Sundan ang Halimbawa ni Jesus at Magmalasakit sa Mahihirap
Sundan ang Halimbawa ni Jesus at Magmalasakit sa Mahihirap
HALOS kasintanda na ng sangkatauhan ang kahirapan at pang-aapi. Bagaman dinisenyo ang Kautusan ng Diyos sa Israel upang ipagsanggalang ang mahihirap at maibsan ang kanilang pagdurusa, malimit na hindi sinusunod ang Kautusang iyon. (Amos 2:6) Tinuligsa ni propeta Ezekiel ang ginagawang pagtrato sa mahihirap. Sinabi niya: “Maging ang bayan ng lupain ay nagsasagawa ng pakanang pandaraya at nang-aagaw upang magnakaw, at ang napipighati at ang dukha ay pinagmamalupitan nila, at ang naninirahang dayuhan ay dinadaya nila nang walang katarungan.”—Ezekiel 22:29.
Ganito rin ang kalagayan noong nasa lupa si Jesus. Ang mga lider ng relihiyon ay walang kamala-malasakit sa mahihirap at nagdarahop. Inilalarawan ang mga lider ng relihiyon bilang “maibigin sa salapi” na “lumalamon ng mga bahay ng mga babaing balo” at mas inuuna pa ang pagsunod sa kanilang mga tradisyon kaysa sa pangangalaga sa matatanda at nagdarahop. (Lucas 16:14; 20:47; Mateo 15:5, 6) Sa talinghaga ni Jesus tungkol sa mabuting Samaritano, kapansin-pansin na nang makita ng saserdote at ng Levita ang sugatang lalaki, dumaan sila sa kabilang tabi sa halip na lapitan at tulungan ito.—Lucas 10:30-37.
Nagmalasakit si Jesus sa Mahihirap
Ipinakikita ng mga ulat sa Ebanghelyo tungkol sa buhay ni Jesus na lubos niyang nauunawaan ang mga dinaranas ng mahihirap at alam na alam niya ang kanilang mga pangangailangan. Bagaman si Jesus ay naninirahan sa langit, hinubad niya ang kaniyang pagiging espiritu, nag-anyong tao, at ‘nagpakadukha alang-alang sa atin.’ (2 Corinto 8:9) Nang makita ni Jesus ang mga tao, “nahabag siya sa kanila, sapagkat sila ay nabalatan at naipagtabuyan kung saan-saan tulad ng mga tupang walang pastol.” (Mateo 9:36) Ipinakikita ng ulat tungkol sa nagdarahop na babaing balo na humanga si Jesus, hindi sa malalaking kaloob ng mayayaman, na nagbigay “mula sa kanilang labis,” kundi sa napakaliit na abuloy ng mahirap na balo. Naantig si Jesus sa kaniyang ginawa sapagkat “mula sa kaniyang kakapusan ay naghulog [siya] ng lahat ng kabuhayang taglay niya.”—Lucas 21:4.
Hindi lamang nahabag si Jesus sa mahihirap kundi interesado rin siyang paglaanan ang kanilang pangangailangan. Siya at ang kaniyang mga apostol ay may pondong pinagkukunan ng ibinibigay nila sa nagdarahop na mga Israelita. (Mateo 26:6-9; Juan 12:5-8; 13:29) Pinasigla ni Jesus ang mga nagnanais na maging mga tagasunod niya na makita ang kanilang pananagutang tumulong sa mga nagdarahop. Sinabi niya sa isang mayamang tagapamahala: “Ipagbili mo ang lahat ng mga bagay na taglay mo at ipamahagi mo sa mga taong dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit; at halika maging tagasunod kita.” Ang pagtanggi ng lalaki na mawala ang kaniyang mga pag-aari ay nagpapakitang mas mahal niya ang kayamanan kaysa sa Diyos at sa kapuwa. Samakatuwid, wala sa kaniya ang mga katangiang kailangan upang maging alagad ni Jesus.—Lucas 18:22, 23.
Nagmamalasakit sa Mahihirap ang mga Tagasunod ni Kristo
Pagkamatay ni Jesus, nagpatuloy pa rin ang mga apostol at iba pang mga tagasunod ni Kristo sa pagmamalasakit sa mahihirap na kasama nila. Noong mga 49 C.E., nakipagpulong si apostol Pablo kina Santiago, Pedro, at Juan at pinag-usapan nila ang tungkol sa atas na tinanggap niya mula sa Panginoong Jesu-Kristo na ipangaral ang mabuting balita. Napagkasunduan nila na dapat pumaroon sina Pablo at Bernabe sa “mga bansa” at pagtuunan ng pansin ang mga Gentil sa kanilang pangangaral. Gayunman, nakiusap kina Pablo at Bernabe si Santiago at ang kaniyang mga kasama na “ingatan sa isipan ang mga dukha.” At iyon naman ang ‘marubdob na pinagsikapang gawin’ ni Pablo.—Galacia 2:7-10.
Sa panahon ng pamamahala ni Emperador Claudio, nagkaroon ng matinding taggutom sa iba’t ibang bahagi ng Imperyo ng Roma. Bilang pagtugon, ang mga Kristiyano sa Antioquia “ay nagpasiya, bawat isa sa kanila ayon sa makakayanan ng sinuman, na magpadala ng tulong bilang paglilingkod sa mga kapatid na nakatira sa Judea; at ginawa nila ito, at ipinadala iyon sa matatandang lalaki sa pamamagitan ng kamay nina Bernabe at Saul.”—Gawa 11:28-30.
Nauunawaan din ng mga tunay na Kristiyano sa ngayon na ang mga tagasunod ni Jesus ay dapat magmalasakit sa mahihirap at nagdarahop, lalo na sa mga kapananampalataya. (Galacia 6:10) Sa gayon, nagpapamalas sila ng tunay na pagkabahala sa materyal na mga pangangailangan ng mga dukha. Halimbawa, noong 1998, dumanas ng matinding tagtuyot ang kalakhang bahagi ng hilagang-silangang Brazil. Dahil sa tagtuyot, nasira ang mga pananim na palay, balatong, at mais, na nagdulot ng malawakang taggutom—ang pinakamatindi sa nakalipas na 15 taon. Sa ilang lugar, kahit tubig na maiinom ay kulang na kulang. Ang mga Saksi ni Jehova sa ibang mga lugar sa bansa ay nag-organisa agad ng mga komite sa pagtulong, at sa maikling panahon ay nakaipon sila ng tone-toneladang pagkain at nabayaran ang gastos sa pagdadala ng mga suplay.
Ang tumulong na mga Saksi ay sumulat: “Tuwang-tuwa kami at nakatulong kami sa aming Santiago 2:15, 16.” Ganito ang sinasabi sa mga talatang iyon ng Bibliya: “Kung ang isang kapatid na lalaki o isang kapatid na babae ay nasa hubad na kalagayan at nagkukulang ng pagkaing sapat para sa araw, gayunman ay sinasabi sa kanila ng isa sa inyo: ‘Yumaon kayong payapa, magpainit kayo at magpakabusog,’ ngunit hindi ninyo sila binibigyan ng mga pangangailangan para sa kanilang katawan, ano nga ang pakinabang dito?”
mga kapatid, sapagkat nakatitiyak kaming napasaya namin ang puso ni Jehova. Hinding-hindi namin malilimutan ang mga salita saSa isa sa mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa lunsod ng São Paulo, isang mapagpakumbaba at masigasig na Saksing kapos sa materyal ang laging nagsusumikap na makaraos sa buhay. Sinabi niya: “Kahit mahirap lamang ako, makabuluhan pa rin ang aking buhay dahil sa mensahe ng Bibliya. Ewan ko kung ano na ang nangyari sa akin kung hindi ako natulungan ng aking kapuwa mga Saksi.” Ang masikap na Kristiyanong babaing ito ay kinailangang magpaopera noon ngunit wala siyang pambayad sa ospital. Sa partikular na pagkakataong ito, ang mga Kristiyanong kapatid sa kongregasyon ay nasa kalagayan upang bayaran ang kaniyang pagpapaopera. Ang pagtulong sa mga kapananampalatayang nagigipit ay ginagawa ng mga tunay na Kristiyano sa buong daigdig.
Kung nabagbag man ang iyong damdamin sa ganitong mga karanasan, maliwanag na hindi pa rin kayang alisin ng ganitong taimtim na mga pagsisikap ang kahirapan. Maging ang mga makapangyarihang pamahalaan at malalaking internasyonal na ahensiya sa pagtulong, bagaman nagtatagumpay rin naman, ay hindi nakapag-alis sa napakalaon nang problema sa kahirapan. Kung gayon, bumabangon ang tanong, Ano ba talaga ang solusyon sa kahirapan at sa iba pang mga problemang sumasalot sa sangkatauhan?
May Permanenteng Tulong ang mga Turo sa Bibliya
Inilalahad ng mga ulat sa Ebanghelyo na si Jesu-Kristo ay palaging gumagawa ng mabuti para sa mahihirap o sa iba pang mga nangangailangan. (Mateo 14:14-21) Subalit anong gawain ang binigyan niya ng priyoridad? Minsan, matapos tulungan ang mga nangangailangan, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Pumunta tayo sa ibang dako, sa kalapit na maliliit na bayan, upang makapangaral din ako roon.” Bakit itinigil muna ni Jesus ang kaniyang ginagawa para sa mga maysakit at nagdarahop upang ituloy ang kaniyang pangangaral? Nagpaliwanag siya sa pagsasabi: “Sa layuning ito [samakatuwid nga, upang mangaral] ako lumabas.” (Marcos 1:38, 39; Lucas 4:43) Bagaman mahalaga kay Jesus ang paggawa ng mabuti sa mga taong nangangailangan, ang pangangaral tungkol sa Kaharian ng Diyos ang kaniyang pangunahing misyon.—Marcos 1:14.
Yamang hinihimok ng Bibliya ang mga Kristiyano na ‘sundan ang mga yapak ni Jesus,’ ang mga Kristiyano sa ngayon ay may malinaw na patnubay pagdating sa pagtatakda ng mga priyoridad sa kanilang pagsisikap na tumulong sa iba. (1 Pedro 2:21) Gaya ni Jesus, tumutulong sila sa mga nangangailangan. Gayunman, gaya rin ni Jesus, ginagawa nilang pangunahin sa kanilang buhay ang pagtuturo ng mensahe ng Bibliya tungkol sa mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. (Mateo 5:14-16; 24:14; 28:19, 20) Bakit naman kaya dapat na unahin muna ang pangangaral ng mensaheng nasa Salita ng Diyos kaysa sa ibang anyo ng pagtulong sa iba?
Ipinakikita ng totoong-buhay na mga karanasan sa buong daigdig na kapag naunawaan at sinunod 1 Timoteo 4:8) Anong pag-asa iyon?
ng mga tao ang praktikal na mga payo sa Bibliya, mas nahaharap nila ang pang-araw-araw na mga problema sa buhay, pati na ang kahirapan. Bukod diyan, ang mensahe ng Bibliya tungkol sa Kaharian ng Diyos na ipinangangaral ng mga Saksi ni Jehova sa ngayon ay nagbibigay sa mga tao ng pag-asa sa hinaharap—isang pag-asang nagiging dahilan upang maging makabuluhan ang buhay, kahit sa pinakamahirap na kalagayan. (Tinitiyak sa atin ng Salita ng Diyos ang ating kinabukasan: “May mga bagong langit at isang bagong lupa na ating hinihintay ayon sa . . . pangako [ng Diyos], at sa mga ito ay tatahan ang katuwiran.” (2 Pedro 3:13) Kapag binabanggit ng Bibliya ang “lupa,” tinutukoy nito kung minsan ang mga taong naninirahan sa lupa. (Genesis 11:1) Kaya ang “bagong lupa” na ipinangakong darating ay tumutukoy sa isang lipunan ng mga taong sinasang-ayunan ng Diyos. Ipinangako rin ng Salita ng Diyos na sa ilalim ng pamamahala ni Kristo, ang mga sinasang-ayunan ng Diyos ay tatanggap ng kaloob na buhay na walang hanggan at mamumuhay sa isang napakagandang kalagayan sa paraisong lupa. (Marcos 10:30) Ang kahanga-hangang kinabukasang iyan ay bukás para sa lahat, pati na sa mahihirap. Sa “bagong lupa” na iyon, malulutas na ang kahirapan magpakailanman.
[Kahon/Larawan sa pahina 7]
PAANO ‘ILILIGTAS NI JESUS ANG DUKHA’?—Awit 72:12
KATARUNGAN: “Hatulan niya nawa ang mga napipighati sa bayan, iligtas niya nawa ang mga anak ng dukha, at durugin niya nawa ang mandaraya.” (Awit 72:4) Ang lahat ay mabibigyan ng katarungan sa paghahari ni Kristo sa buong lupa. Wala nang katiwalian, ang salot na nagdudulot ng kahirapan sa maraming bansa na dapat sana’y mayayaman na.
KAPAYAPAAN: “Sa kaniyang mga araw ay sisibol ang matuwid, at ang kasaganaan ng kapayapaan hanggang sa mawala na ang buwan.” (Awit 72:7) Ang kahirapan ay karaniwan nang dahil sa hidwaan at digmaan ng mga tao. Paiiralin ni Kristo ang sakdal na kapayapaan sa lupa, anupat aalisin ang isa sa pangunahing dahilan ng kahirapan.
HABAG: “Maaawa siya sa maralita at sa dukha, at ang mga kaluluwa ng mga dukha ay ililigtas niya. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa mula sa paniniil at mula sa karahasan, at ang kanilang dugo ay magiging mahalaga sa kaniyang paningin.” (Awit 72:12-14) Ang mga maralita, dukha, at naaapi ay magiging bahagi ng isang maligayang pamilya ng tao, na nagkakaisa sa ilalim ng pamumuno ng haring si Jesu-Kristo.
KASAGANAAN: “Magkakaroon ng saganang butil sa lupa.” (Awit 72:16) Sa paghahari ni Kristo, magkakaroon ng kasaganaan sa materyal. Ang mga tao ay hindi na daranas ng kakapusan sa pagkain at taggutom na madalas na nagiging dahilan ng karalitaan sa ngayon.
[Larawan sa pahina 4, 5]
Interesado si Jesus na paglaanan ang pangangailangan ng mahihirap
[Larawan sa pahina 6]
Nagdudulot ng tunay na pag-asa ang mensahe ng Bibliya