Kahirapan—Ang Kalagayan sa Ngayon
Kahirapan—Ang Kalagayan sa Ngayon
SI Vicente * ay madalas na nakikitang hila ang isang punung-punong kariton sa mga lansangan ng São Paulo, Brazil. Namumulot siya ng mga karton, bakal, at plastik. Kapag gumabi na, naglalatag siya ng karton sa ilalim ng kariton niya at doon siya natutulog. Hindi niya alintana ang ingay ng dumaraang mga kotse at bus sa lansangang tinutulugan niya. Dati siyang may trabaho, bahay, at pamilya—pero nawalang lahat ang mga ito. Sa ngayon, isang kahig isang tuka siya sa lansangan.
Nakalulungkot sabihin, milyun-milyon sa buong daigdig ang naghihikahos na gaya ni Vicente. Sa papaunlad na mga bansa, marami ang napipilitang manirahan sa kalye o sa lugar ng mga iskuwater. Ang mga nagpapalimos—mga pilay, mga bulag, mga inang nagpapasuso sa kanilang mga anak—ay nagkalat sa kalye. Sa mga lugar na may stoplight, pasingit-singit ang mga bata sa mga nakahintong sasakyan upang magbenta ng mga kendi para kumita ng kaunting barya.
Napakahirap ipaliwanag kung bakit may ganitong kahirapan. Ang magasing The Economist ng Britanya ay nagsabi: “Ang lahi ng tao ay ngayon lamang yumaman nang ganito, o naging edukado sa medisina, magaling sa teknolohiya at naging matalino upang madaig ang kahirapan.” Tiyak na marami ang nakikinabang sa kaalamang ito. Nagsisiksikan ang makikintab na bagong sasakyan sa mga lansangan ng malalaking lunsod sa maraming papaunlad na bansa. Ang mga shopping mall ay punô ng mga pinakabagong gadyet, at mabiling-mabili ang mga ito. Dalawang shopping center sa Brazil ang nagkaroon ng malaking promosyon ng ilang produkto. Nanatiling bukás ang mga ito mula Disyembre 23 hanggang 24, 2004. Ang isang shopping center ay umupa ng mga mananayaw ng samba upang aliwin ang mga mamimili. Humakot ng halos 500,000 mamimili ang okasyong ito!
Magkagayunman, napakaraming tao ang hindi nakikinabang sa kayamanang natatamasa ng ilan. Dahil sa napakalaking agwat ng mayaman at ng mahirap, marami ang nagsasabing kailangang-kailangan nang maalis ang * Bagaman ang ganitong mga panukala ay nagpapahiwatig ng pagsulong, idinagdag ng magasin ding iyon: “Napakarami ring dahilan para pag-alinlanganan kung maganda nga ang magiging resulta nito. Kung nag-aatubili mang magbigay ng donasyon ang karamihan sa mga bansa, iyon ay dahil sa hindi halos nakararating ang pondo sa mga taong kinauukulan.” Nakalulungkot sabihin, ang malaking bahagi ng pondong ibinibigay ng mga pamahalaan, internasyonal na ahensiya, at mga indibiduwal ay hindi kailanman nakararating sa talagang mga nangangailangan dahil sa katiwalian at sa mga kuskos balungos ng mga nanunungkulan.
kahirapan. Ang magasing Veja sa Brazil ay nagsabi: “Sa taóng ito [2005], ang pinakamahalagang paksang dapat pag-usapan ng mga lider sa daigdig ay ang paglaban sa kahirapan.” Iniulat din ng Veja ang panukalang bumuo ng isang bagong Marshall Plan na tutulong sa pinakamahihirap na bansa, lalo na sa Aprika.Alam ni Jesus na patuloy na magiging problema ang kahirapan. Sinabi niya: “Lagi ninyong kasama ang mga dukha.” (Mateo 26:11) Nangangahulugan ba ito na hindi na kailanman mawawala sa lupa ang kahirapan? Wala na bang pag-asang mapabuti ang kalagayan? Ano ang magagawa ng mga Kristiyano upang matulungan ang mahihirap?
[Mga talababa]
^ par. 2 Binago ang pangalan.
^ par. 5 Ang Marshall Plan ay isang programang inisponsor ng Estados Unidos na dinisenyo upang tulungang makabangon sa ekonomiya ang Europa pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig.