Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Kilala Mo ba ang Diyos sa Pangalan?”

“Kilala Mo ba ang Diyos sa Pangalan?”

“Kilala Mo ba ang Diyos sa Pangalan?”

ANG tanong na iyan ang pumukaw sa interes ng isang babaing nakatira sa timog-kanlurang bahagi ng Sentral Asia. Mababasa ang tanong na iyan sa pabalat ng Enero 22, 2004, isyu ng Gumising!, ang kasamang magasin ng Bantayan. Ganito ang isinulat ng babae sa mga tagapaglathala nito: “Nagandahan agad ako sa inyong babasahin, at tinulungan ako nito na magtuon ng pansin sa maiinam na prinsipyo sa buhay. Nagiging mas positibo ako sa aking pananaw sa buhay. Sinasabi ko sa iba ang tungkol sa ating Diyos at sa kapayapaang idinudulot ng kaalamang ito.”

Sa maraming lugar, sa katunayan “sa pinakamalayong bahagi ng lupa,” nakikilala na ng mga tao ang pangalan ng Diyos na Jehova. (Gawa 1:8) Halimbawa, ang pangalang ito sa wikang Turkmen, Yehowa, ay madaling masusumpungan sa salin ng Banal na Kasulatan sa wikang Turkmen. Ganito ang mababasa sa Awit 8:1: “Jehova na aming Panginoon, pagkaringal ng iyong pangalan sa buong lupa!”

Upang higit na matuto hinggil sa Diyos na Jehova, humiling ang babae ng isang kopya ng 32-pahinang brosyur na Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman. Maaari ka ring humiling ng brosyur na ito sa mga Saksi ni Jehova.