Nagsasanay si Jehova ng mga Pastol Para sa Kaniyang Kawan
Nagsasanay si Jehova ng mga Pastol Para sa Kaniyang Kawan
“Si Jehova ay nagbibigay ng karunungan; sa kaniyang bibig ay nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan.”—KAWIKAAN 2:6.
1, 2. Bakit nagsisikap ang mga bautisadong lalaki na abutin ang karagdagang pananagutan sa kongregasyon?
“TUWANG-TUWA ako nang mahirang ako bilang matanda,” ang sabi ni Nick, na pitong taon nang naglilingkod bilang tagapangasiwa. “Itinuring ko ang pribilehiyong ito na isang pagkakataon upang palawakin ang aking paglilingkod kay Jehova. Nadama kong malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil sa lahat ng ginawa niya para sa akin. Gusto ko ring tulungan ang mga miyembro ng kongregasyon sa abot ng aking makakaya at alalayan sila kung paanong inalalayan ako ng ibang matatanda.” Gayunman, ang kaniyang kagalakan ay may halong pangamba. “Yamang wala pa akong 30 anyos noong mahirang ako,” ang pagpapatuloy ni Nick, “nag-alala ako na baka kulang ako sa kinakailangang mga kasanayan—ng kaunawaan at karunungan—upang mapastulan ang kongregasyon sa mahusay na paraan.”
2 Maraming dahilan para maging maligaya ang mga hinihirang ni Jehova na mangalaga sa kaniyang kawan. Upang ipaalaala sa matatanda sa Efeso ang isang dahilan ng kanilang kaligayahan, ginamit ni apostol Pablo ang mga pananalita ni Jesus: “May higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.” (Gawa 20:35) Ang paglilingkod bilang ministeryal na lingkod o matanda ay nagbibigay sa mga bautisadong lalaki ng karagdagang paraan upang magbigay kay Jehova at sa kongregasyon. Halimbawa, tumutulong ang mga ministeryal na lingkod sa matatanda. Inaasikaso rin ng mga lingkod na ito ang maraming atas na gumugugol ng maraming oras ngunit kinakailangang gawin. Nag-uukol ng mahalagang paglilingkod ang mga kapatid na ito udyok ng pag-ibig sa Diyos at sa kapuwa.—Marcos 12:30, 31.
3. Bakit maaaring nag-aatubili ang ilan na abutin ang mga pribilehiyo sa kongregasyon?
3 Kumusta naman ang isang Kristiyanong lalaki na maaaring nag-aatubiling abutin ang pribilehiyo na maging ministeryal na lingkod at maging isang matanda sa kalaunan dahil pakiramdam niya ay hindi siya kuwalipikado? Tulad ni Nick, baka nangangamba siya na hindi niya taglay ang kinakailangang kasanayan upang maging mahusay na pastol. Bilang bautisadong kapatid na lalaki, isa ka ba sa mga nakadarama ng ganito? May dahilan naman ang gayong pagkabahala. Mananagot kay Jehova ang hinirang na mga pastol sa paraan ng pakikitungo nila sa kawan. Sinabi ni Jesus: “Bawat isa na binigyan ng marami, marami ang hihingin sa kaniya; at ang isa na pinangasiwa ng mga tao sa marami, higit kaysa karaniwan ang hihingin nila sa kaniya.”—Lucas 12:48.
4. Paano tinutulungan ni Jehova ang mga hinirang niya upang mangalaga sa kaniyang mga tupa?
4 Inaasahan ba ni Jehova na papasanin ng mga hinirang niya bilang mga ministeryal na lingkod at matatanda ang karagdagang mga pananagutan nang walang tulong? Sa kabaligtaran, nagbigay siya ng praktikal na tulong hindi lamang para makayanan nila ang mga pananagutang ito kundi para magtagumpay rin sila. Gaya ng tinalakay sa nakaraang artikulo, binibigyan sila ni Jehova ng kaniyang banal na espiritu, na ang mga bunga ay tumutulong sa kanila na magiliw na mapangalagaan ang mga tupa. (Gawa 20:28; Galacia 5:22, 23) Bukod diyan, binibigyan sila ni Jehova ng karunungan, kaalaman, at kaunawaan. (Kawikaan 2:6) Paano niya ito ginagawa? Talakayin natin ang tatlong paraan kung paano sinasanay ni Jehova ang mga indibiduwal na hinirang niya upang mangalaga sa kaniyang mga tupa.
Sinasanay ng Makaranasang mga Pastol
5. Bakit mahuhusay na pastol sina Pedro at Juan?
5 Nang humarap sina apostol Pedro at Juan sa Sanedrin, itinuring ng matatalino-sa-sanlibutan Gawa 4:1-4, 13) Totoo, tumanggap sila ng banal na espiritu. (Gawa 1:8) Ngunit maliwanag din—maging sa bulag-sa-espirituwal na mga hukom na iyon—na sinanay ni Jesus ang mga lalaking iyon. Habang kasama niya sila rito sa lupa, tinuruan ni Jesus ang mga apostol hindi lamang kung paano tipunin ang mga tulad-tupa kundi kung paano pastulan ang mga ito kapag naging bahagi na sila ng kongregasyon.—Mateo 11:29; 20:24-28; 1 Pedro 5:4.
na mga hukom sa korteng iyon sina Pedro at Juan na “walang pinag-aralan at pangkaraniwan.” Totoo, marunong naman silang bumasa’t sumulat, pero hindi sila tumanggap ng anumang rabinikong pagsasanay sa pag-aaral ng Kasulatan. Magkagayunman, sina Pedro at Juan kasama na ang iba pang mga alagad ay naging mahuhusay na guro, at napakilos pa nga nila ang marami sa mga nakinig sa kanila na maging mga mananampalataya. Paano naging pambihirang mga guro ang ordinaryong mga taong ito? Matapos makinig kay Pedro at Juan, “nakilala [ng hukuman] na dati silang kasama ni Jesus.” (6. Anong halimbawa sa pagsasanay sa iba ang ipinakita ni Jesus at ni Pablo?
6 Pagkatapos buhaying muli si Jesus, patuloy niyang sinanay ang mga hinirang na pastol. (Apocalipsis 1:1; 2:1–3:22) Halimbawa, siya mismo ang pumili kay Pablo at nangasiwa sa pagsasanay nito. (Gawa 22:6-10) Pinahalagahan ni Pablo ang tinanggap niyang pagsasanay at itinuro rin niya sa iba pang matatanda ang natutuhan niya. (Gawa 20:17-35) Halimbawa, malaking panahon at pagsisikap ang ginugol niya sa pagsasanay kay Timoteo upang maging isang “manggagawa” sa paglilingkod sa Diyos, “na walang anumang ikinahihiya.” (2 Timoteo 2:15) Naging matalik na magkaibigan ang mga lalaking ito. Bago nito, ganito ang isinulat ni Pablo tungkol kay Timoteo: “Tulad ng isang anak sa ama ay nagpaalipin siyang kasama ko sa ikasusulong ng mabuting balita.” (Filipos 2:22) Hindi hinangad ni Pablo na maging alagad niya si Timoteo o ang iba pang tao. Sa halip, pinasigla niya ang mga kapananampalataya na ‘maging mga tagatulad niya, gaya niya kay Kristo.’—1 Corinto 11:1.
7, 8. (a) Anong karanasan ang nagpapakita na maganda ang resulta kapag tinutularan ng matatanda si Jesus at si Pablo? (b) Kailan dapat simulang sanayin ng matatanda ang potensiyal na mga ministeryal na lingkod at matatanda?
7 Bilang pagtulad kay Jesus at kay Pablo, nagkukusa ang makaranasang mga pastol na sanayin ang mga bautisadong kapatid na lalaki, at naging maganda rin ang resulta nito. Isaalang-alang ang karanasan ni Chad. Pinalaki siya sa isang sambahayang nababahagi dahil sa relihiyon ngunit nahirang siya kamakailan bilang isang matanda. Sinabi niya: “Sa paglipas ng mga taon, tinulungan akong sumulong sa espirituwal ng ilang makaranasang elder. Dahil di-sumasampalataya ang aking ama, partikular akong pinagpakitaan ng interes ng mga elder na iyon at naging parang mga ama ko sila sa espirituwal. Naglaan sila ng panahon upang sanayin ako sa ministeryo, at nang maglaon, isang partikular na elder ang nagsanay sa akin sa pag-aasikaso sa natanggap kong mga atas sa kongregasyon.”
8 Gaya ng ipinakikita ng karanasan ni Chad, sinisimulan ng mga pastol na may malalim na pang-unawa na sanayin ang potensiyal na mga ministeryal na lingkod at matatanda matagal pa bago sila sumulong at maging kuwalipikado sa gayong mga pribilehiyo. Bakit gayon? Dahil iniuutos ng Bibliya na dapat maabot ng mga ministeryal na lingkod at matatanda ang mataas na pamantayang moral at espirituwal bago sila hirangin para maglingkod. Dapat “subukin muna [sila] kung sila ay karapat-dapat.”—1 Timoteo 3:1-10.
9. Ano ang pananagutan ng may-gulang na mga pastol, at bakit?
9 Kung susubukin ang bautisadong mga kapatid na lalaki, makatuwiran lamang na sanayin muna sila. Bilang paglalarawan: Kung hihilingan ang isang estudyante sa paaralan na kumuha ng isang mahirap na eksamen pero hindi naman siya binigyan ng espesipikong pagsasanay ng mga guro, makakapasa kaya ang estudyanteng ito? Malamang na babagsak siya. Kung gayon, kailangan ang pagsasanay. Gayunman, sinasanay ng masisikap na guro ang mga estudyante hindi lamang para pumasa sa eksamen kundi para tulungan din silang magamit ang kaalamang natutuhan nila. Sa katulad na paraan, tinutulungan ng masikap na matatanda ang mga bautisadong kapatid na lalaki na malinang ang mga katangiang hinihiling sa isang hinirang na lalaki sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng espesipikong pagsasanay. Ginagawa nila ito hindi lamang para tulungan ang mga kapatid na lalaking ito na mahirang upang maglingkod kundi para tulungan din 2 Timoteo 2:2) Sabihin pa, kailangang gawin ng mga bautisadong kapatid na lalaki ang kanilang bahagi at magpagal sila nang husto upang maabot ang mga kuwalipikasyong hinihiling sa isang ministeryal na lingkod o isang matanda. (Tito 1:5-9) Magkagayunman, sa pamamagitan ng kusang-loob na pagsasanay sa mga umaabot sa pribilehiyo sa kongregasyon, matutulungan sila ng makaranasang mga pastol na mas mabilis na sumulong.
silang mapangalagaan nang husto ang kawan. (10, 11. Paano sasanayin ng mga pastol ang iba para sa karagdagang mga pribilehiyo?
10 Sa anu-anong espesipikong paraan maaaring sanayin ng makaranasang mga pastol ang iba para asikasuhin ang mga atas sa kongregasyon? Una sa lahat, sa pamamagitan ng pagpapakita ng interes sa mga kapatid na lalaki sa kongregasyon—regular na paggawang kasama nila sa ministeryo sa larangan at pagtulong sa kanila na pasulungin ang kanilang kakayahang ‘gamitin nang wasto ang salita ng katotohanan.’ (2 Timoteo 2:15) Ipinakikipag-usap ng may-gulang na mga pastol sa mga kapatid na lalaking ito ang mga kagalakang maaari nilang matamo sa paglilingkod sa iba at ang kasiyahang natatamo mismo ng mga pastol sa pagtatakda at pag-abot sa espirituwal na mga tunguhin. May-kabaitan din silang nagbibigay ng espesipikong mga mungkahi kung paano susulong ang isa sa pagiging “halimbawa sa kawan.”—1 Pedro 5:3, 5.
11 Kapag nahirang ang isang kapatid na lalaki bilang ministeryal na lingkod, patuloy siyang sinasanay ng matatalinong pastol. Si Bruce, na maraming dekada nang naglilingkod bilang matanda, ay nagsabi: “Nasisiyahan akong maupong kasama ng isang bagong hirang na ministeryal na lingkod at repasuhin kasama niya ang mga tagubiling inilathala ng tapat at maingat na alipin. Binabasa rin namin ang anumang panuntunan hinggil sa kaniyang espesipikong atas, at pagkatapos ay natutuwa akong gumawang kasama niya hanggang sa maging pamilyar siya sa mga tungkulin niya.” Habang nagkakaroon ng karanasan ang isang ministeryal na lingkod, maaari rin siyang sanayin sa pagpapastol. “Kapag isinasama ko ang isang ministeryal na lingkod sa pagpapastol,” ang pagpapatuloy ni Bruce, “tinutulungan ko siyang pumili ng espesipikong mga teksto na magpapatibay at magpapasigla sa indibiduwal o sa pamilya na dadalawin namin. Para maging mahusay na pastol, napakahalagang malaman ng ministeryal na lingkod kung paano gagamitin ang Kasulatan sa paraang nakaaantig sa puso.”—Hebreo 4:12; 5:14.
12. Paano maaaring sanayin ng makaranasang mga pastol ang bagong hirang na matatanda?
12 Nakikinabang din nang husto ang bagong hirang na mga pastol sa karagdagan pang pagsasanay. Si Nick, na binanggit kanina, ay nagsabi: “Napakalaking tulong sa akin ang tinanggap kong pagsasanay mula sa dalawang partikular na nakatatandang tagapangasiwa. Kadalasan nang alam ng mga kapatid na ito kung paano dapat asikasuhin ang espesipikong mga bagay. Lagi silang matiyagang nakikinig sa akin at seryosong isinasaalang-alang ang aking pangmalas—kahit na hindi sila sang-ayon dito. Marami akong natutuhan sa pagmamasid sa mapagpakumbaba at magalang na paraan ng pakikitungo nila sa mga kapatid sa kongregasyon. Naikintal sa akin ng mga elder na ito ang pangangailangang gamitin ang Bibliya nang may kahusayan kapag nilulutas ang mga problema o kapag nagbibigay ng pampatibay-loob.”
Sinasanay ng Salita ng Diyos
13. (a) Ano ang kailangan ng isang kapatid na lalaki upang maging mahusay na pastol? (b) Bakit sinabi ni Jesus: “Ang itinuturo ko ay hindi sa akin”?
13 Tunay nga, naglalaman ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, ng mga kautusan, simulain, at mga halimbawa na kailangan ng isang pastol upang maging “lubos na may kakayahan, lubusang nasangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.” (2 Timoteo 3:16, 17) Maaaring may mataas na pinag-aralan ang isang kapatid na lalaki, pero ang kaalaman niya sa Kasulatan at ang paraan ng pagkakapit niya rito ang talagang nakakatulong upang maging mahusay siyang pastol. Isaalang-alang ang halimbawa ni Jesus. Siya ang pinakamatalino, pinakamalalim ang unawa, at ang pinakamarunong na espirituwal na pastol na nabuhay kailanman sa lupa; subalit kahit siya ay hindi nagtiwala sa kaniyang sariling karunungan kapag tinuturuan niya ang mga tupa ni Jehova. Sinabi niya: “Ang itinuturo ko ay hindi sa akin, kundi sa kaniya na nagsugo sa akin.” Bakit sa kaniyang makalangit na Ama ibinigay ni Jesus ang kapurihan? Ipinaliwanag niya: “Siya na nagsasalita mula sa kaniyang sarili ay nagnanasa ng kaniyang sariling kaluwalhatian.”—Juan 7:16, 18.
14. Paano iniiwasan ng mga pastol na maghangad ng kanilang sariling kaluwalhatian?
14 Iniiwasan ng tapat na mga pastol na maghangad ng kanilang sariling kaluwalhatian. Ibinabatay nila ang kanilang payo at pampatibay-loob, hindi sa kanilang sariling karunungan, kundi sa Salita ng Diyos. Nauunawaan nila na ang atas ng isang pastol ay tulungan ang mga tupa na matamo ang “pag-iisip ni Kristo,” hindi ang pag-iisip ng matatanda. (1 Corinto 2:14-16) Halimbawa, ano kaya ang mangyayari kung ang isang matanda, na tumutulong sa isang mag-asawa na harapin ang mga problema sa pag-aasawa, ay magpapayo batay sa sarili niyang karanasan sa halip na sa mga simulain sa Bibliya at impormasyong inilathala ng “tapat at maingat na alipin”? (Mateo 24:45) Ang kaniyang payo ay baka labis na maimpluwensiyahan ng mga kaugalian sa kanilang lugar at hindi gaanong maging mabisa dahil sa kaniyang limitadong kaalaman at karanasan. Sabihin pa, hindi naman mali ang ilang kaugalian, at baka makaranasan sa buhay ang matandang ito. Ngunit lubusang makikinabang ang mga tupa kung pasisiglahin sila ng mga pastol na dinggin ang tinig ni Jesus at ang mga pananalita ni Jehova sa halip na ang mga kaisipan ng tao o ang idinidikta ng lokal na mga kaugalian.—Awit 12:6; Kawikaan 3:5, 6.
Sinasanay ng “Tapat at Maingat na Alipin”
15. Anong atas ang ibinigay ni Jesus sa “tapat at maingat na alipin,” at ano ang isang dahilan ng tagumpay ng uring alipin?
15 Ang mga pastol na gaya nina apostol Pedro, Juan, at Pablo ay pawang mga miyembro ng grupo na inilarawan ni Jesus bilang “tapat at maingat na alipin.” Ang uring aliping ito ay binubuo ng pinahiran-ng-espiritung mga kapatid ni Jesus sa lupa, na may pag-asang mamahala sa langit kasama ni Kristo. (Apocalipsis 5:9, 10) Sa mga huling araw ng sistemang ito, paunti na nang paunti ang mga nalabing kapatid ni Kristo sa lupa, gaya ng inaasahan. Ngunit ang gawaing iniutos sa kanila ni Jesus na tapusin—ang pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian bago dumating ang wakas—ay lalo pang lumalawak. Sa kabila nito, kapansin-pansin ang tagumpay ng uring alipin! Bakit? Dahil na rin sa ginawa nilang pagsasanay sa mga miyembro ng “ibang mga tupa” upang tulungan sila sa pangangaral at pagtuturo. (Juan 10:16; Mateo 24:14; 25:40) Sa ngayon, ang kalakhang bahagi ng gawain ay isinasakatuparan ng matapat na grupong ito ng ibang mga tupa.
16. Paano sinasanay ng uring alipin ang hinirang na mga lalaki?
1 Corinto 4:17) Gayundin sa ngayon. Ang Lupong Tagapamahala—ang maliit na grupo ng pinahirang matatanda na kumakatawan sa uring alipin—ay nagbigay ng awtorisasyon sa mga kinatawan nito upang magsanay at humirang ng mga ministeryal na lingkod at matatanda sa libu-libong kongregasyon sa buong daigdig. Bukod diyan, nagsaayos ang Lupong Tagapamahala ng mga paaralan upang sanayin ang mga miyembro ng Komite ng Sangay, naglalakbay na tagapangasiwa, matatanda, at mga ministeryal na lingkod kung paano mapangangalagaan ang mga tupa sa pinakamahusay na paraan. Inilalaan ang karagdagang mga tagubilin sa pamamagitan ng mga liham, mga artikulo na inilalathala sa Ang Bantayan, at sa pamamagitan ng iba pang mga publikasyon, gaya ng Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova. *
16 Paano inilalaan ng uring alipin ang pagsasanay na ito? Noong unang siglo, binigyan ng awtorisasyon ang mga kinatawan ng uring alipin na magsanay at humirang ng mga tagapangasiwa sa mga kongregasyon, at ang mga tagapangasiwa namang ito ang nagsanay sa mga tupa. (17. (a) Paano ipinakikita ni Jesus ang kaniyang pagtitiwala sa uring alipin? (b) Paano ipinakikita ng espirituwal na mga pastol na nagtitiwala sila sa uring alipin?
17 Napakalaki ng tiwala ni Jesus sa uring alipin kung kaya’t inatasan niya ito sa “lahat ng kaniyang mga pag-aari”—samakatuwid nga, sa lahat ng kaniyang espirituwal na kapakanan sa lupa. (Mateo 24:47) Ipinakikita ng hinirang na mga pastol na nagtitiwala rin sila sa uring alipin sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga tagubilin na tinatanggap nila mula sa Lupong Tagapamahala. Oo, kapag sinasanay ng mga pastol ang iba, kapag hinahayaan nilang sanayin sila ng Salita ng Diyos, at kapag ikinakapit nila ang pagsasanay na inilalaan ng uring alipin, itinataguyod nila ang pagkakaisa sa gitna ng kawan. Kaylaki ngang pasasalamat natin na nagsasanay si Jehova ng mga lalaki na lubhang nagmamalasakit sa bawat miyembro ng kongregasyong Kristiyano!
[Talababa]
^ par. 16 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
Paano Mo Sasagutin?
• Paano sinasanay ng may-gulang na espirituwal na mga pastol ang iba?
• Bakit hindi nagtuturo ang mga pastol salig sa kanilang sariling kaisipan?
• Paano at bakit nagtitiwala ang mga pastol sa uring alipin?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 24, 25]
Sinasanay ng Kristiyanong matatanda ang nakababatang mga lalaki sa kongregasyon
[Mga larawan sa pahina 26]
Naglalaan ang “tapat at maingat na alipin” ng maraming pagsasanay para sa matatanda