawag na Diyablo at Satanas.”—Apocalipsis 12:9.
serpiyente. “Talaga bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain mula sa bawat punungkahoy sa hardin?” ang tanong ng serpiyente kay Eva. Nang banggitin ni Eva ang utos ng Diyos at ang parusa kapag sumuway, sinabi ng serpiyente: “Tiyak na hindi kayo mamamatay. Sapagkat nalalaman ng Diyos na sa mismong araw na kumain kayo mula [sa punungkahoy na nasa gitna ng hardin] ay madidilat nga ang inyong mga mata at kayo nga ay magiging tulad ng Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama.” (“Maging Mapagbantay”
Nagtagumpay ang pagsisinungaling ng Diyablo kay Eva gaya ng plano niya. Sinasabi sa Bibliya: “Dahil dito ay nakita ng babae na ang punungkahoy ay mabuting kainin at na iyon ay kapana-panabik sa mga mata, oo, ang punungkahoy ay kanais-nais na tingnan. Kaya siya ay nagsimulang kumuha ng bunga niyaon at kinain iyon. Pagkatapos ay binigyan din niya ang kaniyang asawa nang kasama na niya at nagsimula itong kumain niyaon.” (Genesis 3:6) Naniwala si Eva kay Satanas at sinuway niya ang Diyos. Nahikayat din ni Eva si Adan na suwayin ang kautusan ng Diyos. Kaya nagtagumpay ang Diyablo na akayin ang unang mag-asawa sa landasin ng paghihimagsik sa Diyos. Mula noon, nagkaroon na si Satanas ng di-nakikitang impluwensiya sa mga gawain ng tao. Ang tunguhin niya? Maitalikod ang tao sa pagsamba sa tunay na Diyos at siya ang kanilang sambahin. (Mateo 4:8, 9) Kaya may mabuting dahilan na magbabala ang Kasulatan: “Panatilihin ang inyong katinuan, maging mapagbantay. Ang inyong kalaban, ang Diyablo, ay gumagala-gala tulad ng isang leong umuungal, na naghahanap ng masisila.”—1 Pedro 5:8.
Napakalinaw nga ng paglalarawan ng Bibliya sa Diyablo bilang totoong espiritung persona—isang anghel na naging masama at mapanganib! Ang pangunahing hakbang para makapanatiling mapagbantay ay tanggapin na talagang umiiral siya. Subalit higit pa ang nasasangkot sa pananatiling nasa katinuan at mapagbantay. Mahalaga rin na alam natin ang “mga pakana” ni Satanas at ang mga pamamaraan niya para iligaw ang mga tao. (2 Corinto 2:11) Anu-ano ang kaniyang mga pakana? At paano tayo makapaninindigang matatag laban sa mga ito?
Sinasamantala ng Diyablo ang Likas na Pangangailangan ng Tao
Mula pa nang lalangin ang sangkatauhan ay pinagmamasdan na ng Diyablo ang tao. Alam niya ang kayarian ng tao—ang kaniyang pangangailangan, kinawiwilihan, at ang kaniyang mga hangarin. Alam na alam ni Satanas na nilalang ang tao na may espirituwal na pangangailangan, at may-katusuhang sinamantala ng Diyablo ang pangangailangang ito. Paano? Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng relihiyosong mga kasinungalingan sa sangkatauhan. (Juan 8:44) Marami sa relihiyosong mga turo tungkol sa Diyos ang nagkakasalungatan at nakalilito. Kaninong layunin sa tingin mo ang naitataguyod nito? Ang nagkakasalungatang mga turo ay hindi maaaring maging totoo lahat. Kung gayon, hindi kaya posible na ang maraming relihiyosong mga turo ay partikular na dinisenyo at ginagamit ni Satanas para iligaw ang mga tao? Sa katunayan, tinutukoy siya ng Bibliya na “diyos ng sistemang ito ng mga bagay,” na bumubulag sa mga pag-iisip ng mga tao.—2 Corinto 4:4.
Ang katotohanan ng Diyos ay nagsasanggalang sa isa laban sa relihiyosong mga panlilinlang. Inihahalintulad ng Bibliya ang katotohanan ng Salita ng Diyos sa bigkis na isinusuot ng sundalo noong Efeso 6:14) Kung kukuha ka ng kaalaman sa Bibliya at mamumuhay kaayon ng mensahe nito, na para bang nabibigkisan ka nito, iingatan ka ng Salita ng Diyos upang hindi mailigaw ng relihiyosong mga kasinungalingan at kamalian.
sinaunang panahon upang protektahan ang kaniyang balakang. (Ang paghahangad ng tao sa espirituwal ay umakay sa kaniya na alamin ang mahihiwagang bagay. Inilalantad siya nito sa iba pang mapanlinlang na mga pakana ni Satanas. Palibhasa’y sinasamantala ni Satanas ang pagkamausisa ng tao sa kung ano ang kakatwa at mahiwaga, ginamit niya ang espiritismo upang marami siyang makontrol. Tulad ng mangangaso na gumagamit ng pain upang makaakit ng masisila, gumagamit si Satanas ng mga pakana tulad ng panghuhula, astrolohiya, hipnotismo, pangkukulam, pagbasa sa guhit ng palad, at mahika upang makaakit at makasilo ng mga tao sa buong daigdig.—Levitico 19:31; Awit 119:110.
Paano mo maipagsasanggalang ang iyong sarili upang hindi ka masilo ng espiritismo? Sinasabi sa Deuteronomio 18:10-12: “Huwag masusumpungan sa iyo ang sinumang nagpaparaan ng kaniyang anak na lalaki o ng kaniyang anak na babae sa apoy, ang sinumang nanghuhula, ang mahiko o ang sinumang naghahanap ng mga tanda o ang manggagaway, o ang isa na nanggagayuma sa iba sa pamamagitan ng engkanto o ang sinumang sumasangguni sa espiritista o ang manghuhula ng mga pangyayari o ang sinumang sumasangguni sa patay. Sapagkat ang lahat ng gumagawa ng mga bagay na ito ay karima-rimarim kay Jehova, at dahil sa mga karima-rimarim na bagay na ito ay itinataboy sila ni Jehova na iyong Diyos mula sa harap mo.”
Tuwiran ang payo ng Kasulatan: Huwag makisangkot sa espiritismo. Paano kung nagsasagawa ka ng espiritismo at ngayon ay gusto mo nang huminto? Maaari mong tularan ang halimbawa ng unang mga Kristiyano sa lunsod ng Efeso. Nang tanggapin nila “ang salita ni Jehova,” ang sabi ng Bibliya, “tinipon ng marami sa mga nagsasagawa ng sining ng mahika ang kanilang mga aklat at sinunog ang mga iyon sa harap ng lahat.” Napakamahal ng mga aklat na iyon. Nagkakahalaga iyon ng 50,000 piraso ng pilak. (Gawa 19:19, 20) Gayunman, hindi nag-atubili ang mga Kristiyano sa Efeso na sirain ang mga iyon.
Sinasamantala ni Satanas ang mga Kahinaan ng Tao
Naging Satanas na Diyablo ang isang sakdal na anghel dahil nagpadaig siya sa paghahangad na maitaas ang sarili. Pinukaw rin niya ang palalo at makasariling hangarin ni Eva na maging tulad ng Diyos. Sa ngayon, marami ang nakokontrol ni Satanas sa pamamagitan ng pag-uudyok sa kanila na magmapuri. Halimbawa, iniisip ng iba na ang kanilang lahi, grupong etniko, o nasyonalidad ay mas mabuti kaysa sa iba. Salungat na salungat ito sa itinuturo ng Bibliya! (Gawa 10:34, 35) Maliwanag na sinasabi ng Bibliya: “Ginawa [ng Diyos] mula sa isang tao ang bawat bansa ng mga tao.”—Gawa 17:26.
Ang epektibong panlaban sa pang-akit ni Satanas sa mga tao na magmapuri ay ang kapakumbabaan. Pinapayuhan tayo ng Bibliya na “huwag mag-isip nang higit tungkol sa [ating] sarili kaysa sa nararapat isipin.” (Roma 12:3) “Sinasalansang ng Diyos ang mga palalo,” ang sabi nito, “ngunit nagbibigay siya ng di-sana-nararapat na kabaitan sa mga mapagpakumbaba.” (Santiago 4:6) Ang isang mabisang paraan upang mapaglabanan ang mga pagsisikap ni Satanas ay ang pagpapamalas ng kapakumbabaan at ng iba pang mga katangian na sinasang-ayunan ng Diyos.
Gusto ring samantalahin ng Diyablo ang kahinaan ng tao na magpadala sa maling mga pagnanasa ng laman. Nilayon ng Diyos na Jehova na masiyahan ang tao sa buhay. Kapag ang mga hangarin ay natupad nang ayon sa kalooban ng Diyos, magdudulot ito ng tunay na kaligayahan. Subalit tinutukso ni Satanas ang mga tao na paluguran ang kanilang mga pagnanasa sa pamamagitan ng imoralidad. (1 Corinto 6:9, 10) Makabubuti na panatilihing nakatuon ang isip sa mga bagay na malinis at may kagalingan. (Filipos 4:8) Tutulungan ka nito na makontrol ang iyong pag-iisip at damdamin.
Patuloy na Labanan ang Diyablo
Maaari ka kayang magtagumpay sa paglaban sa Diyablo? Oo. Tinitiyak sa atin ng Bibliya: “Salansangin ninyo ang Diyablo, at tatakas siya mula sa inyo.” (Santiago 4:7) Kahit na nilalabanan mo si Satanas, hindi siya kaagad susuko at hihinto sa panliligalig sa iyo habang kumukuha ka ng kaalaman tungkol sa Diyos. Hindi, muli kang tutuksuhin ng Diyablo “sa iba pang kumbinyenteng panahon.” (Lucas 4:13) Ngunit, hindi ka dapat matakot sa Diyablo. Kung patuloy mo siyang lalabanan, hindi ka niya maitatalikod sa tunay na Diyos.
Gayunman, upang malabanan ang Diyablo, kailangan mong malaman kung sino siya, kung paano niya inililigaw ang mga tao, at kung anong mga hakbang ang dapat gawin upang maipagsanggalang ang iyong sarili mula sa kaniyang mga pakana. Isa lamang ang tamang mapagkukunan ng kaalamang iyan—Salita ng Diyos, ang Bibliya. Kaya maging matatag sa iyong pasiya na pag-aralan ang kinasihang Kasulatan, at ikapit sa iyong buhay ang mga natututuhan mo mula roon. Malulugod ang mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar na tulungan kang mag-aral nang walang bayad sa panahong kumbinyente sa iyo. Pakisuyong huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa kanila o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito.
Habang nag-aaral ka ng Bibliya, asahan mong sasalansangin ka o kaya’y pag-uusigin ni Satanas para huminto ka sa pag-aaral ng katotohanan mula sa Salita ng Diyos. Posibleng magalit ang ilang mahal mo sa buhay dahil nag-aaral ka ng Bibliya. Maaaring mangyari ito sapagkat wala silang alam sa kamangha-manghang katotohanan na nasa Bibliya. Baka pagtawanan ka pa nga ng iba. Subalit malulugod kaya ang Diyos kung magpapadala ka sa gayong mga panggigipit? Gusto ng Diyablo na manghina ang iyong loob para huminto ka sa pag-aaral tungkol sa tunay na Diyos. Bakit mo papayagang magwagi si Satanas? (Mateo 10:34-39) Wala kang obligasyon sa kaniya. Utang mo kay Jehova ang mismong buhay mo. Kung gayon, maging determinadong labanan ang Diyablo at ‘pasayahin ang puso ni Jehova.’—Kawikaan 27:11.
[Larawan sa pahina 6]
Sinunog ng mga naging Kristiyano ang kanilang mga aklat may kaugnayan sa espiritismo
[Larawan sa pahina 7]
Maging matatag sa iyong pasiya na pag-aralan ang Bibliya