Tagumpay sa Paggawa ng Bibliya sa mga Wika ng Aprika
Tagumpay sa Paggawa ng Bibliya sa mga Wika ng Aprika
MATAGAL nang nababatid ng taimtim na mga mambabasa ng Bibliya sa Europa at Hilagang Amerika ang pangangailangan ng mga Aprikano na mabasa ang Salita ng Diyos sa kanilang sariling wika. Upang maabot ang marangal na tunguhing ito, marami ang nagtungo sa Aprika upang matutuhan ang mga wikang ginagamit doon. Isinulat ng ilan ang mga salita ng mga wikang ito at gumawa ng mga diksyunaryo. Pagkatapos niyan, sinimulan nilang isalin ang Bibliya sa maraming iba’t ibang wika ng Aprika. Hindi ito madali. “Maaaring mangailangan ng maraming taon bago masumpungan ng isa ang tamang termino maging sa pinakasimple at pinakapangunahing mga Kristiyanong konsepto,” ang paliwanag ng The Cambridge History of the Bible.
Noong 1857, ang mga Tswana ang unang nagkaroon ng kumpletong salin ng Bibliya sa isa sa mga wika ng Aprika na dati’y hindi nakasulat. * Subalit hindi pa ito inilimbag bilang isang buong aklat kundi bilang mga seksiyon lamang. Nang maglaon, isinalin ang Bibliya sa iba pang mga wika ng Aprika. Marami sa mga unang saling ito ay nagtataglay ng pangalan ng Diyos, Jehova, kapuwa sa Hebreong Kasulatan, o “Lumang Tipan,” at sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, o “Bagong Tipan.” Subalit ang mga rebisyon at mga bagong salin ay ginawa ng mga indibiduwal na walang paggalang sa banal na pangalan ng Awtor ng Bibliya, si Jehova. Sinunod nila ang mapamahiing tradisyon ng mga Judio na palitan ang pangalan ng Diyos ng mga titulong gaya ng Diyos o Panginoon. Kaya kinailangan ng mga umiibig sa Diyos sa Aprika na magkaroon ng salin ng Bibliya na nagsasauli sa banal na pangalan.
Mula noong dekada ng 1980, nagsikap nang husto ang Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova upang maisalin ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan sa ilang pangunahing wika ng Aprika. Bilang resulta, daan-daang libong umiibig sa Bibliya sa Aprika ang nakababasa na ng Bagong Sanlibutang Salin sa kanilang katutubong wika. Hanggang sa kasalukuyan, ang Bagong Sanlibutang Salin, sa kabuuan o bahagi nito, ay makukuha na sa 17 katutubong wika ng Aprika.
Ang mga mambabasa ng mga Bibliyang ito sa mga wika ng Aprika ay nalulugod na magkaroon ng isang salin na nagtatampok sa maluwalhating pangalan ng Diyos, Jehova. Halimbawa, nang tumayo Isaias 61:1, 2) Ayon sa Ebanghelyo ni Lucas, gaya ng pagkasalin sa Bagong Sanlibutang Salin, ganito ang pagbasa ni Jesus: “Ang espiritu ni Jehova ay sumasaakin, sapagkat pinahiran niya ako upang magpahayag ng mabuting balita sa mga dukha, isinugo niya ako upang mangaral ng pagpapalaya sa mga bihag at ng pagpapanumbalik ng paningin sa mga bulag, upang payaunin ang mga nasisiil nang may paglaya, upang ipangaral ang kaayaayang taon ni Jehova.”—Lucas 4:18, 19.
si Jesus sa sinagoga sa Nazaret, ipinahayag niya ang kaniyang atas sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang bahagi ng balumbon ni Isaias, kung saan lumilitaw ang pangalan ng kaniyang Ama. (Isa pang tagumpay sa paggawa ng Bibliya sa mga wika ng Aprika ang natamo noong Agosto 2005. Nang buwang iyon, sa sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Timog Aprika, mahigit 76,000 kopya ng Bagong Sanlibutang Salin ang inilimbag bilang aklat sa mga wikang ginagamit sa Aprika. Kasama sa bilang na iyan ang 30,000 Bibliya sa wikang Shona. Ang edisyong ito ay inilabas sa “Makadiyos na Pagkamasunurin” na mga Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa Zimbabwe.
Sa di-malilimutang buwang iyon, nanabik ang mga dumalaw sa sangay sa Timog Aprika na makita ang ginagawang paglilimbag sa bagong mga Bibliya sa mga wika ng Aprika. “Tuwang-tuwa ako at sabik na sabik na magkaroon ng pribilehiyo na tumulong sa paglilimbag ng Bagong Sanlibutang Salin sa wikang Shona at sa iba pang mga wika ng Aprika,” ang sabi ni Nhlanhla, miyembro ng pamilyang Bethel na nagtatrabaho sa bindery line. Tunay nga, ipinahahayag niya ang damdamin ng buong pamilyang Bethel sa Timog Aprika.
Ngayon, mas matipid at mas mabilis na ring makararating ang mga bagong Bibliya sa mga tao sa Aprika kaysa noong sa ibang bansa pa ito inililimbag. Higit na mahalaga, madali na ngayon para sa mga Aprikano na makakuha ng isang tumpak na salin na gumagamit ng banal na pangalan ng dakilang Awtor ng Bibliya, ang Diyos na Jehova.
[Talababa]
^ par. 3 Pagsapit ng 1835, ang Bibliya ay naisalin na sa wikang Malagasy ng Madagascar, at pagsapit ng 1840, sa wikang Amharic ng Etiopia. Matagal nang naisusulat ang mga wikang ito bago pa maisalin ang Bibliya sa mga wikang ito.
[Larawan sa pahina 12]
Ang pangalan ng Diyos sa Bibliyang inilathala noong 1840 sa wika ng mga Tswana
[Credit Line]
Harold Strange Library of African Studies
[Larawan sa pahina 13]
Pinanonood ng mga panauhin mula sa Swaziland ang paggawa ng mga bagong Bibliya sa tanggapan sa Timog Aprika