Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Kapansanan Pero Gustung-gustong Maglingkod

May Kapansanan Pero Gustung-gustong Maglingkod

May Kapansanan Pero Gustung-gustong Maglingkod

SA UNANG tingin, hindi mo iisiping nagtatrabaho si Leonardo sa konstruksiyon. Naputol ang kaniyang mga kamay dahil sa isang aksidente sa trabaho. Pero sa kabila ng kaniyang kapansanan, masipag pa ring gumagawa si Leonardo sa lugar ng konstruksiyon sa Acajutla, El Salvador, gaya ng makikita mo sa larawan.

Para makasama sa proyektong iyon, nagpasadya si Leonardo ng mga kagamitang siya mismo ang nagdisenyo. Isinusuksok niya ang kaniyang braso sa isang dulo ng pinasadyang pala at buong-husay niyang pinapala ang lupa at inilalagay ito sa kartilya. Siya na rin mismo ang nagtutulak sa pinasadya niyang kartilya. Ano ang nagpakilos sa kaniya na sumama sa proyektong ito?

Nais ni Leonardo na sumama sa pagtatayo ng isang Kingdom Hall, o dako ng pagsamba para sa lokal na kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova. Marami siyang dahilan para hindi sumama sa konstruksiyon. May hanapbuhay siya, may kapansanan siya, at naglilingkod na siya bilang ministeryal na lingkod sa kaniyang kongregasyon. Pero gusto rin niyang maglingkod sa Diyos sa abot ng kaniyang makakaya sa pamamagitan ng paggawa sa konstruksiyon.

Ganoon din ba ang espiritu mo sa paglilingkod sa Diyos? Sa halip na idahilan ang kaniyang kapansanan, ginamit ni Leonardo ang kaniyang talino sa pagdidisenyo ng kaniyang sariling kagamitan upang magawa niya ang mga trabahong hindi niya sana magagawa. Naglilingkod siya sa Diyos ‘nang kaniyang buong pag-iisip.’ (Mateo 22:37) May kapansanan man o wala, ang mga nagtatrabaho sa pagtatayo ng mga Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig ay may espiritu ng pagboboluntaryo. Ang kanilang mga pulong ay para sa lahat, at inaanyayahan kang dumalo rito.