New Year’s Tree—Tradisyong Ruso? Tradisyong Kristiyano?
New Year’s Tree—Tradisyong Ruso? Tradisyong Kristiyano?
“SA PASIMULA ng dekada ng 1830, ang puno ng evergreen ay tinutukoy pa rin na ‘kaakit-akit na konseptong Aleman.’ Sa huling bahagi ng dekadang iyon, ‘naging kaugalian’ na ang paglalagay nito sa mga tahanan ng mga pilíng tao sa St. Petersburg. . . . Mga klerigo at mga magbubukid lamang ang hindi naglalagay ng puno ng evergreen sa kanilang bahay noong ika-19 na siglo. . . .
“Bago ang ika-19 na siglo, hindi binibigyan ng pantanging pagpapahalaga . . . ang puno. Yamang itinuturing ito na simbolo ng kamatayan at iniuugnay sa ‘daigdig ng mga patay’ batay sa tradisyong Ruso, at kaugalian nang ilagay ang puno sa bubong ng mga taberna, hindi ito kaayon ng mga pagbabago ng pangmalas noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. . . . Maliwanag na unti-unti nang tinatanggap ng banyagang tradisyon ang isinasagisag ng Christmas tree sa Kanluran, ang kaugnayan nito sa tema ng Pasko. . . .
“Ang pagbabago ng kahulugan ng puno bilang simbolong Kristiyano ay hindi madaling tinanggap sa Russia. Sinalansang ito ng Simbahang Ortodokso. Sinabi ng klero na ang bagong selebrasyong ito ay ‘gawang makademonyo,’ isang paganong tradisyon, na wala namang kinalaman sa kapanganakan ng Tagapagligtas, at karagdagan pa, tradisyon ito ng [mga bansa sa] Kanluran.”—Propesor Yelena V. Dushechkina, dalubhasa sa philological sciences sa St. Petersburg State University.
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Larawan: Nikolai Rakhmanov