Magwawakas Pa Kaya ang Kalupitan?
Magwawakas Pa Kaya ang Kalupitan?
MARAMI ang agad sasang-ayon na ang isang pangunahing dahilan ng kalupitan sa daigdig sa ngayon ay ang kasakiman. Dahil sa impluwensiya ng henerasyong makaako sa loob ng maraming taon, nagkaroon ng isang lipunan na ang karamihan ay wala nang iniisip kundi ang kanilang sarili. Marami ang gagawa ng anuman makuha lamang ang gusto nila, na kadalasan nang nagbubunga ng kalupitan. Totoo ito hindi lamang sa mga indibiduwal kundi sa lahat ng bansa.
Waring hindi na mahalaga ang buhay ng kanilang kapuwa. Kinawiwilihan pa nga ng ilan ang kanilang pagiging malupit. Ginagawa nila itong libangan, na gaya ng mga kriminal na umaming nananakit sila bilang katuwaan lamang. At kumusta naman ang milyun-milyong mahilig manood ng karahasan at kalupitan, na nagpapasigla sa industriya ng pelikula upang gumawa ng ganitong mga pelikula para kumita? Nagiging manhid ang marami dahil sa palagi silang nakahantad sa kalupitang napapanood sa paglilibang at napapakinggan sa mga balita.
Ang mga dumanas ng kalupitan ay kadalasan nang nagkakaproblema sa isip at emosyon at maaaring magkaroon ng tendensiyang maging malupit din. Sa pagtukoy sa karahasang dulot ng kalupitan, ganito ang sabi ni Noemí Díaz Marroquín, nagtuturo sa National Autonomous University sa Mexico: “Ang karahasan ay natututuhan at nagiging bahagi na ng kultura . . . Natututo tayong gumawa ng karahasan kapag ipinahihintulot at iniuudyok ng ating kapaligiran.” Kaya naman, ang mga biktima ng pang-aabuso ay malamang na mang-abuso rin kung paanong inabuso sila ng iba.
Sa ibang kaso naman, kapag ang isa ay umabuso sa alak at droga, malamang na maging malupit siya. Hindi rin dapat kaligtaan ang mga indibiduwal na hindi kontento sa kanilang gobyerno dahil hindi nito nasasapatan ang pangangailangan ng mga tao. Ang ilan sa kanila, palibhasa’y desididong ipaalam ang kanilang pananaw, ay gumagawa ng kalupitan at nag-uudyok ng terorismo, na kadalasa’y mga inosente ang nagiging biktima.
Itatanong mo marahil: ‘Kusa bang naging malupit ang mga tao? Ano ang nasa likod ng kasalukuyang situwasyon?’
Sino ba Talaga ang Nasa Likod ng Kalupitan?
Sinasabi sa atin ng Bibliya na napakalakas ng impluwensiya ni Satanas na Diyablo sa daigdig na ito, kung kaya tinawag siyang “diyos ng sistemang ito ng mga bagay.” (2 Corinto 4:4) Siya ang pinakasakim at pinakamalupit na persona sa uniberso. Angkop lamang ang pagkakalarawan ni Jesus sa kaniya bilang “mamamatay-tao” at “ama ng kasinungalingan.”—Juan 8:44.
Genesis 3:1-7, 16-19) Mga 15 siglo matapos talikuran ng unang mag-asawa si Jehova, nagkatawang-tao ang rebelyosong mga anghel, nakipagtalik sa mga babae, at nagkaanak ng kakaibang lahing tinatawag na Nefilim. Bakit sila kakaiba? Ang sagot ay makukuha sa kanilang pangalan. Nangangahulugan itong mga “Tagapagbuwal,” o “yaong mga nagpapabagsak sa iba.” Maliwanag na mararahas ang mga ito na nagdulot ng kalupitan at imoralidad na tanging isang baha lamang mula sa Diyos ang makapagwawakas. (Genesis 6:4, 5, 17) Bagaman nalipol sa Baha ang mga Nefilim, ang kanilang mga ama ay nakabalik sa daigdig ng mga espiritu bilang di-nakikitang mga demonyo.—1 Pedro 3:19, 20.
Mula nang sumuway sina Adan at Eva, napasailalim na ang sangkatauhan sa makapangyarihang impluwensiya ni Satanas. (Kitang-kita ang kalupitan ng rebelyosong mga anghel na ito sa nangyari sa isang batang lalaking inaalihan ng demonyo noong panahon ni Jesus. Ang bata ay paulit-ulit na pinangisay, inihagis sa apoy at sa tubig upang puksain siya. (Marcos 9:17-22) Maliwanag na nakita sa “balakyot na mga puwersang espiritu” na ito ang walang-habag na personalidad ng kanilang malupit na pinuno, si Satanas na Diyablo.—Efeso 6:12.
Sa ngayon, patuloy pa ring pinalalaganap ng impluwensiya ng demonyo ang kalupitan ng mga tao, gaya ng inihula sa Bibliya: “Sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan. Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, . . . mga mapagmapuri sa sarili, mga palalo, . . . mga walang utang-na-loob, mga di-matapat, mga walang likas na pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga maninirang-puri, mga walang pagpipigil sa sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan, mga mapagkanulo, mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki, mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos, na may anyo ng makadiyos na debosyon ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito.”—2 Timoteo 3:1-5.
Ipinakikita ng mga hula sa Bibliya na talagang mapanganib ang ating panahon dahil nang itatag ni Kristo Jesus ang Kaharian ng Diyos noong 1914, pinalayas sa langit si Satanas at ang kaniyang mga demonyo. Ganito ang sabi ng Bibliya: “Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagkat ang Diyablo ay bumaba na sa inyo, na may malaking galit, sa pagkaalam na mayroon na lamang siyang maikling yugto ng panahon.”—Apocalipsis 12:5-9, 12.
Nangangahulugan ba ito na hindi na bubuti ang kalagayan? Sinabi ni Díaz Marroquín, binanggit kanina, na “kayang baguhin ng mga tao” ang masamang paggawi. Gayunman, dahil nangingibabaw sa daigdig sa ngayon ang impluwensiya ni Satanas, mahihirapang magbago ang isang tao kung hindi niya hahayaang maimpluwensiyahan ng iba at mas nakahihigit na puwersa ang kaniyang pag-iisip at paggawi. Ano ang puwersang ito?
Posibleng Magbago—Paano?
Mabuti na lamang, ang pinakamakapangyarihang puwersang umiiral ay ang banal na espiritu ng Diyos, at nadaraig nito ang anumang impluwensiya ng demonyo. Itinataguyod nito ang pag-ibig at kaligayahan ng mga tao. Upang mapuspos ng espiritu ng Diyos, dapat umiwas sa anumang paggawing may bahid ng kalupitan ang sinumang naghahangad na paluguran si Jehova. Nangangahulugan ito ng pagbabago ng personalidad upang makasuwato ito ng kalooban ng Diyos. At ano ang kaloobang iyon? Ang pagtulad natin sa paraan ng Diyos hangga’t maaari. Nangangahulugan ito na ituturing natin ang iba ayon sa pangmalas ng Diyos.—Efeso 5:1, 2; Colosas 3:7-10.
Kung pag-aaralan mo ang paraan ng Diyos sa pangangasiwa sa mga bagay-bagay, makukumbinsi kang hindi kailanman nawalan ng interes si Jehova sa iba. Hindi niya kailanman pinagmalupitan ang sinumang tao o mga hayop man. * (Deuteronomio 22:10; Awit 36:7; Kawikaan 12:10) Kinamumuhian niya ang kalupitan at ang lahat ng gumagawa nito. (Kawikaan 3:31, 32) Ang bagong personalidad na ipinalilinang ni Jehova sa mga Kristiyano ay tutulong sa kanila upang ituring ang iba na mas nakahihigit sa kanila at igalang ang mga ito. (Filipos 2:2-4) Kabilang sa bagong Kristiyanong personalidad na iyan “ang magiliw na pagmamahal na may habag, kabaitan, kababaan ng pag-iisip, kahinahunan, at mahabang pagtitiis.” At huwag kalilimutan ang pag-ibig, “sapagkat ito ay isang sakdal na bigkis ng pagkakaisa.” (Colosas 3:12-14) Hindi ba’t sasang-ayon kang mababago nga ang daigdig kapag namayani ang gayong mga katangian?
Gayunman, iniisip mo marahil kung talagang posibleng lubusang mabago ang personalidad. Tingnan natin ang isang tunay na pangyayari. Palaging sinisigawan at binubugbog ni Martín * ang kaniyang asawa sa harap mismo ng kanilang mga anak. Minsan, talagang naging napakapanganib na ng situwasyon kung kaya humingi na ng tulong ang mga bata sa kanilang mga kapitbahay. Lumipas ang mga taon at nagsimulang mag-aral ng Bibliya ang pamilya sa tulong ng mga Saksi ni Jehova. Natutuhan ni Martín kung anong personalidad ang dapat niyang taglayin at kung paano niya dapat pakitunguhan ang iba. Nagbago ba siya? Sumagot ang kaniyang asawa: “Noon, parang ibang tao siya kapag nagagalit. Dahil dito, napakagulo na ng aming buhay sa loob ng mahabang panahon. Kulang ang mga salita para mapasalamatan ko si Jehova sa pagtulong niya kay Martín na magbago. Isa na siyang mabuting ama ngayon at napakahusay na asawa.”
Isa lamang siya sa milyun-milyong nakipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig na nagbago mula sa pagiging malupit. Oo, posible pa ang pagbabago.
Malapit Nang Magwakas ang Lahat ng Kalupitan
Sa malapit na hinaharap, ang Kaharian ng Diyos—isang gobyernong naitatag na sa langit sa ilalim ng mahabaging Tagapamahala, si Kristo Jesus—ay magkakaroon ng ganap na awtoridad sa lupa. Nilinis na nito ang langit nang palayasin si Satanas, ang pasimuno ng lahat ng kalupitan, at ang kaniyang mga demonyo. Di-magtatagal, sasapatan na ng Kaharian ng Diyos ang pangangailangan ng mapayapang sakop nito sa lupa. (Awit 37:10, 11; Isaias 11:2-5) Iyan lamang ang tanging solusyon sa mga problema ng daigdig. Pero paano kung maging biktima ka ng kalupitan habang naghihintay sa Kahariang ito?
Hindi makabubuti kung gagantihan mo ng kalupitan ang kalupitan. Lalo lamang lulubha ang Jeremias 17:10) (Tingnan ang kalakip na kahon, “Kung Paano Haharapin ang Kalupitan.”) Totoo, maaari kang magdusa dahil naging biktima ka ng isang malupit na krimen. (Eclesiastes 9:11) Subalit, kayang baligtarin ng Diyos ang mga resulta ng anumang kalupitan, maging ang kamatayan. Gaya ng ipinangako niya, lahat ng nasa alaala niya na namatay dahil sa kalupitan ay bubuhaying muli.—Juan 5:28, 29.
situwasyon. Inaanyayahan tayo ng Bibliya na magtiwala kay Jehova, na sa kaniyang takdang panahon ay ‘magbibigay sa bawat isa ng ayon sa kaniyang mga lakad, ayon sa bunga ng kaniyang mga pakikitungo.’ (Bagaman naririyan pa rin ang posibilidad na maging biktima ng kalupitan, makasusumpong tayo ng kaaliwan sa pagkakaroon ng malapít na kaugnayan sa Diyos at matibay na pananalig sa kaniyang mga pangako. Tingnan natin si Sara na nag-iisang nagpalaki at nagpaaral sa kaniyang dalawang anak na lalaki. Nang matanda na siya, lubusan na siyang pinabayaan ng kaniyang mga anak. Gayunman, ganito ang sabi ni Sara na isa nang Kristiyano: “Bagaman nalulungkot pa rin ako, hindi naman ako pinabayaan ni Jehova. Nadarama ko ang kaniyang pag-alalay sa pamamagitan ng aking mga kapatid sa pananampalataya, na palaging nangangalaga sa akin. Matibay ang aking paniniwalang malapit na niyang lutasin hindi lamang ang aking mga problema kundi pati na rin ang mga problema ng lahat ng nagtitiwala sa kaniyang kapangyarihan at sumusunod sa kaniyang mga utos.”
Sinong mga kapatid sa pananampalataya ang tinutukoy ni Sara? Sila ang mga kasamahan niyang Kristiyanong mga Saksi ni Jehova. Sila ang bumubuo ng pandaigdig na kapatiran ng mahabaging mga taong nakatitiyak na malapit nang magwakas ang kalupitan. (1 Pedro 2:17) Ang pasimuno ng kalupitan, si Satanas na Diyablo at ang sinumang tumutulad sa kaniya ay mawawala na. Ang ganitong “panahon na lipos ng kalupitan” gaya ng tawag dito ng isang manunulat, ay hindi na kailanman iiral. Bakit hindi ka makipag-ugnayan sa isa sa mga Saksi ni Jehova para malaman ang tungkol sa pag-asang ito?
[Mga talababa]
^ par. 16 Para sa masusing pagsasaalang-alang sa mga katangian at personalidad ng Diyos, tingnan ang aklat na Maging Malapít kay Jehova, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
^ par. 17 Binago ang ilang pangalan.
[Kahon sa pahina 6]
Kung Paano Haharapin ang Kalupitan
Ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng praktikal na payo kung paano haharapin ang kalupitan. Tingnan kung paano mo maikakapit ang sumusunod na matatalinong payo:
“Huwag mong sabihin: ‘Gaganti ako ng kasamaan!’ Umasa ka kay Jehova, at ililigtas ka niya.”—Kawikaan 20:22.
“Kung makakita ka ng anumang paniniil sa dukha at ng marahas na pag-aalis ng kahatulan at ng katuwiran . . . , huwag mong ikamangha ang pangyayari, sapagkat ang isa na nakatataas kaysa sa mataas ay nagmamasid.”—Eclesiastes 5:8.
“Maligaya ang mga mahinahong-loob, yamang mamanahin nila ang lupa.”—Mateo 5:5.
“Lahat ng mga bagay, kung gayon, na ibig ninyong gawin ng mga tao sa inyo, gayundin ang dapat ninyong gawin sa kanila.”—Mateo 7:12.
“Huwag gumanti kaninuman ng masama para sa masama. Maglaan ng mabubuting bagay sa paningin ng lahat ng tao. Kung posible, hangga’t nakasalalay sa inyo, makipagpayapaan kayo sa lahat ng tao. Huwag ipaghiganti ang inyong sarili, mga minamahal, kundi bigyan ninyo ng dako ang poot; sapagkat nasusulat: ‘Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ni Jehova.’”—Roma 12:17-19.
“Maging si Kristo ay nagdusa para sa inyo, na nag-iwan sa inyo ng huwaran upang maingat ninyong sundan ang kaniyang mga yapak. . . . Nang siya ay laitin, hindi siya nanlait bilang ganti. Nang siya ay magdusa, hindi siya nagbanta, kundi patuloy na ipinagkatiwala ang kaniyang sarili sa isa na humahatol nang matuwid.”—1 Pedro 2:21-23.
[Mga larawan sa pahina 7]
Tinuruan ni Jehova ang marami na iwaksi ang kalupitan