Mahalagang mga Aral Para sa mga Kabataan
Mahalagang mga Aral Para sa mga Kabataan
SI Gladys ay nagtatrabaho sa isang paaralan sa Mendoza, Argentina. Isang araw, napadaan siya sa isang silid-aralan at napansin niyang binabasa ng isang guro sa kaniyang mga estudyanteng nasa ikaapat na grado Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. * Nagpakilala si Gladys sa guro na isa siyang Saksi ni Jehova at sinabi niya kung paano higit na mapapakinabangan ng guro ang aklat. Palibhasa’y humanga sa paliwanag ni Gladys, ninais ng guro na isama sa kurikulum ng paaralan ang pagtalakay sa aklat. Subalit kinailangan muna niyang humingi ng pahintulot mula sa pangasiwaan ng paaralan. Tuwang-tuwa siya nang payagan ito.
Nang maglaon, sa isang-araw na programa ng paaralan para mapasigla ang pagbabasa ng aklat, inatasan ng guro ang kaniyang mga estudyante na magbasa ng isang kabanata ng aklat sa harap ng kanilang mga kaeskuwela. Dahil maganda ang naging resulta nito, inanyayahan ang guro na maging panauhin sa isang programa sa telebisyon sa kanilang lugar. Nang banggitin ang tungkol sa paggawi ng mga mag-aaral, tinanong siya ng host ng programa, “Paano mo napapatahimik ang mga bata sa iyong klase?” Ipinaliwanag ng guro na ginagamit niya ang publikasyong Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Sinabi niya na bagaman hindi siya nagtuturo ng relihiyon sa kaniyang klase, ginagamit niya ang aklat upang ikintal ang mga pamantayang moral gaya ng paggalang, pagtitiis, pagkakaisa, pagtutulungan, pagsunod, at pag-ibig. Sumang-ayon ang lahat na dapat matutuhan ng mga kabataan ang mahalagang mga aral na ito.
Nais mo bang ikintal ang gayong mga pamantayan sa iyong mga anak? Maaari mong hilingin sa isang Saksi ni Jehova na bigyan ka ng kopya ng magandang publikasyong Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.
[Talababa]
^ par. 2 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.