Kung Ano ang Magiging Epekto ng Pagdating ni Kristo
Kung Ano ang Magiging Epekto ng Pagdating ni Kristo
“TERORISMO SA SÃO PAULO.” Iyan ang paglalarawan ng magasing Veja sa apat na araw noong Mayo 2006 nang “paluhurin” ng organisadong krimen ang pinakamalaki at pinakamayamang lunsod sa Brazil. Mga 150 pulis, kriminal, at ordinaryong mamamayan ang napatay sa loob ng “mahigit sa 100 oras ng terorismo.”
Karahasan ang laging ulo ng mga balita sa halos lahat ng lugar sa lupa. Tila walang magawa ang mga pamahalaan tungkol dito. Nagiging lalong mapanganib na tirahan ang daigdig. Marahil ay nasisiraan ka ng loob dahil kahit saan ka bumaling, napakaraming masasamang balita. Pero malapit na ang pagbabago.
Tinuruan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na ipanalangin ang pagdating ng Kaharian ng Diyos at ang katuparan ng kalooban ng Diyos, “kung paano sa langit, gayundin sa lupa.” (Mateo 6:9, 10) Ang Kahariang ito ay isang pamahalaan na si Kristo Jesus ang Haring inatasan ng Diyos. Lulutasin nito ang lahat ng problema ng sangkatauhan. Pero upang mabago ng Kaharian ng Diyos ang mga kalagayan sa lupa, kailangang palitan ng pamamahala ni Kristo ang pamamahala ng mga tao. Iyan mismo ang magiging epekto ng pagdating ni Kristo.
Mapayapang Pagbabago?
Mapayapa bang magpapasakop ang mga bansa sa pamamahala ni Kristo? Nakakita si apostol Juan ng pangitain na sumasagot sa tanong na ito. Ganito ang inilahad ni Juan: “Nakita ko ang mabangis na hayop [ang pulitikal na sistema sa daigdig] at ang mga hari sa lupa at ang kanilang mga hukbo na nagtipun-tipon upang makipagdigma sa isa [kay Jesus] na nakaupo sa kabayo at sa kaniyang hukbo.” (Apocalipsis 19:19) Ano ang mangyayari sa mga hari sa lupa sa digmaang ito? “Babaliin . . . sila [ng Haring inatasan ni Jehova] sa pamamagitan ng isang setrong bakal, dudurugin [niya] silang gaya ng sisidlan ng magpapalayok,” ang sabi ng Bibliya. (Awit 2:9) Lubusang wawasakin ang pulitikal na sistema. “Dudurugin . . . at wawakasan [ng Kaharian ng Diyos] ang lahat ng mga kahariang ito [ng tao], at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.”—Daniel 2:44.
Ano naman ang mangyayari sa mga taong lumalaban sa Kaharian ng Diyos? “Sa pagkakasiwalat sa Panginoong Jesus mula sa langit kasama ang kaniyang makapangyarihang mga anghel sa isang nagliliyab na apoy,” si Jesus ay inilalarawan na ‘nagpapasapit ng paghihiganti doon sa mga hindi nakakakilala sa Diyos at doon sa mga hindi 2 Tesalonica 1:7, 8) Sinasabi ng Kawikaan 2:22 na “kung tungkol sa mga balakyot, lilipulin sila mula sa mismong lupa; at kung tungkol sa mga mapandaya, bubunutin sila mula rito.”
sumusunod sa mabuting balita.’ (Tungkol sa pagdating ni Kristo, sinasabi ng Bibliya: “Narito! Dumarating siya na nasa mga ulap, at makikita siya ng bawat mata.” (Apocalipsis 1:7) Hindi siya literal na makikita ng mga tao. Mula nang umakyat si Jesus sa langit, siya ay isang espiritung persona “na tumatahan sa di-malapitang liwanag, na walang isa man sa mga tao ang nakakita o makakakita.”—1 Timoteo 6:16.
Hindi kailangang magkatawang-tao si Jesus para ‘makita’ ng lahat ng naninirahan sa lupa gaya ni Jehova na hindi rin literal na nagpakita sa mga tao nang pasapitin niya ang Sampung Salot sa mga Ehipsiyo noong panahon ni Moises. Alam ng mga tao noong panahong iyon na si Jehova ang nagpapasapit ng mga salot, at napilitan silang kilalanin ang kaniyang kapangyarihan. (Exodo 12:31) Sa katulad na paraan, kapag kumilos na si Kristo bilang Tagapuksang inatasan ng Diyos, mapipilitan ang masasama na ‘makita,’ o maunawaan, na si Jesus ang ginagamit ng Diyos upang hatulan sila. Malalaman nila ito dahil patiuna nang nabigyan ng babala ang mga tao. Oo, “makikita [si Jesus] ng bawat mata, . . . at dadagukan ng lahat ng mga tribo sa lupa ang kanilang sarili sa pamimighati dahil sa kaniya.”—Apocalipsis 1:7.
Upang maibalik sa lupa ang tunay na kapayapaan at kasaganaan, kailangan munang puksain ang masasama at alisin ang tiwaling pamamahala. Si Kristo ang gagawa nito. Pagkatapos, kapag siya na ang namamahala sa lupa, susunod na ang malalaking pagbabago.
Pagsasauli na Magdudulot ng mga Pagpapala
Binanggit ni apostol Pedro ang tungkol sa “pagsasauli ng lahat ng mga bagay na sinalita ng Diyos sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta noong sinaunang panahon.” (Gawa 3:21) Kasali sa pagsasauling ito ang pagbabagong magaganap sa lupa sa panahon ng pamamahala ni Kristo. Si propeta Isaias noong ikawalong siglo B.C.E. ay isa sa mga kinasihan ng Diyos na humula tungkol sa “pagsasauli ng lahat ng mga bagay” sa lupa. Inihula niya na ang kapayapaan sa lupa ay ibabalik ni Jesu-Kristo, ang “Prinsipe ng Kapayapaan.” Tungkol sa pamamahala ni Kristo, ganito ang inihula ni Isaias: “Ang kasaganaan ng pamamahala bilang prinsipe at ang kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas.” (Isaias 9:6, 7) Tuturuan ni Jesus ang mga tao sa lupa kung paano mamumuhay nang payapa. “Makasusumpong nga . . . ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan” ang mga naninirahan sa lupa.—Awit 37:11.
Mayroon pa bang magugutom at maghihirap sa ilalim ng pamamahala ni Kristo? Sinabi ni Isaias: “Si Jehova ng mga hukbo ay tiyak na gagawa para sa lahat ng mga bayan, sa bundok na ito, ng isang piging ng mga putaheng malangis, isang piging ng alak na pinanatili sa latak, ng mga putaheng malangis na punô ng utak sa buto, ng alak na pinanatili sa latak, sinala.” (Isaias 25:6) Umawit ang salmista: “Magkakaroon ng saganang butil sa lupa; sa taluktok ng mga bundok ay mag-uumapaw.” (Awit 72:16) Bukod diyan, ganito ang mababasa natin tungkol sa mga naninirahan sa lupa: “Tiyak na magtatayo sila ng mga bahay at maninirahan sa mga iyon; at tiyak na magtatanim sila ng mga ubasan at kakainin ang bunga ng mga iyon. Hindi sila magtatayo at iba ang maninirahan; hindi sila magtatanim at iba ang kakain. Sapagkat magiging gaya ng mga araw ng punungkahoy ang mga araw ng aking bayan; at ang gawa ng kanilang sariling mga kamay ay lubusang tatamasahin ng aking mga pinili.”—Isaias 65:21, 22.
Inihula rin ni Isaias na mawawala ang sakit at kamatayan. Ganito ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Isaias: “Sa panahong iyon ay madidilat ang mga mata ng mga bulag, at ang mga tainga ng mga bingi ay mabubuksan. Sa panahong iyon ay aakyat ang pilay na gaya ng lalaking usa, at ang dila ng pipi ay hihiyaw sa katuwaan.” (Isaias 35:5, 6) Kung magkagayon, “walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’” (Isaias 33:24) “Lalamunin [ng Diyos] ang kamatayan magpakailanman, at tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha mula sa lahat ng mukha.”—Isaias 25:8.
Juan 5:28, 29) Humula si Isaias: “Ang iyong mga patay ay mabubuhay. . . . Sila ay babangon.” (Isaias 26:19) Oo, bubuhaying muli ang mga natutulog sa kamatayan!
Ano naman ang mangyayari sa mga patay na “nasa mga alaalang libingan”? (‘Ang Diyos ang Iyong Trono Magpakailanman’
Magkakaroon ng lubusang pagbabago sa lupa sa pagdating ni Kristo. Magiging isang napakagandang paraiso ang lupa, at magkakaisa ang mga tao sa pagsamba sa tunay na Diyos. Makatitiyak ba tayo na matagumpay na aalisin ni Jesu-Kristo ang kasamaan sa lupa at paiiralin ang matuwid na mga kalagayan?
Isaalang-alang ang pinagmulan ng kapangyarihan at awtoridad ni Jesus. May kinalaman sa Anak, ganito ang sabi ng Bibliya: “Ang Diyos ang iyong trono magpakailan-kailanman, at ang setro ng iyong kaharian ay ang setro ng katuwiran. Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang katampalasanan.” (Hebreo 1:8, 9) Si Jehova ang pinagmulan ng trono, samakatuwid nga, ng awtoridad ni Jesus. Ang Diyos ang Pinagmulan at Tagapagbigay ng tronong ito. Kayang lutasin ni Jesus ang anumang problema.
Matapos na siya’y buhaying muli, ganito ang sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Ang lahat ng awtoridad ay ibinigay na sa akin sa langit at sa lupa.” (Mateo 28:18) “Ang mga anghel at ang mga awtoridad at ang mga kapangyarihan ay ipinasakop sa kaniya,” ang sabi sa 1 Pedro 3:22. Walang kapangyarihan o awtoridad laban kay Jesus ang magtatagumpay. Walang makapipigil sa kaniya sa pagdadala ng namamalaging pagpapala sa sangkatauhan.
Kung Ano ang Epekto sa mga Tao ng Pagdating ni Kristo
Sa kaniyang liham sa mga taga-Tesalonica, ganito ang isinulat ni apostol Pablo: “Walang-lubay naming isinasaisip ang inyong tapat na gawa at ang inyong maibiging pagpapagal at ang inyong pagbabata dahil sa inyong pag-asa sa ating Panginoong Jesu-Kristo sa harap ng ating Diyos at Ama.” (1 Tesalonica 1:3) Binanggit ni Pablo na kailangan tayong umasa kay Jesu-Kristo nang talakayin niya ang tungkol sa mabungang paggawa at pagbabata. Kasali sa pag-asang iyan ang pananalig sa pagdating ni Kristo at sa pagsasauling bibigyang-daan nito. Maaaring mapalakas ng pag-asang iyan ang mga tunay na Kristiyano, o matulungan silang makapagtiis, sa kabila ng napakahirap na mga kalagayan.
Isaalang-alang ang halimbawa ni Carlos, na nakatira sa São Paulo, Brazil. Noong Agosto 2003, nalaman ni Carlos na may kanser siya. Mula noon, sumailalim siya sa walong operasyon na nagbunga ng makirot at nakapanghihinang epekto sa kaniyang katawan. Pero patuloy niyang pinatitibay-loob ang iba. Halimbawa, habang nangangaral sa kalye sa harap ng isang malaking ospital, nakilala niya ang isa pang Saksi ni Jehova, na ang asawa ay sumasailalim sa chemotherapy. Dahil naranasan mismo ni Carlos ang nakapanlulumong mga epekto ng kanser, napatibay at naaliw niya ang mag-asawa. Pagkaraan, nasabi nila na ang pag-uusap ay naging pampatibay-loob sa kanila. Kaya naranasan ni Carlos ang katuparan ng mga salitang ito ni Pablo: “Inaaliw . . . tayo [ng Diyos] sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang ito na tinanggap natin sa kanya ay maaliw natin ang mga taong binabagabag ng anumang problema.”—2 Corinto 1:4, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino.
Bakit may lakas si Carlos na patuloy na patibayin ang iba sa kabila ng kaniyang karamdaman? Dahil umaasa siya sa pagdating ni Kristo at sa lahat ng magiging epekto nito. Ito ang gumaganyak kay Carlos na magpatuloy sa “paggawa ng kung ano ang mainam.”—Galacia 6:9.
Tingnan din ang naging karanasan ni Samuel. Ang nakababata niyang kapatid ay pinatay 50 metro lamang ang layo mula sa bahay ng kanilang ama. Sampung bala ang tumama sa katawan ng kapatid niya. Walong oras na nakahandusay sa bangketa ang bangkay nito habang iniimbestigahan ng mga pulis ang krimen. Hindi makalimutan ni Samuel ang nangyari nang araw na iyon. Gayunman, siya ay pinalakas ng pag-asa na aalisin ni Kristo ang lahat ng kasamaan sa lupa at na ang kasunod nitong matuwid na pamamahala ay magdudulot ng mga pagpapala sa sangkatauhan. Madalas na nakikini-kinita ni Samuel ang kaniyang Gawa 24:15.
sarili sa Paraiso na niyayakap ang kaniyang kapatid na binuhay-muli.—Ano ang Dapat Mong Gawin?
Labis kang maaaliw sa pag-asang darating si Kristo at sa magiging epekto ng pagdating niyang ito. Tiyak na aalisin ni Jesu-Kristo ang lahat ng sanhi ng mga problema ng tao at ng kasamaang nagpapahirap sa atin.
Ano ang dapat mong gawin upang mapabilang sa mga taong tatanggap ng pagpapala sa ilalim ng pamamahala ni Kristo? Maingat mong pag-aralan ang Salita ng Diyos, ang Bibliya. Sa panalangin sa kaniyang Ama, sinabi ni Jesus: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Suriin mo kung ano ang itinuturo ng Bibliya. Masisiyahan ang mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar na tulungan ka sa bagay na ito. Malugod ka naming inaanyayahan na makipag-ugnayan sa kanila o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito.
[Mga larawan sa pahina 7]
Magkakaroon ng lubusang pagbabago sa lupa sa pagdating ni Kristo
[Credit Line]
Nakasingit na larawan, likuran lamang: Rhino and Lion Park, Gauteng, South Africa