Ipagsasanggalang Tayo ng Paghanap sa Katuwiran
Ipagsasanggalang Tayo ng Paghanap sa Katuwiran
“Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang . . . katuwiran [ng Diyos].”—MATEO 6:33.
1, 2. Anong desisyon ang ginawa ng isang kabataang Kristiyano, at bakit gayon ang naging desisyon niya?
ISANG kabataang babaing Kristiyano sa Asia ang nagtatrabaho bilang sekretarya sa isang tanggapan ng gobyerno. Siya ay matapat, maagang pumapasok sa trabaho at hindi makupad magtrabaho. Gayunman, yamang hindi pa siya permanente sa kaniyang trabaho, pinag-usapan kung pananatilihin ba siya o hindi. Sinabi ng tagapangasiwa ng departamento sa kabataang babaing iyon na magiging permanente siya sa trabaho at bibigyan pa nga ng mataas na posisyon kung papayag siyang makipagrelasyon sa kaniya. Tahasan niya itong tinanggihan, kahit mawalan pa siya ng trabaho.
2 Hindi ba naging praktikal ang kabataang babaing Kristiyanong iyon? Naging praktikal pa rin siya, may-katapatan niyang sinusunod ang payo ni Jesus: “Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang . . . katuwiran [ng Diyos].” (Mateo 6:33) Para sa kaniya, higit na mahalaga ang pagsunod sa matuwid na mga simulain kaysa sa pagtatamo ng mga kapakinabangan sa pamamagitan ng paggawa ng seksuwal na imoralidad.—1 Corinto 6:18.
Ang Kahalagahan ng Katuwiran
3. Ano ang katuwiran?
3 Ang “katuwiran” ay nagpapahiwatig ng panghahawakan sa katapatan sa moral at pagkamatapat. Sa Bibliya, ang mga salitang Griego at Hebreo para sa katuwiran ay nagpapahiwatig ng ideya ng pagiging tuwid, o tama. Hindi ito pagmamatuwid sa sarili, anupat hinahatulan ang sarili batay sa sariling mga pamantayan. (Lucas 16:15) Ito ay pagiging matuwid batay sa mga pamantayan ni Jehova. Ito ang katuwiran ng Diyos.—Roma 1:17; 3:21.
4. Bakit mahalaga sa isang Kristiyano ang katuwiran?
4 Bakit mahalaga ang katuwiran? Sapagkat sinasang-ayunan ni Jehova, ang “matuwid na Diyos,” ang kaniyang bayan kapag nagsasagawa sila ng katuwiran. (Awit 4:1; Kawikaan 2:20-22; Habakuk 1:13) Sinumang gumagawa ng kalikuan ay hindi magiging malapít sa kaniya. (Kawikaan 15:8) Iyan ang dahilan kung bakit hinimok ni apostol Pablo si Timoteo: “Tumakas ka mula sa mga pagnanasa na kaakibat ng kabataan, ngunit itaguyod mo ang katuwiran,” pati na ang iba pang mahahalagang katangian. (2 Timoteo 2:22) Iyan din ang dahilan kung bakit isinama ni Pablo “ang baluti ng katuwiran” nang itala niya ang iba’t ibang bahagi ng ating espirituwal na baluti.—Efeso 6:14.
5. Paano mahahanap ng di-sakdal na mga nilalang ang katuwiran?
5 Sabihin pa, wala naman talagang taong ganap na matuwid. Ang lahat ay nagmana ng di-kasakdalan mula kay Adan, at ang lahat ay makasalanan, di-matuwid, mula pa nang isilang. Subalit sinabi ni Jesus na dapat nating hanapin ang katuwiran. Posible ba iyon? Oo, posible iyon dahil ibinigay ni Jesus ang kaniyang sakdal na buhay bilang pantubos para sa atin, at kung mananampalataya tayo sa haing iyon, si Jehova ay handang magpatawad sa ating mga kasalanan. (Mateo 20:28; Juan 3:16; Roma 5:8, 9, 12, 18) Salig diyan, habang natututuhan natin ang matuwid na mga pamantayan ni Jehova at sinisikap nating sundin ang mga ito—anupat nananalangin na tulungan tayong mapagtagumpayan ang ating mga kahinaan—tinatanggap ni Jehova ang ating pagsamba. (Awit 1:6; Roma 7:19-25; Apocalipsis 7:9, 14) Talaga ngang nakaaaliw iyan!
Matuwid sa Di-matuwid na Sanlibutan
6. Bakit mapanganib ang sanlibutan para sa sinaunang mga Kristiyano?
6 Nang tanggapin ng mga alagad ni Jesus ang atas na maging mga saksi niya “hanggang sa pinakamalayong bahagi ng lupa,” napaharap sila sa mahirap na kalagayan. (Gawa 1:8) Ang lahat ng teritoryong iniatas sa kanila ay “nasa kapangyarihan ng isa na balakyot,” si Satanas. (1 Juan 5:19) Ang sanlibutan ay nahawahan ng balakyot na espiritung itinataguyod niya, at malalantad ang mga Kristiyano sa nakasasamang impluwensiya nito. (Efeso 2:2) Para sa kanila, mapanganib ang sanlibutan. Makapagbabata lamang sila at makapananatiling tapat kung hahanapin muna nila ang katuwiran ng Diyos. Marami ang nakapagbata, subalit may ilan na nailihis mula sa “landas ng katuwiran.”—Kawikaan 12:28; 2 Timoteo 4:10.
7. Anu-anong pananagutan ang humihiling sa isang Kristiyano na labanan ang nakasasamang mga impluwensiya?
7 Ang sanlibutan ba sa ngayon ay mas ligtas panirahan ng mga Kristiyano? Hinding-hindi! Lalo pa nga itong sumamâ kaysa noong unang siglo. Bilang karagdagan, ibinulid na si Satanas sa lupa at buong-kalupitan siyang nakikipagdigma laban sa mga pinahirang Kristiyano, ang “mga nalalabi sa . . . binhi [ng babae], na tumutupad sa mga utos ng Diyos at may gawaing pagpapatotoo tungkol kay Jesus.” (Apocalipsis 12:12, 17) Sinasalakay rin ni Satanas ang sinumang sumusuporta sa “binhi” na iyon. Gayunpaman, hindi makatatakas ang mga Kristiyano mula sa sanlibutan. Bagaman hindi sila bahagi nito, kailangan silang mamuhay rito. (Juan 17:15, 16) At kailangan silang mangaral dito upang hanapin ang mga taong wastong nakaayon at turuan sila upang maging mga alagad ni Kristo. (Mateo 24:14; 28:19, 20) Kaya naman, yamang hindi lubusang maiiwasan ng mga Kristiyano ang nakasasamang mga impluwensiya sa sanlibutang ito, kailangan nilang labanan ang mga ito. Isaalang-alang natin ang apat sa mga impluwensiyang iyan.
Ang Bitag ng Imoralidad
8. Bakit bumaling ang mga Israelita sa pagsamba sa mga diyos ng mga Moabita?
8 Noong papatapos na ang kanilang 40-taóng paglalakbay sa ilang, napakaraming Israelita ang lumihis sa landas ng katuwiran. Maraming beses na nilang nasaksihan ang pagliligtas ni Jehova, at malapit na silang pumasok sa Lupang Pangako. Gayunman, sa mahalagang panahong iyon, bumaling sila sa pagsamba sa mga diyos ng mga Moabita. Bakit? Nagpadaig sila sa “pagnanasa ng laman.” (1 Juan 2:16) Sinasabi ng ulat: “Ang bayan ay nagpasimulang magkaroon ng imoral na pakikipagtalik sa mga anak na babae ng Moab.”—Bilang 25:1.
9, 10. Anong situwasyon sa ngayon ang nagpapakita na mahalagang isaisip palagi ang nakasasamang impluwensiya ng maling mga pagnanasa ng laman?
9 Ipinakikita ng pangyayaring iyon kung paano mapapasamâ ng maling mga pagnanasa ng laman ang mga hindi mapagbantay. Dapat tayong matuto mula rito, lalo na’t ang imoral na pamumuhay ay tinatanggap na ng karamihan. (1 Corinto 10:6, 8) Isang ulat mula sa Estados Unidos ang nagsabi: “Bago ang 1970, ang pagsasama nang di-kasal ay ilegal sa lahat ng estado ng Amerika. Ngayon, pangkaraniwan na lamang ito. Mahigit kalahati ng mga ikinakasal sa unang pagkakataon ang nagsama muna bago ikasal.” Ang kinagawiang ito at ang iba pang mahahalay na gawaing tulad nito ay hindi lamang nangyayari sa isang bansa. Nangyayari ito sa buong daigdig, at nakalulungkot, ang ilang Kristiyano ay sumunod sa kalakarang ito—naiwala pa nga nila ang kanilang mabuting katayuan sa kongregasyong Kristiyano.—1 Corinto 5:11.
10 Bukod diyan, waring makikita sa lahat ng dako ang mga propagandang nagtataguyod ng imoralidad. Ipinahihiwatig ng mga pelikula at programa sa telebisyon na normal lamang sa mga kabataan ang magsiping bago ang kasal. Ipinakikita
ng mga ito na normal ang homoseksuwal na mga relasyon. At lalong nagiging lantaran ang seksuwal na mga gawain na ipinakikita sa maraming palabas. Ang mga larawan ng lantarang seksuwal na mga gawain ay madali ring makita sa Internet. Halimbawa, iniulat ng isang ama na kolumnista ng isang pahayagan na ang kaniyang anak na lalaki na pitong taóng gulang ay umuwi ng bahay mula sa paaralan at sabik na sabik na nagkuwento sa kaniya na ang kaibigan niya sa paaralan ay nakakita sa Internet ng mga babaing hubad na nakikipagtalik. Gulat na gulat ang ama, subalit ilan bang bata ang nagkukuwento sa kanilang mga magulang tungkol sa gayong mga bagay na nakikita nila sa Internet? Bukod diyan, gaano ba karaming magulang ang nakaaalam kung anong mga video game ang nilalaro ng kanilang mga anak? Maraming popular na mga laro ang nagtatampok ng kasuklam-suklam na imoralidad, gayundin ng demonismo at karahasan.11. Paano maipagsasanggalang ang pamilya laban sa imoralidad ng sanlibutan?
11 Paano mapaglalabanan ng pamilya ang gayong mahalay na “libangan”? Sa pamamagitan ng paghanap muna sa katuwiran ng Diyos, anupat tumatangging masangkot sa anumang bagay na imoral. (2 Corinto 6:14; Efeso 5:3) Ang mga magulang na wastong sumusubaybay sa mga gawain ng kanilang mga anak at nagkikintal sa kanilang mga anak ng pag-ibig kay Jehova at sa kaniyang matuwid na mga kautusan ay nagsasanggalang sa kanila laban sa pornograpya, mga pornograpikong video game, imoral na pelikula, at iba pang di-matuwid na mga pang-akit.—Deuteronomio 6:4-9. *
Ang Panganib ng Panggigipit ng Komunidad
12. Anong suliranin ang bumangon noong unang siglo?
12 Nang si Pablo ay nasa Listra sa Asia Minor, makahimala niyang pinagaling ang isang lalaki. Sinasabi ng ulat: “Ang mga pulutong, sa pagkakita sa ginawa ni Pablo, ay naglakas ng kanilang mga tinig, na sinasabi sa wikang Licaonia: ‘Ang mga diyos ay naging tulad ng mga tao at bumaba sa atin!’ At tinawag nilang Zeus si Bernabe, ngunit Hermes naman si Pablo, yamang siya ang nangunguna sa pagsasalita.” (Gawa 14:11, 12) Nang dakong huli, gustong patayin ng mismong mga pulutong na iyon sina Pablo at Bernabe. (Gawa 14:19) Maliwanag, ang mga taong iyon ay napakadaling madala ng panggigipit ng komunidad. Waring nanghahawakan pa rin sa mga pamahiin ang ilan sa mga tao sa rehiyong iyon kahit mga Kristiyano na sila. Sa kaniyang sulat sa mga Kristiyano sa Colosas, nagbabala si Pablo laban sa “pagsamba sa mga anghel.”—Colosas 2:18.
13. Anu-ano ang ilang kaugaliang dapat iwasan ng isang Kristiyano, at paano siya magkakaroon ng lakas ng loob na iwasan iyon?
13 Sa ngayon, kailangan ding iwasan ng mga tunay na Kristiyano ang mga kaugaliang tinatanggap ng karamihan batay sa mga turo ng huwad na relihiyon na labag sa mga simulaing Kristiyano. Halimbawa, sa ilang lupain, maraming kinaugaliang seremonya may kaugnayan sa kapanganakan at kamatayan ang batay sa kasinungalingan na mayroon tayong espiritu na nananatiling buhay Eclesiastes 9:5, 10) May mga lupain kung saan kinaugalian nang isailalim ang mga batang babae sa female genital mutilation (pagsira sa ari ng babae). * Ang kaugaliang ito ay malupit at di-kinakailangan at salungat sa maibiging pagkalinga na dapat sanang ibigay ng mga magulang sa kanilang mga anak. (Deuteronomio 6:6, 7; Efeso 6:4) Paano mapaglalabanan ng mga Kristiyano ang mga panggigipit ng komunidad at paano nila maititigil ang gayong mga kaugalian? Sa pamamagitan ng lubos na pagtitiwala kay Jehova. (Awit 31:6) Palalakasin at pangangalagaan ng matuwid na Diyos ang mga taong nagsasabi sa kaniya mula sa kanilang puso: “Ikaw ang aking kanlungan at aking moog, ang aking Diyos, na pagtitiwalaan ko.”—Awit 91:2; Kawikaan 29:25.
pagkamatay natin. (Huwag Kalimutan si Jehova
14. Anong babala ang ibinigay ni Jehova sa mga Israelita nang malapit na silang pumasok sa Lupang Pangako?
14 Nang malapit nang pumasok sa Lupang Pangako ang mga Israelita, binabalaan sila ni Jehova na huwag siyang kalimutan. Sinabi niya: “Mag-ingat ka upang hindi mo makalimutan si Jehova na iyong Diyos anupat hindi mo matupad ang kaniyang mga utos at ang kaniyang mga hudisyal na pasiya at ang kaniyang mga batas na iniuutos ko sa iyo ngayon; dahil baka kumain ka at mabusog nga, at magtayo ka ng mabubuting bahay at manahanan nga sa mga iyon, at ang iyong bakahan at ang iyong kawan ay dumami, at ang pilak at ang ginto ay dumami para sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay dumami; at ang iyong puso ay magmataas nga at makalimutan mo nga si Jehova na iyong Diyos.”—Deuteronomio 8:11-14.
15. Paano tayo makatitiyak na hindi natin nalilimutan si Jehova?
15 Maaari bang mangyari ang gaya nito sa ngayon? Oo, kung mali ang mga priyoridad natin. Ngunit kung hinahanap muna natin ang katuwiran ng Diyos, magiging pinakamahalaga sa ating buhay ang dalisay na pagsamba. Gaya ng paghimok sa atin ni Pablo, ‘bibilhin natin ang naaangkop na panahon’ at magiging apurahan tayo sa ating ministeryo. (Colosas 4:5; 2 Timoteo 4:2) Subalit kung mas pinahahalagahan natin ang paglilibang o mga kaluguran kaysa sa pagdalo sa mga pulong at paglilingkod sa larangan, maaaring malimutan natin si Jehova sa diwa na nagiging pangalawahin na lamang siya sa ating buhay. Sinabi ni Pablo na sa mga huling araw, ang mga tao ay magiging “mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos.” (2 Timoteo 3:4) Regular na sinusuri ng taimtim na mga Kristiyano ang kanilang sarili para matiyak na hindi sila naiimpluwensiyahan ng gayong kaisipan.—2 Corinto 13:5.
Mag-ingat Laban sa Mapagsariling Espiritu
16. Anong maling espiritu ang ipinakita ni Eva at ng ilan noong panahon ni Pablo?
16 Sa Eden, matagumpay na napukaw ni Satanas ang mapag-imbot na hangarin ni Eva na magsarili. Gusto ni Eva na magpasiya sa ganang sarili kung ano ang tama at mali. (Genesis 3:1-6) Noong unang siglo, may gayunding mapagsariling espiritu ang ilan sa kongregasyon sa Corinto. Akala nila, mas marami silang nalalaman kaysa kay Pablo, at may panunuya niya silang tinawag na ubod-galing na mga apostol.—2 Corinto 11:3-5; 1 Timoteo 6:3-5.
17. Paano natin maiiwasang magkaroon ng mapagsariling espiritu?
17 Sa sanlibutan sa ngayon, marami ang “matigas 2 Timoteo 3:4; Filipos 3:18) Kung tungkol sa dalisay na pagsamba, mahalagang umasa tayo sa patnubay ni Jehova at makipagtulungan sa “tapat at maingat na alipin” at sa matatanda sa kongregasyon. Isang paraan iyan ng paghanap sa katuwiran, at ipinagsasanggalang tayo nito upang hindi magkaroon ng mapagsariling espiritu. (Mateo 24:45-47; Awit 25:9, 10; Isaias 30:21) Ang kongregasyon ng mga pinahiran ay “isang haligi at suhay ng katotohanan.” Inilaan ito ni Jehova upang magsanggalang at pumatnubay sa atin. (1 Timoteo 3:15) Ang pagkilala sa mahalagang papel nito ay tutulong sa atin na ‘huwag gumawa ng anuman dahil sa egotismo’ habang mapagpakumbaba tayong nagpapasakop sa matuwid na kalooban ni Jehova.—Filipos 2:2-4; Kawikaan 3:4-6.
ang ulo, mga mapagmalaki,” at naimpluwensiyahan ng gayong kaisipan ang ilang Kristiyano. Sumalansang pa nga ang ilan sa katotohanan. (Maging mga Tagatulad ni Jesus
18. Sa anu-anong paraan tayo hinihimok na tularan si Jesus?
18 Ganito ang inihula ng Bibliya tungkol kay Jesus: “Iniibig mo ang katuwiran at kinapopootan mo ang kabalakyutan.” (Awit 45:7; Hebreo 1:9) Napakainam ngang saloobin na dapat tularan! (1 Corinto 11:1) Hindi lamang alam ni Jesus ang matuwid na mga pamantayan ni Jehova; inibig niya ang mga ito. Kaya nang tuksuhin siya ni Satanas sa ilang, hindi nagdalawang-isip si Jesus kundi matatag siyang tumangging mailihis mula sa “landas ng katuwiran.”—Kawikaan 8:20; Mateo 4:3-11.
19, 20. Anu-ano ang mabubuting resulta ng paghanap sa katuwiran?
19 Totoo, maaaring masidhi ang di-matuwid na mga pagnanasa ng laman. (Roma 7:19, 20) Gayunman, kung pinahahalagahan natin ang katuwiran, ipagsasanggalang tayo nito laban sa kabalakyutan. (Awit 119:165) Ang masidhing pag-ibig sa katuwiran ay magsasanggalang sa atin kapag natutukso tayong gumawa ng mali. (Kawikaan 4:4-6) Tandaan, kapag nagpadaig tayo sa tukso, pinasasaya natin si Satanas. Mas mabuti nga na labanan natin siya at pasayahin si Jehova!—Kawikaan 27:11; Santiago 4:7, 8.
20 Dahil sa hinahanap ng mga tunay na Kristiyano ang katuwiran, sila ay ‘puspos ng matuwid na bunga, na sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Diyos.’ (Filipos 1:10, 11) Nagbibihis sila ng “bagong personalidad na nilalang ayon sa kalooban ng Diyos sa tunay na katuwiran at pagkamatapat.” (Efeso 4:24) Sila ay kay Jehova at nabubuhay sila para paglingkuran siya, hindi para paluguran ang kanilang sarili. (Roma 14:8; 1 Pedro 4:2) Ito ang umuugit sa kanilang kaisipan at mga paggawi. Kaylaki ngang kaluguran ang idinudulot nila sa puso ng kanilang makalangit na Ama!—Kawikaan 23:24.
[Mga talababa]
^ par. 11 Ang kapaki-pakinabang na mga mungkahi sa mga magulang kung paano maipagsasanggalang ang pamilya laban sa imoral na mga impluwensiya ay matatagpuan sa aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
^ par. 13 Pagtutuli sa mga babae ang tawag noon sa female genital mutilation.
Maipaliliwanag Mo Ba?
• Bakit mahalagang hanapin ang katuwiran?
• Paano mahahanap ng di-sakdal na Kristiyano ang katuwiran?
• Anu-anong bagay sa sanlibutan ang kailangang iwasan ng isang Kristiyano?
• Paano tayo ipinagsasanggalang ng paghanap sa katuwiran?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 26]
Mapanganib ang sanlibutan para sa mga tagasunod ni Jesus
[Larawan sa pahina 27]
Ang mga anak na naturuang umibig kay Jehova ay maipagsasanggalang laban sa imoralidad
[Larawan sa pahina 28]
Nakalimutan ng ilang Israelita si Jehova nang umunlad ang kanilang buhay sa Lupang Pangako
[Larawan sa pahina 29]
Tulad ni Jesus, kinapopootan ng mga Kristiyano ang kalikuan