May Pag-asa sa Daigdig na Lipos ng Kapighatian
May Pag-asa sa Daigdig na Lipos ng Kapighatian
“NGAYON higit kailanman, mas malaki ang nagagawa ng ordinaryong mga mamamayan para sa kabutihan ng nakararami at para lutasin ang karaniwang mga problema.” Ito ang sinabi ng dating presidente ng Estados Unidos na si Bill Clinton sa isang komperensiya sa Ottawa, Canada, noong Marso 2006. Sa kaniyang konklusyon, binanggit niya na naging kalakaran na ang kagandahang-loob sa iba’t ibang bansa sa buong daigdig mula nang maganap ang tsunami noong 2004, at may-pag-asam niyang idinagdag na dumedepende na ngayon nang husto ang mga tao sa isa’t isa sa buong daigdig.
Maaasahan ba natin na dahil sa mga kalamidad ay magsisikap na ang mga tao sa lahat ng dako para magkaroon ng mas magandang kinabukasan? Yamang dumedepende na ngayon nang husto ang mga tao sa isa’t isa sa buong daigdig, matibay ba itong saligan para umasa na magkakaroon na ng tunay na kapayapaan at permanenteng katiwasayan sa hinaharap?
Ang Pinagmumulan ng Tunay na Pag-asa
Sa buong kasaysayan, makikita na sa kabila ng pagsisikap ng sangkatauhan Awit 146:3) Kung aasa lamang tayo sa mga organisasyon sa daigdig, sa mga materyal na bagay nito, at sa mga mithiin nito, mabibigo lamang tayo. Bakit? Sapagkat “ang sanlibutan ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito.”—1 Juan 2:17.
sa loob ng mahigit anim na libong taon, paulit-ulit na nabibigo ang mga tao sa inaasahan nila sa isa’t isa. Kaya makatuwiran ang ipinapayo sa atin ng Salita ng Diyos: “Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga taong mahal, ni sa anak man ng makalupang tao, na sa kaniya ay walang pagliligtas.” (Subalit sa loob ng maraming siglo, ang Diyos ang talagang inaasahan ng matuwid na mga tao at hindi niya sila binibigo. Tinatawag siya ng Bibliya na “pag-asa ng [sinaunang] Israel” at “pag-asa ng . . . mga ninuno [ng Israel],” at maraming mababasa rito tungkol sa pag-asa, pagtitiwala, at pananalig sa kaniya. (Jeremias 14:8; 17:13; 50:7) Oo, pinasisigla tayo ng Kasulatan na “umasa . . . kay Jehova.”—Awit 27:14.
Hinihimok tayo ng Kawikaan 3:5, 6: “Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa. Sa lahat ng iyong mga lakad ay isaalang-alang mo siya, at siya mismo ang magtutuwid ng iyong mga landas.” May dahilan ka para lubos na magtiwala sa pangakong ito sapagkat ang Diyos na Jehova ay di-nagbabago, maaasahan, at tapat sa kaniyang salita. (Malakias 3:6; Santiago 1:17) Wala siyang hangad kundi ang pinakamabuti para sa iyo, at kung lagi mong susundin ang sinasabi ng kaniyang Salita, ang Bibliya, aakayin ka nito para mapagtagumpayan ang nakatatakot na panahong ito.—Isaias 48:17, 18.
Makaaasa sa pangakong ito ang isang taong buong-pusong sumusunod sa patnubay ng Diyos: “Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo. Huwag kang luminga-linga, sapagkat ako ang iyong Diyos. Patitibayin kita. Talagang tutulungan kita. Talagang aalalayan kitang mabuti sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng katuwiran.” (Isaias 41:10) Ang marubdob na pananalangin at ang pagbubulay-bulay sa katiyakang ito ay talagang nakaaaliw sa lahat ng umiibig sa Diyos na Jehova, sapagkat tumutulong ito sa kanila na makayanan ang mahihirap na kalagayan at kabalisahan.
Isaalang-alang si Andrea, isang Saksi ni Jehova at may dalawang anak. Sinabi niya: “Sa mga panahong may problema ako, nagkakaroon lamang ako ng lakas sa pamamagitan ng pananalangin at pagbubulay-bulay sa mga pangako ni Jehova. Napapanatag lamang ako kapag lagi akong umaasa kay Jehova.”
Patibayin ang Iyong Pag-asa kay Jehova
Itinampok ng isang salmista ang kahalagahan ng paglalagak ng pag-asa kay Jehova nang sabihin niya: “Ang saganang kapayapaan ay nauukol sa mga umiibig sa iyong kautusan, at sa kanila ay walang katitisuran.” (Awit 119:165) Malaki ang maitutulong ng dibdibang pag-aaral ng Salita ng Diyos upang mapuno ang iyong isip at puso ng ‘mga bagay na totoo, seryosong pag-isipan, matuwid, malinis, kaibig-ibig, may mabuting ulat, may kagalingan, at kapuri-puri.’ Mapatitibay nito ang iyong kaugnayan sa Diyos at magkakaroon ito ng mabuting epekto sa iyo. Kung pagsisikapan mong pakinggan, pag-aralan, tanggapin, at isagawa ang mga bagay na ito, ‘ang Diyos ng kapayapaan ay sasaiyo.’—Filipos 4:8, 9.
Ganito ang sabi ni John mula sa kaniyang mahabang karanasan: “Upang maging positibo ako tungkol sa hinaharap, kinailangan kong gumawa ng malaking pagbabago sa aking pagkatao at pag-iisip bago ako magkaroon ng kaugnayan sa sakdal at di-nakikitang Diyos. At ang tanging paraan para mangyari iyan ay ang maging espirituwal na tao ako. Nangangahulugan ito ng pagtulad sa paraan ng pag-iisip ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabasa at pagbubulay-bulay sa kaniyang Salita.”
Ang pag-inom ng nakarerepresko at nagbibigay-buhay na tubig ng katotohanan na nasa Salita ng Diyos ay isang subok at mabisang pangontra sa walang-katapusang daluyong ng masasamang bagay na inihaharap ng media araw-araw. Kung ikakapit mo ang sinasabi ng Bibliya, mapatitibay mo ang buklod ng inyong pamilya at mababawasan ang iyong kabalisahan. Bukod dito, nangangako ang Diyos na handa siyang “ipakita ang kaniyang lakas alang-alang sa mga may pusong sakdal sa kaniya.” (2 Cronica 16:9) Kikilos siya upang pawiin ang lahat ng iyong ikinatatakot.
Ito ang sinabi ni Phinehas na nakaranas ng digmaan at nakasaksi ng lansakang mga pagpatay: “Natutuhan kong ipaubaya ang aking buhay sa mapagkalingang kamay ni Jehova. Naiwasan ko ang maraming problema dahil sa pagsunod sa Awit 18:29) Ang isang anak na malapít sa kaniyang mga magulang ay tiwalang-tiwala sa kanila at panatag na panatag sa kanilang piling kahit na may sakit o problema siya. Ganiyang-ganiyan din ang madarama mo kung tatanggapin mo ang paanyayang umasa kay Jehova.—Awit 37:34.
mga simulain ng Bibliya.” Kung talagang magtitiwala ka sa Diyos na Jehova, matutulungan ka niyang makayanan ang gabundok na mga problema. (Matatag na Saligan ng Pag-asa
Sinabi ni Jesu-Kristo sa kaniyang mga tagasunod: “Manalangin kayo . . . sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit, pakabanalin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.’” (Mateo 6:9, 10) Ang makalangit na Kahariang iyan—isang pamahalaan sa kamay ni Jesu-Kristo—ang paraan ng Diyos para ipakita ang Kaniyang matuwid na soberanya sa lupa.—Awit 2:7-12; Daniel 7:13, 14.
Dahil maraming ikinatatakot ang mga tao na nakaaapekto sa bawat bahagi ng kanilang buhay, maliwanag na kailangan ang tulong ng Diyos. Nakatutuwa naman at malapit nang ipagkaloob ng Diyos ang tulong na iyan! Si Jesu-Kristo, na iniluklok na ngayon ng Diyos bilang Mesiyanikong Hari, ay binigyan ng awtoridad na ipagbangong-puri ang soberanya ni Jehova at pabanalin ang Kaniyang pangalan. (Mateo 28:18) Hindi na magtatagal at aalisin na ng Kaharian ang lahat ng ikinatatakot at ikinababalisa ng tao sa lupa. Sa Isaias 9:6, binabanggit ang mga kredensiyal ni Jesus na nagpapakitang karapat-dapat siyang Tagapamahala na makapagpapalaya sa atin mula sa takot. Halimbawa, tinatawag siyang “Walang-hanggang Ama,” “Kamangha-manghang Tagapayo,” at “Prinsipe ng Kapayapaan.”
Isaalang-alang ang magiliw na pananalitang “Walang-hanggang Ama.” Bilang “Walang-hanggang Ama,” si Jesus ay may kapangyarihan at awtoridad—gayundin ng pagnanais—na bigyan ang masunuring mga tao ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan sa lupa sa bisa ng kaniyang haing pantubos. Nangangahulugan ito na mapalalaya na sila sa wakas sa kasalanan at di-kasakdalang minana nila sa unang makasalanang tao, si Adan. (Mateo 20:28; Roma 5:12; 6:23) Gagamitin din ni Kristo ang awtoridad na ibinigay ng Diyos sa kaniya para buhaying muli ang maraming taong namatay na.—Juan 11:25, 26.
Noong nasa lupa si Jesus, isa siyang “Kamangha-manghang Tagapayo.” Dahil sa kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at sa malalim na unawa sa likas na katangian ng tao, alam ni Jesus kung paano lulutasin ang pang-araw-araw na mga problema sa buhay. Mula nang iluklok si Kristo sa langit, patuloy siya sa kaniyang papel bilang “Kamangha-manghang Tagapayo,” ang pangunahing ginagamit ni Jehova para makipagtalastasan sa sangkatauhan. Ang payo ni Jesus, na nakaulat sa Bibliya, ay laging matalino at walang kapintasan. Ang pagkabatid at pagtanggap sa kaniyang payo ay magpapalaya sa iyo sa kawalang-katiyakan at sa nakapanghihinang takot.
Sa Isaias 9:6, tinatawag din si Jesus na “Prinsipe ng Kapayapaan.” Sa kaniyang papel na iyan, malapit nang gamitin ni Kristo ang kaniyang kapangyarihan para alisin ang lahat ng di-pagkakapantay-pantay dahil sa pulitika, katayuan sa lipunan, at kalagayan sa buhay. Paano? Isasailalim niya ang sangkatauhan sa mapayapang pamamahala ng Mesiyanikong Kaharian.—Daniel 2:44.
Sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian, mamamalagi ang kapayapaan sa buong lupa. Bakit ka makatitiyak na magkakatotoo ito? Ang dahilan ay isinisiwalat sa Isaias 11:9, kung saan mababasa natin: “Hindi sila [ang mga sakop ng Kaharian] mananakit o maninira man sa aking buong banal na bundok; sapagkat ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.” Sa dakong huli, ang bawat tao sa lupa ay magkakaroon ng tumpak na kaalaman tungkol sa Diyos at magiging masunurin sa kaniya. Hindi ba’t nakagagalak ang pag-asang iyan? Kung gayon, kumuha ka kaagad ng mahalagang “kaalaman kay Jehova.”
Maaari kang magkaroon ng nakapagpapatibay-pananampalataya at nakapagbibigay-buhay na kaalaman hinggil sa Diyos kung susuriin mo kung ano talaga ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa mga pangyayari sa ating panahon at sa magandang hinaharap na ipinangangako ng Bibliya. Kaya pinasisigla ka naming tumanggap ng libreng pag-aaral sa Bibliya na iniaalok ng mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar. Isang paraan ito upang mapanatag ka at magkaroon ng tunay na pag-asa sa isang daigdig na lipos ng kapighatian.
[Kahon/Mga larawan sa pahina 7]
Kung Bakit Maaasahan ang Pamamahala ng Kaharian
Si Jesu-Kristo, bilang Hari ng Kaharian ng Diyos, ay binigyan ng kakayahan at karapatang pamahalaan ang buong uniberso. (Mateo 28:18) Ibabalik niya sa sakdal na pagkakabalanse ang ekolohiya ng lupa. Gagapiin din niya ang sakit. Ang makapangyarihang mga himala na ginawa ni Jesus sa lupa ay mga halimbawa ng higit na mga pagpapalang darating sa ilalim ng kaniyang pamamahala bilang sakdal at maaasahang Hari. Aling katangian ng Mesiyanikong Hari na nasa ibaba ang pinakakaakit-akit sa iyo?
▪ Madaling lapitan.—Marcos 10:13-16.
▪ Makatuwiran at walang kinikilingan.—Marcos 10:35-45.
▪ Responsable at di-makasarili.—Mateo 4:5-7; Lucas 6:19.
▪ Matuwid at makatarungan.—Isaias 11:3-5; Juan 5:30; 8:16.
▪ Maalalahanin, makonsiderasyon, at mapagpakumbaba.—Juan 13:3-15.
[Larawan sa pahina 4]
Ang pagbabasa ng Bibliya at pagbubulay-bulay rito ay makatutulong sa atin na umasa kay Jehova