Ang Pagdating ni Kristo—Dapat ba Tayong Matakot Dito?
Ang Pagdating ni Kristo—Dapat ba Tayong Matakot Dito?
ANO ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang tungkol sa pagdating ni Jesu-Kristo? Sa palagay mo, ito ba’y nangangahulugan ng kapahamakan, paglipol, at pagpaparusa sa sangkatauhan? O ito ang sagot sa lahat ng problema natin? Dapat ba tayong matakot dito? O sa halip ay dapat nating panabikan ito?
Tungkol sa pagdating ni Kristo, ganito ang sabi ng Bibliya: “Narito! Dumarating siya na nasa mga ulap, at makikita siya ng bawat mata, . . . at dadagukan ng lahat ng mga tribo sa lupa ang kanilang sarili sa pamimighati dahil sa kaniya.” (Apocalipsis 1:7) Ang pagdating na ito ay tumutukoy sa panahon kung kailan gagantimpalaan ni Jesus ang matuwid at parurusahan naman ang masama.
Sa halip na matakot dito, nanabik si apostol Juan sa pagdating ni Kristo. Matapos tanggapin ang pangitain tungkol sa pagdating na ito at kung ano ang magiging kahulugan nito para sa lupa, taimtim na nanalangin si Juan: “Pumarito ka, Panginoong Jesus.” (Apocalipsis 22:20) Pero bakit “dadagukan ng lahat ng mga tribo sa lupa ang kanilang sarili sa pamimighati dahil sa kaniya”? Paano siya makikita ng “bawat mata”? Ano ang magiging epekto ng pagdating ni Kristo? Paano tayo makikinabang ngayon kung mananalig tayo dito? Sasagutin sa susunod na artikulo ang mga tanong na ito.