Tulong Mula sa “Diyos na Naglalaan ng Pagbabata at Kaaliwan”
Tulong Mula sa “Diyos na Naglalaan ng Pagbabata at Kaaliwan”
MGA 2,000 taon na ang nakalilipas, inilarawan si Jehova ng manunulat ng Bibliya na si Pablo bilang ang “Diyos na naglalaan ng pagbabata at kaaliwan.” (Roma 15:5) Dahil tinitiyak sa atin ng Bibliya na si Jehova ay hindi nagbabago, makapagtitiwala tayo na nagbibigay pa rin ang Diyos ng kaaliwan sa mga naglilingkod sa kaniya. (Santiago 1:17) Sa katunayan, ipinakikita ng Bibliya na naglalaan si Jehova ng kaaliwan sa iba’t ibang paraan. Anu-ano ang ilan sa mga paraang ito? Nagbibigay ang Diyos ng lakas sa mga lumalapit sa kaniya sa panalangin upang humingi ng tulong. Pinakikilos din niya ang mga tunay na Kristiyano na magbigay ng kaaliwan sa mga kapananampalataya nila. At ipinasulat ni Jehova ang nakapagpapasiglang mga ulat sa kaniyang Salita, ang Bibliya, upang palakasin lalo na ang mga namimighati sa pagkamatay ng kanilang anak. Isa-isahin natin ang tatlong paraang ito.
“Dininig ni Jehova”
Ganito ang isinulat ni Haring David hinggil sa ating Maylalang, si Jehova: “Magtiwala kayo sa kaniya sa lahat ng panahon, O bayan. Sa harap niya ay ibuhos ninyo ang inyong puso. Ang Diyos ay kanlungan para sa atin.” (Awit 62:8) Bakit nagkaroon si David ng gayong pagtitiwala kay Jehova? Ganito ang isinulat ni David tungkol sa kaniyang sarili: “Ang napipighating ito ay tumawag, at dininig ni Jehova. At mula sa lahat ng kaniyang mga kabagabagan ay iniligtas Niya siya.” (Awit 34:6) Sa lahat ng mahihirap na kalagayang naranasan niya, palaging nananalangin si David sa Diyos para humingi ng tulong, at palagi naman siyang tinutulungan ni Jehova. Batid ni David mula sa kaniyang karanasan na aalalayan at tutulungan siya ng Diyos na makapagbata.
Dapat malaman ng namimighating mga magulang na aalalayan sila ni Jehova sa kanilang Awit 65:2) Ganito ang sinabi ni William, na sinipi sa naunang artikulo: “Maraming beses na parang hindi ko na kayang mabuhay pa nang wala ang aking anak, at hiniling ko kay Jehova na pagaanin ang aking kalooban. Palagi niya akong binibigyan ng lakas at tibay ng loob na mabuhay.” Kung mananalangin din kayo kay Jehova at mananampalataya sa kaniya, aalalayan kayo ng dakilang Diyos sa langit. Tutal, nangangako ang Diyos na Jehova sa mga nagsisikap maglingkod sa kaniya: “Ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa iyong kanang kamay, ang Isa na nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot. Ako ang tutulong sa iyo.’”—Isaias 41:13.
matinding kalungkutan, kagaya ng ginawa niya kay David. Makalalapit sila sa dakilang “Dumirinig ng panalangin,” anupat makapagtitiwalang tutulungan niya sila. (Tulong ng mga Tunay na Kaibigan
Ang mga nangungulila sa kanilang anak ay madalas na nangangailangan ng panahon para makapag-isa at makapag-isip-isip. Pero hindi makabubuti kung patatagalin nila ito. Ayon sa Kawikaan 18:1, ang “nagbubukod ng kaniyang sarili” ay maaaring mapahamak. Kaya huwag na huwag ninyong ibubukod ang inyong sarili.
Ang mga kaibigang may takot sa Diyos ay makapagbibigay ng mahalagang tulong sa mga nababagabag. Ganito ang sinasabi sa Kawikaan 17:17: “Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.” Naranasan ni Lucy, na binanggit sa naunang artikulo, ang kaaliwang ibinigay ng mga tunay na kaibigan nang mamatay ang kaniyang anak. Ganito ang sinabi niya tungkol sa kaniyang mga kaibigan sa kongregasyon: “Malaki ang naitulong ng kanilang mga pagdalaw, bagaman kung minsan ay hindi sila gaanong nagsasalita. Isang kaibigan ang dumadalaw sa akin noong mga araw na nag-iisa ako. Alam niyang nasa bahay ako at umiiyak, at madalas na pinupuntahan niya ako at nakikiiyak kasama ko. May isa pang tumatawag sa akin araw-araw para patibayin ako. Ang iba naman ay nag-aanyaya sa amin sa kanilang tahanan para kumain, at ginagawa pa rin nila ito hanggang ngayon.”
Bagaman hindi madaling mawala ang matinding kirot na nadarama ng mga magulang sa pagkamatay ng kanilang anak, ang pananalangin sa Diyos at pakikisama sa mga tunay na kaibigang Kristiyano ay magbibigay ng tunay na kaaliwan sa mga namimighati. Maraming Kristiyanong magulang na namatayan ng anak ang nakadamang Awit 147:3.
inaalalayan sila ni Jehova. Oo, “pinagagaling [ni Jehova] ang mga may pusong wasak, at tinatalian niya ang kanilang makikirot na bahagi.”—Mga Ulat ng Bibliya na Nakaaaliw
Bukod sa panalangin at nakapagpapatibay na mga kasama, ang nasusulat na Salita ng Diyos ay nagbibigay rin ng kaaliwan sa mga nagdadalamhati. Isinisiwalat ng mga ulat ng Bibliya na si Jesus ay may masidhing hangarin at may kakayahang alisin ang kirot ng nangungulilang mga magulang sa pamamagitan ng pagbuhay-muli sa mga patay. Tunay na nakaaaliw sa mga namimighati ang gayong mga ulat. Tingnan natin ang dalawang halimbawa nito.
Inilarawan sa Lucas kabanata 7 ang nangyari nang mákasalubong ni Jesus ang mga taong papunta sa isang libingan sa lunsod ng Nain. Ililibing nila ang kaisa-isang anak ng isang babaing balo. Ganito ang sinasabi sa talata 13: “Nang makita . . . ng Panginoon [ang babaing balo], siya ay nahabag sa kaniya, at sinabi niya sa kaniya: ‘Huwag ka nang tumangis.’”
Bakit kaya ito sinabi ni Jesus? Dahil alam niyang malapit nang mapawi ang lungkot ng babae. Nagpapatuloy ang ulat: “Lumapit [si Jesus] at hinipo ang langkayan, at ang mga tagapagdala ay huminto, at sinabi niya: ‘Binata, sinasabi ko sa iyo, Bumangon ka!’ At ang taong patay ay umupo at nagsimulang magsalita, at ibinigay niya siya sa kaniyang ina.” (Lucas 7:14, 15) Sa pagkakataong iyon, tiyak na muling napaiyak ang ina, pero luha na ito ng kagalakan.
Sa isa pang pagkakataon, nilapitan si Jesus ng isang lalaking nagngangalang Jairo, na humingi ng tulong para sa kaniyang 12-anyos na anak na babaing may malubhang karamdaman. Di-nagtagal Marcos 5:22-24, 35-43.
pagkatapos nito, napabalitang namatay na ang bata. Parang dinagukan sa dibdib si Jairo nang marinig niya ito, pero sinabi sa kaniya ni Jesus: “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.” Sa bahay ng pamilya, nilapitan ni Jesus ang patay na bata. Pagkahawak sa kamay nito, sinabi niya: “Dalagita, sinasabi ko sa iyo, Bumangon ka!” Ano ang nangyari? “Kaagad na bumangon ang dalagita at nagsimulang maglakad.” Ano ang naging reaksiyon ng kaniyang mga magulang? “Halos mawala sila sa kanilang sarili sa napakasidhing kagalakan.” Napakaligaya ni Jairo at ng kaniyang asawa nang mayakap nila ang kanilang anak. Para silang nananaginip lamang.—Ipinakikita ng gayong detalyadong mga ulat sa Bibliya hinggil sa pagkabuhay-muli ng mga bata kung ano ang maaasahan sa hinaharap ng namimighating mga magulang sa ngayon. Sinabi ni Jesus: “Ang oras ay dumarating na ang lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at lalabas.” (Juan 5:28, 29) Nilayon ni Jehova na buhaying muli ng kaniyang Anak ang mga namatay. Milyun-milyong batang namatay ang “makaririnig ng kaniyang tinig” kapag sinabi niya sa kanila: ‘Sinasabi ko sa inyo, Bumangon kayo!’ Makakasama at makakausap na muli ang mga batang ito. At gaya ni Jairo at ng kaniyang asawa, ang mga magulang ng mga batang iyon ay ‘mawawala sa kanilang sarili sa napakasidhing kagalakan.’
Kung namatayan kayo ng anak, alalahanin ninyong kayang palitan ni Jehova ng kagalakan ang inyong kalungkutan sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. Upang makinabang sa maluwalhating pag-asang ito, sundin ang payo ng salmista: “Saliksikin ninyo si Jehova at ang kaniyang lakas. Lagi ninyong hanapin ang kaniyang mukha. Alalahanin ninyo ang kaniyang mga kamangha-manghang gawa na kaniyang isinagawa, ang kaniyang mga himala.” (Awit 105:4, 5) Oo, maglingkod sa tunay na Diyos, si Jehova, at sambahin siya sa kaayaayang paraan.
Ano ang makakamit ninyo ngayon pa lamang kung ‘sasaliksikin ninyo si Jehova’? Magkakaroon kayo ng lakas sa pamamagitan ng pananalangin sa Diyos, maaaliw kayo sa maibiging pagmamalasakit ng tunay na mga kaibigang Kristiyano, at mapapatibay kayo sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Bukod diyan, sa malapit na hinaharap, mararanasan ninyo ang ‘mga kamangha-manghang gawa at mga himala’ na gagawin ni Jehova para sa inyong walang-hanggang kapakinabangan at sa inyong anak na namatay.
[Kahon sa pahina 5]
“Papuntahin Ninyo Rito ang Babaing Namatayan ng Dalawang Anak”
Namatay sa isang aksidente sa kotse ang dalawa sa apat na anak nina Kehinde at Bintu, mag-asawang taga-Nigeria at mga Saksi ni Jehova. Mula noon, dumanas na sila ng matinding kirot dahil sa trahedyang ito. Magkagayunman, pinalalakas sila ng kanilang pagtitiwala kay Jehova, at patuloy nilang ibinabahagi sa kanilang mga kapitbahay ang mensahe ng pag-asa mula sa Bibliya.
Napansin ng iba ang kapayapaan at katatagang ipinakikita nina Kehinde at Bintu. Minsan, sinabi ng isang babaing nagngangalang Mrs. Ukoli sa isang kaibigan ni Bintu: “Papuntahin ninyo rito ang babaing namatayan ng dalawang anak pero nangangaral pa rin ng mensahe ng Bibliya. Gusto kong malaman kung ano ang nagbibigay sa kaniya ng lakas para makapagbata.” Pagdating ni Bintu sa bahay ng babae, sinabi sa kaniya ni Mrs. Ukoli: “Gusto kong malaman kung bakit ipinangangaral mo pa rin ang Diyos na pumatay sa iyong mga anak. Kinuha ng Diyos ang kaisa-isa kong anak na babae. Mula noon, wala na akong pakialam sa Diyos.” Ginamit ni Bintu ang Bibliya upang ipaliwanag ang dahilan kung bakit namamatay ang mga tao at kung bakit makaaasa ang mga tao na bubuhaying muli ang kanilang mga mahal sa buhay.—Gawa 24:15; Roma 5:12.
Pagkatapos nito, sinabi ni Mrs. Ukoli: “Ang akala ko noon, kinukuha ng Diyos ang mga tao kaya sila namamatay. Alam ko na ngayon ang totoo.” Nagpasiya siyang makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova upang higit niyang matutuhan ang mga pangako ng Diyos.
[Kahon sa pahina 6]
‘Gusto Ko Sanang Tumulong, Pero Hindi Ko Alam Kung Paano’
Habang nakadarama ng matinding kalungkutan ang mga magulang at mga kapatid ng namatay na bata, maaaring mag-atubiling tumulong sa kanila ang kanilang mga kaibigan. Gusto sana nilang makatulong sa pamilya pero nangangamba silang baka may masabi o magawa silang magpapalubha lamang sa situwasyon. Narito ang ilang mungkahi para sa mga nagsasabing, ‘Gusto ko sanang tumulong, pero hindi ko alam kung paano.’
❖ Huwag mong iwasan ang nangungulila dahil lamang sa hindi mo alam kung ano ang iyong sasabihin o gagawin. Ang pagkanaroroon mo pa lamang ay nakapagpapatibay na sa kanila. Nahihirapan ka bang mag-isip ng sasabihin? Ang isang yakap at taimtim na pagsasabi ng, “Nakikiramay ako,” ay sapat na para malaman nilang nagmamalasakit ka. Nag-aalala ka bang baka lalo silang malungkot kung iiyak ka rin? Sinasabi ng Bibliya: “Makitangis sa mga taong tumatangis.” (Roma 12:15) Ipinakikita ng iyong mga luha na nakikiramay ka sa kanilang pagdadalamhati, at iyan ay nakaaaliw.
❖ Magkusa. Puwede ka bang maghanda ng simpleng pagkain para sa pamilya? Maaari mo bang hugasan ang maruruming pinggang naipon? Puwede mo ba silang tulungan sa iba pang mga gawain? Huwag mong sabihing, “Magsabi lang kayo kung ano ang kailangan ninyo.” Kahit na taimtim ito, ipinahihiwatig ng gayong mga pananalita sa maraming nangungulilang magulang na napakaabala mo para tulungan sila. Sa halip, tanungin sila, “Ano ang maitutulong ko sa inyo ngayon?” at pagkatapos ay gawin ang kanilang kahilingan. Pero huwag kang basta papasok sa kanilang mga kuwarto o manghihimasok sa kanilang buhay.
❖ Huwag sabihin, “Alam ko ang nadarama mo.” Iba-iba ang reaksiyon ng bawat tao sa kamatayan ng kanilang mahal sa buhay. Kahit namatayan ka rin ng anak, hindi mo alam ang eksaktong nadarama nila.
❖ Lilipas pa ang mahabang panahon bago magbalik sa dati ang buhay ng pamilya. Patuloy na tulungan sila hangga’t maaari. Sa unang mga araw o linggo, kadalasan nang inaasikasong mabuti ang nangungulilang pamilya, pero hindi ito dapat na sa umpisa lamang. Patuloy na alamin ang kanilang mga pangangailangan sa paglipas ng mga linggo at mga buwan. *
[Talababa]
^ par. 29 Para sa higit pang impormasyon kung paano tutulungan ang mga nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanilang anak, tingnan ang kabanatang “Papaano Makatutulong ang Iba?” sa pahina 20-4 ng brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
[Mga larawan sa pahina 7]
Ipinakikita ng mga ulat ng Bibliya na may kapangyarihan at pagnanais si Jesus na buhaying muli ang namatay na mga bata