Kung Bakit Malapit Nang Magwakas ang Lahat ng Pagdurusa
Kung Bakit Malapit Nang Magwakas ang Lahat ng Pagdurusa
“Ang Bato, sakdal ang kaniyang gawa.”—DEUTERONOMIO 32:4.
1, 2. (a) Bakit mo pinananabikan ang pag-asang mabuhay nang walang hanggan? (b) Ano ang nakahahadlang sa marami na maniwala sa Diyos na nangangako ng kamangha-manghang mga bagay sa hinaharap?
NATUTUWA ka ba kapag iniisip mo ang buhay sa Paraiso? Baka nakikini-kinita mong ginagalugad mo ang kamangha-manghang planetang ito at tinutuklas ang pagkarami-raming iba’t ibang buháy na nilalang. O baka iniisip mo ang kaligayahang madarama mo habang inaalagaan mo ang lupa kasama ng iba pa upang maging hardin ang buong daigdig. O baka iniisip mo ang mga talentong mapasusulong mo sa larangan ng sining, arkitektura, musika, o iba pang gawain na wala kang panahong gawin sa ngayon sa napakaabalang daigdig na ito. Alinman dito ang naiisip mo, pinananabikan mo ang pag-asang magkaroon ng tinatawag ng Bibliya na “tunay na buhay”—ang walang-hanggang buhay na nilayon ni Jehova para sa atin.—1 Timoteo 6:19.
2 Hindi ba’t napakalaking kagalakan at pribilehiyo na ibahagi sa iba ang ating pag-asang salig sa Bibliya? Pero marami ang hindi naniniwala sa pag-asang ito. Sinasabi nilang ilusyon lamang ito o pangarap ng mga taong madaling mapaniwala. At baka nga hindi sila naniniwalang may Diyos na mangangako ng buhay na walang hanggan sa Paraiso. Bakit? Para sa ilan, ang hadlang ay ang pag-iral ng kasamaan. Iniisip nila na kung may Diyos na makapangyarihan-sa-lahat at maibigin, wala sanang kasamaan at pagdurusa sa daigdig. Ikinakatuwiran nila na walang Diyos na kukunsinti sa kasamaan—o kung may Diyos man, tiyak na hindi siya makapangyarihan-sa-lahat o wala siyang pakialam sa atin. Para sa ilan, waring tama naman ang ganitong pangangatuwiran. Talagang eksperto si Satanas sa pagbulag sa isip ng tao.—2 Corinto 4:4.
3. Matutulungan natin ang mga tao na sagutin ang anong mahirap na tanong, at bakit tayo nasa kalagayang gawin ito?
3 Bilang mga Saksi ni Jehova, tayo ang nasa kalagayang tumulong sa mga taong nalinlang ni Satanas at ng karunungan ng sanlibutang ito. (1 Corinto 1:20; 3:19) Alam natin kung bakit marami ang hindi naniniwala sa mga pangako ng Bibliya. Hindi nila kilala si Jehova. Hindi nila alam ang kaniyang pangalan o ang kahulugan nito, at malamang na halos wala silang kaalam-alam sa kaniyang mga katangian o sa kakayahan niyang tumupad ng mga pangako. Pinagpala tayo dahil alam natin ang mga bagay na ito. Mabuting pag-isipan sa pana-panahon kung paano natin matutulungan ang mga taong “nasa kadiliman ang . . . isip” upang masagot ang isa sa pinakamahirap na tanong nila, “Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang kasamaan at pagdurusa?” (Efeso 4:18) Alamin muna natin kung ano ang mabisang paraan ng pagsagot. Saka natin talakayin kung paanong kitang-kita ang mga katangian ni Jehova sa ginawa niyang paraan upang wakasan ang kasamaan.
Paghanap ng Mabisang Paraan ng Pagsagot
4, 5. Ano muna ang kailangan nating gawin kapag may nagtatanong kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? Ipaliwanag.
4 Paano tayo sumasagot kapag may nagtatanong kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? Baka sagutin natin ito agad nang detalyado, at simulan natin ito sa nangyari sa hardin ng Eden. Puwede namang gawin ito sa ilang pagkakataon. Pero kailangan ding maging maingat. Baka kailangan muna tayong maglatag ng pundasyon. (Kawikaan 25:11; Colosas 4:6) Talakayin natin ang tatlong punto na magagamit natin para tulungan ang iba bago natin sagutin ang kanilang tanong.
5 Una, kung ang isang tao ay lubhang nababagabag dahil sa laganap na kasamaan sa daigdig, malamang na may nangyaring masama sa kaniya o sa kaniyang mahal sa buhay. Kung gayon, makabubuting magpakita muna tayo ng tunay na empatiya. Pinapayuhan ni apostol Pablo ang mga Kristiyano: “Makitangis sa mga taong tumatangis.” (Roma 12:15) Kapag nagpapakita tayo ng empatiya, o “pakikipagkapuwa-tao,” maaaring maantig ang ating kausap. (1 Pedro 3:8) Kapag nakita niyang nagmamalasakit tayo sa kaniya, mas malamang na makinig siya sa ating sasabihin.
6, 7. Bakit angkop na pasalamatan ang taong taimtim na nagbabangon ng maka-Kasulatang tanong na bumabagabag sa kaniya?
6 Ikalawa, pasalamatan natin ang ating kausap dahil sa kaniyang taimtim na tanong. Inaakala ng ilan na kapag nagtatanong sila ng ganito, wala silang pananampalataya o paggalang sa Diyos. Marahil ito ang sinasabi sa kanila ng lider ng kanilang simbahan. Pero hindi naman laging kawalan ng pananampalataya o paggalang sa Diyos ang gayong pagtatanong. Sa katunayan, nagtanong din ng ganito ang tapat na mga tao noong panahon ng Bibliya. Halimbawa, itinanong ng salmistang si David: “O Jehova, bakit ka laging nakatayo sa malayo? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan?” (Awit 10:1) Ganito rin ang tanong ng propetang si Habakuk: “O Jehova, hanggang kailan ako hihingi ng tulong, at hindi mo diringgin? Hanggang kailan ako hihingi sa iyo ng saklolo dahil sa karahasan, at hindi ka magliligtas? Bakit mo ipinakikita sa akin yaong nakasasakit, at patuloy kang tumitingin sa kabagabagan? At bakit nasa harap ko ang pananamsam at karahasan, at bakit may pag-aaway, at bakit may hidwaan?”—Habakuk 1:2, 3.
7 Napakalaki ng paggalang sa Diyos ng tapat na mga taong ito. Sinaway ba sila dahil nagbangon sila ng mga tanong na bumabagabag sa kanila? Sa kabaligtaran, ipinasulat pa nga ni Jehova sa kaniyang Salita ang kanilang taimtim na mga tanong. Sa ngayon, ang isang taong nababahala dahil sa laganap na kasamaan ay malamang na nauuhaw sa espirituwal—naghahanap ng sagot na sa Bibliya lamang masusumpungan. Tandaan, pinuri ni Jesus ang mga nauuhaw sa katotohanan, o ang mga “palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan.” (Mateo 5:3) Napakalaki ngang pribilehiyo na tulungan ang ganitong mga tao na masumpungan ang kaligayahang ipinangako ni Jesus!
8. Anu-anong nakalilitong turo ang naging dahilan upang maniwala ang mga tao na ang Diyos ang may kagagawan ng kasamaan, at paano natin sila matutulungan?
8 Ikatlo, baka kailangan nating tulungan ang ating kausap na maunawaang hindi ang Diyos ang may kagagawan ng kasamaang laganap sa ngayon sa daigdig. Itinuturo sa maraming tao na ang Diyos ang namamahala sa daigdig na kinabubuhayan natin, na matagal nang itinakda ng Diyos ang lahat ng mangyayari sa atin, at na mahirap unawain ang mga dahilan kung bakit niya pinagdurusa ang sangkatauhan. Mali ang mga turong ito. Nilalapastangan nito ang Diyos at pinalilitaw na siya ang may kagagawan ng kasamaan at pagdurusa sa daigdig. Kaya kailangan nating gamitin 2 Timoteo 3:16) Hindi si Jehova ang tagapamahala ng masamang sistemang ito ng mga bagay, kundi si Satanas na Diyablo. (1 Juan 5:19) Hindi itinatadhana ni Jehova ang mangyayari sa kaniyang matalinong mga nilalang; binibigyan niya ang bawat isa ng kalayaan at pagkakataong pumili sa pagitan ng mabuti at masama, ng tama at mali. (Deuteronomio 30:19) At hindi kailanman nagmumula kay Jehova ang kasamaan; napopoot siya sa kasamaan at nagmamalasakit sa mga nagdurusa dahil sa kawalan ng katarungan.—Job 34:10; Kawikaan 6:16-19; 1 Pedro 5:7.
ang Salita ng Diyos para ituwid ang maling mga turong ito. (9. Anu-anong publikasyon ang inilaan ng “tapat at maingat na alipin” upang tulungan ang mga tao na maunawaan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos na Jehova ang pagdurusa?
9 Kapag nailatag mo na ang pundasyong ito, baka handa nang makinig ang iyong kausap kung bakit pinahihintulutan ng Diyos na magpatuloy ang pagdurusa. Naglaan ang “tapat at maingat na alipin” ng maraming kapaki-pakinabang na publikasyon na magagamit mo. (Mateo 24:45-47) Halimbawa, noong 2005/06 “Makadiyos na Pagkamasunurin” na Pandistritong Kombensiyon, inilabas ang tract na Lahat ng Pagdurusa—Malapit Nang Magwakas! Pinasisigla ka naming maging pamilyar sa nilalaman nito. Sa katulad na paraan, isang kabanata ang tumatalakay sa mahalagang tanong na ito sa aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?, na makukuha na ngayon sa 157 wika. Laging gamitin ang mga publikasyong ito. Malinaw na ipinaliliwanag ng mga ito mula sa Bibliya kung paano bumangon sa Eden ang isyu hinggil sa pansansinukob na soberanya at kung bakit gayon ang paraan ni Jehova ng paglutas sa isyung ito. Tandaan din na habang tinatalakay mo ang paksang ito, itinuturo mo sa iyong kausap ang pinakamahalagang kaalaman—ang kaalaman tungkol kay Jehova at sa kaniyang kamangha-manghang mga katangian.
Ituon ang Pansin sa mga Katangian ni Jehova
10. Ano ang mahirap maunawaan ng marami tungkol sa pagpapahintulot ng Diyos sa kasamaan, at anong kaalaman ang makatutulong sa kanila?
10 Habang tinutulungan mo ang mga tao na Deuteronomio 32:4) Paano mo maitatampok ang mga katangiang ito habang sinasagot mo ang mga tanong na madalas ibangon tungkol sa isyung ito? Tingnan natin ang ilang halimbawa.
maunawaan kung bakit pinahihintulutan ni Jehova ang mga tao na pamahalaan ang kanilang sarili sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, sikaping akayin ang kanilang pansin sa kamangha-manghang mga katangian ni Jehova. Alam ng maraming tao na makapangyarihan ang Diyos; madalas nilang naririnig na tinatawag siyang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Pero baka hindi nila nauunawaan kung bakit ayaw niyang gamitin ang kaniyang napakalakas na kapangyarihan para wakasan agad ang kawalan ng katarungan at pagdurusa. Baka wala silang gaanong alam sa iba pang katangian ni Jehova, tulad ng kaniyang kabanalan, katarungan, karunungan, at pag-ibig. Ipinakikita ni Jehova ang mga katangiang ito sa timbang at sakdal na paraan. Kaya sinasabi ng Bibliya: “Sakdal ang kaniyang gawa.” (11, 12. (a) Bakit walang kapatawaran ang kasalanan nina Adan at Eva? (b) Bakit hindi pahihintulutan ni Jehova na manatili magpakailanman ang kasalanan?
11 Bakit hindi na lamang pinatawad ni Jehova sina Adan at Eva? Walang kapatawaran ang nagawa nilang kasalanan. Sakdal sina Adan at Eva pero sinadya nilang hindi kilalanin ang soberanya ni Jehova at sa halip ay sundin si Satanas. Hindi nakapagtataka kung bakit walang makikitang kahit katiting na pagsisisi sa mga rebelde. Gayunman, kapag itinatanong ng mga tao kung bakit hindi na lamang pinatawad ni Jehova ang mga rebelde, malamang na ang ibig nilang sabihin ay kung bakit hindi na lamang ibinaba ni Jehova ang kaniyang pamantayan at pinalampas ang kasalanan at paghihimagsik. Ang sagot ay may kinalaman sa katangiang likas kay Jehova—ang kaniyang kabanalan.—Exodo 28:36; 39:30.
12 Napakaraming ulit na itinatampok ng Bibliya ang kabanalan ni Jehova. Pero nakalulungkot na iilang indibiduwal lamang sa masamang daigdig na ito ang lubos na nakaiintindi sa katangian Niyang ito. Si Jehova ay malinis, dalisay, at walang bahid ng kasalanan. (Isaias 6:3; 59:2) Gumawa siya ng paraan para mabayaran at mapawi ang kasalanan, subalit hindi niya ito pahihintulutang manatili magpakailanman. Kung pahihintulutan ni Jehova ang kasalanan habang-panahon, wala tayong magiging pag-asa sa hinaharap. (Kawikaan 14:12) Sa kaniyang takdang panahon, ibabalik ni Jehova sa kabanalan ang lahat ng nilalang. Tiyak na mangyayari ito, sapagkat kalooban ito ng Isa na Banal.
13, 14. Bakit ipinasiya ni Jehova na huwag puksain ang mga rebelde sa Eden?
13 Bakit hindi na lamang pinuksa ni Jehova ang mga rebelde sa Eden at nagsimula na lamang muli? May kapangyarihan siyang gawin ito; malapit na niyang gamitin ang kapangyarihang ito upang puksain ang lahat ng masasama. Baka isipin ng ilan, ‘Bakit hindi niya ito ginawa noong tatlo pa lamang ang makasalanan sa buong uniberso? Hindi kaya naiwasan sana ang paglaganap ng kasalanan at ang lahat ng pagdurusang dinaranas ng daigdig?’ Bakit nga ba hindi ito ang ginawa ni Jehova? Ganito ang sabi ng Deuteronomio 32:4: “Ang lahat ng kaniyang mga daan ay katarungan.” Mahigpit ang panghahawakan ni Jehova sa katarungan. Sa katunayan, “si Jehova ay maibigin sa katarungan.” (Awit 37:28) Dahil maibigin siya sa katarungan, hindi pinuksa ni Jehova ang mga rebelde sa Eden. Bakit?
14 Ang paghihimagsik ni Satanas ay kumuwestiyon sa pagiging matuwid ng pamamahala ng Diyos. Yamang makatarungan si Jehova, kailangan niyang magbigay ng makatarungang sagot sa hamon ni Satanas. Hindi magiging makatarungan kung pupuksain agad ang mga rebelde bagaman karapat-dapat sila sa hatol na ito. Mapatutunayan nito na pinakamakapangyarihan si Jehova, pero hindi naman kapangyarihan niya ang isyu. Bukod dito, inihayag na ni Jehova kina Adan at Eva ang kaniyang layunin. Magkakaanak sila at pupunuin nila ang lupa, susupilin ito, at magkakaroon sila ng kapamahalaan sa lahat ng nilalang sa lupa. (Genesis 1:28) Kung pinuksa agad ni Jehova sina Adan at Eva, hindi matutupad ang kaniyang inihayag na layunin para sa mga tao. Yamang makatarungan si Jehova, hindi niya ito pahihintulutang mangyari sapagkat laging natutupad ang kaniyang layunin.—Isaias 55:10, 11.
15, 16. Kapag nagmumungkahi ang mga tao ng sarili nilang “solusyon” sa hamong ibinangon sa Eden, paano natin sila matutulungan?
15 Mayroon bang sinuman sa uniberso na mas marunong pa kaysa kay Jehova pagdating sa paglutas Roma 11:25; 16:25-27.
sa paghihimagsik na naganap sa Eden? Baka magmungkahi ang ilan ng sarili nilang mga “solusyon” sa nangyaring paghihimagsik sa Eden. Pero kapag ginagawa nila ito, hindi kaya pinalalabas nila na kaya nilang mag-isip ng mas mabuting paraan ng paglutas sa isyu? Baka hindi naman masama ang motibo nila sa paggawa nito; wala nga lamang silang sapat na kaalaman tungkol kay Jehova at sa kaniyang kamangha-manghang karunungan. Noong sumulat si apostol Pablo sa mga Kristiyano sa Roma, tinalakay niya nang husto ang karunungan ng Diyos, pati na ang “sagradong lihim” tungkol sa layunin ni Jehova na gamitin ang Mesiyanikong Kaharian para tubusin ang tapat na sangkatauhan at pabanalin ang Kaniyang banal na pangalan. Ano ang nadama ni Pablo hinggil sa karunungan ng Diyos na naglayon nito? Tinapos ng apostol ang kaniyang sulat sa mga salitang ito: “Mapasa-Diyos nawa, na tanging marunong, ang kaluwalhatian sa pamamagitan ni Jesu-Kristo magpakailanman. Amen.”—16 Naunawaan ni Pablo na si Jehova ang “tanging marunong”—ang pinakamarunong sa buong uniberso. Mayroon bang di-sakdal na tao na makapag-iisip ng mas mabuting paraan ng paglutas sa pinakamalaking hamon sa karunungan ng Diyos—samantalang hindi nga sila makaisip ng mas mabuting solusyon sa anumang problema? Kung gayon, kailangan nating tulungan ang mga tao na magkaroon din ng pagpipitagan na gaya ng nadarama natin para sa Diyos na “marunong sa puso.” (Job 9:4) Habang nauunawaan natin ang karunungan ni Jehova, lalo tayong magtitiwala na wala nang hihigit pa sa paraan ni Jehova ng paglutas sa mga bagay-bagay.—Kawikaan 3:5, 6.
Pagkilala sa Papel na Ginagampanan ng Pangunahing Katangian ni Jehova
17. Kapag binabagabag ang isa dahil sa pagpapahintulot ng Diyos sa pagdurusa, paano makatutulong ang higit na kaunawaan sa pag-ibig ni Jehova?
17 “Ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Tinukoy ng kapansin-pansing mga salitang ito sa Bibliya ang pangunahing katangian ni Jehova, ang katangiang pinakakaakit-akit at ang pinakanakaaaliw para sa mga nababagabag dahil sa laganap na kasamaan. Ipinakikita ni Jehova ang pag-ibig sa lahat ng ginagawa niya para pawiin ang kalunus-lunos na epekto ng kasalanan sa mga nilalang niya. Pag-ibig ang nagpakilos kay Jehova na bigyan ng pag-asa ang makasalanang supling nina Adan at Eva, at maglaan ng paraan upang makalapit sila sa Kaniya at magkaroon ng mabuting kaugnayan sa Kaniya. Pag-ibig ang nagpakilos sa Diyos na maglaan ng pantubos na magbubukas ng daan para lubusang mapatawad ang kanilang kasalanan at maibalik sila sa sakdal na buhay na walang hanggan. (Juan 3:16) At dahil sa pag-ibig, naging matiisin siya sa sangkatauhan, at binigyan niya ng pagkakataon ang lahat ng tao hangga’t maaari upang salansangin si Satanas at piliin si Jehova bilang kanilang Soberano.—2 Pedro 3:9.
18. Anong kaunawaan ang isang pagpapala sa atin, at ano ang tatalakayin natin sa susunod na artikulo?
18 Nang magsalita ang isang pastor sa mga nagkatipon sa anibersaryo ng kahila-hilakbot na pagsalakay ng mga terorista, sinabi niya: “Hindi natin alam ang dahilan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos na magpatuloy ang kasamaan at pagdurusa.” Napakalungkot nga! Hindi ba’t pinagpala tayo dahil may kaunawaan tayo sa paksang ito? (Deuteronomio 29:29) At yamang marunong, makatarungan, at maibigin si Jehova, alam nating malapit na niyang wakasan ang lahat ng pagdurusa. Sa katunayan, nangako siyang gagawin niya ito. (Apocalipsis 21:3, 4) Pero paano naman ang mga namatay na nitong nagdaang mga siglo? May pag-asa bang inilaan sa kanila si Jehova nang gumawa siya ng paraan upang lutasin ang isyu na ibinangon sa Eden? Oo. Pinakilos siya ng pag-ibig na bigyan din sila ng pag-asa sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. Iyan ang paksa ng susunod na artikulo.
Paano Mo Sasagutin?
• Ano ang maaari nating sabihin sa isang taong nagtatanong kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa?
• Paano nakikita ang kabanalan at katarungan ni Jehova sa paraan ng paglutas niya sa nangyaring paghihimagsik sa Eden?
• Bakit dapat nating tulungan ang mga tao na higit na maunawaan ang pag-ibig ni Jehova?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 21]
Sikaping tulungan ang mga nababagabag dahil sa pagdurusa sa daigdig
[Mga larawan sa pahina 23]
Taimtim na nagtanong sa Diyos ang tapat na sina David at Habakuk